webnovel

CHAPTER 55 - THAT NAUGHTY KID!

CHAPTER 55 - THAT NAUGHTY KID!

----------

PATRICK THOMPSON POV

Isang araw bago lumipad si Ethan papuntang U.A.E ay alam na daw

ni Mommy na matagal ngang mawawala itong si Ethan dahil nagpaalam daw ito sa kanya sa pamamagitan ng text.

At dahil nga sa pagka busy ni

Mommy kay Daddy ay nalimutan itong sabihin ni Mommy kay Penelope.

At makalipas ang higit isang linggo ay napansin namin na madalas na

nasa kwarto lamang si Penelope. Watching t.v, tapos busy sa cellphone.

Yung muffin nga na pinapadala dito hindi na din kinakaen ni Penelope. At duon ay nakatunog kami ni Mom na siguro ay namimiss ni Penelope si Ethan at we assume na nag away sila bago pa man mag ibang bansa si Ethan.

Kasi way back nung last na punta ni Ethan dito, maayos naman yung dalawa hanggang sa kinagabihan nung bumalik si Penelope dito galing sa parking lot dahil inutusan nga ni Mommy si Penelope na alamin ang recipe ni Ethan ng Carbonara niya.

Bumalik si Penelope dito ng mainit na ang ulo at hindi nga daw niya alam at hindi din daw niya natanong. Nagkasagutan pa nga sila ni Mom dahil nagdabog pa itong si Penelope. Pero nag sorry din naman siya kinaumagahan. At simula nun ay madalas na siya na nasa kwarto lamang.

Concern na ako sa kalagayan ng kapatid ko kaya nung pagkatapos namin kumaen ng lunch, ay agad ko na siyang tinanong.

"Babygirl nabalitaan mo na ba? Kaya pala yung assistant niya ang nagdadala ng pagkaen kasi nasa U.S pala si Ethan."

Napangiti lamang si Penelope at umiling.

"Oo Kuya alam ko. Bakit? Tsaka bakit naman natin siya pinag uusapan anong meron?"

"Curious lang ako. Napansin ko kasi na simula nung umalis siya parang nag iba na din yung mood mo."

Napabuntong hininga si Penelope.

"Kuya, don't worry about me. Okay lang naman ako."

"Labas sa ilong babygirl."

"Deretsahin mo nga ako, magkaaway ba kayo?" pabulong na tinanong ni Patrick sa kapatid.

"Kuya, alam mo pwede ka nang awardan. Marites ka ng taon." pagbiro ni Penelope sa kanyang Kuya na natawa lang sa sinabi niya.

"Seryoso babygirl, I am just concerned. Alam mo, dalawa lang tayong magkapatid. Kapag may problema ka dapat isa ako sa mga pinagkakatiwalaan mo. Mapa anong problema man yan. Wag kang mahihiya. Yan kasi ang hirap

sayo e, gusto mo laging solohin? Pano gagaan ang pakiramdam mo kung  iniinvalidate mo yung mga taong pwedeng makatulong sayo? I am here not just for good times and for bad times as well. Kaya nga ako nandito Penelope eh." pangaral ni Patrick sa kanyang kapatid na napaluha sa mga sinabi niya.

"Sorry Kuya. I love you po."

And we hugged each other out. I really have to do this para finally maging open na sa akin ang kapatid ko.

PENELOPE THOMPSON POV

I am blessed na si Kuya Patrick ang naging Kuya ko. He's really the best!

Kaya napa amin na ako kay kuya na nag away nga kami ni Ethan.

Or should I say, ako ang nang away kay Ethan? Hayy, I really felt bad pagkatapos kong nasabi sa kanya yun. Kaya sabi ko kay kuya na once na makabalik siya kahit ako pa ang pumunta sa bahay niya para lang makapag sorry ako.

"At least you admitted na mali ka. I am so proud of you. That's what

you called maturity babygirl." habang yakap ni Patrick ang kapatid.

After Kuya and I talked inaya niya akong pumunta kina Mom and Dad dahil may good news daw siya.

"Mom, Baby girl, I know you guys will get excited! Si Bella at Bethina ay uuwi ng Pilipinas para bumisita kay Dad!" masayang ibinalita ni Patrick

na lubos na ikinagalak nila Mommy Patricia at Penelope.

"Yes guys! At alam nyo ba kung ano ang bungad sakin ni Bethina nung nalamang uuwi siya ng Pilipinas?"

"Ano kuya?"

"Amusement park! Amusement park! Hahaha. "

"Hahaha. Wow ha. Pano ba naman kasi itong si Ate Bella nung buntis

pa lang siya ay ang hilig talagang sumakay sa mga extreme rides." masayang kinwento ni Penelope.

