webnovel

CHAPTER: 23

Now playing: Butterflies - Abe Parker

Elena's POV

Pagpasok ko sa aking kwarto ay nadatnan kong nakahiga na si Kassandra sa ibabaw ng aking higaan. Nakapantulog na ito at halatang handa nang magpahinga.

Great! At ngayon saan ako hihiga? Tanong ko sa aking sarili dahil walang sofa ang kwarto ko katulad sa kwarto niya.

Kaya naman iginala ko ang aking paningin sa paligid habang tahimik lamang din akong pinagmamasdan ni Kassandra.

Sa lapag na lang siguro ako matutulog. Sabi ko sa aking sarili.

Ngunit ihahakbang ko pa lamang sana ang aking mga paa para maghanap ng mahihigaang blanket nang pinagpag ni Kassandra ang kabilang side ng hinihigaan niya.

"I know what you're thinking. But YOU are going to sleep here beside me." Nakangiting sabi nito sa akin.

"No!" Napapailing na agad kong sagot.

Ngunit tinignan lamang niya ako ng masama.

"Humihilik ako. Magigising lang kita." Palusot ko.

"Nope." Agad na tugon naman nito.

"Mabaho hininga ko, bad breath ako kapag gabi lalo kapag umaga---"

"Liar." Putol nito sa akin habang dahan-dahan na bumabangon mula sa kanyang paghiga.

"Atsaka malikot akong matulog." Dagdag na pagdadahilan ko pa. Ngunit nagkibit balikat lamang siya.

"Edi yayakapin kita." Pangungulit din niya.

"AYAW KO!" Bigay diin na pagtatanggi ko.

"Why? What is wrong? Besides...parehas naman tayong babae." Patuloy na pangungumbinsi pa rin niya. Tsaka ito tuluyan na muling tumayo habang diretso ang mga matang nakatingin sa akin.

Marahan na inihakbang nito ang kanyang mga paa palapit sa akin habang iyong mga mata niya ay para bang nag-aakit pa.

Oh my gulay! Ba't ba siya ganito? Pinakakaba na naman po niya ako!

Kaya dahil doon ay napalunok ako ng mariin bago napaatras ng dalawang beses palayo sa kanya.

"STOP where you are." Pigil at pagbibigay nito ng warning sa akin ngunit hindi ko siya pinakinggan.

Aba! Mahal ko siya pero hindi naman niya ako pwede diktahan ano? May sarili akong isip at desisyon. Kaya sa halip na makinig sa kanya ay muling inihakbang ko pa papalayo ang aking mga paa.

Hanggang sa biglang naging seryoso ang mukha niya at basta na lamang siyang napairap sa akin.

"Fine! If you don't want to sleep with me in one bed then sa kwarto ko na lang ako---"

"Oo na! Sige na. Tss!" Tuluyang pagpayag ko sa kanya.

Ay marupok! Tuyo ng aking isipan.

Pakipot much, pero gusto naman pala. Dagdag naman ni inner self.

"Good." Sabay higa nitong muli sa higaan nang may matagumpay na ngiti sa kanyang labi.

Hindi ko napigilan ang mapailing na lang sa kanyang kakulitan. Hmp!

Jusko! Paano ako makakatulog nito eh may hot na dyosa akong makakatabi sa pagtulog? Tanong ko sa aking sarili habang dahan-dahan na inihahakbang ang mga paa patungo sa kabilang side ng kama.

"At paraan saan naman yan?" Tanong nito sa akin nang mapansin niyang naglalagay ako ng unan sa pagitan naming dalawa.

May pagkaalanganing napangiti ako sa kanya bago napapakamot sa aking batok.

"Eh k-kasi nakakahiya---"

Hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin nang basta na lamang niyang hablutin ang unan na inilagay ko sa pagitan naman at inihagis ito.

"Para naman tayong mga bata niyan." Napapangiti na wika niya bago ito humikab.

Halatang antok na antok na siya. Isa pa, malalim na rin kasi ang gabi. Este umaga na pala dahil mag-aalas dos na ng umaga.

"Inaantok na ako. Come on, Elena. I am not going to bite you." Saad nito at muling inayos ang kanyang sarili sa paghiga paharap sa akin. "Unless you want me to." Mahalay na dagdag pa niya.

Basta na lamang nang init 'yung buong mukha ko sa huling sinabi nito kaya naman mabilis na nahiga na ako pero nakatalikod mula sa kanya. Hindi ko tuloy magawang igalaw ang buong katawan ko at straight lamang na nakatagilid.

