webnovel

TFE 1: Genesis

"Theresa! Uy Theresa anak, gising na! Mali-late ka na sa school!"

Naalimpungatan mula sa pagkakatulog niya ang dalagang si Theresa, matapos nitong marinig ang mahinang boses ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Ma! Seven o'clock palang ho ng umaga!" Antok na reklamong wika ng dalaga, habang nakasalampak pa rin sa kanyang kama't hindi manlang iminumulat ang kanyang mga mata.

"Oh! Eh anong oras ba nagsisimula ang klase niyo?" Her mom ask.

Sa puntong iyon ay bahagya munang napaisip si Theresa...

"Uh-- eight?" Sagot niya.

"Eight naman pala eh! Edi sakto lang na bumangon ka ng seven! Sige na, lubayan mo na yang kama mo't baka ma-late ka pa! Ayaw mo naman sigurong magkaroon ng masamang unang impression sa unang araw ng pasukan niyo diba?" Her mom continued her speech, habang kasalukuyan paring nakatayo mula sa labas ng kwarto ng kanyang anak.

The young girl murmured some inaudible words before giving herself a sigh.

Dahil sa sinabi ng kanyang ina ay dahan-dahan nalamang siyang napapaupo mula sa pagkakahiga habang humihikab, sabay inunat-unat pa ang mga braso't pagkatapos ay kinusot-kusot naman ang mga mata.

Halos pinipilit niya nalamang ang kanyang sarili upang makabangon mula sa kanyang maliit na simpleng kama, kahit na mahahalata sa kanyang mukha ang sobrang antok na hanggang ngayo'y pilit niya paring kinakalaban.

"Sino ba kasing nag-imbento ng umaga?" Antok at may pagkasarkastikong wika nalamang ng dalaga sa sarili, sabay irap, bago tuluyang dumeretso na mula sa harapan ng pintuan ng kanyang kwarto upang buksan ito.

***

"Oh anak, nakahanda na ba ang lahat ng mga gamit mo? I-double check mo muna't baka may makalimutan ka riyan," unang bungad na paalala sa kanya ng kanyang ina, pagkabukas niya sa pinto.

Theresa sighs.

"Kagabi pa po ma. Wag na po kayong mag-alala," tanging sagot lamang ng dalaga at kaagad nang nagtungo mula sa kanilang shower upang dumeretso na sa pagligo.

"Sige. Basta, bilisan mo na ring maligo ha!"

"Ma! Atat lang ho?"

***

Unang araw ngayon ng mga estudyante sa pasukan. At kagaya nga ng isang normal na mag-aaral, gustuhin man nilang magpatuloy mula sa kanilang mahimbing na pagkakatulog ay wala pa rin silang ibang magagawa kundi ang magising ng maaga upang pumasok sa eskwelahan at mag-aral.

At isa na nga rito si Theresa.

Grade 9 highschool student na siya ngayon sa pasukan, na nag-aaral sa paaralang kung tawagin ay Annex University.

A not so prestigious school, but is still popular in its very own way.

Why is it so popular?

It's because of the unending rumors that continues to spread to this very same day, leaving stains of gossips on the school's very own hallways.

A rumour which many people claims to believe that the school itself is cursed and haunted by the spirits of those who can not leave the Earth peacefully.

And a horror cliché story that sorrounds in almost every sides of town.

Even Theresa herself has heard of it, ngunit gaya nga ng mga kumakalat na chismis ay mas pinaniniwalaan nalamang ng dalagang, ang mga ito ay purong kathang isip lamang.

She never believed in the supernatural or the paranormal, para sa kanya, ginawa lamang ito ng mga tao upang pangtakot sa mga kabataan.

And sad to say na, she's not a kid anymore. So why on Earth would she still believe on these kind of things?

***

Matapos maligo ay agad nang nagtungo mula sa kanyang kwarto ang dalaga upang magbihis.

Pagkatapos, ay inihanda niya na rin ang kanyang mga gamit pang-skwelahan, sabay tiningnan ang oras mula sa screen ng kanyang cellphone.

1 message received....

"Sheena," wika ng dalaga sa sarili, matapos kaagadad na makita ang bigla nalamang na nag-pop up na mensahe mula sa kanyang cellphone.

"Tisay! Nasa labas na ako ng bahay niyo! Bilisan mo na, sis! Baka ma-late na tayo!"

