webnovel

CHAPTER 49 - GOODNEWS

CHAPTER 49 - GOODNEWS

----------

ETHAN SMITH POV

Today is Saturday kaya wala akong duty ngayon at naisipan ko na pumunta ng maaga aga sa hospital. Iba ang mood ko ngayon, I don't know why basta ganado ako. Kaya naisip kong mag prepare ng food na dadalhin kila Penelope.

I'll cook a sausage, egg, soup, bacon, at fried rice for them at di mawawala yung Choco Muffin at syempre yung favorite kong vegetable salad. 7 am pa lang kaya for sure madadala ko to ng mga 8:30 am sa hospital.

"Tatada Tada" himig ni Ethan habang nagluluto.

PENELOPE THOMPSON POV

Nandito na si Doc. Arman kaya ginising ko na din si mommy at si kuya.

"Mommy Kuya wake up! Nandito si Doc. Arman. At goodnews! gising na din po si Dad." masayang binalita ni Penelope.

"Really sweetheart? Wait mag totoothbrush lang ako."

"Me too babygirl. Yes! Thank you Lord." masayang sinabi ni Patrick.

At pagkagising ko sa kanila agad ko namang pinuntahan si Doc. Arman para makibalita.

"Hello po Ma'am Penelope. Magandang balita po ito ano, Effective ang naging gamot niya pero kahit na ganun pa man po hayaan lang muna natin po ang Dad ninyo na kusang maka full recovery siguro the next few days or week, maging okay na si Sir. Harvey at pwede nang madischarge." good news mula kay Doc. Arman.

"Okay po Doc. Arman. Maraming salamat po." nakangiting sinabi ni Penelope.

Sobrang saya ko grabe, bumubuti na ang lagay ni Dad. Pero syempre patuloy lang din kami sa pagdasal para na din sa patuloy na pag galing ni Dad.

"I love you Daddy magpagaling ka ha. Nakikita mo na ba ako? Ang pinakamaganda mong anak?"

"Ehh ang pinaka pogi mong panganay Daddy? Hahaha." biglang sulpot ni Patrick.

"Hahaha nagulat naman ako sayo Kuya."

"Aba di din mawawala ang pinagmanahan ng ganda ni Penelope no. Hahaha." biglang

sulpot din ni Mommy Patricia.

Grabe lahat kami napa tears of joy nalang. Ito ang masarap na luha e. Hayy maraming salamat talaga na kahit papaano ay nabawasan ang pag aalala namin.

ETHAN SMITH POV

Nakarating na ako sa hospital nila. Binilin na pala ako ni Tita Patricia sa frontdesk ng hopsital kaya derederetso na ako papuntang elevator. At nakarating na ako dito sa Suite Room.

Pagpasok ko nakita ko silang nag kekwentuhan sa room ni Tito Harvey. Maganda ang mood ngayon unlike nung mga nakaraang mga araw. Nagtatawanan nag kakantsawan grabe sobrang sarap sa pakiramdam. Hanggang sa mapansin na ako ni Kuya Patrick.

Mamaya'y binati na ako ni Tita Patricia at Kuya Patrick

"Ohh Ethan, nandyan ka na pala. Eto si Daddy nakamulat na." masayang sinabi ni Patrick.

"Wow, Thank God. It was a great sign na nakamulat na si Tito, tuloy tuloy na po yan basta mantain lang din yung medicine niya." nakangiti ding sinabi ni Ethan.

Lumapit sa akin si Kuya Patrick kaya inalok ko siya nitong dala dala ko.

"Nga pala eto oh may dala akong mga fruits at breakfast."

After kong ayain si Kuya Pat sinilip ko na muna si Tito Harvey at para

mag paalam na din sana kay Tita Patricia dahil hindi na ako magtatagal dahil ayaw ko namang makaapekto sa ganda ng mood nila lalo kay Penelope.

After ng konting kwentuhan sa loob nag paalam na din ako kay Tita.

"Sige po Tita Patricia, mauna na po siguro ako."

"Huh? Bakit ang bilis naman? May work kaba ngayon? Sabado a."

"Ah wala po Tita. Balak ko din naman po kasing sumaglit lang dinala ko lang po talaga yung mga pagkaen." pilit na ngiti ni Ethan.

"Dito kana kumaen, samahan mo na kami." unexpected na pag aya ni Penelope kay Ethan.

Di ko inexpect na aayain ako ni Penelope. Napalunok ako bigla ng laway dun. Tsaka tama naman si Tita e wala naman akong gagawin ngayong araw dahil wala naman akong pasok.

So pwedeng pwede akong makisabay sa kanila.

"Oo nga, oh ayan may approval naman ng sweetheart ko. Halika na Ethan wag ka nang mahiya." nakangiting sinabi ni Mommy Patricia sabay hawak sa balikat ni Ethan.

"Hehe. Okay po. Tara po. Magready lang po ako ng mga plato po natin at utensils."pagmamagandang loob ni Ethan.

"No Ethan ako na. Dyan ka na at umupo ako nang bahala sa mga gagamitin natin."

