webnovel

9.5 Realest of the Whole

It almost resembles a microwave oven dahil sa init ng panahon na dulot ng tanghaling tapat. Ala-una na ng hapon sa Shohoku high school at sa kasalukuyan ay hindi pa sapat ang facilities ng naturang paaralan para matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante maski na sa mga guro tungkol sa kanilang daily assigned activities sa klase. 

Meanwhile, the female population of section C was busy dealing with their own business sa loob ng locker room kung saan sila pwedeng makapagpalit ng damit for their next subject. "Oh my gosh! Grabe naman pala si sir. First day of class pa lang, nagpapapunta na agad siya sa field." reklamong saad ni Arisa habang nagpapahid ng sunblock sa kanyang binti.

"Ihhh… Nasa rejuv set era pa man din ako at hindi pwedeng masira ang face ko dahil sa sunburn." padabog na sabi ni Char sa kanyang mga kaibigan. 

"In fairness, hindi halata na may nagbabago sa mukha mo. Huling silip ko nga dyan ay parang wala man lang ikinaganda. Itsurang bisugo pa din ang peg mo hanggang ngayon mamsh." Tugon naman ni Bridgette sa kanyang kaibigan at hindi niya namalayan ang insultong ibinahagi niya para kay Bridgette in terms of sarcasm kaya tanging bombastic side eye lamang ang nangibabaw sa mukha ni Bridgette.

"Hindi ba uso ang jogging pants sa eskwelahang ito? Pinapasuot pa tayo ng bloomers eh outdated fashion na kaya ito." naiinis na sabi ni Fujii na todo manghila ng kanyang suot para matakpan kahit paano ang bottom nito.

Bloomers are underpants na kalimitang sinusuot ng mga babae which is required in almost every japanese schools in that country especially for gym classes. "Parang sasabog na iyan teh sa sobrang sikip ah. Huwag ka na kaya tumuloy sa next class baka masuka lang si sir sa itsura mo. Lalabas na ata iyang kaluluwa mo sa suot mo eh. Hahahaha…" Komento naman ni Char kay Matsui na patuloy na inaasar ang kabilang kampo.

"Hmmp… At least itong akin, may laman. Eh yung sayo kasi baka napatag ng malala sa upuan kaya maski kapain iyan ng ilang beses ay pader na lang ang mahihimas diyan sa pwet mo." pambabarang saad ni Matsui at nang-aasar pa sa barkada ni Bridgette. 

"Oh wow! Coming from you, saan ba nanggagaling ang lakas ng loob para magyabang ng ganda? Wala kang ganun, real talk lang." Pang-iinis na turan ni Arisa na kakatapos lang maggayak.

All kidding aside ngunit bumalik si Haruko sa kanila na may dalang masamang balita. "Guys! Bilisan ang kilos, nagwawala na si sir sa gitna ng open field." Balisa masyado ang dalaga dahil sa nasaksihan nito on her way to the locker room.

"Sigurado ka ba dyan? Baka naman pinaprank mo lang kami?" tanong ni Arisa na may halo pang pagdududa sa mga nasabi ni Haruko sa kanila.

"At bakit ko gagawin iyon? Isa pa, late na tayo sa subject ni sir kaya without any annoying questions, pumunta na tayo sa field. ASAP!" mariing utos ni Haruko sa kanilang klase at nagmamadali silang makaabot sa open area na tinutukoy niya.

The male population of class 3C were already at the open area which is the volleyball court to be exact. Hanamichi and his own army of friends were fixing the volleyball net while the other half were polishing each volleyball inside the ball storage. Pagkarating naman ng mga girls sa venue ay agad silang sinalubong ng masamang tingin ng kanilang guro.

"Saan kayo galing? Bakit ngayon lang kayo?!" Galit ang tono ng pananalita ni Harry sa harap ng kanyang mga estudyante which made the whole atmosphere awkward for their section. 

"Sino ba ang class president niyo?" dagdag pa nitong tanong and any minute ay maaaring mauwi sa violent intervention ang ganap ng buong 3C sa kamay ng naturang guro.

"We're sorry po na nalate kami. Yung previous subject teacher po kasi namin ay biglang nag-overtime sa discussion kahit first day pa lang po, so medyo gahol po sa oras ang karamihan sa amin para makapagready po sa subject niyo." Mahinahong paliwanag ni Haruko kahit hinahabol na nito halos ang kanyang paghinga.

