webnovel

19

BIGLA ay bumalik siya sa realidad ng magsalita ulit si Darlene.

" Hey Maritoni, are you okay? Para kang nakakita ng multo," ani ni Darlene ng mapansing nakatulala siya.

Maging ang dalawang lalaki ay napatingin sa kaniya.Ginagap naman ni Troy ang kamay niya para kunin ang atensyon niya dahil tila wala siya sa sarili ng mga oras na iyon. Napansin pa niya ang pagsilay ng pilyang ngiti ni Darlene. Tila naman napahiya siya sa inasal talagang hindi niya inaasahan ang mga kaganapan. Kung ano-ano tuloy ang mga naiisip niya at syempre hindi niya gagawin ang mga naisip isa yata siyang proffessional business woman.

" I'm really surprised, what are you doing here anyway?"tanong ulit nito.

" She's my business partner," sagot ni Troy.

Hindi naman makapaniwala si Darlene sa narinig.

" Long time no see, Darlene after three years nagkita ulit tayo!" aniya ng makabawi sa pagkabigla.

" Don't tell me, magkakilala rin kayo?" naguguluhang tanong ni Troy.

" Yes, siya 'yung tinutukoy ko, 'yung naikwento ko sa'yo?" Pinandilatan niya si Troy ngunit mukhang hndi naman naintindihan ng isa. " Ang saya-saya, 'di ba? Para lang kaming nag reunion!"

" What did you tell him?" Nagtatakang tanong ni Darlene.

" Na ikaw 'yung malanding kabit ng asawa ko!" Gusto ng lumabas sa bibig niya ngunit nagpigil siya.

" Naikwento ko kasi na ikaw 'yung magna sa school natin dati?"

" Magna?" Nakataas ang kilay ng muling tanong ni Darlene.

" Magnanakaw ng asawa!" Sigaw ng isip niya.

" Magna cum laude!" bulalas niya.

" Maritoni, i'm not a magna cum laude, okay?" tila naiirita ng tugon ni Darlene.

" Ay, sorry hindi ba?" Tumawa siya ng nakakaloka.

" Alam mo hindi ka pa rin nagbabago, you always talks too much!" mataray ngunit nakangiting sambit ni Darlene.

" You too! Ang kapal mo pa rin!"

" Excuse me? Sorry?" naguguluhang usisa pa rin ng dalaga ngunit tinawanan niya na lang ito.

" Ano ito, pa-inosente? Maang-maangan, feeling i don't care, ganon?"

" Okay, enough! Since we're here for a business can we just start?" tila naiinis ng turan ni Kyle.

Ngunit nagpaalam muna si Troy nang tumunog ang cellphone nito.

" Wait, sorry i have to answer this." Matapos ay lumayo ito sa kanila.

" Okay, take your time,i need to go to washroom," paalam naman ni Darlene.

Matapos tumalikod ni Darlene ay sinipat niya ng tingin ang naka kunot-noong si Kyle. Malayo ang tingin nito at seryoso ang mukha.

" Business partner, huh?" saka siya humalakhak ng malakas.

Napatingin sa kaniya ang lalaki naka salubong pa rin ang kilay.

" Anong problema,Toni?" sarkastikong tanong nito sa kaniya.

" Hindi lang ako makapaniwala na hanggang ngayon para pa rin siyang linta na dumidikit-dikit sa'yo! Kahit sa profession talagang gusto niya partners kayo?! Wow!" namumulagat ang mga matang bulalas niya.

" I think there's nothing wrong with that. Don't tell me affected ka pa rin hanggang ngayon, are you still jealous?" nang-iinis nitong tanong.

Tumawa naman siya ng malakas dahil sa tinuran ng asawa.

" Hoy, Mr. Guevarra, 'wag ka ngang assuming diyan, matagal na akong naka move on sa'yo 'no!"mataray niyang sagot.

