webnovel

CHAPTER TWELVE

"papasok ka ba ngayong araw?" tanong ni Acxius.

Alas dos ng madaling araw pa lamang. Pareho kaming umiinom ng kape na ipinadala nina Forex at Aerox kanina.

"hindi ko alam, gusto ko sana muna bantayan si Takeshi hanggang sa magkaroon siya ng malay pero kailangan din natin magkaroon ng mata sa labas" tugon ko saka uminom ng kape.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Si Acxius naman ay tila ayos na ang pakiramdam, hindi ganon kalalim ang saksak na natamo niya kaya siguradong mabilis lamang siyang gagaling kumpara kay Takeshi na bukod sa marami ay malalim din ang tama.

"ano na kaya ang balita sa labas? ano na kaya ang nangyayari roon?" nagtatakang tanong ni Acxius.

Oo nga, alam kaya nila ang nangyari rito? Siguro alam na nila dahil mabilis naman kumalat ang balita rito.

"kaya mo bang bantayan si Takeshi rito? half day lang naman ang klase ngayong semester natin kaya pagkatapos ng klase ay didiretso ako kaagad dito" malumanay na usal ko.

Tumingin siya sa akin.

"don't under estimate the thing that i can do" saad niya saka malakas na tumawa. "kidding, hindi naman ako baldado para hindi makayanang bantayan yang nakahiga lang dyan no! ano ka ba syempre kayang kaya ko yan ako pa ba? " tsk. bilib na bilib nanaman sa sarili nya eh halos mamatay nga sa isang saksak pa lang.

"pero seryoso huwag ka na mag-alala dahil kayang kaya ko syang bantayan, sa'yo nga ako nag-aalala dahil baka mapaano ka sa labas lalo na at wala kami ni Takeshi para ipagtanggol ka" napangiwi ako sa sinabi nito.

Siya ata ang nag-uunder estimate ng mga kaya kong gawin. I rolled my eyes into him.

"nakita mo naman ang nangyari kay Rovainne hindi ba? wala ka pa rin bang bilib sa akin?" nakangising tugon ko. Nagmukha tuloy akong mayabang. Umiling iling lamang ito saka napangisi.

"Naalala mo ba si Bryx? yong ex ni Jasmin? Pwede mo ba syang sabihan na samahan akong magbantay kay Takeshi?" malumanay na ani nito. "maaari rin natin siyang pagtanungan tungkol sa mga nangyayari sa labas" dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla niyang naalala ang isang iyon.

"huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo ha, baka sumunod nyan ay ikaw naman ang nakaratay sa kama" pabirong ani nito.

"tumigil ka na nga, hindi naman ako pala away tigilan mo na ang kakaisip ng kung anong masamang mangyayari sa akin at baka magkatotoo!" kunot noong saad ko saka ito masamang tiningnan.

Bahagya lamang siyang ngumiti saka nagpatuloy sa paghigop ng kape.

Dumiretso muna ako sa dorm upang magpalit ng damit, inayos ko na rin ang aking sarili para naman magmukhang presentable sa harap ng mga kaibigan ko.

Nagtataka akong napatingin sa loob ng silid dahil walang Professor doon, dapat ay kanina pa sya narito dahil mayroong klase. Ano ang dahilan at wala pa siya rito?

"Saji!" pagtawag ko sa atensyon nito. Wala rito sina Yvette at ang circle of friends niya kaya sa kanya na lamang muna ako magtatanong.

Nasaan kaya ang nga yon?

"oy Hyacith bakit? may kailangan ka ba?" tanong nito sa akin.

Bumaba ang aking tingin sa hawak niyang papel. Nakita kong mayroong pangalan na nakalagay doon at sa gilid ay vote.

hindi ko na lamang iyon pinansin.

"wala ba tayong klase ngayon? nasaan si Prof at ang iba pa nating kaklase?" nagtatakang tanong ko saka tinapunan ang mga bakanteng upuan.

"hindi mo pa ba alam?"

"ha? ang alin?" nalilitong tanong ko.

He let out a heavy sigh saka umupo kaya naman umupo rin ako sa tabi ng kinauupuan niya.

Napakamot siya sa kanyang ulo saka siya tumingin sa akin.

"may meeting nanaman ngayon ang heads at Professors kasama ang founder" saad niya.

Nagtataka ko naman itong tiningnan.

"dahil yon sa nangyari kay Takeshi" dagdag pa niya.

Paano naman nila nalaman? Akala ko ay walang nakakaalam non.

"paano—"

"dahil nahuli na yong apat na gumawa non sa kaniya, ikinulong sila dahil sa utos ni Mr. Haruki. Matapos nya malaman ang nangyari agad nyang pinahanap ang mga taong may gawa non" ani niya. "Nagulat nga kami dahil parang ang itsura ng mga lalaking yon ay hindi kayang gumawa ng masama o kahit humawak man lang ng patalim ay hindi nila kaya" nagtatakang saad pa nito.

