Now playing: Unti - Unti - Up Dharma Down
Elena's POV
Mahimbing na akong natutulog noong magising mula sa sunod-sunod na tawag sa aking cellphone. Inaantok na kinapa ko ito sa ibabaw ng bedside table para sagutin sana nang mamatay ang tawag.
Half close ang mga mata na tinignan ko ang screen ng aking cellphone. Gayo'n na lang ang laking gulat ko nang makita kung gaano kadami na ang natanggap kong missed calls mula kina Mae, Cybele at Luna.
Awtomatikong nagulat ako noong bigla na namang mag-ring ang aking cellphone at this time, si Luna na naman ang tumatawag.
Mabilis ko iyong sinagot.
"L-Luna, what's going on?" Halatang kagigising ko lamang dahil sa boses ko.
"Gising na si Kassandra." Kaagad na sagot ni Luna.
Halos tumalon ang puso ko sa galak at saya nang marinig ang good news mula kay Luna.
"I'm on my way to your place." Dagdag naman niya bago napahinga ng malalim sa kabilang linya. "But we have a problem. Nawawala si Kassandra and we are going to find her." Dagdag pa niya dahilan para mapatayo ako kaagad mula sa aking higaan.
Kasabay ang matinding pag-aalala para sa girlfriend ko.
"A-Ano? W-What do you mean nawawala si Kassandra?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya. "M-May nangyari bang masama sa kanya?" Dagdag na tanong ko pa bago dumiretso sa dressing room at mabilis na kumuha ng jacket.
Hindi na ako nagpalit pa ng damit at nanatiling suot ko pa rin ang pajama at t-shirt na pinantulog ko. Ni hindi na nga rin ako nakapag-bra pa kaya pinatungan ko na lang ito ng jacket.
Bahala na.
Ang importante ngayon ay mahanap namin si Kassandra.
Hindi nagtagal ay dumating na nga si Luna para sunduin ako.
At habang nasa biyahe kami ay panay ang pagtawag ko sa number ni Kassandra pero hindi ko ito makontak.
Marahil nawala na rin ang cellphone nito dahil sa aksidente. At sa mga oras na ito ay wala siyang dala na kahit na ano. Baka nga naka-hospital gown 'yun nung umalis siya ng Hospital eh.
At saan naman siya pupunta sa mga sandaling ito? Bakit naman kasi kailangan pa niyang umalis gayoong mas kailangan niyang magpahinga.
Frustrated na napapasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung paano namin siya mahahanap. Plus, nag-aalala rin ako, paano kung may makakita sa kanya? I-post siya sa social media.
Edi pagpipyestahan na naman siya ng mga tao at bashers.
Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mainit na palad ni Luna na lumapat sa kamay ko.
"Hey, I know nag-aalala ka ng sobra pero please, calm down. Mahahanap natin si Kassandra." Pagpapakalma nito sa akin habang nagpapalipat-lipat ang kanyang mga mata sa akin at sa kalsada.
"We are going to find her at I'll make sure na makakauwi siya ng safe." Dagdag pa niya.
"Cybele and Mae are also looking for her. Maraming naghahanap sa kanya." Pagpapatuloy niya. "Kaya huwag ka na masyadong mag-alala." Dahil sa mga sinabi niya napayuko na lamang ako bago tuluyang napaluha.
"Hindi ko lang mapigilan ang mag-alala para sa kanya." Sumisinghot na wika ko. "Kung bakit naman kasi umalis pa siya ng hospital eh. Wala na nga akong magawa para makalapit sa kanya, para mapuntahan siya, tapos aalis pa siya. Papatayin ba niya ako sa sobrang pag-aalala?" Masamang masama ang loob na wika ko.
"I understand." Muling saad ni Luna. "I know you're worried. And it's alright." Lumingon siya sa akin sandali bago muling ibinalik ang mga mata sa daanan. "It's alright, Elena. Mahahanap natin siya at sisiguraduhin ko iyon." Dagdag pa niya.
Pero umaga na, maliwanag na muli ang paligid, hindi pa rin namin natatagpuan si Kassandra. Wala pa rin kaming kahit anong balita sa kanya.
Para na naman akong mababaliw sa sobrang pag-aalala.
Nagmumukha na naman akong walang kwentang jowa. Kasi walang magawa para sa sariling girlfriend.
Tapos ngayong hahanapin na nga lang siya, hindi ko pa mahanap.
Sandaling itinabi ni Luna ang sasakyan nung tumunog ang cellphone niya.
"It's Cybele." Wika niya sa akin bago sinagot ang tawag at bumaba ng sasakyan. Sumunod ako sa kanya dahil gusto ko rin lumanghap ng hangin kahit sandali.
Nasa may isang mini Park kami nakaparada kung saan merong mga high school student ang nagkukumpulan.
