webnovel

PLANE CRASH

20 years later...

Kasalukuyang ini-empake ni Veronica ang kanyang mga dadalhin sa pag-sakay sa eroplano. Makakasama siya sa isang international flight bilang flight attendant. Nangako siyang sasama sa kanyang ina sa Bikol kapag nakabalik siya galing sa byahe. A-attend sila ng binyag ng anak ng kanyang pinsan dahil kinuha siyang ninang ng mag-asawa.

"Tapos kana ba mag-empake? Naka-handa na ang hapunan mo, baka ma-late ka sa flight." Nilingon ni Veronica ang nag-salita sa may pintuan ng kanyang kwarto.

It's her mother, makikita sa mga mata ng babae ang lungkot na pilit itinatago. Isang linggo din siyang mawawala sa tabi ng ina. Nasanay ito na sa loob lang ng Pilipinas siya napapasama sa lipad ng eroplano. At kanina ngang umaga ay tinawagan siya ng kaibigan niya na kasama daw siya sa international flight.

"Patapos na po ako mag-empake, susunod na ako sa inyo kaagad." Magalang na sagot niya sa kanyang ina.

"Magmadali kana. Nag-hihintay din saiyo ang ama mo." Muli, ay turan ng kanyang ina bago tumalikod.

Naiwan siyang mag-isa sa loob ng kanyang kwarto. Ama, yeah, dumating ang kanyang ama kagabi at sinabi sa kanyang ina na natanggal ito sa trabaho bilang construction worker. Mabuti nalang, nakatapos na siya mag-aral bago ito natanggal sa trabaho. Naaawa siya sa mga magulang dahil sobrang hirap ng buhay nila habang nag-aaral pa lang siya noon.

"Sigh...."

Nakatira sila sa isang baryo sa Cebu na malapit lang din sa pinapasukan niyang paaralan noon. Ang kanyang ina natural na taga-bikol habang ang kanyang ama ang taga-Cebu. Mabuti na lang, kahit medyo mahirap ang kanilang buhay, nagawa parin ng mga magulang na papagtapusin siya ng pag-aaral.

"I'll better go down. Masesermunan na naman ako kapag hindi pa ako magmadali." Bulong ni Veronica sa kanyang sarili.

Lumabas siya ng kwarto at nadaanan ang whole body mirror sa may sala. Napa-hinto siya doon at tinitigan ang sarili. Height:5'6, long black hair, small lips, small nose, pero ang takaw pansin sa lahat ay ang kanyang mga mata na kahit ang mga magulang ay hindi rin maipaliwanag kung bakit meron siyang mata na parang mata ng manika. Kulay aqua blue na may linya ng itim sa gilid.

"They said it's look like a doll, pero bakit para sa akin, parang mata ng isda?" Bulong niya sa sarili.

Tinaasan niya ng kilay ang kanyang repleksyon sa salamin bago tuluyang pumunta sa kusina. Inabutan niya ang kanyang mga magulang na nag-uumpisa nang kumain. Napa-sulyap pa ang mga ito sa kanya bago siya inaya na umupo at kumain na.

"Ihahatid na kita sa airport, Nika. Baka ma-late kapa kung magta-taxi ka pa." Banggit ng kanyang Ama.

Nika ang palayaw niya, it was originally from Veronica but her friends called her manika before. Hanggang naging nika na nga ang palayaw niya kahit saan siya pumunta.

"Pumayag ka na sa gusto ng iyong ama, wag kang mag-alala, may naitabi pa akong pera para pambili ng gasolina." Dugtong ng kanyang ina na si Erica.

Erica Manalo pangalan ng kanyang ina, habang Lauro Manalo naman ang kanyang Ama. Nag-iisa lang siyang anak dahil nahirapan daw manganak ang kanyang ina nung siya ang ipinapanganak kaya parang na-trauma ang kanyang ina sa sakit.

"Opo. Basta dahan-dahan lang ang patakbo." Sagot niya.

Sobrang bilis kasi mag-patakbo ng kanyang ama pag nag-papatakbo ng motorcycle. Dinaig pa ang racer kahit saan pa sumusuot na kalye. Narinig niyang napa-hagikgik ang kanyang ina kaya napa-sulyap siya dito. She saw her dad pouting kaya siguro natatawa ang kanyang ina.

"Mabagal lang ako mag-patakbo!" Pagtatanggol ng ama sa kanyang sarili.

Lalo namang natawa ang kanyang ina, kaya pati siya ay nahawa na rin.

Pagkatapos kumain ay inihatid nga siya ng kanyang ama sa airport ng Cebu. Inabutan niya ang mga katrabaho na naka-pila rin sa check-in area. Nagpasalamat siya sa Ama bago pumasok sa loob ng airport.

"Thank you, Papa! Mag-ingat ka sa pag-uwi." Kumaway siya dito bago tuluyang makapasok.

After two hours of preparation, lahat ng kasama sa international flight ay nasa loob na ng eroplano na dadaan pa sa Manila bago tuluyang lalabas ng bansa.

"Ito ang unang lipad mo international diba?" Tanong sa kanya ni Rowel. Isa sa flight attendants na ilang beses nang nakasama sa mga international flights.

"Yeah.. I'm a bit nervous." Mahinang sagot niya sa lalake na narinig niyang napa-hagikgik.

"Don't be, parang byaheng Manila lang din ang flight, medyo matagal nga lang." Pag-aalo sa kanya ng lalake.

