Now playing: You'll be safe here - Moira Dela Torre
Elena's POV
Pagkatapos ng moment namin ni Mae sa airport ay pumunta muna kami sa pinakamalapit na restaurant at noon nananghalian.
Konting chikahan lamang ang nagawa namin doon dahil naiilang akong makita na magkasama at magkatabi sila ni Cybele.
Errr. Hindi talaga ako sanay at hindi pa rin makapaniwalang magjowa na silang dalawa. Para akong magkaka-sore eyes eh. Ang sakit nila sa mata tignan.
Pagkatapos naming mananghalian ay kaagad na bumiyahe na rin kami patungong condo ni Cybele.
At hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na lang kalaki at kagara 'yung condo niya. Eh paano ba naman saksakan din ng yaman ang pamilya nila ano?
Edi sila na talagang magkakaibigan ang mayayaman.
Mapapasana-all ka na lang sa kanila talaga.
Pero mas masarap pa rin magmula sa laylayan 'no? Iyong ikaw mismo ang makaka-appreciate sa ganda ng buhay kahit na hindi kayo mayaman. 'Yung magsusumikap ka para lang makaalis sa sitwasyon na ganoon. Sa tingin ko kasi mas may pagpapahalaga sa maliliit na bagay 'yung mga taong lumaki sa hirap.
Kasi alam at naranasan na nila ang maging mahirap at hindi na nila gugustuhin pa na bumalik sa ganoong sitwasyon. Hindi ba?
Para lang naman sa akin iyon. Ewan ko lang sa inyo.
Nagkwentuhan lamang kami muli ni Mae sa buong maghapon. Pinakuwento ko sa kanya 'yung mga pangyayari magmula noong umalis ako hanggang sa muling nagkita kami ngayon. Pati na rin 'yung kung paano naging girlfriend niya 'yung isa sa mga babaeng nambu-bully sa akin noon.
Aba'y syempre, ang tagal kaya naming hindi nagkita. Ang dami naming utang na kwento sa isa't isa kaya sinulit na kaagad namin.
Habang iyong girlfriend niya ay maghapon ding natulog. Mukhang puyat na puyat at pagod.
Baka naman kasi may ginawa silang milagro kagabi. Hindi ko mapigilang isipin iyon kaya agad na sumagi rin sa aking isipan ang muntikan na ring may mangyaring milagro sa amin ni Kassandra kagabi.
Hays. Erase. Erase.
Sinabi nito sa akin na hindi niya inaasahan na magkakasalubong sila ni Cybele noon sa States. At ang gaga, kaagad naman daw namukhaan si Mae dahil inakala ni Cybele na kasama ako ni Mae at tinatago lamang ako nito kaya ako biglang nawala na lang noon sa St. Claire.
And knowing Mae, kung hindi lang dahil sa pagpipigil-pigil ko sa kanya noon dahil sa takot na baka i-bully rin siya ng mga ito ay talagang mas matapang pa siya sa magkakaibigan. Kaya hindi raw umubra ang pagiging spoiled brat ni Cybele sa kanya.
Hanggang sa araw-araw na sila halos nagkikita dahil itong si Cybele ang unang na-fall sa kanya. Ang cute raw kasi ni Mae kung magalit, parang baby dragon daw kaya tuwang-tuwa si Cybele sa kanya at sinasadya niyang dalawin palagi si Mae kung saan siya nagtatrabahong kompanya.
Noong una kinakaibigan lamang daw siya nito at sa tuwing magkasama sila, ang buong akala ni Mae ay friendly date lamang ito pero para kay Cybele ay totoong date iyon dahil palagi itong may pa bouquet at kung anu-ano pang anik anik.
Until Mae fell harder.
At siya ang unang nag-confess na mahal na niya si Cybele at sinabing maging sila na kung iyon naman talaga ang gustong mangyari ni Cybele.
At ngayon nga, umuwi sila rito sa Pilipinas para dumito na rin for good at dahil gusto nilang dito mag-celebrate ng kanilang Three Years Anniversary. Bukod sa paparating na birthday ni Kassandra.
Wala akong ibang makita sa mga mata at ngiti ni Mae habang nagkukwento siya kundi pure joy and genuine happiness. Kitang-kita sa bawat expression ng mukha niya kung gaano siya kasaya sa relasyon na meron sila ni Cybele. At hindi maitatago na napaka-healthy ng relasyon nilang dalawa.
Hindi ko mapigilan ang maging masaya para sa kaibigan ko. I mean, totoo nga 'yung sinasabi nilang, we will never know what might happen. Sadyang mapaglaro ang tadhana at hindi natin alam kung ano ang mga pwedeng mangyari.
Nakaka-amaze kung paano pinagtatagpo ni Lord 'yung dalawang tao, kung paano at kailan magkakaroon ng spark sa pagitan nilang dalawa at kung paano nila matututunang yakapin at mahalin ang mga magaganda at pangit na bagay sa bawat isa.
Gaya na lang nina Cybele at Mae. Grabe! Super unexpected ngunit alam kong naiplano na iyon ni Universe na mangyari.
Hindi ko talaga akalain na magiging mag-partner silang dalawa. Nakakataba sa puso na malamang naging mabuting tao at partner si Cybele sa kaibigan ko. Tignan mo nga naman ang nagagawa ng love, kaya nitong baguhin 'yung isang tao in just one snap. At kahit ikaw pa ang may pinakamapangit na nakaraan, kaya kang yakapin at tanggapin nito. Buong-buo.
Haaayyy. Kinikilig ako para sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ikwento ni Mae ang tungkol sa kanila ni Cybele ay ako naman ang sunod na pinagkuwento niya.
