webnovel

TBAB: 12

Now playing: Migrane - Moonstar88

Nicole POV

Magulo, maingay na paligid at sari-saring boses ang naririnig ko pero mukhang wala sa kanila ngayon ang nakakasira ng mood ko.

I mean, I'm with my friends now but the smile hasn't disappeared from my lips for a while now.

Kahit na literal na wala rin akong tulog sa magdamag, para bang naka-full ang baterya ko ngayon dahil sa mga matatamis na alaalang nabuo namin ni Violet.

Haaay! Mukhang mababaliw na yata ako.

Hindi pa rin kasi nawawaka saking isipan ang mga nangyari kagabi. Those laughters and smiles na aming pinagsaluhan ni Violet, gosh! Para ba akong nananaginip lamang noong mga sandaling iyon, pero alam ko sa sarili ko na totoo at hindi talaga iyon isang panaginip lamang.

Pag-uwi ko kaninang umaga, imbis na matulog ako ay nahiga lamang ako sa aking higaan at ninamnam ang bawat alaala at sandali na meron kami magmula noong sinundo niya ako kahapon sa Golden Hills, hanggang sa huling sandaling inihatid ko siya sa Coffee Shop para makuha niya ang kanyang sasakyan.

Violet and I had a very perfect moment last night, something that is hard to let go of and hard not to remember again and again. Kasi baka iyon lamang ang nag-iisang pagkakataon na ibinigay sa amin at hindi ko alam kung mauulit pa bang muli.

Pero sa loob ko, umaasa ako na sana ay masundan pa itong muli. Umaasa na sana ay kahit sandali, makasama ko siyang muli at madagdagan pa ang mga alaala naming magkasama na kami lamang na dalawa.

"Wew! Looks like someone's in a good mood today!" Komento ni Kezia na hindi ko alam ay lihim lamang pala akong pinagmamasdan. Mabilis na napadako sa kanya ang mga mata ko at pinandilatan siya ngunit nandoon pa rin ang mga ngiti sa aking labi.

"Mukhang may nadiligan kagabi." Biglang singit naman ni Autumn bago ito napataas baba ng kanyang kilay. "Mesherep be ang hotdog ni Papa Chase? Ahe ahe!" Dagdag pa nito kaya agad ko naman siyang binato ng nahawakan kong unan mula dito sa couch kung saan ako nakaupo.

Nasa pagitan ko naman sina Gabby at Tabitha na ngayon ay nakikitawa na rin sa kanila.

"Shut up, Autumn!" Sabay irap na saway ko sa kanya. Ang bastos lang talaga ng bunganga ng batang 'to kahit na kailan.

"Eh bakit nga kasi mukhang good mood? Baka naman bigla kaming magkaroon ng aanakin sa'yo ha? Naku, please lang wag na muna!" Muling tugon ni Kezia habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Guys, what are you doing? Stop accusing Nicole, walang mabubuong bata kasi wala namang makakabuo. Pfft!" Awtomatikong napatirik ang mga mata ko sa pagdating ni Skyler at agad na nakisawsaw sa usapan.

Nakalimutan kong bahay nga pala niya itong pinuntahan namin.

Kasama nito si Sydney na ano pa nga ba? Syempre, tahimik lang naman siya palagi at nakikiramdam. Naupo si Sydney sa tabi ko kaya si Gabby at Tabitha pa rin ang nasa magkabilaang dulo ng pahabang couch kung saan kami nakaupo.

"Guys, hindi naman tayo nandito para i-hotseat ako 'di ba? Nandito tayo dahil gusto nating magsaya, mag-chill at dahil miss natin ang isa't isa." Pagpapatigil ko sa kanilang lahat pero mas lalo lamang yata akong na-pressure noong sabay-sabay silang napatingin sa akin bago ako tinignan ng mas makahulugan.

"Umiiwas sa topic?" Panunukso ni Tabitha.

"Come on, Spell the tea Nic. Kami lang ito, haleeer!" Maarteng dagdag naman ni Gabby.

"Sabihin mo na kasi, eh kahit yata sinusubukan mong sumimangot d'yan, hindi pa rin maitatanggi ng mga mata mo kung gaano ka kasaya." Pangungulit muli ni Kezia.

"I doubt na si Chase ang dahilan ng mga ngiting yan." Muling singit ni Skyler kaya mabilis na tinignan ko siya ng makahulugan.

"Woah! Wait, so may ibang rason? At hindi si Chase yun." Pagkukumperma naman ni Autumn kay Skyler. Ngunit nagkibit balikat lamang si Skyler habang nakatingin din sa akin ng makahulugan.

"I don't know. Ask her." Sabay ngisi ni Skyler sa akin.

Argh! Balak ba niya akong ilaglag sa buong tropa? Seriously?!

"Nic, tell us. Come on, we all have our ears open here." Pangungumbinsi ni Tabitha.

