webnovel

Chapter 26: Care

"Ikaw yung kachat ko kanina diba?." kingwa!. Nacurious talaga ang kaluluwa ko sa narinig sa mga kaibigan nya. Inistart nya yung engine tapos tinignan nya ako.

"Yes. Why?." inosente nyang tanong.

"Paano nila nalaman yung laman ng chat?. Kinuha ba nila phone mo?." inipit nya ang labi nya't saglit na tumango.

"Sort of.." he snorted like he doesn't have any choice but to give his phone to them. Na kapag di nya ginawa yun. Ipagkakalat ng dalawa ang lihim nyang ginagawa.

Lihim?. Ano bang lihim sa ginagawa nya?. Nagchat lang naman sya sakin. Nagtanong. Yun lang. Wala ng iba.

Lumabas na kami ng gate ng school. "What about your class?. Takas ka noh?." he look at me on his peripheral view.

"Wala kaming Prof... may meeting daw sila. iniwan lang kami saglit tas balik din agad.."

"Then, why are you here?. May gagawin ka pa dapat diba?."

"Simply because, you're here.. di naman tayo magtatagal.."

Kokontra pa sana ako kaso pinili ko nalang na manahimik. Baka lalo lang syang matagalan kapag kinulit ko pa sya. He even asked kung saan ba ako ihahatid. Kung sa ospital ba kung nasaan si Jane o sa bahay. Kung sa ospital pa. Matatagalan sya panigurado. Traffic ang kalaban nya. At kung bahay naman. Drop by nya lang ako tas alis na sya. Maaaring makabalik na sya ng mabilis ng di nalalaman ng Prof nila. So, mas tipid sya sa oras kapag sa bahay na diretso ko. Saka nalang ako punta kay Jane after.

Ang sabi ko pa. Sa kanto nalang ako. Para nga mabilis sya. But he keeps on insisting na masyado raw mainit para maglakad ako. Two pm. Time check. May punto naman sya kaso mas may punto ako dahil nga naghahabol sya ng oras. Pero dahil sya ang may hawak ng manibela. I have no choice but to follow his order. "I want you to wait me after all my class pero gabi na kapag ganun. I can't take that shit na paghintayin ka ng matagal sa kabila ng init at dilim.."

Anong ibig nyang sabihin?. Ayaw nya akong paghintayin ng matagal?. Bakit?. May iba bang naghihintay sa kanya?. Who?.

Sige lang Ken, saktan mo pa sarili mo!. Martyr ka din e noh?.

"Kaya ko naman e.." 'tsaka.. gusto ko din naman..' Idadagdag ko pa sana ito kaso baka magtaka sya kung bakit. Kaya wag nalang.

"I know.. alam kong gusto mo din pero ano nalang ang sasabihin ni Tito sa akin kapag nalaman nyang naghintay ka ng matagal para lang sakin diba?."

He knows?. How?. Am I too obvious?. Damn it!.

"Maiintindihan ni Papa yun.." giit ko pa. Why it sounded like, he wanted a good shot from my parents?. Parang ang labas ay, ayaw nyang masira ang reputasyong meron sya kay Papa ngayon. Bakit Poro ha?. Anong dahilan mo at gusto mong maging mabait na lalaki sa mata ng Ama ko?. Gusto mo na ba ako?. Engk!. ASA!

"Maybe, but who knows, maybe not Kendra.. anak ka nya.. at ayaw nyang nahihirapan ka.."

"Sinabi nya na rin ba sa'yo yan?. Hay.. si Papa talaga, oo." mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko.

"All he wants is the best for you.. nothing else." he clearly said here that, tulad ko na di nya alam. Mataas din ang standard na ginawa ko para sa sarili. Papa is just like me. I also want the best for me. Nothing more than else. Ang di ko lang alam. Anong rason kung bakit nya nasabi ito bigla. Wala ba sya sa mood o naasar na sa akin?.

"I know.. ahm.." naglinis ako ng lalamunan bago lumunok. "Ah.. sorry nga pala kung naistorbo kita ngayon.. sabi ko naman sa'yo.. kaya ko ng umuwi eh.." naguilty tuloy ako bigla. Gusto ko nalang magpahigop sa malambot na upuang meron ako ngayon.

Huminto sya dahil sa stop light. Bahagyang tumagal ang titig nya sakin kaya naman napatingin na din ako sa kanya. "Don't ever say sorry again, okay?. I'm doing this because I want to.. not because I need to.."

Honestly. Napalunok ako. "Kaya kong ihatid ka't sunduin dahil gusto ko. Walang nagtutulak sakin na gawin yun kundi ako lang din mismo.. you know why?."

