webnovel

CHAPTER 22

Now playing: Makasama - Lucas Miguel

Kassandra/Zoe's POV

Napahinga ako ng malalim noong muling tinignan ko ang wrist watch ko. Mag-aalas onse na ng gabi pero hanggang ngayon wala pa rin si Elena. Hindi pa rin siya nakakauwi sa kanyang apartment.

Bakit ko alam? Eh kanina pa ako nandito at naghihintay sa kanya. Ni hindi nga niya sinasagot ang mga text messages at tawag ko.

Ewan ko rin at kung bakit hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala sa kanya.

Mabilis na napahawak ako sa aking tiyan noong muling kumulo ito. Gosh! Gutom na gutom na ako. Pero ngayon lamang ako nagtiis na huwag kumain dahil may gusto akong kasabay sa pagkain.

What the hell is happening to me?! Kaya ko namang umorder na lang ng pagkain para sa akin at kumain mag-isa, pero bakit ngayon hindi ko magawa? Tsk!

Hayst! Nasaan na ba kasi siya?! Muling tanong ko sa aking sarili at nagpasyang lumabas na lamang ng building ng apartment niya. Mas mabuti pa siguro kung sa labas na lamang ako maghihintay para mas mabilis ko rin siyang makita.

Sakto noong makalabas ako ng building at nakakailang hakbang pa lamang ng makita ko si Elena na naglalakad. Mukhang wala ito sa sarili at malalim ang iniisip habang merong bitbit na ilang plastic bags at isang malaking paper bag na sa tingin ko ay mga pinamili niya.

Agad na sinalubong ko siya ngunit noong magtama ang aming mga mata ay mabilis itong napaiwas ng tingin mula sa akin at nilampasan lamang ako.

Awtomatikong napakunot ang noo ko at mabilis siyang sinundan. Tahimik lamang kami pareho mula sa elavator hanggang sa makapasok sa mismong unit niya.

Sinubukan ko pa rin ang hindi magsalita kahit na gustong-gusto ko na siyang kausapin. Sinusubukan ko kung kakausapin niya ba ako ng kusa ngunit nakakailang minuto na kami na magkasama eh parang wala siyang balak na basagin ang katahimikan.

"Sabi ko naman sa'yo susunduin kita para sa dinner, di ba?" Malumanay ang boses na basag ko sa bumabalot na katahimikan, habang tahimik na inaayos nito ang mga pinamili niyang can goods, noodles and ibang ingredients na kailangan niya sa pagluluto niya.

Ngunit hindi pa rin ako nito sinasagot.

"I've been waiting for you here for a while. And you don't answer my calls and messages either. Ayos ka lang ba?" Paliwanag ko at dagdag na tanong na rin sa kanya.

Pero parang wala pa rin siyang naririnig kaya napahinga akong muli ng malalim. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong napabuntong hininga ngayon dahil sa pag-aalala sa kanya.

Nag-aalala sa hindi ko rin malamang dahilan. Oh my gosh!

"Is there anything that is bothering you?" Tanong kong muli.

"May problema ka ba?" Dagdag ko pa noong hindi pa rin siya sumasagot.

"Wala." Tipid na sagot nito sa akin.

Finally! 

"May nagawa ba ako?" Dagdag na tanong ko bago humakbang pa ng dalawang beses palapit sa kanya.

"Wala nga Kas." Tipid pa ring sagot niya. Ngunit hindi pa rin makatingin sa akin.

"Eh bakit parang iniiwasan mo ako?" Patuloy na tanong ko pa rin. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, hindi ka rin nagre-reply sa mga messages ko." Sabay pout ko. Lihim at umaasang sana naman ay umepekto sa kanya.

"What?! Of course not!" Agad naman na depensa niya at umalis sa harap ko, pero syempre sinundan ko pa rin siya.

"Then why are you acting this way?"

"WALA NGA KASSANDRA!" Bigla na lamang itong nagtaas ng kanyang boses atsaka humarap sa akin, dahilan para magulat ako ganoon na rin siya sa kanyang sarili.

Napayuko ako.

Hahawakan sana ako nito ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili kaya napahilot na lamang siya sa kanyang noo.

"S-Sorry. Sinabi ko na kasing wala eh. Wala akong problema." Agad na paghingi nito ng tawad.

Muling tinignan ko siya sa kanyang mukha at binigyan siya ng isang mabagal na ngiti.

"Concern lang ako. And I'm worried about you." Sagot ko sa kanya bago dahan-dahan na inabot ang kanang kamay niya.

