webnovel

CHAPTER 33

Now playing: First Love - Hikaru Utada

Kassandra/Zoe's POV

"B-B-Bakit?" Nauutal na tanong ni Elena sa akin noong sandaling yakapin ko siya.

Hindi ko rin alam kung para saan ang tanong na iyon ngunit handa akong sagutin ang anumang magiging katanungan pa niya.

"B-Bakit mo tinanggap ang bagong role na iyon? Bakit?" Umiiyak na pagpapatuloy niya.

Katanungan na hindi niya alam ay siya naman itong kasagutan at dahilan.

Kumalas ako mula sa sa pagyakap sa kanya at hinawakan ng marahan ang magkabilaang pisngi niya.

Dahan-dahan na hinaplos ko iyon at maingat na inangat hanggang sa magtama ang aming mga mata. Sandaling pinunasan ko muna ang luha na dumadaloy rito bago siya binigyan ng isang matamis na ngiti.

"I want to do that for Piggy." Buong puso na sagot ko. "That's the thing I want and the last I'll do for her before I finally let her go." Paliwanag ko sa kanya.

It never crossed her mind that I was referring to her. Hindi niya na alam... na alam ko nang siya at si Piggy ay iisa.

I really, really wanted to tell her that I miss her so much. I want to cry in front of her with all my heart because of happiness and joy na nararamdaman ko ngayon, but I also know that this is not the right time for her to know.

Natigilan siya sandali dahil sa sinabi ko.

"L-Let her go?" Naguguluhan na tanong niya habang nakakunot ang noo.

Napatango ako.

Hindi ko inaalis ang aking tingin sa kanya, dahil gusto kong sabihin ang bawat letrang bibitawan ko ng nakatitig sa mga mata niya.

"She is the reason why I became an actress. And I will be forever grateful to her for my success. But I need to let her go now, dahil meron na akong ikaw. And I promise, I will tell you more about her soon." Dagdag na paliwanag ko pa.

It's true.

Siya naman talaga ang dahilan, right?

She's my only reason bakit pinasok ko ang mundo ng showbiz. She's the only reason why I became an actress.

"B-But..."

Hindi ko na pinatapos pa ang gusto niyang sabihin dahil mabilis na muli ko siyang niyakap.

"Kung may isang bagay man ako na gustong ingatan ngayon na huwag mawala, ikaw 'yun. Ikaw lang 'yun." Muling sabi ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagyakap.

Si Piggy man siya or si Elena, it doesn't matter kung ano man ang pangalan na dapat itawag ko sa kanya o paano ko siya nakilala. Ang importante sa akin ngayon, nandito na siyang muli.

Hawak at yakap ko na siyang muli.

At sisiguraduhin ko na hinding-hindi na kami muling magkakahiwalay pa. Handa akong ibigay at itaya ang lahat para sa kanya.

Para sa babaeng una at huling mamahalin ko.

*Flashback*

Last set na ng taping namin noong nakaraang linggo. It means, patapos na ang ongoing na Teleserye ko kaya open na ako ulit para tumanggap ng new project.

Ewan ko rin at kung bakit sa dinami-rami ng script na ipinapadala sa akin para basahin ko ay iisang kwento lamang ang nakaagaw ng pansin ko.

At iyon ay walang iba kundi ang story na merong title na, 'My First Love Is A Superstar'.

Kung saan naka-line up ito para sa upcoming movie project ko.

Kunot noo na kinuha ko iyon at hindi na nag-abalang tignan pa ang ibang kwento. Hindi ko na kailangang pumili kasi meron nang nakaagaw ng atensyon ko.

Dala na rin ng curiosity ay kaagad na sinimulan ko basahin ito.

Sa description pa lamang ay nalaman ko nang GL story ang binabasa ko. Ngunit hindi ako nagdalawang isip na simulan at tapusin ang kwento until na-hooked ako.

From the start of the story, I felt a mix of emotions right away. I laughed, felt kilig, got invested in the main character's journey and even their personalities got me, I got annoyed at the villains and got hooked on every plot twist until I realized I was already crying.

Para bang dinadala ako sa panahon kung saan una akong nagkagusto at na in love. Sa panahon kung kailan nakilala ko ang first love ko.

Sobrang nagustuhan ko ang story. Simula yata nung binasa ko ang script ay para bang ayaw ko nang bitiwan ito at gusto ko ay matapos kaagad dahil ayokong ipagpaliban ang pagbabasa.

Sinabi ko rin kaagad kay Roxanne na ang story na iyon ang gusto kong sunod na maging project ko, na agad din naman nitong ipinaalam sa management.