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?. Tsaka ang init?. Diba naka-on aircon nya?. At bakit sa mata ko pa sya nakatitig kanina pa?. May dumi ba ako sa mukha o muta?. Ano ba yan gwapong batang abogado?. Baka matunaw ako sa'yo! Awat na!.

"Tsk.." nag-iwas na ako ng tingin dahil kinakabahan ako. Sobra! "Bolero ka din pala noh?." not answering his question.

"Because, I care for you... I want to take care of you.."

What the heck!. Paano na po ba ang huminga?. Bakit unti unting nauubos ang hangin sa dibdib ko't sumisikip?. Bakit hindi ko naman ugaling pagpawisan pero itong butil butil na pawis sa tungki ng ilong ko, tumutubo?. Anong meron sa sinasabi nya? Did he really cares about me?. Why?. Diba dapat may dahilan pa kung bakit gusto nya akong alagaan at protektahan?. Ano yun?. I want to hear it!. Know it.

He drove again. Di ko na namalayan. Nasa tapat na kami ng bahay. Tulala ako sa labas ng bintana. Trying to understand everything. "Salamat.." di nalang din nakisama itong dila ko. Nagbuhulan pa sila. Nakakahiya tuloy kung paano pa ako nabulol sa harapan nya!. kingwang buhay to! Ayoko na!.

Di sya nagsalita. Tinignan nya lang ako. "Drive safely." habol ko pa habang kinakalas ang seatbelt.

"After class.. dito ako didiretso.." anya na syang naging dahilan ng pag-angat ko ng ulo para makita sya. "I'll send a text later to Tito para magpaalam.."

"No problem.. just..." oh my gosh!. I'm hanging!. Wala akong maisip na idudugtong!. Ano ba?. Gumana ka na naman self! Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang!. Jebal!... Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. But I never saw this coming. His forehead is in my shoulder now!.

"Di kasi ako makatulog e."

Bakit?. Nasa dulo na ito ng dila ko ng magsalita muli sya. "At, mas gusto ko sa bahay nyo it's because of the warm feeling of being having a family like yours. Sa bahay kasi.. ako lang.." ako ay napasulyap nalang sa bahay ng marinig ang hinaing nya. "Both my parents are busy.. hindi na nila maalalang may anak silang naghihintay sa pag-uwi nila.." nasaktan talaga ako sa totoo lang. Mag-isa ba syang anak?. O may kapatid pa na mas panganay sa kanya?.

I gave a pat on his back. "It's okay.. sasabihan ko si Papa about this.." trying to control my self from shaking.

"No.. wag na Ken.. baka kung ano pa ang isipin ni Tito.." umiling ako sa kanya. Umahon na rin sya sa pagkakadikit ng noo nya sa balikat ko. Gumaan na din katawan ko ngunit dumoble din ang bigat ng dibdib ko dahil sa nalaman.

"Tinulungan mo si Papa remember?. Kaya kami naman ang tutulong sa'yo ngayon.. anytime. just call me.. I'll be there.."

Sumilay na rin ang ngiti sa labi nya.

"Hindi ba dapat, lalaki ang may linya nun?." pareho kaming natawa.

"Bakit lalaki lang ba may karapatang tumulong?. Babae din naman ah.." pagtatanggol ko.

"How will I call then if I don't have your number?."

Oo nga pala! Tanga!.

"Ah yeah.." natatawa kong kinuha ang phone sa bag saka pinakita sa kanya ang numero ko.

He got my number then he ring mine. "There you go.. save mine.. put in there. gwapong batang abogado.. hahaha.."

"ASA ka!. Hahaha. " sa kabila ng kaba, awa, tuwa at excitement na nadarama. Nagawa ko pang makitawa sa kanya. Sinabi ko lang na ASA dahil ang totoo, hindi ko alam kung oo ba o hinde ang isasagot ko. Kung tama bang paasahjn ang sarili sa mga ganito.

But, who knows nga diba?. I'm on myself now that, whatever it is. It is. Bahala na. Kung mahulog man. May sumalo man o wala. Saluhin man o hinde. Oks lang. Okay lang ba?. Masakit ang ganun girl! Mahabang proseso ang pagdadaanan mo bago mo malagpasan at matanggap na walang sumalo sa'yo. Marami ka pang luha na iiyak. Maraming thoughts na maiisip. Baka pa nga. Sisihin mo rin ang sarili mo for not fighting for what you love.

So what will I do then?. Ipagsiksikan ang sarili kapag ayaw ka?.

If possible. Do it. Malay mo. Tuluyan na syang mahulog sa'yo. Mahirap nga lang ang proseso. Kahit usad pagong ang hakbang nyo. Atleast. Progress na ang tawag dun. Sign that you're growing.

次の章へ