Napaisip ako. Sina Axerylle kaya ang tinutukoy niya? nahuli na nga kaya sila? kung ganon ay pati ba si Rovainne kasama sa nahuli?

"teka, si Rovainne ba ikinulong din?" nagtatakang tanong ko.

"ha? paano naman nasali si Rovainne? ano ka ba Hyacith hindi sya ikinulong dahil wala naman syang kinalaman sa nangyari. Obsessed sya kay Takeshi pero hindi naman siguro nya magagawang ilagay ito sa panganib" tugon niya saka umiling iling.

Pilit kong itinatago ang pagkabigla. Paanong hindi siya kasama roon?

Kung hindi sya ikinulong, posible bang hindi sina Axerylle ang tinutukoy ni Saji?

Kung hindi sina Axerylle ay sino ang sinasabi nyang ikinulong?

"alam mo ba kung saan sila ikinulong?"

"pasensya ka na pero hindi eh, wala naman kasing nabanggit—" hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita.

Agad akong tumakbo palabas ng silid. Hindi ko alam kung saan sila ikinulong ngunit kailangan kong makita at malaman kung sino ang hinuli nila.

Baka mayroon nanamang inosenteng madamay.

Hinihingal na ako ngunit patuloy lamang ako sa pagtakbo. Kailangan kong mahanap kung nasaan sila.

"ayos ka lang?" nagtatakang tanong ng lalaki.

Dahil sa paglinga linga sa paligid ay hindi ko napansing mayroon pala akong kasalubong.

"oo ayos lang ako, pasensya na ha nagmamadali kasi ako" tugon ko saka ito nilampasan.

Bigo akong napaupo sa bench. Hindi ko natagpuan kung nasaan ang hinuli nila, hindi ko rin nakita sina Yvette upang mapagtanungan man lang.

Kailangan ko na munang bumalik sa Clinic, kailangan ito malaman ni Acxius.

"Bryx!" pagkuha ko sa atensyon nito.

Mabuti na lang at nakita ko itong naglalakad. Ano naman kaya ang ginagawa nya rito? tila ngayon ko lamang siya nakitang lumabas.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Mas importante ngayon na maisama ko kaagad sya.

Dadalhin ko sya sa Clinic katulad ng sinabi ni Acxius. Maaari naming maging kakampi itong si Bryx lalo na at nagkaroon sila ng usapan noon ni Takeshi noong siya ay si Ichiro pa.

"nabalitaan ko ang nangyari kay Ichi— Takeshi, kamusta na ang lagay nya?" mahinahong tanong nito.

Patuloy naming tinatahak ang daan patungo sa Clinic.

"hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay" yon lamang ang naitugon ko.

"nabalitaan ko rin na nahuli na ang may gawa non sa kaniya" ani niya. Natigilan ako ngunit hindi ko pinahalata. "may mali, may mali sa mga nangyayari. Pinuntahan ko ang lugar kung nasaan si Takeshi nong nagyari sa kanya yon, siguro ay hindi napansin ng may gawa sa kanya non na nahulog niya ang kutsilyo" saad pa niya.

Nagtataka ko itong tiningnan ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin. Diretso lamang itong nakatingin sa daan habang nakapamulsa at seryoso ang itsura.

"sasabihin ko sa inyo ang natuklasan ko oras na magising na siya, pakiramdam ko ay nagkamali sila ng taong hinuli o di kaya ay.... sinadya nila iyon" seryosong ani niya.

Hindi na ako nagsalita pa. Iniisip ko ang sinabi nito. Ano ang ibigsabihin niya? sinadya nila na ano? na iba ang hulihin? sa anong kadahilanan naman yon?

Bakit ganito, bakit lalong gumugulo ang sitwasyon. Ito nanaman ang mga tanong na naghahanap ng kasagutan. Ito nanaman ang sunod sunod na rebelasyon at bagong impormasyon.

Kailan ba matatapos ang ganitong eksena rito.

"nandyan na pala kayo" saad ni Acxius nang makapasok kami sa silid.

Nakaupo lamang ito sa kanyang kama habang nasa side table naman ang pagkain at inumin niya. Maayos na ang itsura niya, siguro ay naligo na ito dahil nakapagpalit na rin siya ng damit.

Inilock ni Bryx ang pinto saka naupo sa sofa.

Kung ano si Takeshi noong iniwan ko ay ganon pa rin sya ngayong nakabalik na ako. Wala pa rin itong malay, napakaganda talaga pagmasdan ang napakaamo nitong mukha. Tila natutulog lamang siya, sana ay ganon nga.

"baka matunaw yan sa mga titig mo Hyacith" pabirong saad ni Acxius saka nakakalokong ngumiti.