Napahinga ako ng malalim. Alam ninyo kasi, isa sa nakasanayan na naming magkakaibigan eh 'yung 'NO SECRET ALLOWED' sa pagkakaibigan namin. Kasi kami-kami na lang palagi ang magkakasama at para na rin kaming magkakapatid.

Napalunok ako ng mariin bago napakamot sa aking batok.

"Ano kasi eh. Hmmmm."

"WHAT?!" Chorus nilang lahat na halatang excited sa sasabihin ko.

Except syempre kay Skyler na siyang nakakaalam ng totoo. Pagkatapos ay sabay-sabay din silang napahinga ng malalim kaya napatawa ako ng malutong.

"Ito naman pabitin pa. Sabihin mo na kasi! Naghihintay kaming lahat." Inip na wikang muli ni Kezia.

"Alam niyo, ang Marites ninyong lahat eh ano? Di makapaghintay? Inip na inip?" Sarkastikong tugon ko naman.

"Eh ang tagal naman kasi dami pang sinasabi." This time, si Sydney na ang sumabat. Kaya natigilan ako at tinignan siya.

"Alright," Tuluyan nang walang nagawa na sabi ko. "Ganito kasi yun."

Kinuwento ko sa kanila mula sa umpisa ang tungkol kay Violet. Kung paano kami nagkakilala. Magmula noong unang beses kaming nagkita, hanggang sa huling sandali na nagkasama kami kagabi at sa buong magdamag.

"Ay tanga! Break mo na yang si Chase. Sinasabi ko sa'yo." Komento ni Kezia.

"Skyler was right, hindi ka talaga straight like straight sa iniisip mo." Si Autumn na nakikipag-aper kay Skyler.

"They're all right, Nic. Break up with your boyfriend, hindi mo kailangang makipagkita kay Violet ng patago dahil lang may pinoprotektahan kang puso." Makahulugan na dagdag naman ni Tabitha. "Dahil kahit na anong mangyari, may masasaktan at masasaktan kayo, especially na pareho kayong taken."

"Yeah right. Hihintayin mo pa bang mag-cheat ka? At matawag kang cheater?" Maarte na sang ayon naman ni Gabby. Napalingon ako kay Sydney dahil komento na lamang nito ang hindi ko pa naririnig.

"What?" Suplada na tanong nito sa akin.

"Wala ka bang sasabihin? Nasabi na nilang lahat ang gusto nilang sabihin." Ani ko.

Sandali itong napatitig sa akin. "What's on my mind?" Napatango ako at hinintay ang susunod na gusto niyang sabihin. "YOU, Nicole Sullivan are already a cheater. That's it."

"AGAD AGAD?!" Churos ng mga kaibigan namin at halatang nagulat sa sinabi ni Sydney.

"Real talk yun ah." Komento ni Autumn. Napatango si Sydney at muling ibinalik ang mga mata sa akin.

"The moment you kissed her when you met for the first time and you knew you were in a relationship but you did it anyway. Second, you are a cheater because you stalk her on all her social media accounts. Kasi bakit mo ini-stalk ang isang tao, let's just say nagagandahan ka sa kanya. You can stalk her once pero yung everyday? I don't think so. You are emotional cheating na matatawag. And third, cheater ka kasi lumabas ka na kayo lang dalawa at nag stay kasama siya magdamag ng hindi ipinapaalam sa mga partner ninyo kung nasaan kayo." Dire-diretso na paliwanang ni Sydney.

Para akong sinasampal ng mga words niya paulit-ulit. Pati mga kaibigan namin natahimik sa pagiging prangka niyang tao palagi. Kahit talaga tatahimik-tahimik lang 'to, palaging may sense ang mga sinasabi.

"And please, Nic. Stop pretending that you're not gay. You're gay at kahit na ano pang sabihin mo, kailangan mong tanggapin na you are one of us. Like your parents." Dagdag pa nito. "Better break up with Chase bago pa lumala ang lahat."

"But I love Chase." Wika ko bago napalunok ng mariin. Ang lakas din ng kabog sa dibdib ko, parang may kung anong konsensya ang biglang bumulong sa akin.

Paano kapag nalaman ni Chase ang lahat ng ito?

"If you really love Chase, pigilan mo yang namumuong nararamdaman mo for Violet. Pero kung hindi, ikaw na mismo ang makipaghiwalay." Muling saad ni Kezia.

"Look, concern lang kaming lahat sa'yo. Pero kung anong magiging desisyon mo, susuportahan ka namin." Wika ni Gabby.

"BUT we will not tolerate you kung ano mang mali ang gagawin mo." Paalala naman ni Skyler.

Kahit naman papaano, thankful ako sa ginagawa ni Skyler para sa akin. Alam ko naman na concern lang talaga ito sa akin. Ayaw niya lang akong mapahamak.