Theresa took a deep sigh and shook her head.

"First day of school. So what?" wika ng dalaga sa sarili.

It was Sheena.

Her one and only best friend.

"School won't go anywhere for crying out loud!" Aniya sa sarili.

"Tama ka. But time, will!"

"Ay pot-- tang na orange juice!!"

Theresa was surprised to hear a voice just behind her back. Pagkalingon niya mula rito ay unang bumungad mula sa kanyang mga mata ay ang mismong mukha ni Sheena.

Her friend was already inside her room before she could even notice it, at ngayon ay tawa na ito ng tawa dahil sa naging reaksyon niya.

"Sh--Sheena!? Anong-- Papaano ka nakapasok dito??" May halong pagkagulat pa ring tanong ni Theresa sa kaibigan.

"I used the door, silly!" Sagot naman ni Sheena, na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapigilan ang pag-tawa.

Dahil dito'y napairap nalamang si Theresa.

"Not actually my point! --At pwede ba? tumigil ka nga! Sa tingin mo ba nakakatawa 'yon!? Kamuntikan nang malaglag ang puso ko sa gulat tas tatawa ka lang diyan!?"

"Hahaha! Sorry! Sobrang nakakatawa lang din kasi ng naging reaksyon mo eh! --But anyways, si tita Tamara ang nagpapasok sa'kin. Sobrang tagal mo raw kasing maligo! And she saw me standing outside, kaya pinapasok niya nalang ako," pagkukwento ni Sheena.

"Since when?" Theresa asks.

"No'ng nagsha-shower ka, duh!"

"At binigyan ba kita ng permission para pumasok sa kwarto ko at manggulat?"

"Uhh-- hindi. But who needs permission anyway? I'm here to pick you up para sana sabay na tayong magpunta sa school. And for your information, hindi kita ginulat noh! Kasalanan mo na yan dahil magugulatin ka talaga."

"My room is still a private property, Sheen. Sa susunod basahin mo muna yo'ng mga signs sa pinto bago ka pumasok!"

"Well actually, I would have read that kung wala lang sana tayong hinahabol na oras. Now what are you waiting for? Time to move some ass, girl! Time waits for no one," bored nitong sagot.

"Calm down, Sheen! First day ng school palang naman diba? I'm pretty sure na paglilinis lang ang unang aabutin natin do'n kapag pumasok tayo ng early. Kaya chill! We're gonna be a 100% fine!" Kalmado nang wika ni Theresa, habang inaayos ang sarili mula sa salamin.

Magsasalita na sanang muli si Sheena, ngunit hindi naipagpatuloy ng dalaga ang sana'y kanyang sasabihin nang muli nanamang magbukas ang pintuan ng kwarto ni Theresa.

"Girls, tumawag na sa'kin ang teacher niyo," wika ni Tamara.

"Uh-oh..." Sheena muttered...

"At sinabi niya sa'kin na kapag hindi pa raw kayo dumating sa school within 30 minutes, kayong dalawa nalang ang mag-fa-flag ceremony sa gitna ng plaza. --So ano pa bang hinihintay niyo? Ang may sumabog na bulkan? Dahil kung hindi pa kayo aalis ngayon, talagang may sasabog na bulkan sa kwartong toh!" Wikang muli ni Tamara, halatang kanina pa nagagalit dahil sa mahinang pag-usad ni Theresa.

"Si--Si--Si Sheena kasi eh! Ang tagal-tagal! S--So ano na ba kasi, Sheen? Shall we go? Or shall we not?" Ani Theresa, blaming the aim to her friend.

"A--Ano!? Teka bakit ako--"

Hindi pa man naipagpapatuloy ni Sheena ang kanyang mga sinasabi ay kaagad na siyang hinugot ni Theresa palabas ng kwarto.

Both of the girls gave Tamara some goodbye kisses on her left cheek, at pagkatapos ay dali-dali nang lumabas ng kanilang bahay.

"U--Uy, Theresa sandali! Matatapilok akong bruha ka!!"

***

Matapos iyon ay magkasabay nang sumakay sa loob ng tricycle ang magkaibigan.

Kamuntikan pang makalimutan ni Theresa ang kanyang sariling bag. Ngunit mabuti nalang at hawak-hawak na pala ito ni Sheena.

