webnovel

TP: 21

Now playing: Die For You - The Weeknd, Ariana Grande

Skyler POV

"S-Sky..."

"Yes?" Mabilis na sagot ko kay Kulot noong makarating ito mula sa misyon na ibinigay ng aking ina sa kanya.

At talagang sa'king kwarto siya unang dumiretso ha? Hehe.

Malaki ang mga hakbang na sinalubong ko siya at niyakap ng napakahigpit. Halos isang araw ko siyang hindi nakita at nakasama ngayon kaya sobrang na-miss ko siya.

Lalo na kanina, kahit na wala naman siya sa paligid pero boses niya ang aking naririnig sa bawat klase na meron ako.

Hayyyy. Nahihibang na nga yata ako sa babaeng ito.

"I miss you..." Buong puso na sambit ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Ngunit tinignan lamang niya ako ng maigi sa aking mga mata at walang kahit na anong reaksyon ang mababasa sa kanyang itsura.

Dahil doon ay hindi ko napigilan ang mapanguso.

"Hiindi mo ba ako miss?" Kunwaring nalulungkot na wika ko.

Magsasalita na sana akong muli nang maubahan niya.

"Sky, m-may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Biglang tanong nito sa akin. "S-sino ang tunay kong mga magulang?" Dahil sa katanungan n'yang iyon ay awtomatiko akong natigilan. Kusa ring napakunot ang aking mga noo.

And why would she ask something she didn't know? Unless may nakapagsabi sa kanya ng tungkol rito. Ngunit ako at ang mga magulang ko lamang ang nakakaalam ng totoong pagkatao ni Felicia. At ilang trusted guards sa mansyon.

Napailing ako at kunwaring walang ideya sa kanyang itinatanong.

"Felicia, what are you talking about?" Pagmamaang-maangan ko. "Pumanaw na ang iyong ama---"

"Sky, gusto ko lang malaman ang buong katotohanan." Pagpupumilit niya. "Please." Madiin na dagdag pa nito sa dulo. And her eyes. I can see the pain in her eyes now. What will I do?

Why is she acting so strange right now? Meron ba siya narinig na conversation about her real parents?

"Nung...n-nung pauwi na kami kasama ang dalawang guards dito sa mansyon." Panimula niya kaya naging focus ako lalo sa sinasabi niya.

"And?" Malumanay na tanong ko dahil natigilan siya and she looks so nervous. I don't know why.

"N-Nung sandaling gumamit ako ng CR ng nadaanan naming Jollibee, may... may i-isang babae na lumapit sa akin. Meron siyang kasama na dalawang lalaki na--- na nakasuot din ng katulad ng suot ng mga guard dito sa mansyon. English ang wikang gamit nila sa kahit na anong pananalita nila. Pero naiintindihan ko sila, Sky. Lalong lalo na iyong babae." Dahil sa sinabi n'yang iyon ay hindi napigilan ng magkabilaang mga panga ko ang gumalaw.

"At meron siyang bagay na paulit-ulit na sinasabi sa akin..." Napapayuko na wika niya sa mahinang boses.

Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na hawakan siya sa magkabilaang pisngi niya para maayos na iharap ang kanyang mukha sa akin.

"Hey, look at me. Ano pang sinabi ng babae sa'yo?" I can sense na kinakabahan din siya ng sobra. "Plase, tell me." Dagdag ko pa.

"M-Marsha ang pangalan niya. At siya raw ang kapatid ng tunay kong ama."

Dahil sa muling sinabi ni Kulot ay awtomatiko akong natigilan at napabitiw sa kanyang pisngi.

So, they found her. They found Felicia.

I know that at this moment, I'm sure Felicia's mind is full of questions about what that woman told her. And I will never forget the name, Marsha. Because she is the only sister of Fred Ruzicka, Felicia's real father.

Marsha Ruzicka is one of the enemy now. She is the one who wants to erase Felicia from this world because Felicia will inherit all the wealth of her parents. At gusto niya ay makuha iyon at huwag mapunta sa kanyang pamangkin.

Alam ko ring ipinahahanap na si Felicia ngayon ng trusted friend ng kanyang mga magulang para ibigay ang kanyang mga mamanahin. At si Marsha ang gustong pumigil na mangyari iyon. At ngayon nga ay nahanap na siya nito.

