webnovel

CHAPTER 8

Now playing: Come Inside Of My Heart - IV OF SPADES

Kassandra/Zoe's POV

Hindi maipinta ang mukha ni Annia nang dumating ako sa Principal's Office. Katatapos lamang kasi silang sermonan ng aming Class Adviser habang hinihintay na dumating ang kanilang mga magulang.

"You!" Sabay duro nito sa akin na galit na galit.

But I don't care. Dahil kung galit siya, mas galit ako dahil sa ginawa nila kina Piggy at Mae.

"I don't understand why you need to defend and take sides with that Elena. Like, what the fuck, Kas. We are your friends." Singhal nito sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Alam mo ang hirap sa'yo, kahit mula pa noon, never mo naman kaming kinampihan eh! Parang lahat ng mga ginagawa ko para sa'yo, mali!" Pagpapatuloy niya habang nag-uunahan sa pagtaas baba ang kanyang dibdib.

Habang 'yung dalawang kaibigan naman namin ay tahimik lamang na nakikinig ngunit makikita mong uma-agree rin sila sa lahat ng sinasabi ni Annia.

Napahinga ako ng malalim dahil pinipigilan ko ang aking sarili na huwag makabitaw ng masakit na salita.

Annia was right.

Kaibigan ko sila, yes. Pero hindi ko ito-tolerate ang mga maling gawain nila lalo na ngayon na may buhay na ang muntikang mawala dahil sa mga pag-uugali nila.

"Simple lang naman ang gusto kong mangyari ngayon. I just want you to apologize to Piggy and to her friend for what you did. That's it." Malumanay na sabi ko dahil kahit papaano ay nagagawa ko pang kontrolin ang galit ko.

Ngunit natawa lamang ito ng mapait bago napatirik ang kanyang mga mata.

"There's no way na mag-a-apologize ako sa mga panget na 'yun. OVER MY DEAD BODY!" Pagkatapos ay pabagsak na naupo itong muli sa couch bago napa-cross arms pa.

Habang sina Cybele at Luna naman ay napapatango-tango bilang pagsang-ayon sa kanya. Mabilis na tinignan ko silang dalawa ng masama kaya napayuko ang mga ito.

"Pati kayo, hindi kayo magso-sorry? Seriously, girls?!"

"Hindi!" Taas noo na sagot ni Cybele.

"Kung hindi magso-sorry ang isa, hindi rin ako." Sagot naman ni Luna.

Napatawa ako in disbelief habang napapailing.

"Narinig mo sila? Walang magso-sorry. At isa pa, ba't mo ba kami pinagso-sorry eh ginagawa lang naman 'yun namin para sa'yo ah. Pinagtatanggol ka lang namin. Ikaw ba naman ang gawing katulong ng Elenang iyon sa---"

"ENOUGH!" Pagtaas ko ng boses para matigilan si Annia.

"Stop being so childish, Annia. GROW UP! Hindi ka na bata para umakto na parang maaagawan palagi ng kaibigan." Pagpapatuloy ko pa.

Agad naman itong natigilan at nagulat sa biglang pagtaas ko ng boses. Mabilis din na napakurap ito ng maraming beses dahil sa nagbabadya niyang pagluha.

"Alam mo? Sorry, pero para sa akin? Ikaw ang pinaka nakakaawang estudyante sa buong St. Claire!" Dagdag ko pa at tuluyan nang naubusan ng pasensya.

"Kayo! Kayong tatlo." Sabay turo ko rin sa dalawa at tinignan sila isa-isa.

"At dahil d'yan hahayaan ko kayong masuspende for three days, dahil sa ginawa ninyo kay Piggy." Pagpapatuloy ko.

"At talagang pinagtatanggol mo 'yung panget na 'yun?!" Muling singhal ni Annia. Napiyok pa ito sa dulo bago naluluha na muling tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.

"Call her again like that at malalaman mong kayang-kaya kitang tanggalin sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng mga kaibigan na katulad ninyo!" Dagdag ko pa.