"Grabe ah! Hindi mo naman sinabi sa'king mag-close pala si tita Tamara at ma'am Zaira! --So, pa'no na yan? Sinasabi ko na nga ba sa'yo eh! We only have 30 minutes left before all hell could break lose! If anything happens to me, mumultuhin talaga kita!" Ani ni Sheena sa kaibigan, na halatang hingal na hingal pa rin dahil sa bigla nalamang na pagkaladkad sa kanya ni Theresa.

"Alam mo, ang o.a. mo! Pakana lang 'yon ni mama noh!"

"Talaga? Eh ba't ka napatakbo?"

"Girl! Nakita mo naman siguro ang mga mata ni mama diba? She's definitely way more dangerous than our homeroom teacher, maniwala ka nalang sa'kin! At 'yon? That was just a warning! You don't want to see her angry side," she explained.

"Ikaw kasi eh! I told we're already late diba? Time isn't gonna wait for us! Ewan ko ba kasi kung ano pang pinaggagagawa mo tuwing umaga eh!"

"Okay fine! I'm sorry okay?" Pairap na wika nalamang ng dalaga.

+++

"Ay teka-- kuya, pwede ho bang paki-para po muna saglit?" Wika ni Sheena sa tricycle driver.

"Sige ba," sagot naman nito.

"Teka teka... Sheena, anong ginagawa mo? Ang akala ko ba kanina ka pa reklamo ng reklamo sa oras? Ikaw pa nga tong nag-sasabing mali-late na tayo diba?" Takang tanong ni Theresa sa kaibigan nang bigla nalamang itong pumara malapit sa isang antique store.

"S--Saglit lang toh, promise! May bibilhin lang ako sa Melo's Antique Store," ani Sheena.

"Well how about kung mamayang pag-uwi mo nalang na'tin bilhin yan?"

"Three minutes lang talaga toh, promise! I'll be back in no time! And besides, may 15 minutes pa naman tayo papuntang school eh! At nasa few blocks away nalang din naman ang Annex University! So, sigurado akong hindi pa tayo mali-late," she said in monologue.

Wala namang ibang nagawa pa si Theresa kundi ang mapabuntong hininga nalamang sabay iling-iling.

"Fine!! Just hurry up and--"

"I will!" Pag-puputol ni Sheena sa kaibigan, at pagkatapos ay kaagad nang lumabas ng tricycle. Halos matapilok pa ito habang mabilis na pumapasok sa loob ng Melo's antique store.

Theresa took another deep sigh.

Halos hindi niya na mabilang kung nakailang beses na ba siyang napahinga ng malalim sa araw na ito. And it feels weird. Naging habit niya na rin kasi ang paghinga ng malalim sa tuwing nakakaramdam siya ng kaunting stress.

It's like, she's releasing the negative energy inside her body and thoughts. And this mostly happens kapag may hindi magandang nangyayari mula sa kanyang kapaligiran, o bagay na mangyayari palamang.

Like some kind of an action-premonition --or something like that.

Ngunit napailing-iling nalamang si Theresa.

Pilit na iniisip na, marahil ay dala lamang ang lahat ng ito sa stress.

Lalo na't hindi maganda ang unang kinalabasan ng kanyang umaga.

"Gusto mo, neng?" Mayamaya'y may inilahad sa kanyang candy iyong mamang tricycle driver.

Dahil dito'y napatitig mula sa kamay no'ng lalake si Theresa, at nag-aalangan kung tatanggapin niya ba ito mula sa taong hindi niya naman kakilala.

Sa kahuli-huliha'y napagdesisyunan ng dalagang kunin nalang iyon mula sa mabait na mama.

Her parents taught her to not accept gifts from strangers, lalo na kapag ito'y pagkain, dahil baka puno ito ng lason.

But the tricycle driver wasn't really a complete stranger to her, lalo na't nakailang beses na rin silang maging pasahero nito.

But still, she know nothing about him.

Tinanggap ng dalaga ang candy, ngunit tinitigan niya lang muna ito. She isn't sure kung kakainin niya ba ito mamaya, ngunit upang magbigay ng respeto at galang ay hindi niya ni-reject ang alok ng lalake.

Ayaw niya kasing ma-offend ito sa kanya, and he's always been nice to them.

The man was at his 40s.

At alam ng dalagang may hitsura ito no'ng ito'y nasa kanyang kabataang edad palamang.

