Marcus'
I observed everyone here at the bus including the bus driver who's weirdly wearing a mask, tiger mask to be exact he's just weird for me. Halos lahat ng narito ay from school namin, siguro by school ang hatiaan ng bus mayroon ring bus na nasa unahan namin at likuran and if I'm not mistaken baka papunta rin sila doon sa venue.
I want to join here because we're suffering financially I think I'm good enough at games na rin naman that's why may chance akong manalo, if ever na hindi palarin at least ay nag enjoy ako with my friends.
On the first row there's Simon and Shane sitting together, something is really up to them but I don't know they fought ata, they're siblings by the way. Shane is one of my closest girl friends sa school, she always show us how caring she is, she's like a sister to me. Beside her is Simon that dude is the school president after the late press died he take over the position and rule the school the way he wants in a good way, better than Sandro did.
Sa likod naman nila ay si Winter and Yena, habang sa ikatlong row ay sina Whaelan at Sabrina. Whaelan is the most easy go lucky guy on this bus, he is also Shane's childhood friend. Ms. Conyo Sabrina was there too, mahilig s'ya mag conyo kung mapapansin to that's what made her unique, she always show her affection to us by...
Hitting, throwing random things and slapping our faces she's so kind right? Katapat naman nina Simon si Jade solo lang siya room, no one wants to sit with her because she's a bully some of them are li'l scared of her.
But for me she's not that worst. May problema lang rin siguro s'ya kaya n'ya nagagawa 'yon.
Her target is always Brie the one who's quite and giving us a nerdy vibes, like Jade no one wants to be friends with her because she's a nerd, for me she's not. She reminds me of my bookworm sis.
In the other hand there's Amanda sleeping, she's everyone's favorite because of she's kinf, sweet and has a bubbly attitude she's academically active no wonder bakit ang daming humahanga sa kanya.
At back katapat naman ay sina Drix, we all know who is he. He's the class clown together with Kaito even tho he jokes a lot he manage and control his attitude when in a serious times. Beside him is Xhyna she's famous for winning the pageant consecutively 3 times but she failed this time because the lady on her front won.
"Hey do you have lighter?" Nabasag ang katahimikan ko ng magsalita ang katabi, "No, I don't smoke." Nakangiti kong sagot, ayoko sa usok at lalo na sa amoy ng sigarilyo. "Hala hindi may aapuyan lang ako mamaya paglabas." Natatawang saad ng binatilyo.
He's Dexter from the other class I heard a lot about him saying he's really smart etc etc. "Ahh, hehe wala rin." Biglang huminto ang aming sasakyan, narito na ba kami? "Wow." Dinig saad ni Drix habang nakatingin sa bintana. Ito ay isang malaking
Pader?
At
Gate?
Bumukas ang napakalaking gate at saka pinasok ang bus, matatanaw ang malawak na gubatan sa paligid game event pero gubatin ito?
Nakakita rin ako ng kubo kanina sa may liblib na parte may daraanan din kaming napakalawak na grass field.
Napasandal ako, ang lapit na namin.
Isa itong city kung saan may iba't ibang pasilidad at maliit na bahay, may convenient store rin kaming nadaan, kalsada, parke at kung ano-ano pa.
"Mas malaki pa sa school natin amputa." Rinig ko ang boses ni Whaelan habang nakatayo at pinagmamasdan ang malaking bahay. May hagdan sa bukana nito at 'di mawawala ang eleganteng pinto.
Sobrang laki talaga ng kung ano man ito. Pinababa kami ng driver at pinaalalahanang pumasok na sa loob.
Ang pinagtatakahan ko lang ang nasaan ang ibang kasali? Iisang bus nalang ang nakita ko simula ng may nilukuan kami at ngayo'y narito na kami wala kaming ibang kasama kundi ang mga schoolmates namin?
Nag expect ako ng iba pang grupo mula sa iba't ibang paaralan.
"What's that?" Puna ko kay Whaelan, he's holding a small red box. Marahan n'ya 'tong binuksan, revealing an elegant silver moon necklace with some diamonds on it. "Ohhh, cool. Para kanino 'yan?"
"Secret, hihi." It was a necklace. It kinda reminds of the necklaces his wearing, wolf. Balak ata n'yang ibigay ito sa kung sino para parehas silang may ganon.
Sanaol.
