webnovel

TBAB: 40

Now playing: Love You Still - Tyler Shaw

Nicole POV

"To my first and great love,

I just want to congratulate you on your wedding. I wish you all the best, Nic. Thank you because I was one of the witnesses of how good a person you are. Thank you for giving me the opportunity to love and know you. Thank you for welcoming me into your life without a doubt. It's a shame because I wasted the opportunity you gave me.

You were my guide and my compass in my darkest days. My world is not complete without you in it. I want you to know, I'm so proud of you, Nic. Sobrang proud ako sa Nicole ngayon. Ang layo na ng narating mo. Hindi ko akalain na mas mag-go-grow ka pa lalo.

Sorry for the opportunities I wasted. I ask for forgiveness for the promises I have not kept and will never keep. I know Violet herself will fulfill those promises for you. I know she will keep you and take care of you. Alam ko rin na aalagaan niya ang pamilya na mabubuo ninyo.

Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan para maitama lahat ng pagkakamali ko. Pero tandaan mong pwede kong baguhin ang sarili at future ko para maging deserving sa kapatawaran mo. You always have a special place in my heart, Nic. Alam kong hinding-hindi ka na mawawala pa rito. I will always love you.

I'm sorry because I wasn't the man that you expected me to be. All the memories and lessons you left me will continue to carry forever.

I wish you and Violet a happy life.

Thank you, Nic. I am very grateful because you are my first and great love. I'm happy to be a part of your life.

Please, be happy.

- Chase"

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa aking sarili habang muling ibinabalik sa folder ang ipinadalang sulat sa akin ni Chase.

Ang effort niya ha? Talagang hand written ang ginawa niya.

Well, hindi na kagaya ng dati. Magaan na sa aking kalooban na masasabi kong napatawad ko na siya ng tuluyan.

There is no room in my heart now for any resentment and anger. I am happy with my life now with Violet and I can say that I am ready to be a mother to our future children.

Yes! Violet and I are married. Siya rin ang nanalo dahil apilyedo niya ngayon ang dinadala ko na ngayon. I am a Mrs. Torres now. And yes, masaya, masarap at very satisfying na maging isang ganap na asawa niya.

Hanggang ngayon, para pa rin akong nananaginip. Para pa rin akong nasa isang imagination, hindi pa rin sanay sa mga bagay na nangyayari ngayon.

Parang kailan lang kasi noong una kaming nagkatagpo. Parehas pa kaming in a relationship noon. But look at us now, mag-asawa na kami. Iyong babae noon na akala ko ay malabong maging akin, misis ko na ngayon. Iyong babae noon na hawak pa ng iba, akin na ngayon.

Hindi ko akalain na siya ang tunay na sa akin ay nakatadhana.

Hayyyy. Ganito pala ang pakiramdam 'no? Iyong maikasal ka sa taong pinaka pinapangarap mong makasama hanggang sa dulo.

Nakakakilig lang na alalahanin ang lahat. Nakakatuwang isipin na sa bilyong tao sa mundo, siya 'yung dumating na ibigay at ipinadala para sa akin.

Wala na akong mahihiling pa kundi ang bumuo ng pamilya kasama siya. And yes, I am happy to say that I am three months pregnant now.

Everybody are excited about our first baby. Especially our parents na magiging grandparents na. Nakakatuwa lang na wala pa mang gender, pero panay na sila sa pagbili ng regalo. Iyong iba nga ay nag-uunahan na sa pag-isip ng pangalan. Habang iyong ibang mga kaibigan naman namin, nagpupustahan kung babae ba o lalaki ang magiging baby namin.

Alagang-alaga ako ni Violet pati na rin ang magiging anak namin. Hindi niya kami pinababayaan. At kahit na abala siya sa kanyang trabaho, maya't maya ang pagtawag nito sa akin para mangamusta.

Napag-usapan din namin na sa pag-anim na buwan ng tiyan ko ay titigil na ako sa pagtatrabaho. Bagay na hindi naman na ako nagprotesta pa dahil para naman iyon sa kalusugan ko at sa magiging anak namin.

Palagi niya akong tinatanong kung ano ba ang cravings ko. Kung nami-miss ko na raw ba siya dahil gusto niya na mukha niya ang paglihian ko. Palagi rin niya akong tinatanong kung ano 'yung mga bagay na nakakapagbago ng mood ko, kasi every now and then siya ang nag-a-adjust para sa akin.

Sabi nila, sa paglilihi raw ang pinakamahirap na parte kapag nagbubuntis. Pero sa pag-aalaga ni Violet sa akin, mukhang hindi naman. Minsan nga, gusto niya siya na mismo ang maglihi para sa akin eh.

Pero syempre, ayaw ko naman siyang mahirapan. Kaya mas okay nang ako na, 'di ba?

Sabi rin nila, ang totoong laban ng buhay ng mag-partner ay kapag mag-asawa na kayong dalawa. Sabi rin ng iba kapag ikinasal na, happy ending na. Pero para sa akin? Hindi pa ito ang happy ending namin dahil nagsisimula pa lang kami.