Feeling ko minsan masyado lang siyang pakialamera pero sa totoo lang, she's just being protective sa mga taong mahalaga sa kanya.

Paulit-ulit na nag-si-sink in sa aking isipan ang lahat ng mga sinabi ni Sydney. Halos hindi ako makatulog sa naman sa magdamag.

Para bang nagsilbing kumpas at ilaw ko ang mga salita nito. Sa obsessed ko kay Violet, para bang nakakalimutan ko na kung ano ang tama at mali.

Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa araw na ito dahil nakasama ko ang mga kaibigan ko. Ang mga words nila ang muling pumukaw sa akin para maging aware sa mga actions at decision na gagawin ko.

---

Kinabukasan, araw ng linggo, maaga akong nagtungo sa Coffee Shop para sa mga reports at iba pang dapat na concern ni Jordi sa akin.

Maaga namin itong inayos at sinolusyonan. Kaya bago pa man mag alas dyes ng umaga ay medyo chill na ito, except sa paparami na naman na customers.

Ang ipinagtataka ko lang kung saang weekend ay bakit doon wala si Violet. Magmula kasi noong huling beses na nagkasama kami ay hindi na ito nagparamdam pa sa akin.

Iniisip ko nga baka dahil busy lamang siya. Lalo na kahapon, Saturday. Hindi kami nagkita dahil kasama ko ang mga kaibigan ko, habang siya naman ay abala dito sa Shop.

Panay ang pagtingin ko sa orasan, hinihintay at inaabangan ang pagdating niya. Ngunit ilang minuto na lang bago mag lunch break, ay hindi pa rin ito dumadating.

Dahil sa nag-aalala na ako kaya hindi ko na napigilan na lapitan si Jordi.

"Can you please call Violet kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya?!" Kunwari na naiinis na sabi ko sa kanya.

Pero sa totoo kang, hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala. Paano naman kasi hindi ako mag-aalala eh hindi siya nagpaparamdam?

Ni hindi nga siya nag-chat or nag-text kahapon kung nakauwi ba siya ng safe or what.

"Ah eh ma'am. Hindi ko pa pala nababanggit, Violet is on leave. Nagpaalam po siya sa akin kahapon na hindi raw muna siya makakapasok ngayon." Paliwanag ni Jordi sa akin.

Awtomatiko naman na napakunot ang aking noo.

"Oh, okay. May emergency siguro." Wika ko ngunit ang kutob ko ay iba.

Alam kong may ibang dahilan.

"Oo ma'am eh. Baka may DATE." Bigay diin ni Jordi sa huling sinabi. Napalunok na lamang ako ng mariin at napatawa ng may pagkaalanganin.

"Baka nga." Sagot ko naman. "Thank you, Jordi." At pagkatapos ay tinalukuran ko na ito.

Buong araw akong nag-iisip kung ano bang nangyari sa kanya. Sang katutak na rin ang nasend kong messages sa kanya pero kahit isa, wala akong reply na natatanggap.

Masyado na ba akong halata? Tanong ko sa aking sarili.

That's when I decided to go to the Bar, sa Baylight pagkatapos at pag-close ng Coffee Shop, para i-check kung nandoon ba siya.

Pero still no sign of Violet. Sinubukan ko pang magtagal sa Baylight at nag take ng ilang shot ng vodka, hoping na baka dumaan siya pero bigo pa rin ako.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang nararamdaman kong pag-aalala. Lalo na in the very first place, alam kong hindi ko dapat ito nararamdaman ngayon.

Nakalabas na ako ng Baylight at nakabalik na sa loob ng kotse ko, nang maisipan kong i-check ang instagram account nito.

At doon, para akong binuhusan ng malamig na tubig noong makita ko ang sweet photo nila ni Katie na nasa isang dinner date sila. Dagdagan pa ng long and sweet caption nito na naka-tag si Violet sa mismong post niya.

'Dinner date with my one and only. Thank you, baby, you're the best! I love you, always!' Ang sabi sa caption ni Katie.

Halatang magkasama rin sila sa buong araw. Halata na masaya sila.

Mapait na napangiti ako sa aking sarili.

Kaya naman pala. Kaya naman pala walang paramdam. Sino ba naman kasi ako para pagpaalaman niya, 'di ba? Hindi niya naman ako nanay o kaano-ano.

Hindi ko naman mapigilan ang magselos. Pero pilit na pinipigilan ko iyon. Kahit na gumuguhit ito ng paulit-ulit sa aking dibdib.

Naalala kong, oo nga pala, hindi ko nga pala siya girlfriend. Hindi niya rin ako girlfriend. Wala kaming kahit na anong relasyon, because for her, I am just her boss and she's my employee.

May pa-flower flower pa siyang nalalaman. Tss! Mapakla na wika ko sa aking sarili bago tuluyang pinasibad ang aking sasakyan.

次の章へ