May isang buwan ko nang alam, namin ni Dada Billy, na may umaaligid-aligid na sa mansyon. That's the real reason bakit ako palaging may dalang baril these past few days. Ngunit hindi ko akalain ganoon lamang nila malalapitan si Felicia. At sa araw pa talaga na hindi ako ang kasama niya.

I need to find a way para lalong hindi na makalapit pa ang mga ito kay Kulot. There's no way na makakalapit pa silang muli kay Felicia.

"Listen, I will tell you everything." Pagpapagaan ko ng kalooban ni Felicia. "But first, we need to secure that you are safe. Kahit na nandito ka pa sa loob ng mansyon." Pagpapatuloy ko pa.

Bagay naman na agad na naintindihan ni Felicia. Napatango ito at niyakap ako. Ngunit nararamdaman ko ang panginginig ng kanyang buong katawan.

"Natatakot ako, Sky." Pag-amin nito sa akin. "Natatakot ako kasi mga mukha silang kontrabida sa mga pelikula. H-Hindi mapagkakatiwalaan at talagang nakakatakot." Kaya naman niyakap ko rin siya ng mas mahigpit.

"Don't be. Dahil nandito ako. And I will protect you no matter what. Okay?" Muli itong napatango.

Pagkatapos kong maihatid si Felicia sa kanyang kwarto ay ipinatawag ko naman 'yung dalawang guard na inutil.

"Boss, p-pasensya na talaga hindi naman kasi namin---"

Hindi na natuloy nito ang gusto niyang sabihin ng binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa kanyang mukha.

"Reason. Reason. Reason. PURO KAYO DAHILAN!" Sigaw ko sa kanila. "Ang simple lang naman ng trabaho niyo 'di ba? I told you not to let Felicia out of your sight, but what did you two do?"

"Sorry, boss. Hindi na mauulit." Paghingi naman ng tawad ng isa.

"Dapat lang. Dahil kapag may nangyaring masama kay Felicia. Kayong dalawa ang mananagot." Umaksyon pa ako na sisipain silang dalawala pero hindi ko na itinuloy pa.

"Umalis na nga kayo sa harapan ko at baka mabaril ko pa kayo." Utos ko sa mga ito na agad naman nilang sinunod.

Pagkatapos kong sabunin 'yung dalawang guard ay dumiretso naman ako sa opisina ng aking Dada Billy.

Mabuti na lang at wala siyang lakad ngayong gabi. May panahon akong sabihin sa kanya ang nangyari at makakapagplano na rin ng maayos.

---

Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang kami ng discussion ng aking ina nang may biglang dumating na isang guard. Hingal na hingal ito habang hawak ang isang telepono na sa tingin ko ay may tawag mula sa Manlac Island.

"Boss!"

Sabay kaming napatayo ng aking ina dahil sa naghihikahos na pagdating nito. Nung makarating siya sa mismong harapan namin ay bigla na lamang itong napailing.

"WHAT HAPPENED?" Biglang pagtaas ng boses ng aking ina.

"May mga sumugod sa kanila. Masyadong marami ang kalaban. Ano bang laban nila eh tatlo lang silang naroon?!"

"Bakit hindi tumawag agad ng nakapagpadala ng tao roon?!" Singhal ko sa gurad.

"Eh nakaputukan na raw agad boss eh. Hindi na rin nila naitakas agad ang pamilya. Sorry boss." Nanghihina na paghingi nito ng tawag sa dulo.

Habang si Dada Billy naman ay mabilis na hinablot ang telepono sa kamay ng guard pero wala nang sumasagot pa mula sa kabilang linya.

"FUCK!" Pagmura nito bago ako tinignan at agad na napailing.

Nanghihina naman na napaupo akong muli sa sofa, wondering how Felicia will feel when she finds out what happened.

"Sinubukan nilang iligtas ang buong pamilya, pero huli na ang lahat." Muling dagdag ng guard. "Isa lang daw ang kailangan nila, mga boss. S-Si Felicia."

"A-Anong n'yong ibig sabihin? A-anong...anong nangyari sa isla? P-Paanong...paanong wala na sila?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Agad na bumungad sa amin ang gulat at namumutlang mukha ni Felicia habang nagtatanong ang mga matang nakatingin sa amin.

"SAGUTIN N'YO AKO ANONG NANGYARI SA KANILA?!!" Bigla na lamang itong sumigaw at napaupo sa sahig habang umiiyak.