Napa-tango lang naman siya at saka napahugot ng hininga. Ilang sandali pa, naramdaman nila ang pag-andar ng eroplano. Kasunod ang announcement na lilipad na sila. Napa-sign of a cross si Veronica tulad ng turo sa kanya ng kanyang ina bago umalis sa bahay.

"Nika! Kumusta? Ano pakiramdam ng una mong international flight?" It's Paola.

Isa sa kakilala na rin niya sa mga katrabaho. Mabait din ang babae tulad ni Rowel.

"Excited?" Alanganin ang sagot na ibinigay niya dito.

"Hahaha, sama ka sa amin ni Rowel pag-baba natin sa Heathrow, picture-picture." Tinapik pa siya ng babae sa balikat.

Sa Heathrow ang destination ng kanilang eroplano kaya medyo matagal talaga ang beyahe nila. Nakakatuwa na nakasama siya ngayon dahil pinangarap din niya ang international flight.

"Sige ba! Pero kayo bahala sa snacks!" Pagbibiro niya dito na tinawanan naman ng dalawa niyang kaharap.

"Snacks lang pala eh! Sagot na yan ni Rowel---ugh!" Naputol ang sinasabi ni Paola ng biglang umuga ng malakas ang eroplano.

Napa-luhod din si Veronica dahil sa lakas ng empak na para bang bumangga sila sa isang pader.

"What... Ahhhhh!!!" Nauwi sa pag-sigaw ang kanyang tanong ng maramdaman nila ang mabilis na pagbulusok ng kanilang sinasakyan.

Lahat ng sakay ay napasigaw na rin. Narinig pa niya ang boses nang kung sino mang tumatawag sa kanya subalit hindi na niya nakita kung sino man iyon dahil nasapo lang niya ang ulo. Ang mga magulang ang unang sumagi sa kanyang isip habang patuloy ang bagbulusok ng kanyang sinasakyan.

"Nika!" Naramdaman niya ang pagkabig ng kung sino man sa katawan niya.

Nang umangat siya ng tingin, it's Rowel, niyakap siya nito ng mahigpit kaya napayakap na rin siya ng mahigpit.

"If we are lucky, we can survive, nasa karagatan tayo. Pwede pa tayo makaligtas basta makasuot tayo agad ng life vest." Narinig niyang sabi ni Rowel.

Napa-tango naman si Veronica at saka naghagilap ang mga mata. Oxygen mask, life vest. Yun ang kanyang hinahanap na nakita naman niya agad. Subalit ng kukunin na lamang niya, ay malakas na pwersa ng pagsabog ang nagpatigil ata sa tibok ng kanyang puso.

"Nika!!" Dinig niyang tawag ni Rowel habang muli niyang naramdaman ang pag-pulupot ng braso ng lalake sa katawan niya.

Magkayakap na tumilapon ang katawan nilang dalawa na malakas na itinulak ng pwersa palabas sa eroplano dahil sumabog pala ang isang elesi sa may kaliwang pakpak ng eroplano. Tumama ang pakpak na naputol sa may gilid ng eroplano.

Nakita pa ni Veronica ang mga kasamahan na walang malay dahil sa empak at ilan ang sugatan.

"Antaas ng babagsakan natin!" Sigaw ni Rowel.

Napa-pikit si Veronica at mahigpit na napayakap kay Rowel. Pero napamulagat din siya ulit ng marinig niya ang malakas na pagsabog sa may itaas nilang dalawa ni Rowel. Nanginig ang kanyang katawan at napa-awang ang bibig ng makita kung paano sumabog ang eroplanong sinasakyan kanina habang patuloy ang pagbulusok nila ni Rowel sa dagat.

"Paola!!!!" Sigaw niya.

Ang umaapoy na mga katawan ng eroplano ang nakita niyang kasunod nilang bumabagsak. Nang maramdaman ni Veronica ang pagbagsak ng kanyang katawan sa tubig, agad na nagdilim ang kanyang paningin at tuluyan na ngang nawalan ng ulirat.

"Stay away from her!"

Napakunot ang noo ni Veronica ng marinig ang boses ni Rowel. Wait, boses ni Rowel? Napadilat siya ng mata at akmang tatayo ng muli siyang napabalik sa pagkakahiga.

"Ouch!" Nasapo niya ang ulo na malakas na tumama sa buhangin.

Buhangin?! Huh?! Lumingon siya sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo. Then sa kanan, then nahagip ng kanyang paningin si Rowel na may hawak na kahoy, nakatutok sa kanya?!

"Rowel..." Tawag niya sa pangalan ng lalake.

"Nika! Steady ka lang! Ililigtas kita ulit!" Sigaw ng lalake.

Ano daw?! Ililigtas? Ulit?! Saan? Kanino?

"Master.. Master!!!" Isang baritong tinig ang narinig ni Veronica galing sa kung ano mang nilalang sa may ibabaw niya. Kaya napa-sulyap siya sa bandang tiyan niya na pakiramdam niya ay may nakadagan na mabigat at malaking bagay.

"Nika, be careful!" Sigaw ni Rowel ulit.

Nanlaki ang mga mata ni Veronica ng makita ang nilalang na nakapatong ang kalahating katawan sa kanyang katawan. Bumuka ang bibig niya upang magsalita pero walang tinig na lumabas doon hanggang nawalan siya ulit ng malay.

"Master?".

"Nika..?"

次の章へ