Hindi ko rin alam. Huwag niyo nang tanungin kasi hindi ko rin alam bakit ang soft soft ko at ang gentle pagdating sa kanya. Ni parang may sariling isip ang mga kamay ko na hinawakan siya at marahan na hinaplos ang ibabaw ng palad nito.

Pero mabilis niya iyong binawi at muling tumalikod sa akin.

"H-Hindi mo naman ako kailangang alalahanin." Matigas ang boses na sabi niya sa akin.

"Fine. Anong pwede kong gawin to make you feel better then?" Pangungulit ko pa.

"Wala." Tipid muli na sagot niya.

Napailing ako sa aking sarili at basta na lamang natawa. Dahilan para muling mapalingon siya sa akin nang may pagtataka sa kanyang mga mata.

"Pfft. Sorry. I can't help myself. Para kasi tayong magjowang nagsusuyuan." Paliwanag ko sa kanya. "Para kitang girlfriend ko na tinotoyo habang sinusuyo ko." Dagdag ko pa at muling natawa.

Nakikita ko sa mga mata niya na gusto na rin niyang matawa ngunit pinipigilan niya. Kaya sa halip na sagutin pa ako ay napairap na lamang siya. Pagkatapos ay sabay kaming napatingin sa tiyan ko noong muli itong kumulo dahil sa gutom.

Mabilis naman na napahawak akong muli rito.

"S-Sorry. Hehe." Paghingi ko ng tawad sa kanya. Noon naman napahinga siya ng malalim.

"Nagtiis kang maghintay rito kahit na gustom na gutom ka na? Hayst!" Tanong nito sa akin bago napakamot sa kanyang ulo at umikot pabalik ng kusina.

"Where are you going?"

"Ano pa nga ba at ipagluluto ka!" Singhal nito at padabog na binuksan ang kanyang fridge.

Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti sa aking sarili kowing na nag-aalala siya para sa akin.

Sandaling pinagmasdan ko siya habang abala sa kanyang ginagawa.

"Ayos lang ba sa'yo kung ramen? Iyon lang kasi ang mabilis na lutuin eh. Isa pa, anong oras na ito. Ba't ba hindi ka pa kumakain?" Parang nanay ko na nagsesermon sa akin.

Kapag ganito siya eh mas natutuwa ako sa kanya. Mas lalo kong naaalala si Piggy sa kanya kaya sa halip na sumagot eh muling natawa na lamang ako.

"Ano bang nakakatawa? Kanina ka pa tawa ng tawa. Parang siraulo!" Pikon na wika nito sa akin bago ako muling inirapan.

"Eh kasi...ang cute mo." Sandali siyang natigilan sa sinabi ko.

"Kassandra! Kapag gutom ka pwede ba kumain ka? Umorder ka ng kahit na ano, magpa-deliver ka! Hindi mo naman ako kailangang hintayin kasi wala naman sa akin 'yung kutsara at tinidor na hindi ka makakakain kapag wala ako sa tabi mo!" Tuloy-tuloy na sabi nito na parang rapper.

Muling lumapit ako sa kanya. Iyong malapit na malapit kaya natigilan siya sa ginagawa niya. Marahan na hinawakan ko siya sa kanyang balikat at iniangat ang kanyang baba dahilan para muling magsalubong ang aming paningin.

"Alam kong concern ka lang sa akin. And thank you, for that. Kasi ang sarap lang sa feeling na may taong nag-aalala para sa'yo. Pero kasi---"

"Huwag mo nang gagawin 'yan sa susunod. Huwag mo nang uulitin. Kasi hindi naman palagi o habambuhay nasa tabi mo ako." Putol nito sa akin bago inilayong muli ang kanyang katawan sa akin at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Awtomatikong napakunot ang noo ko at tinignan siya na nagtatanong ang mga mata.

"What do you mean by that?"

"At isa pa, sana hindi ka lang dumiretso rito noong hindi ko nasasagot ang mga tawag at messages mo." Pagbabalewala nito sa tanong ko. "Pagod ka sa maghapong shoot ninyo, sana nagpahinga ka lang kaysa---"

"Mas gusto kong magpahinga kasama ka."

Kapwa kami natigilan dahil sa sinabi kong iyon. Kusa na lamang din kasi itong lumabas sa bibig ko.

