Saglit na napatulala si Amante habang malalim na napapaisip. Posible kayang makaya nilang talunin ahg mga mambabarang na iyon? Posible kayang mabawi pa niya ang mga gamit ng kanyang ama at ina sa kamay ng mga mambabarang?
"Kung matulungan nyo akong mabawi ang mga gamit ni Inay at Itay sa kamay ng mga mambabarang. Sasama ako sa inyo. Tatanawin ko itong malaking utang na loob hanggang kamatayan. " Wika ni Amante.
"Kung ganun magmamatyag na ako sa lugar nila. Diyan na muna kayo." Masayang wika ni Gorem at bigla na lamang itong naglaho sa kanilang paningin. Matapos ang tagpong iyon ay agad naman nilingon ni Amante si Mina.
"Sigurado ka bang nais mong matutong mambarang?" Tanong ng binata at tumango si Mina.
"Sigurado. Hindi naman dahil sa aral iyan sa kaliwa ay hindi ko na ito maaring pag-aralan. Ang barang ay hindi lamang mapaminsala. Katulad ng paggamit ng mga aral ng albularyo maari din itong gamitin sa kabutihan." Paliwanag naman ni Mina.
Hindi lang kasi pagkontrol sa mga insekto ang kayang gawin ng mga mambabarang. Nakakapagpasunod din sila ng mga hayop na maari nilang magamit bilang mga mensahero tuwing kailangan.
Halos gabi na nang makabalik si Gorem galing sa pagmamatyag nito. Nagtataka man ay hinayaan lamang iyon ni Amante dahil batid niyang ang mga ito ay hindi mga basta-bastang nilalang. Sa paglalim ng gabi ay doon na nila napag-usapan ang mga bagay na kanilang gagawin sa kanilang pagtungo sa pugad ng mga mambabarang. Limang araw ang kanilang ibinigay kay Mina at Amante uoang mapag-aralamg ang mga bagay na dapat nilang matutunan. Pagkatapos ng limang araw ay tutunguin na nila ang pugad ng mga ito.
Kinabukasan ay maaga pa lamang ay nasa gitna na ngbilog si Mina at Amante. Si Mina muna ang naunang mag-aral ng mga usal na ginagamit sa pagkontrol ng mga insekto.
"Ang pambabarang ay isang uri din ng pangkukulam subalit sa halip na sa manika ipinapadaan ang sumpa ng ibinibigay nito ay insekto naman ang gamit ng mga mambabarang. "
"Ang mga mambabarang ay kalimitang gumagamit ng sari-saring insekto na makikita mo lamang sa lupa. Madalas gumagamit sila ng tipaklong o ang tinatawag nilang balang. Ang mga matataas na uri ng mga mambabarang ay may kakayahan naman magpasunod ng mga ahas, ibon, aso, pusa o kung ano pang mga hayop. "
"Basahin mo ang libretang ito. Nariyan ang lahat ng dasal na alam ko. Kapag naisaulo mo iyan, saka tayo magsisimula. " Wika pa ni Amante at iniwan ang dalaga sa gitna ng ilog.
Napatitig lamang si Mina sa itim na libreta bago niya ito binuklat. Tahimik niya iting binasa at sinaulo nang walang kahirap-hirap. Bukod pa roon ay nakagabay din sa kanya ang mga diwatang piniling gabayan siya. Hindi naman ito tinanggihan ni Mina dahil alam niyang kailangan talaga niya ang tulong upang mas mapadali ang kanynag pag intindi sa mga nakasulat roon . Hindi naglaon ay tuluyan na ngang nakabisa ni Mina ang lahat ng nakasulat sa libretang iyon. Agad naman nilang sinimulan ang pag-iinsayo upang masubukan nang gamitin ng dalaga ang mga usal na kanyang kinabisa.
Sa paglipas ng oras, nagagawa na ngang paganahin ni Mina ang mga sinasambit niyang usal. Dahil na din sa matibay niyang koneksyon sa kalikasan ay hindi naging mahirap sa kanya ang pagpapasunod sa mga insekto at maliliit na hayop na lubha namang ikinamangha ni Amante.
Ayon pa dito ay hindi niya kubos akalain na mabilis lamang na matututunan ni Mina ang aral ng barang.
Isang nmbuong araw lang ang iginugol nito para sa dapat ay isang buwan na pag-aaral.
Sa paglipas pa ng mga araw ay si Amante naman ang tinuruan ni Mina. Usal sa kanan naman ang itinuro niya dito. Nariyan ang usal pangkombate, usal ng sabulag, at mga usal na kontra para sa mga mambabarang.
Pansamantala ay iyon na muna ang pinag-aaralan ni Amante dahil hirap din itong gamitin ang mga usal na iyon gawa nga nang mas nauna niyang pag-aralan ang mga aral sa kaliwa.
Lumipas ang limang araw ay tuluyan na nga silang nakapaghanda. Punong-puno naman ng kaba ang puso at isipan ni Amante. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang darating ang araw na magkakaroon siya ng lakas ng loob na kalabanin ang angkan ng kaniyang Ina.
Umaga pa lamang ang sinimulan na nilang tahakin ang daan patungo sa pugad ng kanilang magiging kalaban. Sa kanilang pagpasok sa isang masukal na talahiban ay napadpad sila sa isang mapunong lugar.