"Salamat po kuya," nakangiting wika ng dalaga.

"Walang ano man neneng..." Nakangiting ani ng lalake. "Uhh-- siya nga pala, kung hindi ako nagkakamali, Theresa ang pangalan mo hindi ba?" The man asked.

And out of curiosity, Theresa stared at him with frowned expression. "Papaano niyo po nalaman?"

Tanong ng dalaga, ngunit gay'on pa ma'y naisip niyang, iyon ay marahil parati siyang nababanggit ni Sheena sa tuwing sasakay sila sa tricycle na iyon, but the man told her a different answer.

"Madalas ka rin kasing mai-kwento ng pamangkin ko eh. Magkaklase nga pala kayo," wika no'ng tricycle driver.

Dahil dito'y mas nagtaka lamang ang dalaga.

"A--At sino naman po itong--"

"Justin," kaagad na banggit ng lalake sa pangalan, na siyang nakilala niya naman agad.

"J--Justin? As in... Justin Hijada po?"

The man nods.

"Ahh! Kaya po pala ang gwapo niyo-- E--ESTE! --I--Ibig ko pong sabihin... K--K--Kaya po pala pa--parang pamilyar ho ang mukha niyo! M--Magkamag-anak po pala kayo ni... Tintin!" Wika ni Theresa, na halos kamuntikan pang madulas mula sa kanyang pagsasalita.

Hindi siya malapit sa nasabing kaklase, at gano'n rin ito sa kanya, but they're indeed acquaintances.

At kagaya niya ay hindi rin pinalad sa karangyaan at mayamang pamilya ang binata.

Justin has four more younger siblings, at tanging ang kanilang uncle lamang ang nagsisilbing kanilang padre-de-pamilya. Ngunit sa kanyang murang edad ay natuto naring magtrabaho ang binata.

And that made him so appealing and popular to the other students, kaya nama'y halos hindi makapaniwala si Theresa ng malaman nitong ikinukwento pala siya ng binata sa tito nito. --Kung totoo man ang sinasabi no'ng lalake.

Siya kasi... She thinks of herself as just a random highschool girl. She isn't rich, nor popular, but she do have lots of friends.

Hindi lang talaga siya yo'ng tipong, kapag maglalakad ka sa hallways ng school eh marami ang tititig sa'yo na wari ba'y isa kang prinsesa o prinsepe. Para sa kanya, eh sa mga palabas, telebisyon at nobela lamang iyon nangyayari.

The man laughed.

"Ako nga pala si Jasper," pagpapakilala nito. "At masasabi kong... totoo nga pala talaga ang sinasabi ng pamangkin ko tungkol sa'yo," wika pa nito.

"N--Na... Na ano po?" Theresa asked.

"Na maganda ka! Pinakitaan niya pa nga ako ng mga pictures mo dati eh, pero baka mag-isip ka na stalker mo siya ah? Hindi. Marami lang talaga siyang mga tinatagong litrato sa klase niyo, parati niya rin kayong ikinukwento sa amin kaya nama'y halos nakikilala ko na ang iba sa inyo," pagpapatuloy pa nito sa pagkukwento, na nagsanhi lamang sa biglaang pag-iinit ng mukha ni Theresa.

"A--A--Ano!? Te--Teka lang kuya! S--Satingin ko po, hindi magandang pi--pinag-uusapan na'tin siya na wala siya rito!" May halong pag-papanik na wika ni Theresa, na halatang pulang-pula na dahil sa mga sinasabi sa kanya ni Jasper. O kung tawagin ay nag-bu-blush na ito.

The man continued laughing.

"Ano ka ba, ayos lang! Natutuwa lang din kasi ako sa ginagawa mong ekspresyon eh," wika pa no'ng lalake. "Pero sige. Basta, pag-makaabot na kayo sa school, paki-kamusta nalang ako sa pamangkin ko ah?" Aning muli ni Jasper, clearly just teasing Theresa.

"H--Haay naku, kuya! Para namang hindi kayo nagkikita sa inyo," tanging iniwika nalamang ni Theresa, sabay na napahilamos nalamang mula sa kanyang mukha.

Makalipas ang tatlong minuto ay muli nanamang napa-reklamo si Theresa mula sa kanyang sarili nang hindi pa lumalabas mula sa loob ng antique store si Sheena.