Napangiwi ako, pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi. nahihiyang napaupo na lang ako sa kama.

"kailangan na nyang magising sa lalong madaling panahon dahil habang narito sya sa loob ay kumikilos na ang mga kalaban" seryosong ani ni Bryx. "mayroon talagang mali sa mga nangyayari, mas lumalala lang ito ngayong nariyan siya at wala pa ring malay. hindi natin alam ang binabalak nila, sa tingin ko ay magkakaroon nanaman ng patayan pagkatapos nito" ani niya.

"hindi ko alam pero sigurado akong may mali, may mali talaga" yon ang paulit ulit niyang sinasabi.

"ano bang nalalaman mo Bryx? nalilito ako sa mga sinasabi mo. marami ka atang nalalaman na hindi pa namin alam" seryosong saad ni Acxius. "bakit hindi mo na lang kami diretsuhin? bakit hindi mo na lang sabihin kung ano ang nalalaman mo?" kunot noong tanong pa niya.

Nakatingin lamang ito kay Bryx. Katulad niya ay naguguluhan din ako ngunit kailangan naming magtiwala kay Bryx, kailangan din naming magtiwala kay Takeshi.

Kailangan na niyang magising, hindi namin mapipigilan ang mga nangyayari kung wala siya.

Imbis na sagutin ang tanong ni Acxius ay hindi niya na lamang ito pinansin.

"nakita niyo na ba kung sino ang hinuli nila?" walang buhay na tanong ni Bryx.

Nakatingin lamang ito kay Takeshi.

"hindi, hindi pa" tugon ko saka siya napatingin sa akin. "kanina noong nakita kita ay hinahanap ko kung saan nila sila ikinulong ngunit nabigo ako, kahit si Saji ay hindi alam kung saan sila dinala marahil ay hindi sinabi ng mga heads upang hindi pagkaguluhan" dagdag ko pa.

"hindi magtatagal ay ilalabas din nila ang mga estudyanteng hinuli nila at sa oras na yon natin malalaman kung tama ba ang hinuli nila o mga inosente nanaman ang madadamay" malumanay na saad ni Bryx.

"saan naman kaya nila itatago ang mga iyon? may lugar kaya rito sa Unibersidad na hindi natin alam?" nagtatakang tanong ni Acxius.

"paano nga kung mayroon pang ibang lugar dito at hindi natin alam kung ano yon? paano kung ang lugar pala na iyon ang makakasagot sa lahat ng tanong natin?" nag-ooverthink na ako rito.

paano nga kung ganon?

kung ganon man ay dapat naming mahanap ang lugar na iyon sa lalong madaling panahon.

Gusto ko na matapos ang lahat ng ito, gusto na mayakap ang mga magulang ko at makalabas dito, gusto ko na maging malaya at wala ng iba pang estudyante ang bawian pa ng buhay.

"hindi ko alam, hindi ko masasagot yan dahil kahit ako ay hindi alam yan. sa ngayon, si Takeshi ang pag-asa natin" diretsong ani ni Bryx.

"umaasa akong mabilis siyang makakarecover sa nangyari nang sa gayon ay matulungan natin siyang masolusyonan ang lahat ng suliranin dito"  ani pa niya.

I let out a heavy sigh. Hindi talaga deserve ni Takeshi ang nangyari sa kanya.

"napakalaking kawalan talaga ni Takeshi ano? may mangyari lang sa kanya na ganito ay tila guguho na ang mga mundo natin. hindi sya dapat mapahamak dahil siya ang utak at ang pag-asa ng paglaya natin dito" diretsong saad ni Acxius. "We need to protect him at all costs pero ang nangyayari ay siya ang nagp-protect sa atin" dagdag pa niya.

"wala tayong magagawa ngayon kundi hintaying—"

Naputol ang pagsasalita nito. Diretso siyang nakatingin kay Takeshi kaya naman napatingin din kami roon.

Namilog ang aking mata at tumatalon ang aking puso sa tuwa nang makitang gumalaw ang daliri niya.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya ganon din ang dalawa. Sinampal ko pa ang aking sarili para makumpirmang totoo ito.

"Takeshi!"

Dahan dahan nitong iminulat ang mata niya. Sa oras na yon ay nakaramdam ako ng labis na kasiyahan. Gustong gusto ko siya yakapin ngunit hindi maaari.

Diretso lamang itong nakatingin sa kisame.

"Thank God nagkamalay ka na!" halos maiyak si Acxius nang sabihin iyon.

"Tumawag kayo ng doctor para matingnan ang kalagayan nya" saad ko.

Tumango naman si Bryx saka lumabas sa silid.

"Huwag ka munang gumalaw" pigil ko sa kanya nang siya ay akmang uupo.