Nagtataasan ang mga punong naroroon ngunit kapansin-pansin ang kamatayang bumabalot sa mga katawan ay sanga nito. Wala na ring dahon ang mga punong iyon na nagmistulang mga posteng walang buhay. Nasipat rin nila ang mga insektong gumagapang sa mga katawan ng puno at mga naglalakihang uod na labas masok sa ilalim ng lupa.
"Mag-iingat kayo, narito na tayo sa bukana ng kanilang pugad. Maging alisto kayo sa mga patibong na nasa lupa. " Wika ni Amante. Hindi naman iyon pinansin ni Mina dahil nakatuon ang pansin niya sa isang ahas na gumagapang di kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Kulay itim ang balat nito na kasing kinis lng ng batong makikita mo sa ilong. Kapansin-pansin naman ang mga mata nitong namumuti na animo'y isang bulag. Wala itong ginagawa bagkus ay nakasunod lamang ito sa kanilang paglalakad.
Nang marating nila ang pinakasentro ng kagubatan ay doon bumungad sa kanila ang mga kubong nakatayo sa isang pinalawak na lupain. Animo'y isang maliit na kumunidad iyon dahil meron itong sampong bahay na pumapaikot sa isa pang malaking bahay.
Hindi na sila nagkubli pa dahil naramdaman nila ang pananakbuhan ng mga tao at pagbukas ng mga pintuan ng mga bahay na naroroon. Isang matandang babae ang lumabas sa malaking kubo, nakasuot ito ng pulang kasuutan. Uugod-ugod na ito na halos nakabaliko na ang likod nito na maihahalintulad mo sa isang kuba.
"Amante, anong masamang hangin ang nagtulak sa iyo para tunguhin ang lugar na ito? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin pinapatahimik ng iyong mga magulang? " May pangungutyang tanong nito. Napakuyom ng palad si Amante ngunit hindi ito nagsalita. Tahimik lang din na nagmamasid sa paligid sila Mina upang maging handa sila sa anumang pag-atakeng ibibigay ng kanilang mga kalaban.
"Oras na ba? Ilang taon kang nagtago? Pinahirapan mo ang ating mga kaangkan sa kakahanap sayo. Ikaw lang din pala ang magkukusang pumunta rito. At nagdala ka pa ng kasama?" Wika pa nito. Nakapikit ang mga mata nito at pilit na iniaangat ang ulo sa kanila.
"Nais ko lamang na ibalik ninyo ang mga naiwan ng aking mga magulang." Sigaw ni Amante nang mapansin niti ang kuwintas na bato ng kanyang ina na nasa leeg ng matanda. Isa iyon sa mga gamit na pinapangalagaan ng kaniyang ina dahil ibinigay pa ito sa kanya ng kanyang Ama.
Ayon pa sa kaniyang ina noon, na ang batong kwintas na iyon ay hinulma pa ng mga ninuno ng lahat ng manggagaway gamit ang batong apoy na ibinuga ng isang nangangalit na bulkan. Hindi basta-basta ang ginamit na orasyon sa paghulma rito at taning ang mga pinili lamang ng bato o di kaya ang mga pinasahan ang siyang makakagamit ng tunay nitong kapangyarihan. Hindi naman nasabi ng kanyang ina kung ano ang mga kayang gawin nito dahil ni Minsan ay hindi niya ito nagamit. Itinago lamang niya ito dahil ayaw niyang pagkainteresan ito ng kanyang mga kaangkan. Ngunit sadyang gahaman ang mga kaangkan nila, dahil nagawa pa rin nilang makuha ang mga ito sa kaniyang ina. Maging ang mga aklat ng kanyang Ama ay hindi nila pinalagpas.
Napansin naman agad ng matanda ang mga mata ni Amante. Napangisi ito at hinawakan ang batong kwintas na animo'y ioinagyayabang dito.
"Napakaganda hindi ba? Sayang lang at hindi iti ginamit ng iyong Ina. Kung sanay ginamit niya ito noon laban sa amin. Wala ka ngayon sa sitwasyong ito Amante. Matalino ang iyong ina ngunit masyado siyang mabait at iyon ang napakalaking kahinaan niya.
"Hindi mahina ang aking Ina. Masyado lang kayong ganid sa kapangyarihan na kahit mga kadugo niyo ay papatayin niyo para lang makuha ito." Galit na sigaw ni Amante. Namumutawi ang poot sa kaniyang puso na maging ang mga laga nitong insekto na nagtatago sa kaniyang katawan ay unti-unti na din naglalabasan. Pumaikot sa kaniya ang mga bubuyog na animo'y handa na ang mga itong kumusob sa oras na pahintulutan ni Amante.
Naging alisto naman sila Isagani dahil nasipat na nila ang dahan-dahang pag galaw ng mga mambabarang sa mga kubo.
Ilang sandali pa ay nakita nila ang pagtakbo ng isang lalaki patungo sa kanila, may dala itong palakol at mabilis nitong inihagis sa kinaroroonan ni Isagani. Agaran din niya itong nasalo ngunit mabilis niyang binitawan ng makita ang mga insektong gumagapang sa hawakan nito.
Ayon kay Amante, likas na tuso ang kanilang angkan. Lahat ng insekto nila ay mapaminsala dahil sa mga lason nitong taglay. Hindi kaman mapasok nito, Isang kagat mula rito ay tiyak na ang kamatayan mo.