webnovel

Chapter 14

Napahinto naman sa pagsasalita si Isagani at tinitigan muna ang dalaga. 

"Lahat ng nilalang, sa kaliwa man o sa kanan ay walang magagawa kundi ang sumailalim sa kapangyarihan ng bagong itinakda, dahil ang sino mang tumutol, kamatayan ang ihahatol. Yan ang mga salitang binitawan ng lamang-lupa bago ito mawalan ng buhay." wika ni Isagani.

Saglit na natigilan si Mina at di lumaon ay napangiti ito.

"Tama nga ang sabi ni Mapulon, gumagalaw na sila. Hindi na ako magugulat kung isang araw magigising na lamang ako na lahat ng elemento ay kalaban ko na." wika ni Mina. Napabuntong-hininga ito at muling umupo sa upuan upang makapag-isip ng mabuti.

Hindi na din nagsalita pa si Isagani, tinungo na lamang nito ang bintana at doon nagmasid.

Sa paglalim ng gabi ay napagdesisyunan na rin nila ang magpahinga  upang sa pagsapit ng umaga ay masimulan na nila ang kani-kanilang mga trabaho para sa araw na iyon.

Kinaumagahan, hindi pa man din sumisikat ang araw ay tinungo na ni Mina at Isagani ang kagubatang kanilang pinanggalingan bago paman sila makarating ng Bayumbon. Malayo kasi ito sa naturang bayab at hindi pa iyon naaabot ng sumpang bumabalot rito.

Nang marating nila ang gubat ay agad silang tumungo sa parteng merong lawa upang doon isagawa ang orasyon ni Mina para makapagpatubo ng mga halamang gamot na kinakailangan nila.

Halos papasikat na ang araw ng makalikom sila ng sapat na halamang gamot. Halos mapuno noon ang buslong dala-dala ni Isagani at kumuha rin sila ng lupang nanggaling sa tabi ng ilog uoang maging daan ito mamaya ng mga halamang kakailanganin naman ni Mina sa mga sakit na hindi basta-basta napapagaling ng mga ordinaryong halamang gamot.

Sa kanilang pagbalik sa bayan ay doon nila natalakay ang mga pangyayaring nasaksihan ni Isagani kagabi lamang. Maging si Mina ay hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang pagmamalabis ng misteryosong babaeng iyon na pangibabawan ang lahat ng uri ng nilalang at elemento sa mundo.

"Ako man ay nagugulumihan sa mga pangyayari ang ikinakabahala ko ang pagtawag niya sa kanyang sarili na bagong itinakda." Wika ni Isagani.

"Nakausap ko na si Mapulon tungkol diyan. Ayon sa diwata, maaring hindi tao ang babaeng iyon, pwede ring kalahati iton tao at kalahating engkanto. Hindi din masabi ng mga diwata . Hanggat hindi natin nakakaharap ang nilalang na iyon. "

"Kung isa ngang hukluban ang kasama nito at isang manggagaway, may posibilidad ring misyon pa din nila ang buhayin si Sitan." Wika pa ni Mina.

Pagdating nila sa bahay ni Manuel ay agad nilang nasipat ang mahabang pila ng mga tao. Dali-dali naman silang lumapit at pumasok sa bahay upang maihatid na sa dito ang mga halamang kailangan nito.

Dahil sa napakaraming taong ngkasakit ay halos kulangin ang mga nakuha nila Mina. Mabuti na lamang at naisipan nilang magdala ng lupa. Manghang-mangha naman si Manuel sa kanyang mga nakikita. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatulalang nagmamasid sa ginagawa ng dalaga. Nakaangat lamang ang palad nito sa lupa habang nag uusal ngunit napakaraming halamang ang tumutubo roon na animo'y bigla-bigla na lamang itong sumusulpot sa kanilang mga mata.

"Sigurado ba kayong dise otso lang yang si Mina?" Taning ni Manuel kay Isagani.

"Oo naman, isang taon lang naman ng tanda ko sa kanya."

