webnovel

TP: 16

Now playing: Safe Place - Kiana Valenciano

Skyler POV

*Flashback*

Pag-alis na pag-alis ko ng mansyon, hindi pa man ako nakakalayo nang tumunog ang cellphone ko. Sandaling itinabi ko na muna ang aking sasakyan at tinignan kung sino ang tumatawag.

Awtomatikong napakunot ang noo ko nang makita na unknown number ang nakikita ko mula sa screen.

Hindi ko na muna ito sinagot at hinayaan lamang na matapos ang tawag. At noong muling tumunog ito ay sinagot ko na nga.

Hindi ako nagsalita kaagad at hinayaan lamang na unang magsalita kung sino man ang nasa kabilang linya.

"Hello, my dear friend." Boses pa lamang niya ay kilala ko na kaagad ang boses.

"What do you want?" Tanong ko kay Trevor mula sa kabilang linya. Bago muli kong binaybay ang daan.

"Me? I don't think may kasalanan ako sa'yo. Pero ikaw, I'm hundred one percent na may kailangan ka sa akin." May pagkapreskong sagot nito sa akin.

"Waaaaahhhh! Ang gandaaaa---- Ops! Sorry, medyo napalakas yata ang boses niya." Awtomatikong naramdaman ko ang paggalaw ng panga noong may marinig akong pamilyar na boses.

At lalong tumama ang hinala ko nang sabihin ni Trevor ang kanyang huling sinabi.

Pinananatili kong kalmado ang boses ko kahit na ang totoo ay kating-kati na ako na masapak siya. At mas binilisan ko nang muli ang pagpapatakbo ng aking sasakyan.

Ngunti sa halip na sagutin ako ay pinagtawanan lamang niya ako na para bang nanggagago lang.

"I said, where are you?!" Muling tanong ko sa kanya. "Oras na may nangyaring masama kay Felicia. Hindi ka lang manghihiram ng mukha sa aso." Pagbabanta ko sa kanya.

"You know where to find me." Cool lamang na sagot nito sa akin. "Siguro naman, matatalo ko na ang isang Skyler Ross ngayon. Ano, G?" Tanong nito sa akin. Sasagutin ko na san ito nang magpatuloy siya.

"Hep hep! Hindi pa ako tapos. Kailangan mong matalo." Muling pangungumbinsi niya sa akin. "Pambawi man lang at pasasalamat dahil ako ang kasama ng chikababe mo ngayon. 'Di ba? Kung iba 'yun baka nagalaw na siya at napa-aaahhhh ohhhhh ohhhhhh---"

"Fuck you!" Biglang putol sa kanya. "Darating ako." Dagdag ko pa.

At katulad ng kahilingan at gusto ni Trevor dumating ako sa place kung saan kami madalas maglaban na dalawa.

Nag-race kaming at sinadya kong magpatalo sa kanya.

Hindi maitago ang lalong pagiging mayabang nito noong sandaling lumabas na ako sa aking sasakyan at ganoon din siya. Panay ang hiyawan ng mga tao ngunit marami rin naman ang dismayado dahil for the very first time, nagawa akong matalo ngayon ni Trevor.

Pero hindi naman iyon ang concern ko. Dahil aanhin ko naman ang panalo sa anumang laban kung mapapahamak naman si Felicia.

Siya ang number 1 priority ko. At hindi ko siya pwedeng pabayaan ng basta-basta.

"Now, you got what you wanted. Nasaan si Felicia?" Tanong ko sa kanya at nakipaglabanan pa ng titigan.

Suminyas ito sa akin na sundan siya. Nauna siyang sumakay sa sasakyan niya, ganoon din ang dalawang kaibigan niya. Ngunit pinababa niya ang mga ito kaya mag-isa na lamang siya.

Noong nagsimula na itong pinaharurot ang kanyang sasakyan ay agad na sinundan ko na rin siya. Hanggang sa makarating kami sa may warehouse kung saan ginawa nang tambakan ng mga lumang sasakyan na wala ng pakinabang.

Pasipol-sipol pa na muling bumaba si Trevor sa kanyang kotse.

"Pre! Ilabas niyo na yan." Sigaw nito.

"Tulog na eh!" Sagot naman ng kabarkada niyang babae na madalas ko ring makita dating kasama niya at sa pagkakaalala ko ay naging ka-fling ko rin noon.

"Edi gisingin mo. Problema ba 'yun?" Pamimilosopo ni Trevor sa kanya.

Maya-maya lamang ay dumating na si Felicia na halatang antok na antok na at kagigising lang.

"Hi, Sky." Pagbati sa akin noong babae na hindi ko na maalala ang pangalan.

Tinignan ko lamang siya at pagkatapos ay ibinalik na ang mga mata kay Felicia. Hinubad ko ang jacket ko at ibinigay sa kanya. Ipinatong ko iyon sa magkabilaang balikat niya dahil may kanipisan ang suot nitong blouse.