Hayst! Kung bakit naman kasi naisipan niyang dito pa matulog sa kawarto ko eh mas malawak at malaki naman iyong kama niya kumpara sa akin.

Ipipikit ko na sana ang dalawang mga mata ko at handa na sa pagtulog nang bigla akong hablutin ni Kassandra sa aking beywang at basta na lamang hinapit palapit sa kanyang katawan.

Awtomatikong mas nanigas ako sa aking higaan na halos ayaw ko nang huminga dahil na rin sa sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko.

Nagwawala sa magkahalong kaba at kilig ang aking inner self kaya napapapikit na lamang ako. Lalo na noong maramdaman ko ang paglapat ng kanyang malambot na hinaharap sa aking likod. At noong sumagi ang kanyang mainit na hininga sa batok ko.

OH MY GOOOOSH!

Nenenerbyos ako sa hindi malamang dahilan.

"Sorry, hindi kasi ako sanay na walang yakap na unan." Paghingi niya tawad.

Iyong boses niya, antok na antok na talaga kaya mas pinili ko na lamang na hindi na magsalita.

"Lalo't hindi ko katabi sa pagtulog 'yung stuff toy kong piggy." Dagdag pa niya sa antok pa ring tono ng kanyang boses.

Lihim naman na napangiti ako noong maalala ang stuff toy niyang baboy. Alam ko kasi ang dahilan kung bakit siya may ganoon at ang sweet lang isipin.

Hayyyy!

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang pag-relax ng katawan nito habang nakayakap sa akin. Naririnig ko na rin ang mahihinang paghilik nito na animo'y isang sanggol na mahimbing nang natutulog.

Kaya naman naging pagkakataon ko iyon para dahan-dahan na iharap ang aking sarili sa kanya. Ngunit agad namang napasinghap nang sandaling ma-realize ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa.

Napalunok ako muli ng mariin bago ilalayo na sana kahit konti ang aking katawan mula sa kanya, nang mas hinigpitan naman nito ang pagyakap sa akin kaya wala na akong kawala pa. 

Lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko nung isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg na halos kulang na lang eh sumubsob na rin ang siya sa hinaharap ko.

Jusko po! Parang ayaw ko nang himingaaa.

Masyadong nagwawala ang aking isipan at nararamdaman sa mga sandaling ito. Hindi ko rin alam kung makakatulog ba ako agad dahil sa posisyon namin ngayon.

Hindi naman ako pwedeng magtitili na lang ng ganitong oras lalo at katabi ko si Kassandra, ano?

Hays! Bahala na nga. Makatulog na.

Pipilitin kong makatulog kahit sobrang hirap sa part ko at hindi ko alam kung paano. Baka kasi siya pa ang mahalay ko sa lagay ko ngayon. Hmp!

---

Pagising ko kinabukasan, wala na si Kassandra sa tabi ko. Maaga siguro siyang sinundo ni Roxanne para sa taping na naman nila ngayong araw.

Hayst! Kawawa naman 'yun palaging pagod at kulang sa proper rest.

Bago ako tuluyang bumangon sa aking higaan ay agad na hinanap ng dalawang mga mata ko ang aking cellphone. Tinignan ko kasi kung meron ba siyang text message, pero nadismaya lang ako dahil wala man lamang akong natanggap.

Baka busy na siya agad. Tama?

Hayyy! Heto na po si Elena, nag-e-expect na. Ani ng aking isipan kaya bagot na tuluyang bumangon na ako sa aking higaan.

Habang nag-aayos ng kumot at unan ay natigilan ako noong maamoy na parang may nilulutong pagkain sa kusina.

Awtomatikong napakunot ang aking noo dahil sa pagkakaalam ko ay wala namang ibang nagluluto rito kundi ako lang. Kaya naman, tinapos ko na ang aking ginagawa at kaagad na lumabas ng kwarto.

Pagdating ko sa kusina ay nadatnan kong may nakahain nang pagkain sa center island. Sinangag na kanin, which is my favorite, dried fish and sunnyside up egg. Iyong typical na breakfast ng mga Pilipino.

Hmmm. I didn't know na marunong palang magluto si Kassandra.

Kaya naman pala walang text message. Kasi ipinagluto ka. Biglang singit ng aking isipan.

Haaay! Ke aga-aga po ay pinakikilig na naman niya ako.