"And do you really think that is enough reason para lang malate kayo ng ganito sa subject ko? Let me remind you baby girl, nandito lang tayo parepareho sa eskwelahan kanina pang umaga at kayo pa talaga ang may ganang mag-inarte sa akin ng ganyan." Deretsahang sabi ni Harry sa kanyang mga estudyante na nananahimik at tikom ang bibig para sa karagdagang opinion. 

Harry looks stern in front of the class while Bridgette loves the scene she was currently watching. Bagamat sila ay pinapagalitan, ramdam ng buong klase ang epekto ng pamamahiya ng guro lalo na sa student-in-charge na si Haruko para sa kaayusan ng buong klase. 

"Masyado atang sensitive si sir sa maliliit na bagay na tulad nito." bulong ni Fujii sa kanyang sarili at lubos ang kanyang pagtataka sa call sign na pauso ng naturang guro sa kanilang mga babaeng kaklase. 

"Pasensya na po sir." nakayukong saad ng mga babae sa kanilang guro dahil sa pagiging late habang ang iba naman sa kanila ay nagpipigil ng inis dahil pinapahiya ng sobra ni Harry ang mga kaklase nila lalo na si Haruko sa harap ng maraming tao.

"Siguro naman, you've learned your lesson already. I'm Harrison Yamamura, but you can call me Sir Harry for much more endearment at para hindi na din kayo mahirapan sa pagbigkas ng buong pangalan ko. Few reminders lang, always wear your proper attire or uniform tuwing may klase tayo at hindi porket P.E. lang ito ay may karapatan na kayong malate, umabsent, at magpapetiks lang sa subject na ito. Is that clear?" Paliwanag ni Harry sa kanyang mga estudyante na may konti pang kibo mula sa kanila.

"Yes sir." tugon nilang lahat kasabay ng kanilang pagmamasid kung may kulang pa ba sa kanilang bilang.

"May absent ba sa inyo o may hahabol pa ba sa klase natin?" paninigurong tanong ni Harry sa kanyang mga estudyante.

"Talaga ngang hindi na bumalik ang Rukawa na iyon." saad ni Sakuragi sa kanilang guro. Palingon lingon pa ang binata ng isumbong niya ang nawawalang estudyante sa klase.

"Ganun ba. At dahil naging honest ka, may plus 5 points ka sa quiz." saad ng guro as he reached out his hand sa mga answer sheets na nakatago sa bulsa niya. 

"Huy! Wala ng bawian na iyan ah?!" Abot langit ang tuwa ni Hanamichi tungkol sa narinig na balita mula kay Harry. 

Samantala ay hindi na lang sinagot ng guro ang patutsada ng estudyante sa kanya as he immediately proceeds sa lesson proper ng kanilang subject. "Anyways, pakidistribute itong mga answer sheet sa mga classmate mo para masagutan niyo ang pre-test para sa topic natin ngayon." bilin ng guro kay Sakuragi and the unusual facial expressions becomes evident nowadays sa face to face classes.

"HAH?!" Natataranta ang buong 3C sa trip na ganap ng kanilang guro. 

"Irerecord ko iyan as your first quiz kaya pagbutihan niyo and if ever man na mahuli ko kayong gumagawa ng kalokohan, asahan niyong pupunitin ko sa harapan niyo ang quiz na iyan at wala na kayong second chance para iretake iyan." Paliwanag ni Harry sa kanyang mga estudyante at wala na silang ibang magagawa kundi ang sumunod sa utos niya.

"Grabe! Ni wala pa siyang tinuro tapos may gana pa siyang magpaquiz agad?!" bulong ni Matsui sa kanyang isip.

[Haruko Akagi…]

Is this the real meaning torture? Una sa lahat, I didn't even have the chance to protect myself mula sa mga masasakit na salitang binitawan ni sir at sa literal niyang pamamahiya sa amin ng mga kaklase ko. Ni hindi na ako nakailag sa pagpaparinig ni sir kanina kaya nanahimik na lang din ako habang nag-eexam para wala ng ibang masabi ang maestro sa klase namin.

Wala naman akong problema kung gusto niya ang surprise exam para sa amin dahil may masasagot naman ako sa mga tanong niya dito, hoping na tama iyon lahat. 

Sampung minuto din ang ibinilad namin sa araw para lang masagutan ang mga trick questions niyang pauso para sa amin. "Okay… Times up. Pass your papers." ani sir Harry at walang sawa siyang pumipito para bilangan kami ng segundo na hindi pa namin naipapasa ang mga papel namin.