"Are you alright?" Tanong ko kay Kulot at niyakap siya. Para rin akong nabunutan ng tinik noong sandaling nandito na siyang muli sa tabi ko.

Humikab ito habang kinukusot ang kanyang mga mata bago napatango bilang sagot sa tanong ko.

"Gosh! Ni hindi ka man lang naging ganyan ka-sweet sa akin noon." Napapairap na sabi noong babae bago tuluyang sumakay sa kanyang kotse. "Bye!" Sigaw nito sa aming dalawa ni Trevor at agad na pinasibad ang kanyang kotse.

Habang ako naman ay ibinalik ko na ang aking mga mata kay Trevor na pangisi-ngisi pa habang tinitignan si Felicia pababa at pataas.

Napatawa ako ng pagak at pinipigilan ang sariling huwag siyang saktan. Kahit gustong-gusto ko na itong saktan ay hindi pwede.

Pinagbuksan ko ng upuan si Kulot at inalalayang makapasok sa loob. Iikot na sana ako sa driver seat para makaalis na at maiuwi na si Felicia nang muling magsalita si Trevor.

"Hindi ko akalaing papatol ka sa isang isip batang katulad niyan." Sabay tawa nito ng napakalakas na para bang nang iinsulto pa.

Iniinsulto niya ang babaeng labis na hinahangaan ko at pinoprotektahan ko.

Dahil doon ay tuluyan na akong hindi na nakapag timpi pa. Mabilis na binigwasan ko ito bago pinag-uuntog ng tatlong beses ang kanyang ulo sa side mirror ng sasakyan. Duguan na agad ang kanyang ulo pero hindi pa ako nakontento dahil parang baliw na tumatawa pa rin siya.

Kwenelyuhan ko siya at sinuntok sa kanyang mukha. Gumanti naman ito ng suntok sa akin pero mabilis ko itong iwasan. Tinadyakan ko siya sa kanyang dibdib dahilan para mapasandal ito sa may pintuan ng aking sasakyan.

Awtomatikong binuksan ng aking kamay ang pintuan at iipitin ko na sana ang ulo nito ng pintuan ng kotse ko, noong biglang sumigaw si Felicia mula sa loob ng sasakyan dahilan para matigilan ako.

Noon ko lamang nakitang ganoon katakot ang kanyang mukha habang nanginginig pa at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin at hawak ang ulo ni Trevor na muntikan ko nang maipit ng pintuan ng kotse.

Malutong na napamura ako sa aking sarili nang ma-realize na nawala na ako sa control ko at muntik na akong makapatay ng tao sa harap ng babaeng nagugustuhan ko.

Muling itinayo ko si Trevor. "Tumakbo ka na ngayon din dahil kung hindi...baka hindi ka na sikatan pa ng araw." Punong-puno ng pagbabanta na sabi ko sa kanya.

Mabilis naman itong napaubo habang tumatango at tinawak ang direksyon kung nasaan ang kotse niya.

Ako naman ay muling ibinalik ko ang aking atensyon kay Felicia. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat para kausapin siya nang bigla itong lumayo mula sa akin. Habang tinitignan ako na para bang ako na ang pinakamasamang tao na nakilala niya.

Nanginginig din ang buong katawan niya habang niyayakap ang sarili niya.

"Fuck! I won't hurt you!" Napiyok pa ako sa dulo pero nananatiling ganoon ang posisyon niya. Hanggang sa lumabas siya sa kabilang pintuan at pumunta sa may isang sulok.

Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan sa nangyayari. Ayaw na niyang lumapit sa akin dahil nawalan ako ng kontrol sa sarili ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang din akong nadismaya sa sarili ko.

Habang nanginginig ang mga kamay na kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng jeans ko at idinial ang number ni Kezia.

*End of flashback*

Felicia POV

Halos wala akong tulog dahil sa nangyari. Bawat pagpikit yata ng mga mata ko, wala kong ibang makita kundi ang galit na mukha ni Skyler habang binubugbog nito ang kawawang si Trevor. At kulang na lang halos ay patayin na niya sa harap ko.

Siguro kung hindi ako sumigaw noong mga sandaling iyon, marahil isang malamig na bangkay na si Trevor ngayon.

Pero mabuti na lang at naglakas loob ako.

Paulit-ulit na humihingi ng tawad sa akin si Sky, pero hindi ko pa siya magawang kausapin at tignan. Hanggang sa sinabi ko na lamang na gusto ko nang magpahinga.

Akala ko rin makakapagpahinga ako. Pero hindi. Hayst.

Madaling araw na pero heto pa rin ako, dilat na dilat.

Kaya naman nagpasya na lamang ako na bumangon na at tatambay na lamang siguro sa balcony ng kwarto ko. Ngunit kararating ko pa lamang doon nang makita ko si Skyler at ang Dada Billy niya para bang may pinag-uusapan na masinsinan.

Alas tres pa lamang ng madaling araw ngayon, masyado pa yatang maaga para magtrabaho sila? Tanong ko sa aking isipan.