Ngayong mag-asawa na kami ni Violet, mas lalong masusubok ang pagsasama namin. Pero ang blessed ko dahil siya ang taong napangasawa ko.

I am happy that I am married to the person I love. 'Yun naman talaga ang importante, 'di ba? Nagpapakasal tayo sa isang tao, dahil mahal natin at mahal din tayo. At syempre, nagpapakasal tayo, dahil handa tayo sa responsibilidad bilang mag-asawa.

Ito naman ang gusto ko. Ito naman talaga ang pangarap ko, ang maikasal sa babaeng pangarap ko. Kay Violet.

Nasa simula pa lamang kami ng totoong laban, ngunit alam kong hawak-kaway namin itong mapagtatagumpayan. Alam ko rin na magiging isang mabuting magulang kami sa aming mga magiging anak namin. Hindi man kami perpekto bilang mag-asawa at magiging magulang, pero sisiguraduhin ko na magiging masaya at masagana ang aming tahanan.

---

Habang abala ako sa pag nguya ko sa mansanas na hiniwa ni Skyler para sa akin, napansin ko na kanina pa rin ito pasulyap-sulyap sa akin na para bang mayroong gustong sabihin.

Ang aga-aga naman kasi bakit nandito siya sa bahay? Tss!

"Alam mo kung may sasabihin ka, sabihin mo na. At baka biglang uminit ang ulo ko sa ginagawa mo. Ayaw ko kayang maging kamukha mo ang baby ko" Pananakot ko sa kanya bago siya inirapan.

"Grabe siya!" Napapairap na sagot nito sa akin. "Ang ganda-ganda ko kaya, tapos ginaganyan-ganyan mo lang ako. Hmp!" Nagtatampo na dagdag pa niya.

"Eh ano nga kasi?! Kanina ka pa pasulyap-sulyap riyan eh."

Frustrated naman na napakamot siya sa kanyang batok.

"Paano ba sasabihin sa isang babae na---" Bigla siyang natigilan.

"Na?" Nauubusan na ng pasensya na tanong ko sa kanya.

"Wala!" Tipid na sagot niya. Kaya naman agad na tinignan ko siya ng masama habang napapahawak sa bowl na mayroong laman na mga prutas.

"Gusto mong lumipad itong bowl sa'yo?" Mabilis na napailing eh.

"Nakakatakot ka namang magbuntis, Nic." Saway nito sa akin. "Pumapangit ugali mo, alam mo 'yun? Tang*nang ugali 'yan." Dagdag pa niya kaya hindi ko napigilan ang magpakawala ng malutong na pagtawa.

"Eh kasi masyado kang pabitin." Sabay pout na wika ko.

"Itatanong ko lang naman kung paano ang tamang pagyaya sa babae, p-para makipag-date." Medyo utal na sabi nito sa akin.

"Ahhhh." Napapatango na lamang ako habang nangingiti ng pagkatamis-tamis. Kita mo itong kaibigan ko, ang lakas mambabae at mang-asar pero torpe naman pala.

"So, sino muna 'yung yayayain mo?" Panunukso ko pa.

"Just... just asking for a friend." Taas noo at confident na sagot naman niya.

"Just asking for a friend mong mukha mo!" Pag-ulit ko sa sinabi niya. "Obvious naman na para sa'yo!"

"Seryoso kasi...paano nga?" 'Yung itsura niya biglang parang binagsakan na ng langit at lupa. "Please?"

This time, hindi ko mapigilan ang mapatulala sa itsura niya. Ganoon ba talaga ka-special ang babaeng 'yun para maging ganito ang astig na si Skyler sa harap ko ngayon? And she even uses the word 'please' para lang sagutin ko ang tanong niya.

"Woah!" Hindi ko mapigilan ang hindi ma-amaze.

"Sky... wait! In love ka ba?" Bigla ko na lamang naitanong 'yun sa kanya.

Mabilis naman na nangamatis ang itsura nito dahil sa tanong ko. May mga nababanggit na kasi sa akin ang mga kaibigan naming tungkol sa babaeng natitipuhan niya. Gusto ko lang i-confirm mula sa kanya.

"Sino na nga ulit 'yun?" Kunwaring nag-iisip na tanong ko pa.

Napairap ito at mabilis na tumayo. "Stop it! Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, aalis na lang ako."

Pero hindi ko siya pinakinggan. "What's her name again? Fe...Feli...Felicia?" Pagkatapos noon ay bigla na lamang siyang tumalikod mula sa akin at walang sabi na nag-walk out.

Dahil doon ay muli akong nagpakawala ng malutong na tawa habang tinatawag ang pangalan niya ngunit hindi na ako nito muling nilingon pa.

Haaayyy! Kung sino man ang babaeng iyon, masasabi kong ang swerte niya dahil siya ang kauna-unahang babae na napusuan ng kaibigan namin.

Well, I just hope they last.

Sana lang din, hindi ang yaman lang ni Sky ang habol nito. Dahil ang kailangan ng kaibigan namin ay totoong pagmamahal at alaga ng taong pagbibigyan at pag-aalayan niya ng kanyang puso.

次の章へ