"Alright! Uwian na!" Biglang bulyaw ni Sakuragi matapos niyang masagutan ang kanyang answer sheet at hindi din iyon nakawala sa pandinig ni sir at malabombastic side eye siyang tinitigan nito.

"Natapos niyo ba sagutan? Marami ata akong maling sagot." Pag-aalalang saad ni Sasaoka mula sa pwesto nila ng barkada niya. I couldn't agree more sa ganitong klaseng pag-ooverthink lalo pa't nakakaintimidate kausap si sir Harry dahil na rin sa first impression niya sa aming mga estudyante.

"Pasalamat talaga ako na hindi na out of stock ang stock knowledge ko sa ibang sports maliban pa sa basketball. Bigla ba naman may sinamang historical questions sa pre-test…" Kung magkwento naman si Kuwata sa kanyang mga kaibigan eh parang wala lang si sir sa tabi nila. Ako pa ata ang maaawa sa kanya kapag nasagad pa lalo ang pasensya ni sir. 

After namin mag-exam ay sumunod naman sa kalbaryo namin ang real deal. I'm sure that not everyone is fit enough para sa strenuous exercises and activities lalo na kapag sobrang tindi ang init ng panahon. The heat almost drains you inside and out but despite of all the struggles ay kinakailangan talagang magsakripisyo alang-alang sa pasadong marka.

The first step always starts with warm up exercises. Medyo okay pa naman ang kondisyon naming lahat dahil basic stretching and body conditioning pa lang ang ginagawa namin gaya ng side lunges, running laps, at marami pang iba. Sinigurado din ni sir na nakakasabay ang lahat sa nais niyang mangyari sa mga oras na iyon as he demonstrate the drills first bago niya kami payagang magsarili for our activity. However, kahit gaano pa ako kadesperadang mahigitan ang expectations sa akin ng pamilya ko when it comes sa acads, hinding-hindi talaga mawawala sa eksena ang mga emergency situations.

- BACK TO SCENE -

Lumipas na ang isang oras mula sa klase ni Harry ngunit wala pa din sa kalahati ang nakatapos ng set of drills na inassign niya para sa buong 3C. Halos malantang gulay silang lahat dahil sa intensity ng "work-out" na kailangan nilang tapusin within the given period.

"Hay naku! Ayoko na. Pagod na akong tumakbo." reklamong saad ni Takamiya na naglupasay na sa gitna ng volleyball court. 

"Tumayo ka na dyan taba. Matatapos din natin 'to." pangungumbinsing saad ni Noma sa kanyang kaibigan.

"Bilisan mo na dyan baka ipaulit na naman niya sa atin ito from the start kapag nakita ka niyang nagpapahinga dyan." paalala ni Ohkusu at natataranta din siya sa anumang tunog ng pito na maaaring umalingasaw sa paligid.

*Prrrt!! prrrt!!* The annoyance brought by the sound of his whistle means that they are all doomed. "ULITIN NIYO LAHAT MULA UMPISA. Hindi pa din ninyo nakukuha ang tamang tindig sa pagreceive ng bola." Bagamat kalmadong nakamasid ang kanilang guro tungkol sa kanilang progress sa paglalaro, may iilan pa din sa kanilang klase ang nahihirapang makasunod sa bilis ng pagpapalit ng kada set ng routine nila.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mito kay Takamiya sabay niyang inilahad ang palad nito para mag-abot ng tulong.

"Basta pagkatapos nito, kakain ako ng masarap na pagkain sa bahay." determinadong sabi ni Takamiya na mukhang hindi na iniinda ang sakit ng katawan nito. Agad siyang tumayo kahit nanghihina na siya sa sobrang gutom.

Sa kabilang grupo naman, kasama ni Hanamichi ang kanyang mga teammates sa basketball na sina Kuwata, Isshi, at Sasaoka. Tadhana man o hindi ang nagtakda para magkasama silang ulit ni Haruko sa iisang grupo, masayang karanasan din ito kay Hanamichi dahil si Haruko din ang isa sa gumabay sa kanya para magawa nila ng tama ang mga drills na inassign sa kanila ng kanilang guro.

"Ang galing! naipapasa ko na ng maayos ang bola sa kabilang net." Tuwang tuwa si Hanamichi for his new set of achievements. 