But of course! Pananakot ko lamang iyon dahil sumosobra na sila sa mga pag-uugali nila. I just want them to apologize for what they did. Pero mukhang wala talaga sa vocabulary nila ang humingi ng tawad kahit na alam naman nilang sila na ang may mali.

"Ouch! That's harsh na ha?" Mangiyak-ngiyak na wika ni Cybele bago lumapit kay Annia para i-comfort ito.

Tumayo rin si Luna at lumapit kay Annia. "Lika na nga Annia. Mainit lang ulo niyan. Kaya ganyan." Pagpapatahan ng mga ito kay Annia bago lumabas ng Principal's Office.

Habang ako naman ay naiwan roon na napapailing na lang dahil sa sobrang pagkadismaya sa kanilang nagawa.

Minsan, napapaisip na lamang din ako kung bakit ba naging kaibigan ko sila.

But don't get me wrong ha? Mahal ko sila. Hindi ko lang talaga kayang i-tolerate ang mga ginagawa nila. Lalo na dahil sumosobra na sila.

---

Kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko ito sinasagot. Alam ko kasi na mga kaibigan ko lamang iyon. Hihingi ng tulong para hindi sila tuluyang masuspende.

But it's too late.

Pagkatapos kasi naming mag-usap kanina ay dumating na rin ang kanilang mga magulang. Kasama ang mama ni Mae. Sinubukang makahabol ng mga magulang ni Piggy galing sa kanilang Probinsya, pero hindi na sila nakaabot pa.

Sayang! Gusto ko rin sana silang makilala at makita. Pero hindi na bale, alam kong may tamang panahon para makilala ko sila.

Ginawang one week ang pagsuspende sa mga kaibigan ko. Wala naman nang nagawa pa ang kanilang mga magulang dahil maraming estudyante ang nag-witness sa nangyari at isa na ako sa mga iyon.

Isa pa, kapag hindi sila pumayag ay pwedeng iakyat sa korte ang nangyari. Well, that's their choice kung gusto pa nilang paabutin doon. For sure, hindi lang sila ang maaapektuhan kundi pati ang businesses ng mga magulang nila.

Muling akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Kanina ko pa rin kasi kinokontak si Piggy pero hindi ito sumasagot sa mga tawag ko.

Pagkatapos kasi naming lahat sa Principal's Office ay umuwi na ito kasama si Mae. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam pa sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala. Kaya naman naisipan ko na magpadaan kay Kuya Jake sa may eatery nila, baka kasi sakaling nandoon siya. Pero labis ang lungkot na naramdaman ko noong makita na closed ang kanilang tindahan.

"Sige, Kuya Jake. Uwi na tayo, please." Malungkot na pakiusap ko bago ipinikit ang aking mga mata.

I cannot stop thinking about her.

Sobra akong nag-aalala para sa kanya, lalo na noong makita ko kanina na halos palubog na siya sa tubig at nawalan na ito ng malay.

Sobrang natakot ako.

Swear! Kung may nangyaring masama lang sa kanya, ako mismo ang puputol sa sungay at pagiging spoiled brat ng mga kaibigan ko.

Maybe, lahat kayo nagtataka kung bakit ganito na lang ako kung mag-alala para sa kanya. At kung bakit ang bait-bait ko sa kanya.

Well, the answer is... hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga rin alam kung bakit nagawa ko siyang lapitan noong araw na binigyan ko siya ng panyo. Ang tanging alam ko lang, I want to be the first person to help and defend her.

Dahil walang kahit isang tao ang nag-i-stand para sa kanya. Even her best friend, Mae. Hindi niya magawa 'yun para kay Piggy dahil sa takot na baka siya naman ang sunod na i-bully nina Annia.

I remember the first time na i-bully siya ng mga kaibigan ko. Gosh! She's so brave. Ni hindi man lang siya umiyak. O nagpakita ng kahit konting weaknesses man lamang. Hanggang sa araw-araw at naging taon nang ginagawa iyon ng mga kaibigan ko sa kanya, hindi pa rin siya sumusuko.