"Okay po tita. Salamat po"

Nag peprapare ni si Tita Patricia. Nilabas na din yung table at mga plato at utensils na gagamitin. Habang ako dito nakaupo lang sa may labas at minamasdan si Penelope at Daddy niya dahil naka open ang curtain nung panahong yun.

PENELOPE THOMPSON POV

Hawak ko ang kamay ni Daddy habang ang ulo ko ay nakahiga sa kama niya.

Gumalawa ng kamay ni Dad at biglang nag salita. Pero hindi ko maintindihan at parang tinuturo nya si Ethan.

"Huh? Dad? Ano po yun?

Akamang parang tinuturo sa may pwesto ni Ethan.

"Dad? Di ko po maintindihan. May tinuturo kaba?"

"I think si Ethan babygirl, gusto nya atang makita si Ethan." biglang singit ni Kuya Patrick kaya agad nitong tinawag si Ethan para lumapit kay Dad.

ETHAN SMITH POV

Pinalapit ako ni Kuya Patrick doon daw sa tabi ni Tito Harvey.

"Hello po Tito. I'm glad na gising ka na at unti unting nagiging maayos.

Lagi ko po kayong pinagdadasal Tito." wika ni Ethan na medyo na tears of joy.

Nakangiti lang sa akin si Tito Harvey the whole time. I think medyo nahihirapan pa si Tito sa pag sasalita pero good thing naman na at least gising na siya.

"Hayaan niyo po kapag po magaling kana ipagluluto din po kita ng paborito mo pong pagkaen."

"Hay nako Ethan, mas mabuti pang wag mo nang lutuan dahil ang paborito nyang pagkaen ay Lechong Kawali. Hahaha" biglang singit ni Mommy Patricia habang nag aayos sa hapag

kaninan.

"Hahaha ayun lang Lechong kawali pala. Bawal po yun Tito hahaha." napakamot sa ulo si Ethan.

Nakakatuwa dahil nakita namin ang labis na pag ngiti ni Tito Harvey. Hinawakan nya din ang kamay ko.

" Salamat anak." pilit na binigkas ni Daddy Harvey para kay Ethan.

"Hala mommy nagsalita si Dad!" masayang sinabi ni Penelope kay Mommy Patricia at Kuya Patrick.

"Aww. Wala pong anuman Tito. Natutuwa po ako na naaappreciate niyo po ako malaking bagay po yun para sa akin Tito. Salamat din po."

Nakaktuwa na saksi ako sa progreso ni Tito Harvey. Hiling ko talaga na mapatuloy ang kaniyang pag galing.

"Salamat sa diyos" wika ni Mommy Patricia nang malaman na nakapag salita ang kaniyang asawa.

Lumapit si Tita Patricia kay Tito harvey at hinayaan ko na muna sila sa moment na yun.

Nakakatuwa ding makita na nakangiti na din si Penelope. At alam ko na ang mga luha na pumapatak ngayon ay dahil sa kasiyahan. Kahit na ilang araw ko pa lang silang nakakasama pero ramdam ko na kasama na din ako sa pamilya nila.

PENELOPE THOMPSON POV

I can see all the effort na ginagawa ni Ethan. At nararamdaman ko din na sincere siya sa mga ginagawa

nya. Nakakataba ng puso na malamang ganito pa rin pala siya. Maasikaso pa din at mahilig magluto.

Passion niya talaga yan noon pa.

Nagsimula na kaming kumaen naka open lang ang curtain para makita din kami ni Dad dito sa may living room.

"Tita eto po tikman niyo po ito. Makakatulong po ito sa inyo lalo po kung lagi po kayong puyat. Para makabawi bawi din po ang katawan ninyo. Recipe po ito ni Mom at lately ko lang siya na-perfect. " pag aalok ni Ethan sa ginawa nyang Four Season.

"Mmm. Ang sarap naman nito Ethan. Saan mo natutunan to?" tanong ni Mommy Patricia.

"Ahh sa Mommy ko po Tita. Madalas niya po yang ginagawa lagi po kaming may stock na ganyan sa ref kaya din po ako nahilig sa mga prutas dahil po don."

"Ang sarap nga." masayang sinabi ni Patrick.

Napapangiti nalang ako. Ganyang ganyan din ang reaksyon ko noon nung una ko din yang natikman.

Lalo't di ako mahilig kumaen ng prutas. Pero yang mixed fruit juice na yan grabe. Walang katulad.

"Ikaw sweetheart bat di mo tikman?" pag aalok ni Mommy Patricia na napansin na nakatitig lamang si Penelope sa kanila.

"Wala mommy gusto ko lang muna makita mga reaksyon nyo. Natikman ko na din yan dati e."

"Dati? Pano mo naman natikman to sweetheart eh recipe to ng Mommy niya?"

"Opo Mommy. Kung di mo maitatanong eh magkababata yang dalawa na yan." pagbunyag ni Patrick.

Nagkatinginan nalang kami ni Ethan nung sinabi ni Kuya yun. Pero inirapan ko ng tingin ang Kuya ko.

Talaga ba kuya? Ibubuking mo talaga ako kay Mom?

次の章へ