"What's taking her so long!?"

"Naku, siguro ang mabuti pa eh sunduin mo nalang siya sa loob," wika ni Jasper.

"Good idea kuya," she said, trying to not stress herself out. "Basta, hintayin mo lang ho kami dito ah?" Aniya, na siya namang kaagad na ikina-tango ni Jasper.

Lumabas mula sa loob ng tricycle si Theresa upang sunduin si Sheena, halos mapa-mura na ang dalaga dahil ilang minuto nalang ay talagang mahuhuli na sila sa kanilang unang klase.

How ironic that the tables have turned so suddenly.

Kanina siya itong halos wala lang paki-alam sa oras at si Sheena naman ang nag-mamadali, ngayon naman ay nagka-palit na sila.

Nasa harapan na siya ngayon ng pintuan sa antique store, at isang pihit mula sa pinto nalamang ay makaka-pasok na siya, ngunit hindi niya pa man nahahawakan ang doorknob nito'y, napa-inda sa sakit ang dalaga nang may bigla nalamang bumangga sa kanya.

"Anak ng-- Hoy!!" Kaagad niyang sinigawan iyong lalake, ngunit huli niya itong nakita'y nasa malayo na ito't walang tigil sa katatakbo, na wari ba'y may kung ano o sino itong tinatakasan.

Naka-suot iyon ng parehong pan-lalakeng unipormeng kanyang nakikita sa paaralang pinapasukang niya.

But the odd thing is...

She suddenly recognized who it was...

"Darwin?" Wika ng dalaga sa sarili.

Hindi siya maaaring magkamali, isa nga iyon sa kanyang mga kaklase!

And the atmosphere changed into something eerie when her eyes suddenly gazed through the sidewalks, kung saan mismo naglakad ang kanyang kaklase...

May mga tulo doon ng wari ba'y mga pulang likido...

At doon lamang napag-tanto ng dalaga na nabahiran na rin pala ng mga pulang tinta ang kaliwang bahagi ng kanina lamang ay kulay brown niyang uniporme. The stains marked kung saan siya kanina nabangga nung binata.

At sa unang titig niya palamang ay kaagad niya nang nalaman kung ano iyon.

"Dugo?" Wika ng dalaga sa sarili.

It wasn't hers.

Kaya isa lang ang ibig sabihin nito. Galing iyon sa kaklase niyang kanyang naka-bungguan kanina.

Nagpa-linga-linga ang dalaga sa buong sulok, sinisigurado kung may tao ba talagang humahabol sa kanyang kaklase, but saw no one, maliban lamang sa mga taong palakad-lakad sa iba't-ibang destinasyon, minding their own businesses.

She couldn't help herself but to feel worried, kaya nama'y bago niya pa man mapansin ay nakita niya nalamang ang kanyang sariling sinusundan na ang mga dugo mula sa daan, nag-babaka-sakaling mahahabol niya pa ang kaklase.

Sinundan niya ito ng sinundan, hanggang sa huli niyang makita ang sariling naka-tayo na sa may labas ng wari ba'y parang isang abandonadong slaughter house.

Napa-singhap muna ang dalaga, at dahan-dahang pumasok mula rito.

Napaka-dilim doon, at walang ka-tao tao. But the trail still lead her this way, ibig sabihin ay naririto ang kanyang hinahanap na kaklase, --but all she saw was nothing but darkness, and the rotten smell of decaying meat.

But still, she called out a name.

"Darwin?"

She did it twice, but nobody answered.

"B--Bakit ako nandito?" Ani ng dalaga mula sa kanyang isipan, nang mapag-tanto niyang malayon na pala siya mula sa binabaan niyang tricycle at antique store.

Hindi maintindihan kung bakit niya pa sinundan iyong mga blood tracks sa halos isang liblib na lugar na ito.

All she could ever think of was her friend. Nag-alalala siya na baka may sugat ito. Yes, she could have just asked for help, ngunit sa puntong iyon ay pakiramdam niya'y responsibilidad niya ang pag-tulong dito, lalo na't kaibigan niya ito.

Ngunit ngayon ay iniisip nalamang ng dalagang, marahil ay imahinasyon niya lamang iyon at ibang tao pala ang kanyang naka-bungguan kanina, just someone who resembles one of her friends. Which makes sense dahil sa isang iglap ay bigla nalamang nawala ang dugong kanyang nakita mula sa uniporme niya kanina...

