webnovel

Chapter 13

***

Mabilis lumipas ang mga araw na ganon parin ang takbo ng buhay niya, walang takot at walang pangamba na sa pagkakaalam niya  at yon ang buong akala niya.

"Gara, ang taray ng dress.. " Natawa siya dahil sa papuri ni Vriell.

"Bet ko talaga ang dress mong iyan best. "

"Loka, pinag sasabi mo mas bongga naman yan iyo no, wag ka nga. " Sabay silang natawa. Saka naman nag salita si Anna.

"Tara na kaya, akala ko ba sabay tayo nila Ej? Bakit  wala parin yung dalawang yon rito. "

"Wag kang excited kakasabi lang papunta na sila med'yo na traffic lang sila. " Sabi naman ni Vriell saka siya tumango.

Ngayon araw ang punta nila sa birthday party ng kaibigan nila sa Clab na si Kazumi, bongga ng party nito kaya tama lang naman na mag suot sila ng disenting damit, lalunat anak mayaman ang kaibigan nila, na kakahiya naman kung mag susuot na lang sila ng kung ano anong damit.

Buti na lang kamo pinayagan siya ng kanyang mama Ema, bago ito umalis patungo ng Inanda, kung saan dinalaw nito ang kanilang Tito na maysakit hindi naman siya maaaring isama nito lalunat bukas rin ay may pasok siya, ang kuya naman niya ay abala sa trabaho nito kaya hindi rin ito pwedeng sumama  sa kanilang mama Ema.

"Tch. Thanks god.. Dumating rin. " Nababagot na sabi ni Anna kahit kailan talaga mainipin ito.

"Sorry, girl's na traffic kami. "

"Ayos lang.

"Sakay na, hinihintay na tayo ron ni

Kazumi. "

"Mabuti pa nga. " Pero bago siya pumasok ng sasakyan tila siya na malikmata nanakita niya ang lalaking noon ay matagal na niyang hindi na kikita.

"Sheen-sheen? " 

"H-huh? "

"Pasok na? "

"O-oo.. " Muli niyang sinulyapan ang lalaki kung saan niya ito nakitang nakatayo mula sa kabilang kalsada subalit wala na siyang napansin roon nanaroon ito.

Baka nagkamali lang siya? Di kaya paranoid nanaman siya sa mga nakikita niya. Pinilig niya ang kanyang ulo bago siya tuluyang pumasok ng koste.

_________________________________________________

Maraming bumati kay Kazumi na mga bisita nito kabilang na sila roon. Nang makita nila ito kanina namangha sila laluna ubod ng ganda nito sa suot nitong dress na kulay pink na bagay na bagay rito. Hindi naman din sila na hiya sa kanilang suot lalunat maganda rin naman ang kanila.

"Nako, mga best pasensya na kayo. Ang dami kasing bisita hindi ko agad kayo naasikaso---"

"Sira ayos lang kami, no. Saka birthday mo kaya enjoy ka lang. " Sabi ni Vriell.

"Happy birthday Kaz, " Aniya bago niya inabot ang regalo niya para dito ganon rin ang dalawa.

"Nako! Nag abala pa talaga kayo pero salamat sa inyo' mga best!! " Nagkatawanan sila bago sila ng akapan.

Labis ang tuwa nito at galak, Kaya hindi rin naman nila maiwasan na hindi mahawa sa mga ngiti nito. Mabilis ang takbo ng oras ni hindi na nga nila namalayan na ginabi na pala sila dahil sa pagka libang. kaonti na rin ang mga bisita ni Kazumi.

"Shit! Si mom. " Agad napatayo si Vriell dahil sa bigla nitong pag mumura.

"Bruha ka' na kakagulat ka bakit? "

"Guys, my be I should go? "

"What!? Iiwan mo kami---"

"Nasa labas na siya, mayayari ang buhoko ko kapag hindi pa ako lumabas. "

"Ah! Buwisit ka talag ang daya mo. " Pag mamaktol ni Anna natawa naman din sila ni Kazumi dahil sa kaibigan.

"Samahan na kita Vriell."

"Salamay Kaz, Sorry talaga mga best, I need to go

now. " Bago ito nakipag beso sa kanila. Ngunit naka simangot lang si Anna.

***

Kung kanina si Anna ang bad trip at naka simangot ngayon siya naman, dahil bigla na lamang nawala si Anna ayon kay Kazumi Tch. Buwisit na bruhang yon.

