webnovel

CHAPTER SIX

"Rovainne?" kunot noong tawag ko sa kanya.

Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa nang humarap siya. Napailing ako nang mapagtantong kopyang kopya niya ako.

"bakit ganyan ang ayos mo?" nagtatakang tanong ko saka muli siyang tiningnan.

Ang kanyang buhok katulad na katulad ng sa akin, ang ayos ng kanyang mukha ay ibang ibang kumpara sa totoong siya na makapal ang make up, ang kanyang style at maging ang galaw ay kaparehong kapareho ng sa akin.

"maybe if i look and act like you magustuhan na ako ni Ichiro" nakangiting tugon niya habang inaayos ang kanyang buhok. Maging ang kanyang pagsalita ay hindi na tulad noon, naging mas malumanay na ito.

"are you out of your mind? sa dinami rami ng estudyante rito bakit kailangang ako pa ang gayahin mo?" kunot noong tanong ko.

Naiilang ako sa kanya. Nasisiraan na yata sya ng ulo.

"why? bawal ba? i want to be like you kasi Ichiro is so kind when it comes to you" tugon niya saka nag pout.

I let out a heay sigh and rolled my eyes. Nagtitimpi lang talaga ako sa babaeng itodahil ayaw ko ng gulo pero ang gayahin ako ay sobra na.

Nilampasan ko na lamang siya dahil baka masampal ko pa.

"Hyacith?" si Yvette. "may general meeting daw ang mga Professors natin at bukas ay magkakaroon din ng meeting ang students, bali-balita kasi na darating daw ang founder ng unibersidad na ito at dito na rin sya mamamalagi" saad niya.

Hindi ko naman sya tinatanong pero mas okay na rin dahil nakakuha ako ng impormasyon.

"ah ganon ba? sige, sabihan mo na rin ang iba para makapagpahinga na lang sila" nakangiting saad ko.

Sa loob ng limang taon ay ngayon lamang namin makikita at makikilala kung sino ang Founder ng unibersidad na ito. Nakapagtatakang biglaan ang pagdating niya, ano kaya ang dahilan?

"may general meeting daw ang mga guro at bukas naman ay mga estudyante dahil darating ang Founder" saad ko nang makapasok sa aming dorm.

Naabutan ko roon sina Acxius at Ichiro na parehong nakahiga sa kani- kanilang kama.

"he's coming... " seryosong saad ni Ichiro.

"sa tagal natn dito ay ngayon lang natin sya makikilala parang biglaan naman ata? hindi kaya mayroong mabigat na dahilan?" nagtatakang usal ni Acxius.

"there's a reason, for sure." mariing saad ni Ichiro.

"hayaan nyo na muna yan, malalaman rin naman natin ang rason bukas. Sa ngayon, maghanda na kayo para makapagtanong na tayo ulit sa iba pang estudyante" saad ko saka pumasok sa banyo.

Kumuha na rin ako ng maisusuot dahil nakalimutan kong maligo kanina mabuti na lang at walang klase.

"nalaman nyo na ba kung sino ang kaibigan ni Aicel?" nagtatakang tanong ko saka sila tiningnan.

Tahimik kaming tatlo na naglalakad sa hallway, mayroon kaming mga nakakasalubong na estudyante ngunit hindi ganon karami marahil ay busy sila sa kani-kanilang gawain.

"yeah" maikling tugon ni Ichiro. Palagi syang tipid kung sumagot siguro ay mayroon siyang pinag-iipunan.

"hindi mo nabanggit sa amin na nahanap mo na, paano mo naman nahanap saka alam na ba nyang kailangan natin syang kausapin?" si Acxius ang nagtanong. "you're keeping a secret na ha" pabirong saad pa niya.

Gusto ko rin itanong yon naunahan nya lang ako.

Nakapamulsa si Ichiro habang diretsong nakatingin sa daan. Lumalabas lang ata ang mga estudyante rito para makita sya but he didn't care. Maldito.

"i have my connections. They tell me that the girl we're goin' to meet is her close friend, we'll know later if she'll answer us right" walang buhay na saad ni Ichiro.

"ako ang magtatanong ng ibang importanteng bagay tungkol sa kapatid ko at kapag nasagot nya yon ng tama pwede na tayong magtanong tungkol sa gusto nating malaman" ani ni Acxius. "sana lang ay maging tagumpay at maayos ang kalabasan nito dahil gustong gusto ko na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko" determinadong saad niya.

Tumango tango naman ako. Masyado talagang tahimik at mabilis kung kumilos si Ichiro, lahat ng gusto nya malaman nalalaman nya.