At habang mag-isa sa bahay ay biglang napako ang mga mata ko sa silid na kailan man, kahit isa ay walang sinuman ang pinayagan kong makapasok.

Kaya naman nagpasya ako na muling buksan ito.

Pagdating ko sa loob ay muling niyakap naman ako ng kalungkutan at pangungulila sa babaeng hanggang ngayon yata ay hindi ko na muli pang makikita.

Huminga ako ng malalim at naupo sa ibabaw ng kama.

Malungkot na napangiti sa aking sarili bago ipinikit ang aking mga mata, habang inaalala ang mga masasaya naming alaala na mukhang hindi na muling madadagdagan pa.

Ngunit muli rin akong napamulat noong sandaling biglang nag-pop sa aking isipan ang nakangiting mukha ni Elena at hindi ang mukha ni Piggy.

Mas lalong hindi ko na alam kung ano pa ang dapat na maramdaman. Lalo na ngayon na may babae na ako na muling nagugustuhan. At iyon ay si Elena.

Nasasaktan ako na i-let go ang memories namin ni Piggy. Nasasaktan ako dahil para bang ayoko na siyang hintayin pa at tuluyan na rin akong nawawalan ng pag-asa.

Pero alam ko rin kasi na deserve ni Elena na bigyan ng chance. Lalo na ngayon na nasabi ko na sa kanya na gusto ko siya at alam kong gusto niya rin ako. Isa pa, alam ko naman na hindi niya hahayaan na may mangyari sa aming dalawa kung hindi niya ako gusto, tama?

Ayoko rin na pumasok sa isang seryosong relasyon tapos 'yung puso ko, ibang tao ang hinahanap. Hindi naman ako ganung klase ng tao at mas lalong ayokong makasakit.

Deserve ni Elena na maging una at nag-iisa.

At alam kong worth it na magbigay at tumaya ng risk sa kanya.

Kaya...bahala na.

I will decide now not with my heart but with my head. I've made up my mind, I think it's time to finally erase Piggy from my mind and start anew with Elena.

Papalayain ko na ang ideya na babalik pa si Piggy. At sisimulan ko nang linisin at itapon ang mga stuffs na nandito sa kwarto na ito.

Hindi na ako maghihintay pa.

Hindi na rin ako aasa pang balang araw biglang magtatagpo muli ang landas naming dalawa.

Alam ko mahirap dahil nakasanayan ko nang hintayin siya sa loob ng mahabang panahon, pero alam ko rin na makakayanan kong magsimula muli at tuparin ang mga nabuo kong pangarap para sa aming dalawa kasama ang babaeng nandito ngayon para sa akin, si Elena.

Hanggang sa hindi ko na lamang namalayan na umiiyak na pala ako. Umiiyak ako na parang bata habang isa-isang inililigpit ang mga stuff toys at ibang bagay na naipon ko sa buong kwarto na ito.

Masakit mag-let go ng taong ilang taon mong inasam na babalik sa'yo, pero alam ko rin na mas masakit kung pakakawalan ko at hahayaan kong mawala 'yung taong nasa present ko ngayon.

Unti-unti ko nang tatanggapin sa sarili ko na... na si Piggy ay isa na lang malaking bahagi ng nakaraan ko at hinding-hindi na magiging parte pa ng kasalukuyan at hinaharap ko.

I can feel the pain habang iniisip ang mga thoughts na iyon, dahil para akong nagdesisyon na sayangin ang ilang taon na ginawa kong paghihintay kay Piggy, kahit na alam kong malabo nang bumalik siya.

Pero mas hindi ko kasi yata kakayanin na makitang masaktan si Elena, just because I'm still holding on to my past. At gusto ko na mahalin siya sa kung sino siya, hindi dahil naaalala ko si Piggy sa kanya.

Noong matapos ko nang iligpit ang unang batch ng itatapon kong mga bagay ay kaagad na dinala ko na ito sa labas. 

Nagulat pa ako noong makitang madilim na ang paligid. Hindi ko pala namalayan ang oras dahil sa pagkukulong ko sa loob ng bahay ko.

Pabalik na ako nang makatanggap ako ng text mula kay Elena at sinasabing nasa may Park siya malapit sa building ng Penthouse ko.

Kaya naman nagmamadali na agad nagtungo ako roon dahil walking distance lang naman. Good thing din na nagsuot ako kaagad ng cap at face mask ko para incase na medyo matao sa Park, hindi ako makikilala.

Kaagad na natanaw ko si Elena na nakaupo sa isang duyan na naroon. Naka-side view siya mula sa akin kaya hindi niya ako kaagad napansin. 