"Sigurado ka? Hindi kaya, nagbabalat kayo lamang siya, ang totoo isa talaga siyang batikang babaylan na nasa singkwenta na?" Pagpipilit nitong tanong na ikinakamot ng ulo ni Isagani.

Magsasalit pa sana siya nang bigla siyang makaramdam ng sakit sa kanyang ulo, paglingon niya kay Mina ay nakatingin na ito ng masama sa kanya. Tatawa-tawa ng lumapit naman siya rito para kunin ang iniaabot nitong mga halaman sa kanya.

"Ang galing mo talaga Mina, o siya ipagpapatuloy ko na ang pang gagamot ha." Wika nito at pasimpleng tumakbo palabas ng bahay.

"Pasensiya ka na Mina, ganoon lang talaga kakulit yung si Manuel." wika ni Amante

Natawa lang naman si Mina at muli nang ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Sumapit ang hapon at tuluyan na nga nilang nalunasan ang mga sakit na iniinda ng mga mamamayan ng Bayumbon.

Maaga silang nagpahinga, habang si Gorem at Isagani naman ay nangaso muna doon sa kagubatan. Ang mahuhuli nilang baboy ramo ay ang siyang magiging alay nila sa gagawing ritwal ni Mina.

Sa pagsapit ng bukang-liwayway ay naririnig na nila ang pag iyak ng mga baboy ramong nahuli nila Isagani kagabi. Nasa limang baboy ang kanilang nahuli at itinali nila iyon sa isang malaking puno di kalayuan sa bahay ni Manuel.

Dahil sa ingay ng mga baboy ay nagsilabasan na rin ang mga tao upang makiusyuso sa kung ano ba ang nangyayari.

Kinuha na ni Mina ang mga inihanda niyang sangkap para sa ritwal. Sila Manuel at Amante naman ang naghanda ng mga kahoy na gagamitin nila para makagawa ng apoy. Nang makita naman ito ng taong bayan ay kanya-kanyang hakot na din sila ng kahoy para makatulong.

Nang makapagtayo na sila ng isang tumpok ng kahoy ay agad naman itong sinilaban ni Gorem upang makagawa na ng apoy. Ipinaikot naman doon ni Isagani ang amga buhay na baboy at tinali iyon sa mga kahoy na nakatusok sa lupa. Matapos nilang gawin iyon ay lumapit na si Mina at nagsaboy ng langis at Asin sa apo. Nagsimula na itong magdasal habang ang mga paa nito ay tila sumasayaw sa lupa. Ngunit kapag titingnan mo ang lupa ay mapapansin mo ang mg simbolong iginuhit doon ni Mina gamit ang kanyang mga paa.

Sa paglipas ng ilang minuto ay tuluyan na ngang nabuo ni Mina ang mga simbolong kailangan niya upang matawag ang dalawang diwatang makakatulong sa kaniya. Ito ay walang iba kundi ang diwata ng panahong si Mapulon at ang asawa nitong si Lakapati na siyang dyosa ng pag-aani.

"Mga mahal na diwata, ako bilang isang itinakda ay nagsusumamo sa inyo na pagalingin ang luaong ito. Lubos ng naghihirap at nagugutom ang mga tao dahil sa pagkamatay ng mga pangunahing halamang pinagkukunan nila ng pagkain." Halos pasigaw na ginagawa iyon ni Mina habang ang dalawang kamay nito ay nakataas sa langit. Paulit-ulit niya iyong sinasambit hanghang sa ang buong taong bayan ay nakisabay na rin sa kanya. Napuno ng iyakan at pagmamakaawa ang buong paligid hanggang sa biglang lumiyab ng napakalaki ang apoy sa kanilang harapan na lubos nilang ikinagulat.

Tahimik lamang na nagmasid si Mina sa apoy at nakita nito ang isang bagay na kumikinang sa loob nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa apoy at walang pagdududang ipinasok roon ang kanyang mga kamay. Napakalaki ng apoy ngunit hindi ito alintana ni Mina. Tila ba naniniwala itong hindi siya kayang tupukin ng apoy na iyon.