"Saan ba natin sya kikitain?" nagtatakang tanong ko.

Medyo malayo layo na rin ang nilalakad namin.

"I-ichiro...." nautal pa ito nang banggitin ang pangalan niya. "m-maaari bang magpapirma sa'yo?" nahihiyang tanong ng babae.

Naroon ito sa harapan ni Ichiro at nakayuko hawak ang isang malinis na papel at marker.

Matagal iyong tinitigan ni Ichiro, baka mamaya ay bigla na lang nyang itulak at sigawan ang babae jusko. Napa sign of cross na lang ako.

"ai don't know what to do, can you please tell me?" walang buhay na tanong ni Ichiro saka tiningnan ang babae.

Napaangat ng tingin ang babae at namangha sa narinig niya, marahil ay nabigla sya dahil baka ang iniexpect nya ay bulyawan lang sya nito. Ganon din naman ang expectation ko dahil ganon naman siya palagi.

"a-ah isulat m-mo lang dyan ang p-pangalan mo at p-pirmahan" utal na tugon ng babae saka inabot ang hawak niya.

Parang artista naman ang eksena ni Ichiro rito.

Sunod sunod siyang napalunok nang tanggapin ni Ichiro ang papel at sulatan ito. Abot tainga ang ngiti niya at hindi iyon mawala sa kaniyang labi hanggang iabot sa kanya pabalik ang papel.

"m-maraming salamat" nakangiti pa rin sya. Namamangha pa rin syang nagpapalit palit ng tingin kay Ichiro at sa papel na hawak niya.

Napailing na lamang ako. Hindi na tumugon pa si Ichiro, sa halip ay nagpatuloy na lamang ito sa paglalakad.

Muli kong nilingon ang babae at bahagya akong napangiti nang makitang tuwang tuwa itong ipakita sa kanya kasama ang papel na may pirma.

"may sapi ata sya" mahinang saad ni Acxius pero sapat lamang upang marinig ko.

"I can hear you Acxius" saad ni Ichiro.

Napatawa na lamang kaming dalawa.

"Section 5" pagbasa ni Acxius sa nakasulat sa taas ng pinto.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob. Mayroong Professor na nagtuturo sa loob at tahimik na nakikinig sa kanya ang mga estudyante.

"morning Prof, do you mind if i excuse miss Jewel to your class" tamad na saad ni Ichiro.

Siraulo talaga ang isang ito.

"omg si Ichiro"

"gwapo nya talaga"

Ayan nanaman ang mga bulungan nila at mga ngiting abot sa tainga. Hindi na maalis ang ngiti sa mga mukha nila at para bang magiging hugis puso na ang mga mata nila.

"Mr. Ichiro I'm in the midst of my class-"

"I need her A.S.A.P" mariing saad nito saka matalim na tiningnan ang guro sa harapan.

"Ichiro mamaya na lang kaya natin sya kausapin" saad ko saka hinawakan ang braso nito. "mukhang nagkaklase pa sila"

Sa halip na pakinggan ako ay inalis nito ang aking kamay saka siya nag cross-arms at diretsong tiningnan ang Prof na nasa harap.

"I thought there is a general meeting for Professors and heads so the class is suspended, what the hell are you doing in the front of them then?" seryosong tanong ni Ichiro. "I hate fucking waiting"

Kumunot ang aking noo, oo nga mayroong general meeting kaya bakit nandito ang guro na yan at nagtuturo?

"hurry Mr. Sanchez, the founder might dump you" diretsong ani pa niya. "make me wait for another minute and he'll know about this" pananakot pa nito. Siraulo talaga.

Natigilan naman ang Professor na nasa harap at niligpit ang gamit niya. Hindi na niya pinansin pa ang bulungan ng kanyang mga estudyante at dire-diretsong lumabas hanggang sa huminto ito sa harap ni Ichiro.

"pasensya na, hindi ako nasabihan ng iba na mayroong meeting ngayon kaya hindi agad ako nakaalis at isa pa nagtuturo naman ako ng maayos sa mga bata" malumanay na saad nito. "pakiusap huwag mo akong isumbong Ichiro" dagdag pa niya saka marahang tiningnan si Ichiro.

"leave us" mariing saad ni Ichiro. "are you fucking deaf or something? I said leave us!" sigaw nito kaya naman dali daling umalis ang guro sa harapan niya.

Nagulat ako sa ginawa nyang iyon. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano.

"Ichiro, bakit ba nagkakaganyan ka nanaman? mabilis nanaman uminit ang ulo mo at nawawalan ka nanaman ng pakialam sa paligid m-"

"stop acting like I'm different Acxius" putol nito.