"hindi pa natin alam kung ayos ka na, baka may masakit sa'yo o nagugutom ka ba? maraming prutas dito" sunod sunod na ani ko.

Diretso lamang itong nakatingin sa akin kaya napahinto ako. Tiningnan ko rin siya ngunit agad din akong umiwas.

"I'm fine, see? I'm alive. Bring me out here, I need to know everything" seryosong saad nito.

Napatunganga ako. Ilang araw siyang walang malay diyan at hindi namin alam kung kailan sya magigising, ni hindi rin namin alam ang gagawin tapos ngayong gising na sya ay yan lang ang sasabihin nya?

Parang walang nangyari sa kanya. Hindi man lang nya tinanong kung mayroon bang peklat sa balat nya o kamusta ang kalagayan nya.

Mas importante pa ba talaga sa kanya ang ibang tao kaysa sa sarili nya?

"are you dead serious? after what happened? hindi ka ba muna magpapahinga at magpapagaling? kakagising mo lang at ngayon gusto mo ulit mawalan pa ng malay?" kunot noong tanong ni Acxius.

Maayos na ang lagay ni Acxius. Kaya na nito ang kanyang sarili ngunit kailangan pa rin ng pag-iingat.

"Look at me Acxius, I'm fine. I can move my hands, my head, my fee— arghhhh!" sigaw nito nang itaas ang kanyang binti.

Agad niyang tinanggal ang kumot na nakatabon dito saka ito tiningnan.

Agad na kumunot ang kaniyang noo nang makita ang bandage roon. Nalukot ang kanyang mukha saka nagtiim ang kaniyang bagang.

"what the hell? call the doctors now, i want a surgery!" sa tono ng pananalita nito ay tingin ko ay naiinis siya.

"Naroon na si Bryx maghintay ka lang, sinabi ko na kasi sayong magpagaling ka na lang muna" malumanay na ani ni Acxius.

"tama si Acxius, paano ka makakalabas nyan kung ganyan ang sitwasyon mo?"

"whatever" inis na tugon niya saka ipinikit ang kaniyang mga mata.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"oww gising ka na pala Mr. Takeshi" saad ng doctor na kakapasok lamang kasunod nang bahagya nitong pagbow sa kanya.

"Isn't it obvious doc?" naiirita na ata ito.

As usual.

"well, what's the matter Takeshi? you look upset" nagtatakang tanong nito.

"I want a surgery" walang buhay na tugon nito.

Napatawa naman ang Doctor. Anong nakakatawa sa sinabi nito? Tingin ko ay nais na siyang suntukin ni Takeshi sa sobrang inis.

Bahagya akong napatawa.

"Ipagpaumanhin mo ang aking pagtawa Takeshi ngunit bago ka pa man namin inilipat dito sa Private room kasama nitong si Acxius ay nagawa na namin ang Surgery kaya kung mapapansin mo ay wala man lang kahit isang sugat diyan o kahit bakas ng peklat man lamang ay wala" mahinahong saad nito.

Ha? kung ganon ay bakit may nararamdaman pa ring masakit si Takeshi? at saka mayroong bandage sa binti niya.

"Are you damn serious? what's this bandage for?" kunot noong tanong nito saka tinanggal ang kumot bago ito tinapon sa sahig.

"saka Doc may naramdaman din po siyang masakit" ani ni Acxius saka tiningnan ang Doctor.

"Pasensya na siguro ay nakalimutan lamang tanggalin ng isa sa ating nurses ang bandage na iyan ngunit kung inyong tatanggalin yan ay wala kayong makikitang sugat at ang sakit na sinasabi nyong naramdaman nya ay maaaring dahil sa katatapos lamang na surgery, It is normal. Huwag kayong mag-alala dahil maayos na ang kalagayan niya at ligtas na siya sa kamapahamakan" paliwanag nito. "kung wala na kayong kailangan sa akin ay aalis na ako dahil mayroon pang ibang estudyante na kailangang asikasuhin, It's an honor na paglingkuran ka Mr. Takeshi" seryosong saad pa nito saka kami tinalikuran.

Nang makaalis na ang Doctor ay umupo si Takeshi, agad niyang inalis ang bandage saka iyon itinapon sa sahig.

"Damn that bandage!"

"Kumalma ka nga muna pati bandage pinag-iinitan mo" malumanay na ani ni Acxius.

"what the fuck are you doing here?" ngayon lang ata niya napansin si Bryx na nasa likod ng pinto.

Diretso niya itong tiningnan. Bahagya namang lumapit si Bryx kasunod ko upang harapin si Takeshi.

"Well, habang binabantayan ka ng mga kaibigan mo rito ay ako ang naging mata sa labas. Hinihintay ko talagang magkaroon ka muna ng malay bago ko sabihin ang nalalaman ko" seryosong saad nito.

"tell me everything" seryosong ani ni Takeshi.

---------------------

---------------------