Sandali lamang ang pag-uusap nina Luna at Cybele. Hindi iyon nagtagal ng kahit isang minuto. Basta ko na lang nakita si Luna na pumunta sa YouTube app ng cellphone niya at parang may hinahanap.
Hanggang sa ipinakita niya sa akin ang screen nito at sabay naming pinanood ang balita na isa sa nagpaguho ng araw ko ngayon.
Awtomatikong napatakip ako sa aking bibig kasabay ang butil-butil na pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko, habang nakatutok pa rin ang aking paningin sa screen ng cellphone ni Luna.
"Shit!"Pagmura ni Luna.
Kitang kita at kumakalat ngayon sa buong mundo, hindi lamang sa Pilipinas, ang balita na si Kassandra ay isang lesbian at merong dini-date na babae, which is ako. Hindi ko alam kung paano kami nakuhaan ng litrato pero base sa mga ipinakitang litrato namin, nakuhaan kami noong nasa Zambales kami habang magka-holding hands, nagki-kiss at magkaakbay.
Hindi pa tuluyang nagsi-sink in sa aking isipan ang napanood ko nang bigla na lang akong hilain ni Luna pabalik sa loob ng sasakyan.
Nagtatanong ang aking mga mata na tinignan siya. Ngunit kaagad ko rin naman siyang na-gets nung mapansin na pinagtitinginan na ako ng mga tao, pati na rin ang mga estudyanteng nasa may mini park.
Marahil nakilala agad ako ng mga ito.
Kaagad na binuhay ni Luna ang makina ng kanyang sasakyan at mabilis na muling pinasibad ito.
Rinig ko ang panay pagbuntong hininga ni Luha habang nagmamaneho. Habang ako naman ay agad na hinanap sa contact list ko ang number ni Roxanne at tinawagan ito.
Ngunit nakakailang subok na ako sa pagtawag ay hindi niya pa rin ito sinasagot.
"Hayst!" Kagat labi na ibinaling ko na lang ang aking mga mata sa labas ng bintana. Pinipigilan ang sarili na huwag nang umiyak dahil panay na lang yata pag-iyak ang ginagawa ko. Hindi naman nakakatulong.
Maya-maya lamang din ay muling tumunog ang cellphone ni Luna.
Hindi rin iyon nagtagal noong muling pinatay niya ang tawag at mas binilisan pa ang papatakbo hanggang sa huminto kami muli sa tapat ng apartment ko.
"L-Luna. Bakit tayo bumalik?" Tanong ko. "Hindi pa natin nahahanap si Kassandra, tapos---"
"She safe." Putol nito sa akin. "Cybele called me again. Nakauwi na si Kassandra at nasa Penthouse na niya ito, nagpapahinga." Paliwanag niya.
Noong marinig ko ang good news nito ay para bang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib at mas lalong nanghina.
"Thank God." Kaagad na pasasalamat ko habang nakayuko na animo'y nagdadasal habang nakapikit pa.
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Luna na muling lumapat sa mga kamay ko. At noong sandaling imulat ko muli ang aking mga mata ay ang mga titig niya ang bumungad sa akin.
"Kailangan mo na ring magpahinga. Kung kailangan mo ng makakasama, I can stay with you---"
"Salamat ng marami, Luna." Buong puso na pasasalamat ko sa kanya. "Pero okay lang ako. Atsaka kailangan ako ni Kassan---"
"I know you're not okay. So please, stop being stubborn at kahit ngayon lang makinig ka sa akin. Kailangan mong pakalmahin muna ang issue na meron kayo ngayon ni Kassandra. Para na rin sa inyong dalawa." Dire-diretso na wika niya.
Dahil doon ay sandaling napaisip ako.
Kung sa akin hindi ako nagpapaapekto sa issue na napanood namin, sigurado akong si Kassandra apektado, lalo na at career niya ang nakasalalay rito.
Napalunok ako ng mariin bago muling tinignan si Luna.
"Anong pwede kong gawin?" Tanong mo sa kanya.
"Just stay here kahit two days lang. Hayaan muna nating humupa o kumalma ang issue and swear, ako mismo ang magdadala sa'yo kay Kassandra." Muling paliwanag niya. "Ito rin ang place na alam kong magiging safe ka sa media. Dahil hindi lang si Kassandra ang magiging target nila ngayon, pati na rin ikaw." Dagdag pa niya.
At iyon nga ang ginawa ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa apartment sa loob ng dalawang araw. Pinupuntahan lamang ako ni Mae at Cybele para bisitahin, habang si Luna naman ay tuwing gabi lamang niya ako pinupuntahan dahil abala rin ito sa kanilang kompanya.
Pangatlong araw na ngayon.