"Kaya nga e, dati takot din ako sa mga ganyan, sa Ate Bella mo lang din ako nasanay. Saan ka makakita ang 1st date namin sa UAE sa Ferrari world para lang masakyan namin yung Formula Rossa dun. Tapos nung anniversary namin sa Canada's wonderland jusko po yung kaluluwa ko halos humiwalay na dun sa sinakyan namin na Yukon Striker not once but twice pa yun ha. Grabe kaya binuntis ko na para makapahinga din ako hahaha. Di ko naman asahan na mamanahin din pala ng baby ko yung hilig ng mommy nya sa mga extreme rides." pagkwento ni Patrick tungkol sa kanyang mga hindi malilimutang experience nila ng kanyang asawa na si Bella.

Hagalpak naman kami sa kakatawa dahil naimagine namin ang naging itsura ni Kuya nung mga panahong iyon.

Dati na din akong inaya ng pamangkin ko na yun sa amusement park kaso sa kasamaang palad

hindi qualified ang height niya dahil 4 years old pa lamang siya nun. Pero ngayon kwento nga ni Kuya na big girl na si Bethina dahil she's 7 years old na.

"So kelan uwi ng twinnie ko?" excited na tanong ni Penelope.

"Maybe next week babygirl. Tapusin lang daw ang home school niya. Tapos mag file na din ng leave ang wife ko." tugon naman ni Patrick.

-------------------------------

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO.....

-------------------------------

ETHAN SMITH POV

Alright, succesful naman ang meeting namin. Nakapag enjoy din sa US kahit papano.

Ngayon ang flight ko pauwi. Sobrang dami kong natutunan sa 2 weeks trip na yun.

Sa susunod na balik ko ay official launch na ng Auto Paradise. Ito na siguro ang pinakamahal kong business at risk din siya dahil billion ang magiging worth ng mga sasakyan na ilalabas namin.

Anyways, nag update din sa akin si Jessica, simula daw nung nalaman ni Penelope na nasa ibang bansa ako ay hindi na nauubos yung muffin na pinapadala ko. Binalita daw sa kanya ng Kuya ni Penelope napaisip tuloy ako. Nagtatampo ba siya o hindi niya lang gusto ang lasa ng muffin na binibigay sa kanya? Sa isang resto ko kasi pinapabili kay Jessica yun eh dahil hindi naman ako makakagawa nasa ibang bansa ako.

Andito na ako sa loob ng eroplano. Nag business class na ako dahil kulang pa ako sa tulog ngayon at tsaka para tahimik na din ang buhay.

Maka kaen nga muna nitong chips medyo nagugutom ako e.

Basa basa ng newspaper, makinig ng music. Hayy. Hirap din makatulog a. Siguro umeffect sa akin yung kape na ininom ko galing Houston kung saan binili ko itong pasalubong ko na muffin. One of the best daw kasi ito. We'll see kung magustuhan ni Penelope.

At habang kumakaen ako ng chips, meron akong napapansin sa bandang kanan ko na batang

nakatingin. Napalingon ako at wow, ang cute cute niya naka dress na pink tapos blonde ang buhok mukhang foreigner.

Kada sumusubo ako ng chips tumitingin siya kaya feeling ko gusto nya. Kaya inalok ko.

"Hi Kid, do you want some chips?" pag aalok ni Ethan sa kalapit na bata.

Sabi nya sakin, No. Pero may tinuro siya yung nasa may paper bag ko. Hmm? Eh yung choco muffin lang naman ang nandito e.

Napatingin ulit ako sa kanya at tinuturo niya talaga yung muffin sa paper bag. Tsk tsk naku po. Hayy nako kung di ka lang cute e. Sige na nga tutal 6pcs naman to. Explain ko nalang kay Penelope na may huminging bata kaya nabawasan ng isa.

"Here baby girl here." pabulong na sabi ni Ethan sa cute na batang babae.

"Thank you po" pabulong na tugon ng bata.

Aba, nag "po" siya. Pinay pala to. Pero yung may kalapit niya, for sure Mom niya yun kasi blonde din yung buhok. So pinay din pala yun pero tulog kaya di ko maconfirm.

Hanggang sa nakaramdam naman ako ng antok.

At nagulat ako nang may bumato ng papel at tinamaan ako sa kamay kaya nagising ako.

Pag lingon ko yung cute na batang babae naka ngiti nanaman sa akin at nakaturo duon nanaman sa muffin.

Napailing nalang ako pero binigyan ko pa din naman siya. Kaya ang ginawa ko tinabi ko

na yung bag at natulog nako. Medyo napasarap din naman ang tulog ko at feeling ko nabusog naman na yung cute na bata na yun.

Hanggang sa ginising na ako ng Attendant.

"Sir, we're here na po."

Hala, nakababa na pala ang ibang passenger kaya nag ready na din ako para bumaba hanggang sa napansin ko yung dala kong paper bag, yung box ng muffin naka un-tie yung ribbon?

"Naku po!"

Napakamot nalang ako sa ulo pagbuklat ko halos mangiyak ngiyak ako.

Bata naman. Bakit mo ako ginanito? Yung bibigyan ko ng pasalubong baka lalong uminit ang ulo sa akin. 

次の章へ