Patuloy na pinagmasdan ko lamang silang dalawa. Hanggang sa bigla na lamang akong napatakip ng aking bibig gamit ang magkabilaan kong palad, nang makita ko na mayroong hawak na baril si Sky at isinukbit niya iyon sa may likod ng kanyang pantalon bago nagpaalam nang umalis sa kanyang ina.

Dahil doon ay mabilis at maingat na muling bumalik ako sa loob ng aking kwarto. Mabuti na lamang pala at hindi ko binuksan ang ilaw. Hindi nila napansin na nagising ako at bumangon.

Hayst! Muli akong bumalik sa aking higaan. At kasabay ng iniisip-isip ko kaninang nangyari, mas lalo pang nadagdagan ngayon.

Mas lalo na yata akong dapat na matakot pa kay Skyler? Kasi paano kung sa susunod...

Hindi. Hindi. Hindi. Hindi naman siguro niya magagawa iyon, 'di ba? Tanong ko sa akings arili.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko. Hindi ko namalayan na 'yun na pala ang magiging dahilan para makatulog ako.

Nagising na lamang ako kinabukasan dahil sa pakiramdam ko, mayroong mga matang nakatitig sa akin. At hindi nga ako nagkamali.

Agad na namataan ko si Skyler na nakaupo sa may sofa ng kwarto ko habang nakapako lamang ang mga mata sa akin. Dahil doon ay mabilis akong napabangon at agad na niyakap ang aking sarili.

Muling bumalik ang kabog at takot sa dibdib ko noong makita ko siya. Parang gusto ko na namang maiyak. Lalo na noong sandaling tumayo ito at dahan-dahan na inihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa akin.

"Hi." Pagbati niya sa akin habang nangungusap ang kanyang mga mata.

Ngunit kahit na gaano pa siya kaganda. Hindi pa rin nawawala ang katotohanang natatakot na akong lumapit pa siyang muli sa akin.

"Please, wag ka namang matakot sa akin oh! Hindi ko magagawang saktan ka, Kulot." Pakiusap niya sa akin.

Nakayuko lamang ako at hindi ko siya magawang tignan ng diretso sa kanyang mukha. Lalong-lalo na sa kanyang mga mata. Natatakot pa rin ako.

Narinig kong napahinga ito ng malalim. Lumapit siya sa akin at lumuhod mismo sa harap para maging magkasing-level kami.

Dahan-dahan na inabot niya rin ang nanginginig kong dalawang kamay at marahan na hinalikan ang magkabilaang likod nito.

"Kulot, I'm sorry. I lost control." Paghingi nito ng tawad at punong-puno ng sinseridad ang kanyang boses.

Hindi ko pa sana siya titignan. Pero kusang nanlambot ang puso ko noong sandaling maramdaman ko ang likidong sunod-sunod na pumapatak sa kamay ko.

Dahil doon ay mabilis na tinignan ko siya. At nalamang umiiyak na pala siya habang napapasinghot pa. Hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok ng mariin.

Para siyang bata na umiiyak at humihingi ng tawad sa kanyang nanay dahil mayroong nagawang kasalanan.

Kaninong puso ang hindi lalambot?

Muling napalunok ako at iniangat ang kanyang ulo na ngayon ay nakayuko na.

"H-Hindi naman ako natatakot sa'yo dahil may gagawin kang masama sa akin, Sky eh." Wika ko. "Natatakot ako doon sa mga bagay na... na pwede mong magawa para sa akin." Paliwanag ko pa.

Muling naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"P-Parang kayang-kaya mong pumatay para...para sa akin." Pagpapatuloy ko. "Hindi ba masama ang pumatay ng tao?" Dagdag ko pa.

Hindi siya kaagad nakasagot. Inabot ko ang pisngi niya at pinunasan ang kanyang luha mula roon.

Napatango siya at tinignan ako ng diretso sa aking mga mata.

"Kaya ko talagang pumapaty para sa'yo." Sagot niya. "Dahil bodyguard mo ako. At trabaho kong protektahan ka." Pagpapatuloy niya.

Dahil bodyguard ko siya?

Awtomatikong napabitiw akong muli sa pagkakahawak sa kanya.

Dahil bodyguard ko lamang siya.

Hindi ko maintindihan pero bakit may konting kirot akong naramdaman sa dibdib ko, noong marinig iyon mula kay Skyler?

Bakit parang... parakiramdam ko, higit pa roon ang inaasahan kong maririnig mula sa kanya?

Higit pa sa katotohanang bodyguard ko s'ya.

Gossshhhhh! After 3648484 years! Nakapag-update din. Sobrang busy lang po talaga sa work. Ni-hindi ko magawang makapagsulat dahil sa dami ng gawain. But thank you po sa matiyagang paghihintay palagi ng update. Sobrang na-appreciate ko kayooo.

Jennexcreators' thoughts
次の章へ