I thought she was about to transfer to another school immediately but I was wrong. Kasi hanggang ngayon, siya pa rin ang top student ng batch namin. At syempre, ako ang pumapangalawa sa kanya.

Napangiti ako noong sumagi sa isip ko ang bagay na iyon.

Because the truth is kaya ko namang maging number one at lamangan si Piggy. I mean, from my parents, we are all honored students in our family. My mom and dad were always valedictorians when they were in high school. Ganoon din noong college sila. Pareho rin silang Dean's lister. Summa cum laude, ang mommy ko at Magna Cum Laude naman ang daddy ko.

But I prefer to be second to Piggy and let her lead in any class. Kasi for me, she's my number one. Kaya okay na akong pangalawa lamang sa kanya.

And you know what? The funny thing here is, madalas ko na siyang maikwento sa parents ko kahit noong mga panahon na hindi pa niya ako nakikilala or should I say, hindi pa kami friends?

'Wag niyo na akong tanungin ulit kung bakit. Kasi hindi ko nga alam.

Ang nakakatuwa pa roon ay suportado ako ng magulang ko. Alam niyo 'yung feeling na every time na may chance na magkakasama kami, palagi nilang sinisingit 'yung question na...

"So, how's your piggy?"

"Friend na ba kayo ni Piggy?"

"Why haven't you introduced yourself to Piggy yet?"

"When will we meet Piggy?"

Kaya noong time na sinabi ko sa kanila na nagpakilala na ako kay Piggy. Sobrang tuwang-tuwa sila. At ramdam na ramdam ko ang excitement sa boses ng mga magulang ko.

Nasa Switzerland sila that time noong ibinalita ko sa kanila iyon. But you know what? Kinabukasan, they immediately booked a flight back to the Philippines so I could tell them personally about Piggy.

At isa sa bagay na gustong-gusto kong ipagpasalamat kay Piggy na hindi ko magawang sabihin pa rin hanggang ngayon, ay 'yung katotohanang... dahil sa kanya, napapadalas na ang bonding ng aming pamilya.

Madalas pa rin silang umaalis dahil busy sa negosyo, pero walang araw na hindi nila ako tinatawagan at kinukumusta. Lalo na kung anong update sa amin ni Piggy. They were always asked me about me and Piggy as if we are a couple and we're in a relationship.

Kaya... kaya ganoon na lamang ang takot ko kanina noong makitang nalulunod na siya sa pool. I was afraid that I might lose her. I was afraid of losing my number one source of happiness.

At kanina rin... sa takot ko na baka mawala siya sa akin, dun ko na-realize na, hindi lang siya basta kaibigan sa akin. Hindi lang siya basta, safe place ko or my solace.

She's...

She's my everything.

And maybe my parents saw that in me a long time ago. Kaya ganoon na lamang ang suporta nila sa akin, sa friendship na meron kami ni Piggy. Maybe they are just waiting for me to realize that I see Piggy as more than a friend.

That we can be more than friends.

Muli akong natawa sa aking sarili. Kaya naman pala, kaya naman pala for me she's my number one at hinahayaan ko lamang na maging pangalawa lang ako sa kanya dahil... dahil noon pa man, panalo na siya sa akin.

Panalo na siya sa puso ko.

Ang corny mo. Tuyo ng aking isipan.

Am I in love?

Yes.

In love ako sa taong binu-bully palagi ng mga kabigan ko at ng mga mga estudyante sa University. In love ako sa taong pinatawag nilang panget, baboy o negra. Pero para sa akin, hindi ko nakikita ang lahat ng iyon sa kanya.

Because for me, she's always stunning. From being a strong and brave woman. With her talent and ability for me, she's the most beautiful student at St. Claire University.

And she's the only one who got my attention and my heart.

Wala ng iba.

At hindi na magbabago pa.

Siya lang.

次の章へ