" Yeah right, that's why you're acting like a teenager." Sinipat nito ng tingin ang kaniyang kabuuan. "Tignan mo nga 'yang suot mo, talagang nag effort kang mag-ayos para lang sa kulot na iyan?"

Napansin niya ang pagngangalit ng panga nito at pagtalim ng titig nito sa kaniya.

" Will you call him by his name? Isa pa, hindi ako nag effort, kasalanan ko ba kung talagang maganda ako kahit hindi ako mag-ayos?"

" Hindi ka nag effort pero kitang kita naman 'yang cleavage mo! Damn it!"

" Damn you too! Anong problema mo sa cleavage ko,ha?!" bigla ay tumaas ang boses niya.

Napahinga naman ng malalim si Kyle at pinili na lang ang manahimik inabala na lang ang sarili sa kakatingin sa cellphone na hawak. Namumula naman siya sa inis para kasing pinapalabas nito na inaakit niya si Troy para makabingwit ng gwapo at mayamang lalaki.Pilit niyang kinalma ang sarili. Bakit kaya ganoon tila malakas pa ang loob nito na ipamukha sa kaniya, na pinanindigan na ng mga ito ang panloloko? Na para bang balewala lang sa mga ito ang mararamdaman niya? Inisip niya na lang ang anak para kahit paano ay maibsan ang nararamdaman niyang inis para sa dating asawa.

" Sorry for keep you waiting. Kausap ko lang kasi 'yung owner ng lupa na pagtatayuan natin ng branch. And guess what, Maritoni?"

Excited na pahayag ni Troy. " Remember 'yung lote malapit sa resort which is tourist spot?Nabili na rin natin!"

" Wow, that's good news!"

Tuwang-tuwa na napatayo si Maritoni at napahawak sa kamay ni Troy.

Kapansin-pansin naman ang pagsimangot ng mukha ni Kyle habang nakatitig sa magkahawak nilang kamay. Maya-maya ay narinig nilang tumikhim ito.

" If you're done would you mind if we can start now? Kasi after this may pupuntahan pa kami ni Darlene, and i don't wan't wasting my time," anito na salubong na naman ang kilay.

" Oh, sure! Sorry for taking so long but where is Darlene?"

" I'm here,so let's start!" nakangiting sagot naman ng dalaga habang papalapit.

Marami silang mga bagay na napag-usapan at plano nila na sa lalong madaling panahon ay maumpisahan na agad nila ang construction ng branch. Hindi na siya makapag hintay na mangyari iyon. Sabik na siya sa panibagong tagumpay na mararanasan niya. Hindi na rin siya makapaghintay na makasama ang anak. Bago sila maghiwa-hiwalay ay sinubukan niyang hingin ang cellphone number ng anak ngunit hindi ito naibigay ng lalaki katwiran nito ay hindi na ito gumagamit ng cellphone.

" Nakakainis parang ayaw niyang ipakausap sa akin ang anak ko! Naku, Kyle 'wag na 'wag mong subukang ipagdamot sa akin ang anak ko!"gigil niyang turan.

Kasalukuyan pa rin silang nasa coffee shop habang nakaalis na ang dalawa.

" Baka naman nagsasabi siya ng totoo?"

" Imposible! Thirteen years old na ang anak ko, kaya hindi pwedeng hindi niya makahiligan ang paggamit ng cellphone! Naku, Kyle tatadtarin kita ng buhay!"

" Siya ba 'yung naikwento mo na ipinalit sa'yo ng asawa mo? She's pretty, huh!"

" Ang malditang 'yun?! Tss, parang hindi naman!"

" Sabi mo okay ka na, pero ibang-iba naman sa ikinilos mo kanina. Professional pala, ha?" natatawang tudyo ni Troy sa kaniya.

" Bakit, ano bang ginawa ko? Naging nice naman ako sa kanila kanina, ah?" maang-maangan niyang sagot.

" Mahal mo pa, 'no?"