Even the blood tracks were gone!

"That's wierd?" She said to herself.

Doon lamang napa-isip ang dalaga...

She should leave, mali-late na siya sa klase niya, at marahil ay kanina pa naka-balik sa tricycle si Sheena't nag-hihintay na sa kanya.

But something stopped her from leaving... Or rather-- someone.

"T--Tulong!"

Iyon ang kasunod na narinig ng dalaga nang sana'y aalis na siya mula sa loob ng slaughter house...

A seemingly familiar voice.

She can feel the pain behind the student's echoing voice, and the cries that the he's trying to concile.

"D--Darwin?" Muling tawag ni Theresa sa binata, sabay palinga-lingang muli, ngunit kahit saan siya tumingin ay wala siyang may nakikitang tao mula sa loob ng napaka-dilim na kwarto.

"Theresa? I--Ikaw ba yan?" A boy speaks... "A--Ayaw niya 'kong l--lubayan!" Mahinang sambit ng taong patuloy niyang naririnig mula sa kadiliman.

Theresa ventured deeper, trying to find the person she's looking for. "S--Sinong tinutukoy mo? D--Darwin n--nasaan ka ba kasi? A--At... At ba't napaka-raming dugo ang... ang umaagos sa'yo? Are you... w--wounded or something?" She asked the obvious, habang patuloy parin sa pag-hanap kung saan ba talaga nanggagaling iyong boses na kanyang naririnig.

Hanggang sa mayamaya'y naka-harap na siya sa isang maputing kurtina, at mula roon ay may nakikita siyang taong gumagalaw habang ito ay naka-upo.

"Darwin? I--Inaway ka nanaman ba nina Joey? Tu--Tutulungan kita! Isusumbong natin sila sa principal! O--O di kaya naman, kung grabe na'ng ginagawa nila sa'yo, sabihin mo lang at ako na mismo ang mag-rereport sa kanila sa pulisya!"

"H--Hindi mo ako naiintindihan. Hindi siya titigil... H--Hindi siya titigil hangga't hindi niya tayo nauubos na lahat!" The voice was starting to sound intense.

"J--Just calm down, okay? Magiging ayos lang ang lahat--"

Dahan-dahang itinatabing ni Theresa palayo iyong kurtina mula sa kanyang harapan, nag-babaka-sakaling makikita ang kaklase mula roon.

Ngunit laking pag-tataka ng dalaga nang wala siyang kahit na sino o anong makita mula roon kundi isang maduming silya lamang. It was empty, and no person was seen.

Napa-kunot ng kanyang noo si Theresa, but the voice of her friend continued speaking...

"They already got me, Theresa..." Huling narinig ng dalaga mula mismo sa kanyang magkabilang tenga, dahilan upang makaramdam ng siya pangingilabot mula sa kanyang buong katawan...

Kung sino man iyong taong kanina pang nag-sasalita, ito ay nasa likuran niya na.

Lilingon na sana mula rito ang dalaga, ngunit hindi niya pa man nai-gagalaw ang kanyang buong katawan ay bigla nalamang siyang naka-ramdam ng isang napaka-hapding sensasyon mula sa kanyang leeg.

At sunod niya nalamang na nakitang, napaka-raming dugo na pala ang umaagos mula rito.

Someone slit her throat!

Sinubukan niyang i-diin ang kanyang mga palad upang sana'y patigilin ang pag-durugo, ngunit sadyang napaka-lalim na ng kanyang naging sugat.

The pain was drowning her, owning her whole body, until all she could ever feel was pure pain weakness.

"Mamamatay ka..." Narinig niya pang iniwika ng isang taong halos hindi niya na makita ang mukha dahil sa unti-unting pag-didiliryo ng kanyang mga paningin.

It wasn't Darwin. It was a whole different person she have never met before... "At mamamatay kang mag-isa," sabi pa nito, sabay tadyak kay Theresa, dahilan upang kaagad siyang matumba mula sa napaka-duming sahig. "And your friends, and all the people you care about will die afterwards, Theresa."

She wanted to say something, but her throat was already cut in two.

She wanted to run, but she was already dying. Until all she could ever see was nothing but pure white, shining against her, and trying to swallow her.

***

T o B e C o n t i n u e d . . . . .

次の章へ