Pigil naman ang hininga ng lahat habang pinagmamasdan nila ang pagpasok ng buong kamay ni Mina sa apoy. May iilan pa mgang naghanda ng tubig na magagamit nila sa oras na kakailanganin nila ito.

Sa paglabas ng kamay ni Mina sa apoy ay nakita nila ang isang nagliliwanag na bato sa mga palad nito. Kulay berde ang batong iyon na tila ba nangingintab sa sobrang kinis.

'Ilibing mo ang batong iyan sa sentro ng bayan, yan ang magsisilbing proteksyon ng bayang ito sa anumang sumpang maaring sumira sa buong kalupaan. Maagpapadala ako ng ulan upang linisin ang buong bayan, sabihan mo ang mga tao na manatili sa loob ng kani-kanilang bahay at huwag lalabas hangga't hindi ito tumitila.'

'Sa pagtila ng ulan doon niyo makikita ang pagsibol ng mga pananim at pamumulaklak ng mga bungang kahoy.' dinig na dinig niyang wika ni Mapulon sa maamo nitong boses.

'Sabihan mo sila na mag-alay ng isang bungkos na palay sa lugar na ito kapag nakaani na sila ng mga pananim. Ito ay bilang pagpapasalamat at regalo para sa aking asawa. Lubos niya iyong ikalulugod." Dagdag pa ni Mapulon at muli nang tumahimik ang buong lugar.

Ang mga baboy namang inalay nila ay muli nang pinakawalan ni Mina dahil ayon dito may kukuha sa mga iti sa tamang oras. Hindi na nagtanong pa ang mga tao at agad na silang sumunod sa dalaga nang tinungo nito ang sentro ng bayan. Doon ay inilibing niya ang berdeng bato at muling nagdasal.

Isinalaysay niya ang mga tagubilin ng diwata sa kanya na agad namang sinunod ng mga tao. Nagsibalikan na amg mga ito sa kani-kanilang tahanan upang maghintay. Nagtataka man at napakalaki ng tiwala nilang matutupad ang anumang binitawang salita ng dalaga.

Nang tuluyan na ngang makapasok ang lahat sa kanilang tahanan at wala ng tao sa labas ng bayan ay doon na nga bumagsak ang napakalakas na ulan na aakalain mong isang bagyo. Takot man ay hindi nila ginawang sumilip man lang sa kahitbmaliit na butas ng kanilang mga bahay. Bawat pamilya ay nasa sentro lamang ng kanilang bahay at nagdarasal. Ipinagdarasal nila sa panginoon na maging maayos na ang lahat pagtapos ng ulang iyon.

Lumipas pa ang tatlong oras at doon pa lamang nila naramdaman ang paghina nang ulan. Maya-maya pa ay tuluyan na ngang tumila ito. Doon lamang nagbukas ng pinto ang mga padre de pamilya ng bawat bahay.

Sa kanilang paglabas ay kitang-kita nila ang isang himala na sa buong buhay nila ay doon lamang nila nasaksihan. Ang dating tuyot na lupa ay mamasa masa dahil sa ulan ngunit kapansin pansin ang mga berdeng damo na nagsisiuslian doon. Ang mga puno namang akala nilang patay na ay nagsimula na din tubuan ng mga dahon. Dahan-dahan lamang iyon ngunit napakaganda nitong titigan hanggang sa tuluyan na ngang bumalik ang tunay na ganda ng mga punong naroroon. Nagsiiyakan sa tuwa ang mga tao at patakbo silang lumabas ng kanilang bahay at nagsayaw roon na animo'y may isang kasiyahang nagaganap. Napuno ng sigaw ng pagbubunyi at pagpapasalamat sa panginoon at mga diwata amg buong bayan ng Bayumbon. Bata, matanda, lalaki man o babae ay nagsasayaw sa kagalakang kanilng nadarama.

Napangiti naman si Mina habang tinititigan ang mga tao at pabulong na nagpasalamat sa panginoon at sa mga diwatang tumulong sa kanila.

次の章へ