Pero...saan kaya siya ngayon? Hindi pa kasi siya tapos sa kanyang niluluto dahil meron pang nakasalang na pini-pritong spam, mabuti na lang at naka-lowheat lang ang apoy kundi kanina pa ito nasunog.

"Good morning!" Masiglang pagbati mula sa aking likuran.

Kaya naman awtomatikong napaharap ako sa kanya nang mayroong malawak na ngiti. Ngunit kaagad ding nabura nang makitang hindi si Kassandra ang nasa harap ko ngayon kundi si Luna.

"L-Luna. A-Anong ginagawa mo rito?!" Kaagad na tanong ko sa kanya nang nakakunot ang noo.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay binigyan lamang niya ako ng isang nakakalokong tingin. Iyong ngisi na para bang sinasabi niya na bakit pa ba ako nagtatanong eh malamang apartment pa rin ito ng best friend niya.

"Good morning huh?! Para siguro mag-disco?" Pamimilosopong sagot niya kaya napairap ako ng disoras.

"Para ipagluto ka! Kaya nga naka-apron 'di ba?"" Patanong na dagdag pa niya habang hinahango ang kanyang niluluto. "Chill. Hindi ako nandito para i-bully ka." Agad na paalala niya sa akin.

Tahimik lamang na pinagmamasdan ko siya sa kanyang ginagawa, hanggang sa tanggalin na nito ang kanyang suot na apron bago ako ipinaghila ng upuan.

Pero hindi niya ako maidadaan sa pagiging gentlewoman niya kuno.

If I know alam ko namang kaplastikan lang 'yan katulad ng kaibigan niyang si Annia.

Napahinga siya ng malalim bago lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking braso para hilain at pilit na pinauupo.

"Come on! Kassandra sent me here dahil alam niyang late ka na magigising. Hays!" Paliwanag nito bago ako nilagyan ng sinangag na kanin sa aking plato at ulam.

Ngunit pilit na nagmamatigas pa rin ako.

Napa-cross arms ako at tinignan siyang muli ng may pagdududa.

"Baka naman may lason 'yan ha?" Saway ko sa kanya bago tuluyang naupo kasi sa totoo lang nagugutom na rin talaga ako at mukhang masarap 'yung mga nakahain.

Napailing siya at pabirong pinitik ako sa noo.

"Wow ah! Ikaw na nga itong ipinagluto ako pa pagbibintangan mong may lason ang pagkain. Tss! Kumain ka na lang kaya." Utos nito sa akin.

Kung makaasta naman siya akala mo talaga close kami. Hmp! Pasalamat siya at nagugutom na ako. Kung hindi, hindi talaga ako kakain.

"Walang lason 'yan, ba't naman kita lalasunin eh mamahalin pa kita?" Dagdag na sabi nito pero hindi ko na narinig pa dahil medyo pa bulong na.

"May sinasabi ka?"

"Wala." Agad na depensa niya at naupo sa kabilang side para sabayan ako sa pagkain.

Pero infairness sa luto ni Luna ah, masarap nga! Akala ko naman lalasunin na niya ako eh. At ini-expect ko maalat pero hindi naman pala.

Kaya naman panay ang pagmamayabang nito sa akin hanggang sa paghuhugas ko ng mga pinggan na pinagkainan namin.

"Pagkatapos mo pala riyan, may pupuntahan tayo." Sabi nito sa akin.

"H-Ha? Saan naman?"

Napangiti lamang ito.

"Oh please, pwede bang sumunod ka na lang?" Inis na saway nito sa akin. "Ang daming tanong eh!"

"Eh bahala ka! Hindi ako sasama sa'yo hangga't hindi mo sinasabi kung saan tayo pupunta." Pagmamatigas ko pa rin.

Aba! Hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanya ano? Kahit na anong charming pa ng mukha niya at magpa-cute pa siya ng magpa-cute sa akin.

Sa totoo lang, maganda naman talaga si Luna. Lahat naman silang magkakaibigan, magaganda.

Kung si Kassandra friendly at napakaamo ng mukha, si Annia naman at Luna ay may pagkamataray ang mga awra, habang si Cybele naman iyong pinakaparang isip bata sa kanila. Ewan ko lang ngayon, hindi ko pa siya muling nakikita eh.

"Ayaw mo bang panoorin si Kassandra habang nasa taping?"

Awtomatiko namang namilog ang mga mata ko at lumiwanag ang mukha dahil sa sinabi ni Luna.

"T-Talaga? Pwede tayong manood ng shoot nila ngayon?" Halos magtatatalon na ako sa tuwa.

