webnovel

Chapter 45: It's okay

I wake up early nang maalala na naiwan ko pala lahat ng gamit ko sa bahay nya. Umupo ako't inalala ang lahat. Nakauwi kaya sya kagabi bago ako nakauwi ng bahay?. Hinanap nya din kaya ako?.

"Argh Ken! Magtigil ka na nga dyan sa daydreaming mo. May Liz dun na maaaring maging dahilan para kalimutan ka nya. Kaya tama na ang umasa ha.." para na akong baliw dito. Sana lang, di magising si Ate Kiona sa ingay ko.

Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Iniisip ngayon na mali ang desisyon kong tanggapin ang alok nyang tumira muli duon. Not knowing the consequences. Ang akala kong kaya kong makita at tumindig, panindigan ang desisyon ko. Pero hindi pala. Dahil mahirap lunukin ang mga taong hindi mo pa nga kilala ng lubusan. May husga na sa likod mo. I was like a book. Na binasa lang ang title ng pangalan ko without reading it's story inside. It hurts my ego. Nasampal sa katotohanang hindi ako maaaring mapabilang sa linya ng pamilya nila.

Kung ayaw nila. E di wag lang!. Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili. I've learned that. If they don't appreciate my worth. Then, they don't deserve the whole me. Masakit man tanggapin. Syempre. Di mo maiwasang tanungin ang sarili mo kung anong ayaw nila sa'yo. But if that's the only way para maging payapa ako. I have no other choice but to endure what it is. It is what it is.

Bumangon ako't inayos ang higaan. Babatiin ko na sana si Ate ng good morning kaso wala nang tao sa higaan nya. Double deck kasi ang higaan naming dalawa. Sya sa taas. Tapos ako sa baba nya.

Bumaba na rin ako nang di inaayos ang sarili. Pati pa nga buhok ko. Hinayaan na buhaghag. Basta inipit ko nalang. Wala ng suklay pa.

Nang malapit na ako sa may hagdanan. Narinig ko na ang kwentuhan. Napaatras tuloy ako't nagtago sa pader na malapit sa unang baitang ng hagdan pababa. Pinakinggan ko ang mga boses. "Hinanap ko po sya sa may sasakyan. Yun po kasi ang sabi nitong si Dave."

"Sinabi ko pong antayin po ako. Dahil babalik naman po ako.. pero pagbalik ko po.. wala na sya.." Dave Angelo is here?. Kasama ang Kuya nya?. Bakit?.

"Ganun ba?." boses din ni Papa.

"Alam mo Poro. Yang si Ken. Matapang lang yan pag nakikita mo. Tipong first glance mo sa kanya. Maldita. Suplada o inggrata?. Pero hinde. Opposite ng mga sinabi ko ang ugali nyan. If he argues with you. Nasasaktan yan because he cares for you. Kapag sinupladahan ka naman nyan. Matakot ka na kasi may dalaw yan.."

"Ay Kingina!..." di ko maiwasan ang mapamura kay Ate. Bwiset!. Ang ganda ganda na nga eh. May sablay pa! Kaasar!.

Natawa naman sila. "Pero kapag naging inggrata na sya.. Aba.. ewan ko na sa'yo. Kahit pa siguro lumuhod ka sa harapan nya. Iiwan ka lang nya na parang di ka nya nakita. Ang lala ng babaeng yun pero kahit ganun. She has her sweet side."

Tahimik. Walang umoo o huminde. "Alam mo ba kung anong dahilan bat sya umalis sa inyo kagabi ng walang paalam?." si Ate pa rin ito.

Katahimikan muli.

"Dahil ayaw nyang makaistorbo sa family reunion nyo. Ugali kasi nyan ang hindi umepal sa mga taong di nya kilala. Lalo na kung ayaw sa kanya. Aalis nalang yan na parang hangin. Tipong nakita mo lang kanina. Pagkadilat mo na pagkatapos ng kisapmata. Wala na sya. That's her." dagdag pa ni Ate.

"Di ko din kasi inexpect na darating silang lahat. Pati nga rin po ako nagulat nung tinawagan nalang ako ni Ken. Asking me what should she do."

Dumaan muli ang isang Anghel sa katahimikan nila.

"Salamat hijo kung inuwi mo muna rito ang mga gamit nya. It is the best for you two na maghiwalay muna ng bahay, it's for you and her sake."

"Ganun na nga po Tito.. I am sorry po if I hurt her feelings po.."

"Tsk.. that's inevitable. Anyone can feel that way. It's good for her to know the feeling of pain para matuto pa sya lalo." ani Papa. Grabe. Gusto nya in a hurtful way ako dapat matuto?. Talaga po?. Makakaya mo po bang makitang umiiyak ako sa harapan nyo?.

