Lance's P.O.V
Magkasama kaming dalawa ngayon ni Geno sa sasakyan ko, papunta kami sa bahay nina Carlo dahil gustong humingi nitong kaibigan ko ng pasensiya sa nagawa niya.
"teka nga, alam mo ba talaga ang daan papunta sa bahay nila? kanina pa tayo sa daan" reklamo ng kaibigan ko saakin habang patuloy lang ako sa aking pagmamaneho.
"oo naman, medyo malabo lang talaga ang maps sa cellphone ko, hehe" sagot ko sakanya habang nasa daan lang ang atensiyon ko.
"bakit di mo agad sinabi na di mo naman pala alam ang daan papunta sa bahay nila eh di sana kay kuya nalang ako nagpasama at hindi sayo, eh di sana kanina ko pa nakausap si Carlo, anong oras na oh? 6:30pm na kaya" taas ng boses niya na reklamo saakin.
"alam mo, kung di lang kita kaibigan baka nasuntok na kita o kaya pinababa na sa sasakyan ko, ang ingay mo daig mo pa ang babaeng manok sa pagputak" naiirita kong sagot sakanya.
"don't worry kasi next time di ko na aabalahin ang katulad mo" sagit niya na parang nagtampo pa yata saakin. May nalalaman pa na pa-cross arm ang gago.
"ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw ba ang galit" mahina kong bulong.
"anong sabi mo?" tanong niya, narinig yata yung sinabi ko kasu bingi yata ang suplado kasi.
"sabi ko, ang cute mo kapag mataas ang pressure ng dugo mo" pang aasar kong sagot sakanya pero biro lang naman yun.
"never even in your bad dreams" mataray niya na sagot saakin. Hindi na ako magtataka kung bakit sakanya ang kuya Michael niya, sa sungit ba naman ng kaibigan kong ito eh kahit nga ako nagtataka kung bakit nagtatiyaga pa akong makipag kaibigan sa suplado na katulad niya.
"matagal pa ba?" tanong niya ulit saakin saka hininto ko na ang makina ng aking sasakyan.
"nandito na po tayo, senyorito" medyo may pagkamagalang kong sabi pero may halong pang-iinsulto pero inirapan niya lang ako saka siya lumabas ng sasakyan.
"Aba! kaunti nalang talaga masasapak ko na ang kumag na ito" naiinis kong sabi sa isipan ko saka sumunod na rin ako sakanya sa labas.
"malaki nga talaga ang bahay nila" puna ko ng makita ko ang nakakamanghang bahay ng kaibigan ng kapatid ng kaibigan ko.
"inggit ka naman" pangbabasag trip ng buwesit kong kaibigan habang nakatayo lang kami sa harapan ng bahay sa labas ng pintuan.
"isa pa talaga at makakatikim ka na saakin, di ba pwede na humahanga lang ako sa ganda ng bahay ng pamilya nila" sobrang pikon ko ng sagot sa kaibigan ko, pinipilit kong pigilan ang sarili ko na wag masaktan ang napakapilosopo at nakakapikon kong kaibigan.
"even in your bad dreams, hindi ka magkakaroon ng bahay na katulad niyan" sagot niya pa na talagang ginagalit yata ako.
"fuck you!" sagot ko sakanya.
"Maniac! hanap ka nalang ng ulol na aso diyan sa tabi-tabi katulad mo" sagot niya pa saakin saka nag-doorbell na siya. Agad naman may lumabas na katulong yata sa bahay at pinagbuksan kami ng pintuan.
"magandang gabi po- sino po ba sila?" magalang na salubong ng babae na nagbukas ng pintuan hindi katulad nitong kaibigan ko, walang ugali. Ayh, meron naman palang ugali kasu nga lang masama ang ugali.
"nandiyan ba si Carlo, I'm the brother of his friend, and this maniac one is my slave, I mean friend" sagot ni Geno sa katulong na nagbukas ng pintuan.
"nandiyan po sa loob, pasok po kayo" sagot ng katulong saka pumasok na si Geno sa pintuan habang nakasunod lang ako sa may likuran niya at isinara naman ng katulong ang pintuan saka sumunod na rin sa may saamin.
"manang, pasensiyahan niyo na ang pagtataray ng kaibigan ko, talagang ganyan yan kasungit daig pa si Lucifer, nakakapikon" sabi ko naman sa katulong na nasa tabi ko.
"narinig ko yun" sambit ni Geno na may kalayuan na saamin.
Narinig daw, ano aswang lang na nakaririnig ng pinag-uusapan kahit malayo ang pinanggagalingan ng boses?
"sinong Lucifer? di ko yun kilala, Jowa mo ba?" tanong saakin ni manang.
Isa pa itong katulong na ito, namimikon rin yata? Paano ko magiging jowa yun eh parehas kami lalaki saka si Satanás kaya ang tinutukoy ko tapos sasabihin niya na jowa ko.
