webnovel

Chapter 17 : Let Me Help You

Kenneth's PoV

"Tito" magalang kong sambit at nagmano sa kaniya nang madaanan ko siya papuntang tindahan ni Aling Marites.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Tito pagkatapos tunggain ang  iniinom niyang isang baso ng alak.

"May bibilhin lang po sa tindahan nina Aling Marites" masigla kong sagot na akmang aalis na nang tumayo si Manong Berto, isa sa kainuman ni Tito.

"Bakit hindi ka muna tumagay, kahit kunti lang" anyaya ni Manong Berto na inakbayan pa ako. Bumungad sa akin ang amoy ng pawisang matandang lalaki na hinaluan ng amoy ng alak. Bahagya akong umatras pero mas hinigit lang ako ni Mang Berto palapit sa kaniya.

"Huwag na po. Hindi kasi ako umiinom." madiin kong pagtanggi.

"Sige na Kenneth. Pagbigyan mona iyang si pareng berto, kahit isang baso lang"

"Pero Tito ayaw ni nanay na uminom ako tsaka ayoko rin pong uminom" paninindigan ko at tinaggal ang kamay ni Mang Berto na nakaakbay sa akin.

"Huwag kang magalala hindi ko naman sasabihin sa nanay mo. Huwag mo ring sabihin na ayaw mong uminom. Lumalaki kana kailangan mong uminom kagaya ng mga batang kaedaran mo."

"Sorry talaga Tito. Ayoko po" Madiin kong pagtanggi.

"Wala Pare. Bakla talaga yang pamangkin mo! HAHAHAHA" natigilan ako sa hirit ni Mang Berto.

"Oo nga Lando, bakla yang pamangkin mo! HAHAHAHAHA" segunda ng isa sa kainuman nila. Nakaramdam ako nang labis na inis dahilan para maikuyom ko ang kamay ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili sa gitna ng kabi-kabila nilang pagbato ng insulto tungkol sa kasarian ko.

"Kenneth, bakla kaba?" tila bombang sumabog sa harapan ko na nagpatigil sa buong katawan ko ang naging biglaang tanong ni Tito. Naramdaman ko ang pamumuo ng pawis sa noo at batok ko. Nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa isipan ko. Hindi ko magawang tumanggi o sumang-ayon dahil tila napipi ako.

"Tol!" agad akong napalingon sa likod ko nang may kumalabit sa akin. Bumungad sa akin ang nakangiting si Luke na may hawak na bola. Mukhang magbabasketball siya dahil nakasuot siya ng unipormeng pambasketball.

"Luke?"

"Hi Tito Lando!" masiglang bati ni Luke kay Tito at nakipagfist bomb. Nakipag-apir naman sa kaniya ang kainuman ni Tito na animo'y kabarkada lang niya.

"Bakit ang tagal mong bumalik sa court?" seryosong tanong ni Luke. Napakunot ang noo ko at makahulugan siyang tiningnan, tinatanong kong ano ang ibig niyang sabihin.

"Ano bang gagawin niyo Luke?"

"Niyaya kasi ako nito na magbasketball. May bibilhin lang daw siya pero ang tagal ko nang naghihintay doon sa court hindi parin bumabalik kaya sinundo kona." paliwanag ni Luke na mas lalo lang nagpagulo sa akin. Ano bang sinasabi niya? Hindi ko magawang tumingin kina Tito dahil baka mahalatang hindi ko alam ang sinasabi ni Luke.

"Hindi pala bakla itong pamangkin ni Lando. Narinig mo iyon, nagyaya pang magbasketball." Tila nabunutan ako ng malakaing tinik sa dibdib nang sabihin iyon ng kainuman ni Tito.

"Syempre! Walang bakla sa pamilya namin." buong pagmamalaking anunsyo ni Tito. "Sige Luke, kunin mo nayang si Kenneth nang makapaglaro na kayo"

"Sige po. Alis na po kami." Hinawakan ni Luke ang kamay ko at hinila palayo kina Tito.

Pasimple akong napatitig sa mukha niya kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang pangiinit ng katawan ko kasabay ng pamumula ng pisngi ko. Did he just save mefrom that nerve-racking situation?

Hinayaan ko lang ang sarili kong tangayin niya. Ilang minuto ang lumipas ay huminto kami sa tapat ng basketball court ng aming baranggay. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig ko ang ingay na nanggaling sa loob. Otomatiko akong napayuko dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"Tara sa loob" rinig kong ani niya at humakbang papasok.