"But, did you call her or sent a message na?." ani Ate Kiona. I wonder. Nasaan si Mama?. Di pa sya gising?. Imposible naman. Anong oras na. Ala singko na ng madaling araw. Wala na si Kim sa silid ni Kaka. Ibig sabihin. Karga na nya ito. Pero nasaan sila?.

"Honestly, not. Nahihiya po ako. Gusto ko po sanang kausapin sya personally."

"Gusto mo bang umakyat sa silid nya?."

Napamaang ako. Papa naman!. That's already illegal!.

"Okay lang po ba sa inyo kung umakyat po ako dun?." balik tanong nito kay Papa. Yan tama yan Poro. Tanong muna ha bago gawin ang utos. Masasapak kita yan!.

"You can.. kakausapin mo lang naman sya. Nothing more than that."

"Ah yes naman po Tito. Nothing more than that.."

O my gosh!.

Bigla akong nanlamig habang pinagpawisan ng butil butil. Damn it! Anong itsura ko!. Papa!. Nasaan na si Mama?. Ngayon ko sya kailangan. Yung bunganga nya. Ngayon na nya dapat gamitin.

Dala ng lalim ng iniisip ko. Hindi ko na napakinggan ang mga yabag nya sa hagdanan. Natulala nalang ako ng nasa harapan ko na sya.

He look at me apologetically. "Hi.." and his voice seems awkward.

Nailang din ako ng di sya nagsalita ng ilang minuto. "Good morning.. napadaan ka?." garalgal na ang boses ko dito. Di ko alam bakit. Relax naman ako pero dumaan nalang basta ang bagay na naging dahilan para magmukha akong naiiyak.

Kinamot nito ang batok after licking his lower lip. "I heard everything from Dave Angelo.." he started off. "I'm so sorry.." humakbang sya ng isa upang mas makalapit sakin. Napasandal din ako lalo sa pader.

Tumango lang ako. It's not that I don't have any words to utter. It's just that. I don't know what to choose to say. Kung magrereklamo ba ako sa kanya o hahayaan nalang ang lahat.

But damn. Hindi salita ang dumating, kundi luha saking pisngi.

"Oh! Damn it!.." malutong nyang mura saka ako niyakap. Dun ako sa mabango nyang dibdib umiyak ng umiyak.

Hinayaan nya akong umiyak hanggang sa tumahan. "Where is your room?. Can we talk there?." nagulat ako sa where is your room na yan! Bwiset!. Bat di nya nalang sinabing, can we talk?. Nakagawa tuloy ako ng kasalanan ng wala sa oras.

"Ah.." sa hiya ko. Ito nalang ang tangi kong nasambit. Tas yumuko na ako para maglakad patungong silid ko.

Sumunod naman din sya. Binuksan ko ng maayos ang pinto. Inayos din ang mga bra at panty na nakasabit sa higaan ni Ate. Saka tinakpan yun ng kumot nya.

"Upo ka.." natataranta kong saad. He then held my hand para pahintuin sa mga gagawin pa.

"I am here to explain everything to you.." anya sa malumanay na paraan.

"What?. Wala kang dapat ipaliwanag rito Poro.. everything is okay.. I'm okay..you are okay.. we are okay.. nothing's wrong here." sa bilis kong magsalita. Ayaw tumingin sa mata nya. Hinawakan nya ngayon ang magkabilang pisngi ko para mapirmi sa kanya ang paningin ko.

"I know that nothing is wrong.. but I'm fucking worried about you.. Anong ginawa ni Mommy sa'yo?."

Napalunok ako imbes na hindi ko dapat yun ginawa. "Pinahiya ka nya. Sinigawan. Sinabihan ng bayarin kang babae?." napapikit nalang ako dala ng di ko kayang titigan ang mapaghanap nyang mga mata. "Ilang ulit nyang ginawa yun?."

"Poro, that's already done. Kinalimutan ko na yun.." halos ibulong ko pa. Kulang nalang kasi lumabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Nabibingi ako!.

"Anong pwede kong gawin to make it up to you?. Nahihiya ako kasi wala namang katotohanan ang mga paratang nya. Pinagalitan ko sya kanina nung nalaman ang lahat kay Dave.." tahimik lang ako. Di na nya dapat ginawa yun. Mommy nya pa rin sya kahit baliktarin nya pa ang ikot ng mundo.

"Let's just call it a quits Poro.. diba pinaratangan ka rin ni Mama noon?. Tayo pala. After you, ako naman. After my family, iyo naman. We are now balance. Kaya wag ka ng mag-alala pa. Ayos lang ako."

