webnovel

Chapter 43

"Welcome back, Zack!" Sabay yumakap ito sa kaniya at tinapik ang balikat niya. "Wow! I can't believe this! You can…"

"Yeah." Sabay iniabot niya ang wine glass dito. "Cheers!"

"God! Look what science could do to your legs!" 

Napangiti siya. Halos hindi makapaniwala si Raven sa mga nakikita nito sa kaniya ngayon habang pinasadahan siya nito. 

Two months ago, he left Manila and went to States for bone surgery. He stayed for two months there, and it was a successful operation. His previous doctor had wrong findings about his condition, and with the help of an orthopedic expert, he's now totally recovered and can walk with his two legs. He is not crippled anymore and no more devil chair. Umupo siya sa couch habang nakade-kwatro at bitbit ang wine glass na may kalahating laman.

"So, what's your plan?" Raven asked him.

"Well, I'm done with the break, and I want to try my legs with less extreme adventure."

"Like what? Mangabayo sa Tagaytay o sa resthouse ko sa Batangas?"

"Anywhere." Sabay uminom siya ng kaunting laman sa basong hawak niya. 

"All right." Inilapag nito ang baso sa center table. "I found her."

"Huh?" Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. 

"Nakalimutan mo na siya? I said, I found her."

"Zairah?" kunot-noong tanong niya kay Raven.

"Yeah. And you will shock that she's your employee and AVIZA Land in Pasay."

Napaayos siya nang upo saka niya inilapag ang baso sa center table. Nagkaroon agad siya ng interes sa sinabi ni Raven sa kaniya. 

"I guess, she doesn't know that you own that company aside from Acosta Land. She's working under Kaiser Arevalo as an architect assistant." May kinuha ito sa tabi. "And try to look at this pictures. Magugulat ka kapag nalaman mo kung ano ang status niya ngayon." Iniabot nito sa kaniyang ang mga larawan.

Bahagyang kinabahan si Zack sa mga sinabi sa kaniya ni Raven. Dalawang buwan na rin niyang pinapahanap si Zairah at tila nabunutan siya ng tinik nang malaman niyang natagpuan na ito. And the worst thing, she's working under his premises. 

Kinuha niya ang mga larawan at isa-isa itong tinitingnan. She is still more beautiful than ever! Iyon agad ang nasa isip niya nang makita ito sa mga larawan ngunit napakunot ang noo niya nang makita itong pumasok sa isang drugstore. Napansin din niya ang binili nitong pregnancy test na nakuhanan pa ng taong na-hired nila sa paghahanap at pagsubaybay dito. Nakita din niyang nagtungo ito sa isang maternity clinic na may kasamang isang babae. 

"And this result would really blow up your mind."

Napatingin naman siya sa ini-abot nito. Marahan niya itong kinuha at binasa ang nakasulat doon. 

He closed his eyes and opened them after thinking he was not dreaming. He couldn't believe that the miracles would bless them, and the pleasure he felt now was heaven. He will become a father soon. 

Mabilis siyang napatayo at tinungo ang office table niya upang kunin ang kaniyang cell phone at wallet. Pagbalik niya ay nakatayo na si Raven at tila nahihiwagaan sa gagawin niya. 

"Where are you going, Zack?" Raven asked him with his forehead wrinkled. 

"I need to see her."

"What?" Napailing ito. "Look, it's not meant that you can walk and you can do what you want. She's pregnant, Zack. At kung gusto mo siyang makita ay huwag sa ganitong sitwasyon. Gusto mo ba siyang ma-stress? Let's make a plan how would you end up together again. Para kang susugod sa giyera na wala ka man lang bala. Malaki ang naging epekto sa kaniya nang umalis siya rito at pinagsalitaan mo pa nang masama iyong tao."

"Okay. Tell me what to do."

"Naturingan kang Summa Cum Laude sa Stanford pero ang hina mo pagdating kay Zairah."

"Okay, I accept that. Huwag mo ng ulitin at baka kaladkarin kita palabas ng bahay ko." 

"Kailangan mo pa ako at hindi mo magagawa iyon. Maupo ka," utos nito. 

Wala siyang nagawa kung 'di ang umupo muli sa couch. Inilapag naman niya roon ang result ng check up ni Zairah, cell phone at wallet niya. 

"I set a welcome back party for you and already invited your real state business employees and clients at Raffles, Makati."

"Then…"

"Damn. Diskarte mo na iyan, Zack. Kung hindi ka kikilos sa gagawin mo, aakuin ko iyong bata."

"Is that a threat?"

"No. I was telling you this because I still care for her. Pero alam kong hindi pwede."

"Mabuti naman at ayokong may karibal."

"Bigyan mo siya ng bulaklak. Gustong-gusto niya ang mga red roses. Ligawan mo na rin siya kung kinakailangan at huwag mong daanin sa dahas. Baka ibang dahas na naman ang gagawin mo at baka makasama sa dinadala niya."

"And then…"

"And make a proposal. Teka⸻" Natigilan ito. "Parang ako pa rin ang nag-isip sa diskarte mo."

Napangiti siya. "I like your idea, Raven. Matinik ka talaga pagdating sa diskarte sa babae."

"Ikaw lang itong mahina pero lapitin din sa mga babae lalo na ngayon at nakakalakad ka na."

"Isa lang ang babaeng gusto ko."

"Then fight for her. Baka magising ka na lang na wala na ang mga-ina mo at may kapiling ng iba."

"What do you mean?"

"Maganda si Zairah. Malamang may mga architect kang magkakagusto sa kaniya. Lalo na ngayon na binata si Kaiser Arevalo at top one architect sa AVIZA Land mo." Halatang nang-aasar ito sa kaniya saka nito pinagsalikop ang mga braso sa dibdib. 

Kinuha niya ang maliit na unan sa couch saka niya itinapon kay Raven sabay sabi nang, "Siraulo ka talaga!"

Pumalatak ito nang tawa habang nasalo ang unan. "I'm just kidding! Seloso ka kaagad."

"No one would touch her."

"Sige na. Hindi na ako makikipagbiruan sa'yo. By the way, congrats and you made it."

"Thanks. Ihanda mo na ang pakimkim mo at gusto ko ay milyones ang halaga."

"Tsupon muna saka na ang ibibigay ko."

Napailing na lang siya saka niya inubos ang laman ng kaniyang baso. Masaya ang puso niya at sa wakas ay hindi rin sila nabigo ngunit kailangan pa niyang makuha ang loob ni Zairah dahil alam niyang galit ito sa kaniya. 

次の章へ