Tapos na akong maligo at maglinis ng buong bahay. Wala na akong ibang maisipang gawin kaya naman binuksan ko na lamang ang TV para manood sa netflix nang bumungad sa akin ang isang press conference...
Press conference ni Kassandra kung saan sigurado akong napakadaming media at journalist ang witness at naka-live din ito sa lahat ng TV network.
Hindi ko alam kung gaano na ito katagal na nagsimula pero awtomatiko na nabitiwan ko na lang ang baso na hawak ko nung banggitin nito ang mga katagang...
"Yes, I'm gay. However, I want to clarify that I'm not in a relationship. I'm single, and I don't know the girl I'm with in the photos circulating on social media. I believe this is just an attempt to insult my career and is fabricated by people who want to destroy me. Thank you." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na tumalikod na siya at bumaba ng stage.
Habang ako naman ay naiwan na punong-puno ng katanungan habang nakatitig pa rin sa malaking TV screen.
Itinanggi niya ako pati na rin ang relasyon namin?
Ikinakahiya ba niya na ako ang nakarelasyon niya?
Bakit? Dahil ba panget ako noon at pwede iyong gamitin laban sa kanya ng mga bashers niya?
O sadyang ayaw na niya sa akin?
Nauntog ba siya noong naaksidente kaya pagising niya hindi na niya ako mahal?
Ang dami kong tanong na alam kong siya lang naman ang makakasagot.
Kaya naman pagkaraan ng ilang sandali ay nahuli ko na lamang ang aking sarili na pumapara ng taxi. Kaagad na sumakay ako rito, nanginginig pa ang buong katawan at boses habang binabanggit sa driver ang address ng Penthouse ni Kassandra.
Oo, pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko siya at hindi ako natatakot sa sasabihin ng iba.
Pagdating ko roon, laking tuwa ko noong sumakto talaga na nakita ko si Kassandra na kabababa lamang din ng kanyang van.
Tumakbo ako makarating lamang kaagad sa kanya dahil papasok na siya ng building. Hinihingal pa ako nung tuluyang makarating sa harap niya na merong tatlong hakbang ang distansya mula sa akin.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkagulat nito noong makita ako. Ngunit kaagad din niyang naitago iyon at napalitan ng malamig na mga tingin. Nasa likod nito si Annia na walang humpay kung makangisi at si Roxanne na hindi mo alam kung maiiyak ba o ano nung makita ako.
Kaagad na pinalibutan kami ng mga resporters. Hindi ko alam na meron palang mga nakaabang ngayon rito. Ngunit hindi ko na iniisip ngayon ang sarili ko. Ang importante sa akin, makausap si Kassandra.
Bakit niya ako kailangang i-deny?
Panay ang pagkuha ng mga reporters ng litrato sa akin at sa aming dalawa ni Kassandra. Paulit-ulit din nila akong tinatanong at hinihingi ang statement ko pero wala sa kanila ang focus ko kundi kay Kassandra.
Nakatitig lamang ako kay Kassandra. Ganoon din siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapalunok noong makita na meron pa ring bakas ng aksidente sa kanyang magandang mukha. Meron pa rin kasi itong gasgas sa kanyang noo na natakpan lamang ng kanyang make up.
Ito ang unang beses na makita ko siya magmula noong maaksidente siya. Gosh! How I wish she knows how much I missed her.
Gustong-gusto ko siyang yakapin at yapusin ng napakahigpit ngayon. Pero alam kong hindi ko iyon magagawa.
Ihahakbang ko na sana muli ang aking mga paa papalapit sa kanya nang siya na mismo ang unang nagbawi ng kanyang paningin mula sa akin kaya natigilan akong muli.
May isang reporter ang lumapit sa kanya at tinanong siya kung totoo bang hindi niya ako kakilala.
Muling tinignan niya ako sa aking mga mata at sinabing...
"No. I don't know her and this is the first time I saw her face." Bago nito inihakbang ang kanyang mga paa at tuluyan akong nilampasan.
Habang ako naman ay halos mapaupo na sa sahig dahil basta na lang nanghina ang aking mga tuhod dahil sa narinig.
Why?
Why did she do that?
Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko habang isa-isang naglalaglagan ang aking mga luha.
Nagkaroon ba siya ng amnesia nung naaksidente siya at nakalimutan niyang girlfriend niya ako? Na mahal niya ako?
Muling pinalibutan ako ng mga reporters hanggang sa may dumating na sasakyan. Mabilis na bumaba mula rito sina Mae at Cybele.
"Elena!" Rinig kong pagtawag nito sa pangalan ko.
"My ghad! Ano bang ginagawa mo rito?!" Inis na saway sa akin ng kaibigan ko.
Atsaka ako mabilis na inalalayan papasok sa loob ng kanilang sasakyan.
At doon, wala akong ibang ginawa kundi humagulhol habang yakap ng kaibigan ko.