"Teka!" napahinto siya sa paglalakad at nahihiya ko namang iniangat ang ulo ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang paningin namin. Namayani ang katahimikan namin at natigil kami sa posisyong kinalalagyan namin ng ilang segundo.

"Hindi ako marunong maglaro" ang tanging nasabi ko pagkatapos kong basagin ang katahimikang matagal na namayani sa aming dalawa.

"Sino bang nagsabing maglalaro ka?" nakakunot ang noo niyang ani.

"Eh anong gagawin ko diyan?"

"Huwag nang maraming tanong. Bilisan mo at baka natatalo na yung team namin." naaatat niyang ani at mabilis akong hinila papasok ng gym. Bumungad sa akin ang mga kalalakihang naglalaro. Mapapansin rin ang mga babaeng nakaupo sa paligid ng court. For sure ang ilan sa kanila ay jowa ng mga manlalaro at ang ilan ay gusto lang magsight seeing choss~ Kagaya ko na mukhang sight seeing ang gagawin ko dahil wala naman akong kainteres-interes sa baskteball. Dinala ako ni Luke sa kaliwang bahagi ng court kung saan makikita ang ilang kababaihan, lalaki at baklang seryosong nanunuod ng laban.

"Diyan ka muna" utos sa akin ni Luke at agad naman akong umupo. Napansin ko ang matatalim na titig na ipinupukol ng isang grupo ng mga babae at baklang nakakita sa aming dalawa ni Luke.

"Bantayan moto" ani niya at inabot sa akin ang bag na madalas lagyan ng gamit ng mga basketball player.

Tumakbo siya papasok sa court para maglaro pinalitan niya si Troy na pawisan na, tumatakbo siya papunta sa akin. Nakangiti siyang umupo sa akin.

"You're here"

"Ah--Oo sinama ako ni Luke. Ewan ko nga doon hindi naman ako mahilig sa basketball." nahihiya kong ani. Jusme!Bakit ang hot niyang tingnan habang pinagpapawisan. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hubarin ang pang itaas niyang damit. Narinig ko ang tili ng mga babae at baklang nasa likuran namin.

"Okay lang ba?"

"Na?"

"For you to see me naked, baka kasi mailang ka" naiilang niyang ani habang nahihiyang napapakamot sa ulo niya.

"Naku okay lang!" mabilis kong sagot. "Bet ko nga eh" mahina kong ani na sinundan nang paimpit na tili. Jusme! Ilayo niyo po ako sa tukso!

Ang lahat ng atensyon ko ay na kay Troy. Pasimple kong tinitingnan ang bawat kilos na kaniyang ginagawa. Pinagpag niya ang sementong upuan para maalis ang mga buhangin. Inilapag niya ang pangitaas niyang uniporme at bahagya siyang tumalikod. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang humiga sa may binti ko.

"Can I rest here for a while?" tila nagkagulo ang mga laman loob ko sa mga oras na ito. Halos lumabas ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito. Ilang bese rin akong napalunok habang nakatingin sa hubad niyang katawan at sa gwapo niyang mukha. Jusme! Ito ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ng matagal! Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay may kumikiliti sa akin.

Hindi ko namalayang unti unti ko nang inilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Bahagya akong napayuko at idinampi ang daliri ko sa ilong niya. Dahan dahan kong ginalaw ang daliri ko na wari sinusukat ang taas ng ilong niya. Nabigla ako nang hawakan ni Troy ang kamay kong nakadampi sa ilong niya. Doon lang ako bumalik sa ulirat at napagtanto ang nakakahiyang ginawa ko. Pilit kong hinila ang kamay ko palayo kay Troy ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya dito. Dahan dahan niyang ibinaba ang magkahawak naming kamay sa dibdib niya. Ramdam ko ang malakas na tibok ng kaniyang puso. Nanlaki ang mata ko kasabay nang pagguhit ng maraming tanong sa isipan ko.

Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya? Dahil ba pagod siya o dahil--? Hindi! Bakit naman? Imposible! Hindi!

"May bibilhin lang ako" bulalas ko kasabay nang pagbangon ni Troy. Hindi niya na nagawa pang magtanong sa akin dahil agad akong lumabas ng court.

Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa ni Troy. Hindi parin mawala sa isipan ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso ni Troy. Hindi ko maiwasang hindi magisip ng dahilan sa ginawa niya. I'm having hopes that--that--that he likes me. Kusang gumalaw ang paa ko palayo sa court. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating ako sa bahay. Lutang ako buong gabi dahil paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang nangyari.

©introvert_wizard

"Good morning Ken--- Ano yan!" napapikit ako sa biglang pagsigaw ni Au. "What happened Kenny? Bakit ang laki ng eyebags mo?"

"Nahirapan kasi akong makatulog kagabi" inaantok kong sagot at parang zombie na nilapitan siya. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Bakit? May problema ka ba?" nagaalala niyang tanong sa akin.

"Wala"

"Then what?" nakakunot ang noo niyang tanong sa akin. Dahan dahan niyang inangat ang ulo ko at tiningnan ng makahulugan sa mata. "Sinong inisip mo magdamag?" mapanuksong ani niya. Nanlaki ang mata ko at mabilis na humakbang paatras sa kaniya.

"Anong sinasabi mo? Wala! Sino naman yung iisipin ko?" nauutal kong tanong.

"Okay" puno ng pagdududa niiyang tanong at tinalikuran ako.

"Kuya" nanlaki ang mata ko nang kinawayan at tinawag ni Au si Troy. Hindi ako mapakaling napatingin sa kaliwa't kanan ko para maghanap ng matataguan.

Hindi kopa kayang harapin si Troy. Magdamag akong binagabag ng mga nangyari sa aming dalawa ni Troy. Hindi ako nakatulog ng maayos dahilan para magkaroon ako ng malaking eyebag sa dalawang mata. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Troy.

Agad akong tumakbo papunta sa may CR na bahagyang nakatago. Mula sa kinatatayuan ko pasimple akong sumilip para tingnan sina Au. Nakita kong saglit silang nagyakap at sunod na nagusap. Hindi ko marinig ang kanilang pinag uusapan dahil bahagyang malayo ako sa kanila. Pareho silang tumingin sa banda ko dahilan para muli akong magtago. Ang lakas ng tibok ng puso ko at naramdaman ko ang pagpatak ng butil butil na pawis. Nang mapansin kong tila tumahimik na ang paligid ay pasimple akong sumilip. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na sila. Nagsimula akong maglakad papuntang room nang ilang hakbang ko palang ay biglang sumulpot sa hindi kaluyan si Troy.

Otomatiko kong hinawakan ang pihitan ng pinto ng room na malapit sa akin. Nagulat ako nang bago ko paman mapihit ang doorknob ay bumukas ito. Bumungad sa harapan ko si Luke dahilan para matumba ako sa kaniya at agad niya naman akong sinalo. Napapikit ako nang tumama ang mukha ko sa tiyan niya dahilan para tila mahalikan ko ang abs niya. Gulat akong napatingala sa kaniya na ngayon ay nakakunot ang noo. Agad akong umayos ng tayo at lumayo sa kaniya. Napatingin ako sa likod ko at nakahinga nang maluwag ng nakasara ang pinto.

"Mr. Yasu?" lumitaw sa likuran ni Luke si Ma'am Anrol na siyang adviser namin.

"Po Ma'am?" agad kong sagot.

"I was just about to go to you" nakangiti niyang ani at lumapit sa akin.

"Para po?"

"I was going to ask you to tutor Mr. Lacson"

"Tutor? Po?" naguguluhan kong tanong.

"Mababa ang nakuhang grades ngayon ni Luke sa lahat ng subject. If this continues maari siyang matanggalan ng scholarship at mapatalsik sa basketball team. I need your help Mr. Yasu to improve Luke's grade." mahabang paliwanag ni Ma'am Anrol.

"No need to ask him Ma'am. Sisiguraduhin ko pong tataas ang---"

"Okay Ma'am! I'll do it! I'll help him" putol ko kay Luke. Nakakunot ang noo niya at nagtatakang napatingin sa akin.

"Anong sinasabi mo?" inis na ani ni Luke.

"Sssh!" inilagay ko ang isang daliri ko sa labi niya hudyat na pinapatahimik ko siya.

"Let me help you" nakangiti kong ani at kinindatan siya.

Sobrang dami ng ginawa ni Luke para sa akin. Tsaka hindi ko nakalimutan na iniligtas niya ako kahapon mula sa pagtatanong nina Tito. It's time for me to repay him.

©introvert_wizard

✒End of Chapter 17 : Let Me Help You

次の章へ