Kung paano at bakit ako nakabalik ng Manila at higit sa lahat, kung paano ako nag end up as personal chef ni Kassandra.
Of course, ibibida ko rin kung paano at bakit kami pinagtagpong muli Kassandra, ano? Hindi ako magpapahuli sa isrtorya na meron kami.
"So, shut up lang ba muna ako?" Tanong ni Mae noong malaman na hindi pa alam ni Kassandra na ako at si Piggy ay iisa.
"Oo." Tipid na sagot ko.
"Pero...hindi ko kayang mag-acting na hindi tayo close." Sabay pout nito. "Baka madulas ako." Dagdag pa niya kaya kaagad na tinignan ko siya ng masama.
"Fine! I'll zip my mouth. Hmp!" Mabilis na sagot niya.
"Pero hindi mo ba naisip?"
"Naisip ang alin?" Curious na tanong ko.
"What if...what if alam na niya ang totoo. I mean, nakilala ka na niya noon pa pero hindi niya lang nasabi." Wika niya. "Tapos hinihintay lang pala niya na ikaw mismo ang magsabi sa kanya. What if?" Dahil sa katanungan na iyon ni Mae ay sandaling napaisip ako.
Oo nga ano? Paano nga kung matagal na akong na-recognize ni Kassandra at hindi lang niya masabi sa hindi ko rin malamang dahilan.
Pero...hayst. Imposible naman iyon, 'di ba?
Ngunit alam ko sa sarili ko na posible rin ang sinasabi ni Mae.
Napahinga ako ng malalim at mas pinili na lamang na hindi sagutin ang sinabi ng kaibigan ko.
Maya maya lamang ay biglang merong nag-doorbell. Tumayo si Mae para pagbuksan kung sino man ito.
Habang ako naman ay napatingin sa wrist watch ko.
Shit! Alas otso na pala ng gabi.
Kaya naman pala medyo kumakalam na rin ang sikmura ko. Sa sarap ng kwentuhan namin ni Mae ay parehas naming hindi na namalayan ang oras.
Noong marinig ko at nabosesan ko kung sino 'yung mga dumating ay muli akong napahinga ng malalim. Mukhang mapapalaban na naman ako sa pakikipagplastikan sa mga ito.
Unang bumungad sa paningin ko si Roxanne na halatang excited na excited sa magiging kaganapan ngayong gabi.
"Hi, Elena! We bought food for us!" Masiglang sabi nito habang bitbit ang apat na paper bag na merong laman na pagkain.
Kasunod nito si Annia na malayo pa lamang ay magkasalubong na ang mga kilay noong makita ako sabay irap sa akin. Napapailing na lamang ako. Walang bago. Hindi ko pa nakakalimutan kung paano niya ako sabunutan kaninang umaga ah, walangya siya! Tss!
Bitbit naman nito ang dalawang bote ng hindi ko kilalang brand ng wine. Mahal siguro 'yun, ano? Ginto na naman ang presyo for sure!
At kasunod ni Annia ang nagtatawanan na sina Luna at Kassandra. Meron din silang bitbit na tig isang paper bag na sa tingin ko ay para dessert naman ang laman.
Kunwaring hindi ko napansin ang mga ito kaya mabilis na kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng glass table bago nagsimulang kalikutin ito.
Pero mabilis na kinuha ni Kassandra ang atensyon ko dahil kaagad na dumiretso siya sa tabi ko.
"Hi, El." Casual na pagbati nito sa akin bago pasimpleng sumilip sa screen ng cellphone ko.
Andyan na naman siya sa tawag niyang, El. Nakakapanghina.
Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok noong maamoy ko ang perfume niya. Tss! Ang bango-bango na naman niya. Nakakaadik!
Tuloy gusto kong magsumiksik sa kanya pero hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Lalo na at nandito ang mga kaibigan niya.
"Uhh, hello." Ganting pagbati ko rin sa kanya sabay iwas ng tingin dahil biglang napadako ang mga mata ko sa labi niya.
"Ahem!" Rinig kong pagtikhim ni Luna bago naupo sa kabilang side ko. Which is, napapagitnaan na naman nila akong dalawa ni Kassandra.
"I didn't know you were here. Hi, El!" Cool na pagbati nito sa akin.
"El??/Anong El?!" Chorus namin ni Kassandra at kaagad na napalingon ako sa kanya para tignan ang reaksyon ng mukha niya dahil akala ko siya lang ang bukod tanging tatawag noon sa akin.
Pfftt. At tama nga ako hindi na maipinta ngayon ang itsura ni Kassandra.
"What? El, short for Elena." Kaagad na paliwanag ni Luna.
Napapailing na lamang si Kassandra bago padabog na tumayo. "You're unbelievable!" Pagmamaktol nito bago nag-walk out.
"What? May nasabi ba akong hindi dapat?" Clueless na tanong ni Luna bago tumayo rin habang iiling-iling. Habang ako ay naiwan mag-isa sa sofa na tatawa-tawa.
Cute nilang dalawa, sa totoo lang. HAHAHA!
Habang pinagmamasdan ko silang magkakaibigan ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Lahat sila ay nag-grow na, nag-mature na rin. Except Annia na wala na atang pagbabago?
Hays.
Nandito silang lahat na magkakaibigan dahil sasalubungin ang birthday ni Kassandra. Nakakatuwa lang na kahit iba-iba sila ng personality ay mahal na mahal nila ang isa't isa. At andiyan sila para sumuporta palagi sa bawat isa.
Kaya pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na rin ako para tumulong sa paghanda ng mga pagkain. Habang si Mae naman ay pumasok muna sa kwarto para gisingin ang kanyang girlfriend.