Napangiwi na lamang si Acxius saka napa-iling. Nadismaya ako sa naging trato nya kay Mr. Sanchez tila wala itong pinagkaiba kay Rovainne dahil sa ginawa nya.

Hindi ko alam kung saan nagmumula ang ganiyang ugali at pakikitungo ni Ichiro, oo nga at ganiyan naman talaga sya simula noon pero parang mas lumalala naman ngayon.

"May I know who the hell Jewel is?" diretsong tanong ni Ichiro saka inilibot ang kanyang paningin.

Naroon ito sa harapan katulad ng posisyon ng professor kanina.

Nagtaas ng kamay ang babae at tumayo.

"ako po" magalang na saad niya. "maaari bang sa ibang lugar na lang tayo mag-usap?" mahinahong tanong nito saka nahihiyang tiningnan ang kanyang mga kaklase.

"follow me then" saad ni Ichiro bago nagpamulsa saka nagpamaunang naglakad.

Tila matutunaw na siya sa katititig ng mga babae. Napasinghap na lang ako.

"I-ichiro... can I get a hug?" nahihiyang tanong ng babae.

Sandaling napahinto si Ichiro si Ichiro saka seryosong nilingon ang babae.

"are you fucking blind? can't you see that I am busy?" walang buhay na tugon nito saka dumiretso sa paglalakad.

Nasapo ko na lamang ang aking mukha. Nawala na ata ang sapi niya kanina. Naging napaka maldito na talaga nya. Halos tarayan na nya ang lahat.

"now, Acxius will ask you some important questions about Aicel to confirm if you're really her bestfriend" ani ni Ichiro. "and If we prove that you're not her bestfriend, you'll taste your own blood" dagdag pa nito.

Narito na kami sa Cafeteria. Mabuti na lang at walang tao ngayon dito, maaari kaming makapag usap ng maayos at tahimik.

"May I know your Order Sir, Maam" malumanay na saad ng isang waiter.

"coffee for all of us and wait, I want ice on my coffee" si Ichiro ang tumugon. Tumango na lang ang babae at mabilis na bumalik sa kanyang pwesto kanina.

"pwede na kayong magtanong ng kahit ano, naipaliwanag na rin naman sa akin ni Jade ang dahilan kung bakit kailangan nyo ako" malumanay na saad ni Jewel saka kami tiningnan. "matagal nyo dapat itong ginawa, hindi nyo dapat pinalipas pa ang limang taon. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi matahimik ang kaluluwa ni Aicel" dagdag pa niya saka napahawak sa kaniyang mga kamay.

kumunot naman ang noo no Acxius matapos marinig iyon. "ano ang ibig mong sabihin?"

"Napapanaginipan ko si Aicel humihingi sya ng tulong ngunit hindi ko naman alam kung paano ko sya matutulungan. Madalas din akong makarinig ng boses sa loob ng banyo kung saan sya nakitang walang buhay" tugon niya.

Nanindig ang aking balahibo. Pakiramdam ko ay mayroong yumayakap sa akin dahil nakaramdam ako ng malamig.

"here's your coffee po, enjoy!" magiliw na saad ng waiter saka ibinigay ang order ni Ichiro para sa amin. "you can call us if-"

"shut up and go back to your work" putol ni Ichiro kaya naman agad na umalis ang waiter.

Iiling iling na lamang akong kinuha ang kape.

"bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin?" nagtatakang tanong ni Ichiro.

"dahil hindi kita kilala noon, hindi niya nabanggit ang pangalan mo kahit minsan sa akin. Palagi ka niyang kinukwento ngunit hindi siya nagbibigay ng pangalan, tanging kuya acki lang ang sinasabi nya" tugon ni Jewel. "hindi mo alam kung gaano ka gustong makita at makasama ni Aicel, lagi kong naririnig tuwing gabi na ipinagdarasal niyang makita at mayakap ka" dagdag pa nito saka tiningnan si Acxius.

"bakit hindi nya ako pinuntahan?"

"natatakot sya, natatakot sya na baka galit ka raw sa kanya hindi ko alam kung bakit nya naisip yon pero yon ang sinasabi nyang rason, pinipigilan nya ang sarili nyang puntahan ka" diretsong tugon ni Jewel.

Tiningnan ko si Acxius at bakas sa itsura nito na dismayado siya. Nanghihiyang siguro siyang hindi nya man lang nadalaw ai Aicel bago ito pinatay.