Namula siya sa tanong na iyon ng binata. Hindi niya na mahal si Kyle at iyon ang nasisiguro niya. Dahil lang sa ego kaya tila may ka bitter-an pa siyang nararamdaman. Ngunit talaga ba kayang hindi niya na mahal ang lalaki o itinatanggi niya lang sa sarili?

**

" Why did'nt you tell me na si Maritoni pala ang client natin?" tanong ni Darlene sa lalaki.

" Actually, nagulat din ako noong una," tipid niyang sagot.

" I really can't believe! Small world!" bulalas nito. " But how can, Maritoni meet this guy? I mean, gwapo, mayaman at macho, but of course mas gwapo ka pa rin," anito na pinisil pa ang kaniyang pisngi.

Nairita siya sa sinabing iyon ni Darlene. Ngunit pasimple niyang sinipat ang sarili sa rear view mirror ng kotse.

" Change topic!"

" Why? Don't tell me, affected ka? Aminin mo nga sa akin, mahal mo pa ba siya?" diretsahang tanong nito sa kaniya.

" Pwede ba, Darlene?" inis niyang tugon dito.

" Answer me?"

" Okay, ihahatid na kita sa office may lakad pa ako."

" Where? Akala ko ba sabay tayong babalik doon?"

" Ikaw na lang, magkikita kasi kami ng barkada ngayon," aniya na sinimulan nang i-start ang kotse.

" Pero kanina nagmamadali kang umalis akala ko pa naman magkasama tayo," anito na may himig na pagtatampo.

" Ayoko na kasi na magtagal pa sa nakakairitang lugar na iyon!" asik niya.

Napatitig si Darlene sa kaniya ngunit hindi na ito nag usisa pa, malamang ay napansin nito ang pag bago ng kaniyang mood.

Simula kasi na makita niya ulit si Maritoni at ang lalaking kasama nito ay hindi na gumanda ang mood niya. Tila ba palagi na lang siyang naiirita. Hindi na rin siya gaanong makapag concentrate sa trabaho. Laging ginugulo ng dating asawa ang utak niya and he hates that feelings. Kaya naman para ma relax siya, kinontak niya ang mga kaibigan para makipag bonding sa mga ito. Tutal naman mula pa sa Amerika ay subsob na siya sa trabaho at tingin niya ay kailangan niyang mag relax muna kahit na sandali bago sumabak ulit sa panibagong proyekto.

Mula pa naman noon ay hindi naman siya nawalan ng kontak sa mga kaibigan. Kahit may kaniya kaniya na silang career ay hindi sila nawawalan ng time sa isa't-isa. Si Andrew na may sarili na ring pawnshop business. Si Alex na may sarili ng bar na isa siya sa mga singer at guitarist at madalas nilang pagtambayan ng barkada tuwing mag ba-bonding sila. Si Jeero na isa nang seaman at si Micoy na isa ng Prof. sa isang unibersidad.

" Pare!" bulalas ni Alex nang salubungin siya.

" Nice!Ang daming costumer,ah? Teka nasaan na sila?"

" Ahm, sina Andrew at Micoy on the way na. Si Jeero naman hindi makakapunta."

" Ang daya talaga ng taong iyon. Noong nakaraang pagkikita natin hindi rin siya nakarating," aniya na si Jeero ang tinutukoy.

Naupo sila sa okupadong lamesa. Agad na nagpadala si Alex ng ilang bote ng alak sa lamesa at pulutan. Agad niyang kinuha ang isang bote, binuksan at tinungga ng walang patid.

" Intindihin na lang natin siya, pre. Alam mo naman pag seaman, medyo busy."

Napansin nito na agad niyang naubos ang isang bote.

" Whoa! Ano yan, pre? Lakas mong uminom, ah? Teka, may problema ka 'no?" bulalas nito.

Sa tagal niyang pamamalagi sa Amerika na halos araw araw ay walang patid ang pag inom niya ng alak. Lalo na ngayon na nagkita ulit sila ni Maritoni na tila muling ginulo ang nakakalimot niya na sanang puso.

次の章へ