"I-I mean...I prefer to rest here in your apartment because it's quiet and peaceful, which brings peace to my mind." Paliwanag ko pa kahit na ang totoo eh dahil gusto ko lamang din talagang makasama siya. "I told you, dito ang takbuhan ko kapag gusto ko ng tahimik at malayo sa gulo dahil hindi alam ng media at mga paparazzi ang place kong ito." Dagdag ko pa.

"M-Malapit nang maluto itong ramen mo." Pag-iiba niya ng usapan.

Napatango ako. "Thank you!" Pasasalamat ko sa kanya.

Hindi ko maintindihan pero may kakaiba talaga sa awra niya ngayon. Parang iniiwasan niya ako? Hindi nga siya makatingin ng diretso sa mga mata ko na dati-rati naman eh palagi siyang eye to eye kung makipag-usap sa akin.

Or maybe pagod lang siya? I don't know. Alam ko kasi na kapag tatanungin ko siya eh hindi naman niya ako sasagutin.

Hindi nagtagal ay naupo na ako sa silya at nangalumbaba sa mismong center island habang maingat naman na inihahain nito sa harap ko ang isang bowl ng ramen.

Lalo tuloy kumulo 'yung t'yan ko dahil sa sarap ng amoy nito.

"Kumain ka na. Paki ligpit na rin 'yung pinagkainan dahil ako na ang maghuhugas pagkatapos."

Tatalikod na sana siya nang mabilis na mahawakan ko siya sa kanyang braso at niyakap mula sa kanyang likod.

Gosh! I don't know why my clingy side comes out when it comes to her. Believe me, I also don't know why I am hugging her now. As if my body has a mind of its own.

Ni hindi ko man lang naisip na baka naiilang na siya sa akin bakit ang clingy ko masyado. Lalo at hindi ko naman siya kaano-ano. 

Dahil sa thought na 'yun ay marahan na kumalas ako sa pagyakap sa kanya.

"S-Sorry. I didn't mean to---"

"Gusto mo bang...gusto mo bang sabayan kita sa pagkain?" Putol na tanong nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Dahan-dahan naman na gumuhit ang ngiti sa aking labi bago napatango.

"Yes?" Malawak ang ngiti na sagot ko sa kanya habang nang-uusap pa rin ang aming mga mata.

Napakagat siya sa kanyang labi. Halatang nagpipigil sa kanyang pag ngiti.

"Fine." Tipid na sabi niya bago kumuha ng sarili niyang bowl at hinati nalang namin iyong ramen na ginawa niya para sa akin.

"Pagkatapos nito, matulog ka na. Get some rest. Kasi I know how tired you are, Kas." Pagpapaalala niya sa akin in a concern tone habang kumakain kami.

Ngunit muling binigyan ko lamang siya ng ngiti.

"Can we watch a movie before going to sleep?" Huling hirit ko sa kanya.

Basta na lamang nanlaki ang mga mata niya in disbelief.

"NOOO! Matulog ka na dahil tiyak na malalagot ka na naman kay Roxanne kapag nadatnan ka niyang tulog pa bukas."

"Please?"

"NO!"

"I just want to be with you a little longer." Pag-amin ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya at hinihintay ang magiging reaction niya.

Bigla siyang napaubo sa sinabi ko at agad na uminom ng tubig.

"Kas---"

"Fine!" Putol ko sa kanya. "If you don't want to watch a movie, maybe it's better if we sleep together."

"W-WHAT?! No way!"

"No way ka d'yan! Wala nang bawian. Touch move!" Pagkatapos ay mabilis na akong tumayo mula sa aking upuan. "Thank you for the food." Nakangiting pasasalamat ko sa kanya.

"Kassandra." Pagbibigay warning nito sa akin.

Pero hindi ko siya pinakinggan at kunwaring walang naririnig na tinalikuran na siya.

"Just go straight to your room, okay?" Sabay tawa ko sa dulo ng aking sinabi habang siya ay patuloy na sinasaway ako.

Well, it's just me and my clingy side again. I just can't help myself when I'm with Elena. And the closer we get to each other, the more I want something beyond what we have now.

I don't want her to be just my chef. I don't want her to be just an employee or a friend. I want more than that. But I also don't know within myself what 'MORE' specifically I want because every time the thought of a 'RELATIONSHIP' comes to my mind, I feel like I'm betraying Piggy and cheating on her.

Gosh! Ang gulo ko. Naguguluhana ako.

Pero isa lang ang sigurado ako ngayon, that tonight I want to be with Elena and I want to be beside her all night while I hold her.

次の章へ