"It's all my fault. Naging duwag ako, naging mahina ako kaya hindi ko man lang sya nakausap bago sya nawala sa akin" nagiging emosyonal nanaman siya marahil dahil masakit pa rin ang nangyari lalo na ngayon at mayroon siyang nalaman.

Hindi dapat natin pinalalampas ang pagkakataon, dapat gawin at sabihin na natin ang nais natin bago pa maging huli ang lahat.

"wag kang mag-alala, hindi siya galit sa'yo wala rin siyang sama ng loob sigurado ako roon" nakangiting saad ni Jewel saka hiwakan ang kamay ni Acxius.

Tumango tango lamang ito saka pilit na ngumiti. Tahimik at seryosong nakikinig lamang si Ichiro habang sinisimsim ang kanyang kape.

Mukha na itong naboboryong sa drama ng dalawa ngunit wala naman syang pagpipilian lalo na at sya ang nakaisip nito.

"I think that's enough, proceed to our real purpose" walang buhay na saad ni Ichiro.

"sige, pwede na kayong magtanong ng kung anong nais ninyo malaman tungkol sa kanya"

"Tell us about her performance in your room including her grades and rank" seryosong saad ko.

Kunot noong napatingin naman sa akin si Ichiro. Napangiti ako ng bahagya dahil batid kong alam niyang ginaya ko ang paraan at ang linya ng pagkakasabi niya non.

"Matalino si Aicel saksi ako sa tatlong taon nyang kasama sa ranking ngunit nong mga panahong nangulila na siya sayo Acxius nawala sya sa focus, madalas syang tulala sa silid namin, sa tuwing tatanungin sya ng Prof ay hindi na sya makasagot kumpara noon na sya pa ang nagtuturo sa Prof namin at kahit sa mga written works namin lalo na sa examination ay bumaba ang lahat ng score nya dahilan para bumaba rin ang grades nya" mahabang salaysay ni Jewel. "dahil doon nawala sya sa ranking at ang masakit ay ang dating nangunguna sa klase ay napunta sa pinakadulo, napakahirap paniwalaan para sa amin na nangyari yon. Hindi rin sya halos kumakain, ang balat nya naging maputla at namayat siya. Hindi kita sinisisi Acxius kung bakit sya nagkaganon ngunit.... ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya yon" dagdag pa niya.

Pinipigilan nitong bumagsak ang kanyang mga luha. Mahigpit ang kapit niya sa kanyang dalawang kamay.

"walang may gusto ng nangyari, Jewel. Hindi natin ginusto yon at labas si Acxius sa mga nangyari, may taong gumawa sa kanya non at yon ang dapat natin alamin kung sino!" mariing saad ko.

Naaawa ako kay Acxius. Tiyak na babalik nanaman sa kanya ang sakit na naramdaman niya limang taon ang nakalipas. Nakayuko ito at nakakuyom ang kanyang kamao. Hindi man niya sabihin ay ramdam kong nasasaktan siya.

"pasensya na, tama ka. Katulad ni Acxius, tulad ninyo ay gusto ko lang din mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya, pasensya na Acxius nadala lamang ako ng aking emosyon"

"It's fine. Tama ka naman, kasalanan ko.. kasalanan ko kung bakit pinatay ang kapatid ko" mariing saad ni Acxius saka kami tinalikuran.

Nagtataka akong tumingin kay Ichiro, sinisenyasan ko itong pabalikin si Acxius ngunit nagkibit balikat lamang sya saka ininom ang kanyang kape.

"the information you shared is a big help, leave us now and make sure not to tell anyone about this conversation" maawtoridad na ani ni Ichiro.

Agad naman siyang sinunod ni Jewel.

"hindi mo man lang ba susundan si Acxius? hindi mo man lang ba siya kakausapin o pagaanin man lamang ang pakiramdam nya?" kunot noong tanong ko.

"why would I? Acxius needs peace, he needs to refresh his mind. I know he'll do nothing but to think about what happened, he just need to find himself" tugon niya. "don't worry too much about him Hyacith, I'm sure he'll come back when he's okay and calm" dagdag pa niya.

Tumayo na ito at bahagyang inayos ang kanyang suot saka nagpamaunang lumabas.

Naiinis ako kay Ichiro, bakit ba sya ganyan, bakit ba wala syang pakialam sa nararamdaman ng mga taong nasa paligid nya, bakit ba parang sarili nya lang ang iniisip nya at yon lang ang importante sa kanya.

"are you goin' to follow me or you're staying there?" walang buhay na tanong nito nang hindi man lang ako tinitingnan.

I let out a heavy sigh saka tumayo. Saglit pa akong uminom ng kape saka sumunod sa kanya.

---------------------

---------------------

次の章へ