Nakakailang talaga ang paninitig nya. Kingwa talaga!!..

"And about Liz.. she's—..."

I cut him off.

"No. Don't talk.. alam ko na.. wag ka ng magsalita pa." matindi ko syang pinigilan sa kanyang idudugtong na paliwanag. Yumuko pa ako para lang itaas ang magkabilang mga kamay sa kanya. For him to know that, I'm not ready to hear what he really wants to say. But damn it!. Di pa rin patinag.

"She's our childhood friend, Ken.."

"It's fine Poro.. it's okay.." sambit ko. Di sya umimik ng ilang sandali.

"Why this feeling of mine telling me that you'll definitely avoid me after we leave your house, Kendra?."

Tumalikod ako sa kanya. "Baka guni-guni mo lang yan.. alam mo Poro.. tama din naman ang Mommy mo. Hindi tayo pwedeng magsama sa iisang bahay na tayo lang. Too doubtful for many people around us that the two of us are living in a house without anyone?. Tapos.." di ko tinuloy ang gustong sabihin.

"Tapos magkaibigan lang naman tayo? Ganun ba?. Anong pakialam nila Ken?. Is us who knows the truth. Hindi sila.."

"Pero may pakialam din ako Poro." dito na ako humarap sa kanya. "Ayokong sirain ang pangalan mo. Ang dignidad mo. Ang pagkatao mo. Ayos na sakin na ako ang sabihan nila ng kung anu-ano. Wag lang ikaw. Ayokong madamay pati career mo.."

Di sya makapaniwalang tumingin sakin.

"It's better this way Poro.. tutal magkaibigan pa naman tayo. Hindi yun magbabago kung babalik ako dito sa bahay.."

"Hindi ka magrereply sa mga text ko.." lungkot ang nahimigan ko sa boses nya.

"I will.. basta may oras lang ako.. I will sent you a reply.."

"What about my calls?. Sasagutin mo rin ba?."

Napalunok ako ng di oras. "It all depends on the situation. Alam mo namang graduating tayo pareho diba?. Lalo na ikaw.. you have so many things to do . di ko masasabi na masasagot ko lahat ng tawag mo.. pero sasagutin ko din naman kapag free ako.. no worries about that.."

Malungkot talaga ang mga mata nya. "Is this goodbye?." anya pa.

Umiling din ako. "Nope!. Of course not. Nagsabi sa'yo?. This time lang. Hindi na tayo magkasama sa bahay. Hindi magsasabay gagawa ng thesis and what so ever..it's like. For now. It's a matter of priorities Poro."

Yumuko sya't tumango-tango. "I'm not your priority.. I got that.."

"Oh my gosh!. no!."

"It's okay Ken.. I get you.. kung sabagay nga naman.. baka magkatampuhan lang tayo kapag di tayo nakasipot sa ganap ng bawat isa. Mas mabuti na rin siguro ang ganito. Set our own priorities in a different path. Bahala na ang panahon.."

Nangapa ako ng sasabihn.

"Nga pala... yung mga gamit mo.. nasa baba na.. Dinala na namin dito kasi baka di ka na bumalik ng bahay pa dahil sa parents ko. and I understand that.."

"Thanks.." nanginig ang boses ko.

"Thank you also.. for making me feel alive again.. and I promise you one thing.." he paused. Di ako umimik. I just bit my lower lip. "Pagdating ng panahon. Hahanapin kita no matter what.. and I'll make you, my top priority.. remember that.." humakbang sya't binigyan ako ng marahan na halik sa buhok ko. "For now. I have to go.. Mag-iingat ka parati.. kung may kailangan ka.. like you're in a emergency.. na di naman sana.. I'm just one call away.."

"Ikaw yata itong nagpapaalam na eh?." nakakatindig balahibo kasi ang mga lumalabas sa labi nya. Parang di na sya babalik pa rito at tuluyan nang iiwan ako.

Tumawa lang sya sabay gulo ng buhok ko. "Baba na ako. Baka magtaka na si Tito bakit di pa ako bumababa.."

Natakot ako sa isiping di na talaga sya babalik. "Call me if you need me also. I'm just one call away." ginaya ko rin ang linya nya.

"I will.." anya na may ngiti sa labi saka na sya lumabas ng silid at tuloy ng bumaba. Mabilis na rin silang nagpaalam at di na nagpapigil pa sa agahan na inihanda ni Mama.

Anuman ang kahinatnan ng nangyayaring ito ngayon. Bahala na talaga. If we're meant to meet again soon. Bahala na ulit. Sa ngayon. Just like him. My top priority is my career. Nothing else.

次の章へ