Walang masyadong tao sa Park, may dalawang couple lamang at medyo malayo naman ang distansya sa kinaroroonan namin.

Noong malapit na at ilang hakbang na lamang ang pagitan ko mula kay Elena ay bigla akong natigilan... noong sandaling marinig ko siyang kumakanta habang nakatingala sa kalangitan.

Dahan-dahan na nabura ang malawak na ngiti sa aking labi at awtomatiko itong napalitan ng pagluha.

And those tears, I know they're tears of joy.

Lumuluha na napapangiti ako sa aking sarili. Dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Para bang naging mabagal din ang pagtakbo ng oras para sa'kin habang nakatutok lamang ang aking paningin kay Elena. Lalong lalo na sa mga mata niya.

Those eyes of hers.

I can't forget her eyes whenever she sings.

Para bang kusang nag-flashback at nag-fast forward ang lahat ng alaala naming dalawa ni Piggy habang nakatingin ako sa mga mata niya, mula noong unang beses ko siyang nakilala at hanggang sa nakilala ko siya bilang Elena, hanggang sa mga sandaling ito na nakatayo ako sa may di kalayuan mula sa kanya.

Why didn't I notice right away? Why didn't I realize immediately?

Why?

Why didn't I even think she could slim down and glow-up?

I can't believe that all this time, she's been with me again.

Kaya pala parehas na parehas sila ng pangalan na akala ko nagkataon lang.

Kaya pala parang nakikita ko sa personality niya si Piggy. Kaya pala parehas silang magaling magluto ng paborito kong pagkain.

Kaya pala sa tuwing kasama ko siya, pakiramdam ko para ko na ring kasama si Piggy.

Kaya pala... kaya pala ang gaan gaan kaagad ng loob ko sa kanya kasi... kasi si Piggy at siya ay iisa.

Para bang biglang tinupad at sinagot ng mga tala sa kalangitan ang dalangin na matagal ko nang inaasam na mangyari.

Mabilis ang mga hakbang na tuluyang lumapit na ako sa kanya.

Kaagad na napansin niya ako noong basta na lang akong sumulpot sa harapan niya. Awtomatikong gumuhit ang pag-aalala sa mga mata nito nang makitang umiiyak ako.

"Kassan---"

"I miss you. I miss you so much." Mabilis na putol ko sa kanya atsaka siya niyakap kaagad ng napakahigpit. Iyong mahigpit na mahigpit na para bang ayaw ko siyang bitiwan at kung sakaling nananaginip lamang ako ay ayoko munang magising.

"You have no idea h-how long I've been wanting to tell you these words. I've been waiting...waiting for this moment for so long, and now, it's finally happening. God! I miss you so, so much with all of my heart." Umiiyak sa saya na sabi ko sa kanya.

Hindi ko pa rin siya magawang bitiwan sa pagyakap.

Ang saya-saya ko. Walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko.

"Napagod yata ang baby ko." Wika nito at halatang walang ideya kung anong pinagsasabi ko. "I miss you more." Pagkatapos ay siya na mismo ang kumalas mula sa pagyakap.

"P-Pero ba't ka umiiyak? O-Okay ka lang ba?" May pag-aalala sa mga mata niya.

Napailing lamang ako habang nakatingin sa kanyang mukha. Hindi ko na magawa pang alisin ang mga mata ko sa kanya.

God, thank you. Thank you for answering my long-time wish unexpectedly. Grabe, sinagot at tinupad mo talaga sa panahong handa na sana akong talikuran si Piggy without knowing na siya rin pala si Elena. Thank you, Lord. I silently prayed at paulit-ulit na nagpapasalamat sa Maykapal.

"N-Nothing." Sagot ko kay Elena. Atsaka siya muling niyakap. "Ganto lang muna tayo please. Namiss kita eh." Muling lambing ko at pagpapakalma sa aking sarili.

Tumango siya bago ako muling niyakap pabalik kahit na alam kong nawewerduhan siya sa akin ngayon.

Oh God! All this time. All this time 'yung babaeng matagal ko nang hinahangad na makasama ay matagal ko na rin palang kasamang muli. Paanong hindi ko 'yun napansin? 

Paano?

Pero hindi ko muna sasabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na ito. Hihintayin kong siya pa rin ang magsabi sa akin. Dahil alam kong may reason kung bakit hindi niya kaagad ipinaalam.

At hihintayin ko ang araw na iyon. Ang mahalaga, nandito na siya. At masaya akong si Piggy at siya ay iisa.

Umalis man siya nang walang paalam, bumalik naman siya sa paraang hindi ko inaasahan. At nandito na siyang muli.

*End of flashback*

次の章へ