"oyh, tinatanong kita ehu, jowa mo ba si Lucifer?" pangungulit saakin ni manang, napakamot sa ulo nalang ako. Nagkamali yata ako na binanggit ko pa sakanya ang pangalan na yun, ito tuloy kinukulit niya ako na jowa ko si Satanas.
"ayh, hindi po, gusto niyo sainyo na, jowain niyo na po kahit pakasalan mo pa, bagay kayong dalawa" balik pang-iinsulto ko kay manang pero parang natutuwa pa yata sa sinabi ko. Nakangiti pa nga siya.
"talaga? ehu, gwapo ba yun?" parang interesado na tanong ni manang saakin. Ang kawawang matanda, hindi alam ang sinasabi. Ang tanda na sa mundo pero di pa rin kilala si Lucifer.
"search niyo po sa google" sagot ko sakanya. Gustong-gusto ko ng tawanan si manang kasu di ko magawa, baka makahalata sa pinag uusapan namin.
"wala akong Google, ikaw nalang ang mag search para saakin kasi di ako nun marunong ehu" sagot ng kawawang matanda. Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"wag na manang, malapit na rin naman kayo magkita nun" sagot ko sakanya habang patuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makapasok na kami sa pintuan.
"talaga, kailan kaya ang panahon na yun para naman di ako mamatay na wala man lang naging kasintahan, I want to have someone who loves me and get my virginity" masiglang sabi ni manang. Ang tanda na pero medyo may pagkamalandi pa rin. May virginity pa na nalalaman ang senior citizen na ito, deperada lang.
"ewan ko sayo manang, suko na ako sayo" sagot ko sakanya saka iniwan ko na siya at lumapit ako kina Carlo at Geno na nakaupo sa may sofa dito sa napakalaking living room ng bahay.
Hindi ko napansin na sumunod pala ang matanda sa may likuran ko.
"may facebook ba siya, ano name niya? I-add ko lang para naman magkausap kami sa messenger" pahabol pa na tanong saakin ng matanda na kinalabit pa talaga ako sa balikat ko.
"WALLAAAA!!!" malakas na sigaw ko sa matanda kasabay ng pagharap ko sakanya, di man lang natinag sa lakas ng sigaw ko at nakatayo pa rin siya na parang di man lang nagulat.
"Lance, bakit mo naman pinagsisigawan ang matanda?" tanong saakin ni Geno habang nakaupo lang sila ni Carlo.
"ang kulit kasi ng matanda na ito" sagot ko naman sakanya.
"ano po ba ang tinatanong niyo sakanya?" tanong naman ni Carlo sa katulong nila.
"gusto ko lang naman malaman ang pangalan sa FB ni Lucifer" paawa effect na sagot ng matanda, halata sa reaksiyon ng dalawa na gusto nilang matawa sa isinagot ni manang pero pinipigilan nila.
"Lucifer? bakit po ba interesado kayo sakanya? gusto niyo na po ba siya makasama?" parang concern na tanong ni Geno pero halatang napapahagalpak na siya sa tawa.
"Oo naman" sagot ng matanda saka di na namin tatlo naiwasan ang humagalpak sa pagtawa kay manang.
"sigurado po ba kayo sa sinasabi niyo?" natatawa pa na tanong ni Carlo sa matanda.
"sa tanda kong ito, gusto ko naman maranasan ang lumigaya kahit minsan lang" sagot ng kawawang katulong, tumayo naman si Carlo at nilapitan ang matanda. Hinawakan niya ito sa balikat.
"manang, mahal ka po namin, nandito lang kami para sayo kaya wag kang mag-iisip ng mga bagay na di mo napag-iisipan, simula pa bata ako eh kayo na nag-aalaga saamin na magkakapatid kaya napamahal ka na saamin" sabi ni Carlo sa matanda saka niyakap niya ito.
"salamat ehu pero gusto ko makipag kaibigan kay Lucifer" sabi pa ng matanda saka kumalas si Carlo sa pagkakayakap dito.
"Wag po kayong mabibigla ah pero si Lucifer po at si Satanas ay iisa lang" sagot ni Carlo sa matanda na parang napaiyak yata.
"hindi niyo naman agad saakin sinabi" parang nagtatampo na sagot ng matanda saka nahihiya itong tumakbo palayo saamin.
"ikaw talaga, kung ano-anong pinagsasabi mo sa matanda" sabi saakin ni Geno, di ko naman alam na seseryosohin ng matanda ang sinabi ko. Kasalanan ko ba yun eh kami nga na nasa murang edad alam na yun tapos siya na matanda na di pa rin alam.
"ang drama pa naman nun" sabi naman ni Carlo saka naupo ulit siya sa tabi ni Geno habang nakatayo pa rin ako na nakatingin sa lugar kung saan tumakbo ang matanda.