Mabilis naman na lumapit ako sa kanya para itayo at alalayan siya. Pero itinulak lamang niya ako at tinignan na para bang labis na kinamumuhian niya.

Tumayo siya mag-isa habang may galit sa kanyang mga mata na tinitignan kami isa-isa.

"P-Pinagkatiwalaan ko kayong lahat. Pero lahat kayo, n-naglihim at may itinago sa akin." Panimula niya habang dinuduro kami isa isa.

"Kulot, please. Pakinggan mo muna---"

"Kayo! Kayo ang dahilan kung bakit nawala ang naiiwang pamilya ko. Kawawa naman sila. Nakakaawa naman sila." Umiiyak na pagpapatuloy niya. "Kayo ang dahilan, kung bakit wala na ang pamilya nila Beauty." Sabay tutok niya ng kanyang mga mata sa akin.

"Akala ko pa naman kaya mo silang protektahan. Sabi mo poprotektahan mo sila katulad ng pag protekta mo sa akin, pero hindi mo nagawa. Sabi mo mahal mo ako, pero bakit hinayaan mong mangyari ang lahat ng ito?" Ngumangawa na wika niya.

Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang mapaluha. Ramdam ko ang pagkamuhi at galit niya lalong-lalo na sa akin. Wala siyang ibang masisi sa nangyari sa pamilya ng kanyang kaibigan kaya I will take all the blame kung kinakailangan.

"Felicia, Sky didn't know that---"

"SINUNGALING!" Sigaw nito kaya natigilan si Dada.

"Simula ngayon, hinding-hindi na ako makikinig sa inyo. Kung 'yung sarili kong pagkatao ay itinago ninyo sa akin, paano pa ako magtitiwalang muli sa inyo?" Pagpapatuloy niya.

"Kulot, please. I'm sorry..."

Lalapitan ko na sana ito ngunit mabilis na tumalikod na siya at pabalang na isinara ang pintuan.

Habang si Dada Billy naman ay mabilis din ang mga hakbang na lumapit sa akin at pagkatapos ay walang sabi akong sinuntok sa aking tagiliran. Para iyong hangin na hindi ko nasalo o nabantayan man lamang. Na agad pa niyang nasundan ng isang flying kick sa aking likod dahilan para ako'y masubsob at mauntog sa pinakamalapit na pader na aking binagsakan.

"And you really chose to break my rule, huh?!" Napapailing at galit ang mukha na tinitignan ako nito. Habang ako naman ay napapaubo sa sakit mula sa suntok at sipang natamo mula sa aking ina.

"Da, I'm...I'm sorry." Nanginginig ang boses na paghingi ko ng tawad sa kanya. "I can't help falling in love with her."

"YOU REALLY DISAPPOINTED ME THIS TIME, SKYLER!"

And yeah, I can see that in her eyes. Lalo na 'yung galit na pinipigilan nito 'wag lamang ako tuluyang masaktan. At baka mabaril pa niya ako ng disoras.

Pagkatapos ay mabilis na rin akong tinalikuran nito. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang muling napaharap sa akin.

"Clean up the mess you made, lalong-lalo na 'yung pagpapabaya mo sa misyon mo sa Manlac Island." Maawtomaridad at may pagbabanta na utos nito sa akin.

"But Da..."

"You have the guts to disobey my rules, so you must also have the courage to face all of this. ALONE."

Wait, what?!

ALONE?!!

Are you kidding me?

Magsasalita pa sana ako nang muli na niya akong tinalikuran. At this time, hindi na niya ako muling nilingon pa.

"FUCK! FUCK! FUCK!" Paulit-ulit na pagmura ko habang pinagsusuntok 'yung pader malapit sa akin hanggang sa mapaupo sa sahig.

Magbabayad si Marsha sa ginawa niya. At kahit na saan siya magtago, hahanapin ko siya. Sisingilin ko siya sa ginawa niyang pagdamay sa pamilyang walang kalaban-laban.

Pero...teka nga. Paano ko ba susuyuin si Kulot? Eh galit na galit 'yun sakin. Anong gagawin ko? Bukod kay Dada Billy, sa kanya lang ako tumitiklop ng ganto.

Hays!

Taraaaan! Sa wakas! Unti-unti lang chill lang kayo. May mga susunod na update pa tayo next week. Hehehe. Mahal ko kayooo!

Jennexcreators' thoughts
次の章へ