"Ganyan nga Sakuragi. Ngayon naman, subukan mong itiming ang pagtalon mo sa pagspike ng bola." saad naman ni Harry sa kanyang estudyante.

"Mukhang mayroon ng favorite student si sir ah." komento ni Sasaoka sa gilid ng court.

"Kaya nga. Buti na lang at nakatuon na sa kanya ang atensyon ni sir at hindi na siya masyadong nakikialam sa ganap ng iba sa atin." tugon naman ni Isshi habang nakasandal naman si Haruko sa barricade na malapit sa kanyang groupmates.

"Good for you, Sakuragi." natutuwang saad ni Haruko nang bigla siyang nahimatay sa sobrang pagod which gather all their attention including the other students from different sections.

Unang lumapit sa kanya si Fujii. "H-Haruko…?!" She was checking her vital signs pero hindi maganda ang lagay ng kanyang kaibigan.

"Hoy! Tulungan niyo kami…" Matsui was yelling nonstop, worried about the possible outcomes na maaaring mangyari kay Haruko.

Bagamat good news ang nangyaring iyon para kina Bridgette, Char, and Arisa dahil pasuko na din sila sa pagod, their expressions couldn't care less kung tatagal pa ba ang buhay ni Haruko sa mga oras na iyon. "Shutek! Matatapos na din ang P.E. na ito sa wakas." bulong ni Arisa sa kanyang mga amiga.

"I did not expect this kind of dilemma pero buti nga sa kanya." ngising saad ni Char habang nakatingin sila sa direksyon kung nasaan si Haruko.

"Mukhang early dismissal tayo ngayon but still, good job pa din sa inyong cooperation sa klase natin." ani sir Harry sa buong klase kaya nagsimula na din ang ibang students sa 3C na magligpit ng mga tools and equipments na ginamit nila. 

"Haruko… Wag kang bibitaw sa akin ah!" Si Sakuragi ang nagprisintang magbuhat sa naturang pasyente patungong school clinic habang kasama niya ang kanyang army at mga basketball teammates na sobrang nag-aalala sa kalagayan ng kaibigan. 

When they finally arrived at that specific school premisses ay agad bumungad sa kanila ang school nurse na mas masungit pa sa isang terror na prof. "Si patient lang ang kailangan ko dito. The rest of you, lumayas na kayo sa harap ko." wika ng dalaga sa mga kaibigan ni Haruko.

"Magpagaling ka Haruko." nag-aalalang sabi ni Hanamichi matapos niyang ihiga si Haruko sa hospital bed ng kanilang clinic. 

Three hours later ay pasara na ang gate ng eskwelahan ng Shohoku. The moment that the commotion starts to subside ay nagising si Rukawa sa mahimbing nitong pagkatulog kaya naman sinamantala na niya ang pagtakas doon sa school clinic.

[Kaede Rukawa…]

Gaano na ba akong katagal natulog dito? In fairness din sa aircon dito, mukhang pinagkagastusan. Sa pagkakaalala ko ay ako lang halos ang nanirahan sa clinic na ito mula pa kaninang tanghali pero bakit kasama ko na naman ang babaeng ito sa silid na ito? 

"Psst… Gising na." Kakong ganyan habang inaalog ko ang balikat ni Haruko. Nakapatay na ang ilaw sa loob ngunit hindi pa nakakandado ang pinto sa labas kaya may pagkakataon pa kaming makauwi on time sa mga bahay namin. 

Pagdilat ng mata niya ay bigla akong nabuhayan ng loob sa di mawaring dahilan. "Rukawa… Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Sakuragi?" bigla niyang tanong sa akin.

"Siya ba ang nagdala sa'yo dito?" tanong ko sa kanya at tumango siya sa akin bilang tugon. "Ano bang nangyari?" I asked her pero sa lagay niya ngayon eh nananamlay ang itsura niya.

"Marami. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero napahiya ako ng sobra kanina. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para magampanan ng maayos ang responsibilidad ng pagiging class officer pero hindi pa din sapat…" She was disappointed habang nagkukwento nang biglang sumumpong ang gutom niya. 

"S-Sorry, narinig mo pa iyon." she excused herself dahil sa biglang pagkulo ng kanyang sikmura which is kinda cute to see her true self na walang tinatagong kaplastikan sa sistema.

"Tara kain tayo sa labas. Gutom na din ako eh." sabi ko sa kanya bilang pampalubag-loob sa anumang kagunggungan na pinaggagagawa ng Harry na iyon sa klase kanina.

次の章へ