Ni hindi man lang nag paalam sa kanila. Ngayon nag lalakad na siya, ni hindi na siya nag paahtid pa sa driver ni Kazumi lalunat hiyang hiya na siya sa kaibigan dahil sa ginawa ng dalawa at ni Anna na hindi na nag paalam sa kanila na aalis na pala ito. At kanina pa rin siya inis na inis kay Ej na panay ang kulit sa kanya, nag prisinta rin ito na ihatid siya pero mariing siyang tumanggi. Lalunat ayaw niya talaga itong makasama kung parati siyang binibiro at iniinis nito.

Kainis!

Mariing siyang napayapos sasarili. Tila bigla siyang nangilabot. Alasonse na ng gabi, sa gantong oras ay wala nang tao sa labas mariing siyang napakagat sa labi.

Dahil tanging siya na lamang ang mag isang nag lalakad papasok ng village nila. Kanina parin niya tinatawagan ang kuya Rojun niya' pero nakapatay ang cellphone nito.

Napahinto siya. nang makaramdam na parang may tao mula sa kanyang likuran. nag lakad siya.

Mabilis ang kanyang mga hakbang, palingon-lingon sa kanyang likuran. Hindi niya mawari pero pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay mayroon nakasunod at nakamasid sa kanya.

Laluna ngayon pauwi na siya galing sa birthday party  at ito nanaman ang kanyang pakiramdam sa tuwing uuwi siyang mag isa' feeling niya nasalikuran na niya ang estranghero na hindi niya kilala at kung ano bang dahilan nito kung bakit siya nito sinusunda.

Binilisan niya pa ang mga hakbang niya ang importante sa ngayon ay hindi siya nito maabutan. Kaya ang ginawa niyang paglalakad ng mabilis ay na uwi na sa mabilis na pagtakbo.

Nanginig na siya sa takot kaonti na lang mararating na niya ang kanilang bahay. Kaonti na lang..

Mariing niyang bulong sa kanyang sarili. Napahiyaw na lamang siya ng biglang kumulog ng malakas mas lalong nataranta ang sistema niya at binilisan pa ang pagtakbo.

Bakit ngayon pa umulan.

Lumiko siya sa iskinita wala nang taong dumaraan dahil halos nasa loob na ang mga  ito ng mga kanikanilang mga bahay. ang pagkakamali niya lang hindi siya umuwi ng masmaaga sa kadahilanang naki birthday party pa nga siya ' kasama ang mga kaklase at kaibigan niya na iniwan rin siya, ni hindi rin naman niya sukat akalain na gagabihin at ganto pa ang mangyayari sa kanya.

Ang buong akala niya ay hindi na niya muling mararamdaman ang taong noon paman ay lagi nang naka sunod at nakamasid sa kanya. Pero nag kamali siya. muli itong nag paramdam bumalik upang guluhin nanaman  siya.

Nagkaroon ng pagaasa sa puso niya ng matanaw na niya ang bakuran ng kanilang bahay hindi na siya lumingon pa mabilis ang pagkilos dahil alam niyang nakasunod parin ang estranghero sa kanya.

Shit!

Subalit ilang hakbang na lamang ang ginawa niya, kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siyaring may bigla na lamang humigit sa kanya' at ikinulong siya mula sa malabakal nitong mga bisig.

Nag pupumiglas siya pilit kumakawala mula sa estranghero. Subalit sadyang malakas ang lalaki, tinakpan rin nito agad ang kanyang bibig upang hindi siya makasigaw.

May pumatak ng mga luha sa mga mata niya, basang basa narin sila pareho dahil sa lakas ng ulan imposible rin na may makapansin pa sa kanya at sa lalaki lalunat madilim sa parteng kanilang kina tatayuan. Imposible rin na may makarinig sa kanya laluna sa lakas ng ulan.

Nais niyang manlaban at kahit mahirap man sinubukan niya, at nagtagumpay naman siya roon  nakawala siya panandalian mula sa lalaki ng sikuhin niya ito ng ubod ng lakas.

Dalidali na siyang tumakbo.

"T-tulong! Kuya ! Nanay Pasing ! " Nag sisigaw na siya habang humahagulgol papalayo sa lalaking naka itim na jacket at naka cap na itim.

Subalit bago paman siya makagawa ng ingay mula sa kanilang gate, nahigit na  siyang muli ng lalaki, nag pupumiglas siya pero isang malakas na suntok lamang ang natamo niya mula rito, namilipit siya sasakit nang bigla na lamang siya nitong sikmuraan, nang hina siya bago paman siya bumagsak sa kalsada maagap siyang nasalo nito.

Mabilis ang kilos nitong pinasan agad siya na parang isang sako ng bigas. Nag lakad sila papalayo mula sa kanilang bahay, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya ay s'yaring pagkawala niya ng malay hanggang naging madilim na ang lahat.

©Rayven_26

次の章へ