"Yes. So, please? Take a shower and get dressed dahil magbibiyahe pa tayo." Utos nito sa akin bago nag-walk out sa harap ko.

"Haaay! 'Pag usapang Kassandra talaga, Gosh! G agad!" Reklamo nito na halatang ipinarinig niya talaga sa akin.

Ngunit hindi ko na lamang siya pinansin at mas nag-focus na lang sa saya na aking nararamdaman. Napapahimpit na kilig na lang ako habang pumapalakpak bago patakbong pumasok muli sa aking kwarto para maligo.

Hindi maitago ang saya at excitement sa aking mukha noong matapos akong magbihis at muling lumabas ng kwarto.

Nadatnan ko namang prenting nakaupo lamang si Luna sa sa may sala habang may kinakalikot sa kanyang laptop. Nakasuot siya ngayon ng eyeglases at halatang seryoso sa kanyang ginagawa.

Ni hindi niya rin namalayan ang pagbukas ko ng pintuan ng kwarto at paglabas ko.

Dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na matignan siya ng medyo may katagalan. Naalala ko, only child nga lang din pala siya kagaya ni Kassandra. At siya lamang ang bukod tanging tagapagmana ng kanilang kompanya. Kaya siguro ganun na lang kaseryoso ng itsura niya ngayon habang kumakalikot sa laptop niya.

Ngayon ko lamang din na-realize na mas gumaganda si Luna kapag seryoso siya. Lalo at bumagay sa kanya ang suot niyang salamin. Iyong ganda niya kasi eh talagang mai-intimidate ka kapag tinignan ka niya. Kaya hindi ko siya masyadong tinitignan bukod sa napaka-polosopo niyang tao at presko eh umiiwas ako sa mga mata niya.

Para kasing nakakahiya kapag nagkatitigan kayong dalawa.

Hindi katulad kay Kassandra na kapag tinignan mo siya, ngingitian ka kaagad tapos mapapangiti ka na lang din ng hindi mo namamalayan.

Pero infairness, ang fresh tignan ni Luna. Lalo na ngayon na naka simpleng damit lamang siya. Naka-polo shirt lang kasi ito, trouser pants at sneakers. Hindi mo aakalain na isa siyang lady boss sa itsura niya ngayon. Tapos naka-ponytail lang ang kanyang kulay brown na buhok at may light makeup na in-apply sa kanyang mukha.

"Don't you know that staring is rude?" Biglang sabi nito bago iniangat ang kanyang ulo at tinignan ako ng diretso.

Dahil doon ay mabilis akong nagbawi ng aking pangin, napayuko at kunwaring hindi nanggaling sa kanya ang mga mata ko.

"H-Hindi ah. Hindi ikaw ang tinitignan ko." Dismayado at napapapikit na lamang ako sa aking sarili.

Magpapalusot na lang kasi sablay pa. Hayst! Nakakahiya!

"Talaga lang huh?" Sabay ngiti nito ng nakakaloko bago itiniplop ang kanyang laptop.

"Ready?" Tanong nito sa akin at sandaling pinasadahan ng tingin ang aking buong katawan.

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi maging concious. Hindi ko alam kung ayos lang ba 'yung suot ko para sa kanya o nilalait na n'ya ako. Hmp!

"Hmmm. Simple but beautiful." Pagbibigay bigla nito ng compliment sa akin atsaka ako muling tinapunan ng huling tingin bago siya nauna nang lumabas ng pinto. "Can I ask?"

Napatango ako habang sinisiguradong nai-lock ko ang pinto ng unit.

"If I didn't bully you back then, would you eventually like me the same way you liked Kassandra?" Basta na lamang akong natigilan sa tanong nito lalo na noong magtama ang aming mga mata.

Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang paglunok niya pati na rin ang pag-asa sa magiging sagot ko.

Ano bang klaseng tanong iyon? Nakakagulat naman kasi. Hayst!

Ngunit ibubukas ko pa lamang sana ang labi ko nang bigla siyang tumalikod mula sa akin.

"Tss! What if lang naman. And it's just a simple question kung makapag-isip naman akala mo nasa Quiz B contest." Dagdag pa niya bago muling lumingon sa akin atsaka ako inirapan.

Problema no'n? Grabe maka-attitude ah! Tss! Kainis!

Nilalagyan kasi 'yan ng lambing Luna. Hindi ganyan! Hahahaha!

Jennexcreators' thoughts
次の章へ