"Shet ang laki." Manghang sabi ni Kaito habang naka akbay kay Drix, "Grabe naman kalaki 'yan d'yan ba maglalaro? Muntik ng gawing Mall e." Puna naman ni Kier sobrang laki nga naman ng bahay, napukaw ang atensyon ko kay Eman na naka headphone pa rin at dire-diretso sa hagdan malawak na hagdan, paakyat ng pintuan. Inabot rin s'ya ng minuto bago makaarating sa pinto at sabay sabing "Tatayo nalang ba kayo dya–"
Laking gulat namin ng biglang bumukas ang pintuaan at iniluwa noon ang mga helpers ata kung hindi ako nagkakamali nakasoot sila ng asul at gold na uniform. "Hoy–!" Hindi na naman natuloy ni Eman ang sasabihin n'ya ng kunin ang headphones nito. "Welcome kids,"
"Did that dude really call us kids?" Bulong ng nasa likod ko kung 'di ako nagkakamali ay si Cedrick iyon "Oo mukha ka daw kinder." Pagsangayon pa ng kasama n'yang si Yoshi. "Tomorrow is the official start of our game, so you better rest and eat as much as you can enjoy your first night." Malayo ngunit tanaw kong nakangiti ang babaeng nagsabi nito. Marahan naglakad ang lahat habang si Whaelan at Amanda ay balak pa ata mag karera. "Neknek mo first!" Sigaw ni Amanda na ngunguna.
Ma, pa, ipapanalo ko 'to para sa inyo. I'll be the last man standing on this house.
Kaito's
"Gago tol ano 'yon receptionist?" Takang tanong samin ni Drix ng ibigay ng babae sa may bungad ang susi ng kwarto namin kuno. "Aba malay ko gunggong." Ang laki pala talaga nito. Iba talag mabored mga mayayaman bigla bigla papagawa ng bahay tapos charan kids laro na kayo. "Sinong roommate mo?" Tanong ko sa babaeng nasa gilid ko, tahimik lamang siya ay naka yuko.
"Wala." Ay cold era.
"Sino daw roommate ni Brie?" Ulit na tanong ni Drix, gago ba 'to? O sadyang bingi lang? "Lola n'ya daw pre." Hinampas niya 'ko sa balikat bago ko s'ya takbuhan, syempre dapat tumatakbo ang mga gwapo para ma stretch naman katawan nila, namin.
Nakarating ako sa binigay na room number napaka elegant naman nito. "11 - 11." eleben eleben? O one one and one one, pwede ring two ones and two ones hay buhay.
"May dalawang kama roon tig-isa kayo hijo, pwede kayong tumawag kung may kailangan pa kayo pero hanggang 5pm to 10pm lang ang aming service. " Tumango nalang ako sa kanya sabay ngiti bukod sa pagkain ay wala na naman akong kailangan. Pag pasok ko'y bumungad ang napakalaking kwarto at may malawak na kama.
Grabe dati banig banig lang kami nung araw...
Joke.
"Ligo muna 'ko bago bumaba." Aniya ni Drix na walang habas na nilagpasan ang kagwapuhan ko. "Wag ka malulunod sa tabo ha?" Paalala ko bago ibagsak ang katawan sa kama, ang buhay ay kain at tulog lamang.
Binuksan ko ang cellphone at subukang mag bukas ng social media para mag update sa mga fans ko joke wala ako no'n. Huh? Bakit walang signal? Ay agoy. Nai-bagsak ko nalang ang cellphone ko, sabagay physical games naman ang lalaruin namin bakit pa kailangan ng cellphone.
"Huy–" Laking gulat ko ng may tumutok na pulang ilaw sa kamay ko, hala mukha ba kong pusa para habulin 'yon? Sinilip ko ang salamin na bintana ay wow kakaiba ata ang korte ng bahay na ito dahil natanaw ko sa malayo ang katapat na bintanang may hawak na laser light iyon at si Brie wow ha. Kinawayan ko siya ngunit parang ayaw n'ya pa mag hi pabalik. Itinaas niya ang kamay niya hanggang balikat at maliit na kumaway.
"Hoy ginagawa mo sa buhay mo?" Gulat naman akong napatingin kay Drix na nagpupunas ng buhok,
"Gago tol astig may bathtub."
"Eh?"
"Oo nga."
"Grabe pangarap ko talaga makakita ng bathtub simula bata ako."
"Gago same, samin kasi planggana planggana lang e."
"Bili ka nalang ng bagong pamilya iyong bibilhan ka ng bathtub."
"Siraulo."
Napaupo naman akong muli sa aking kama, "Pre si Brie ba 'yon?" Tanong niya sa akin, "Hindi tol, reflection mo lang 'yan." Sinamaan n'ya naman ako ng tingin, nagkakaway ito na parang kumakaway sa kapamilyang galing abroad. "Tol bakit may laser 'yon?" Nag kibit balikat nalang ako, kasi hindi ko naman alam. "Ang LT nung bathub nakakaabno,"
"Abno ka naman talaga 'di mo na kailangan pang mag paliwanag."
"Namo eh."
"Una na muna ako mangbuburaot muna sa ibang kwarto." Paalam ko sa kanya. Una kong pinuntahan ang kalapit na kwarto 11 10, ayos ah kagaya lang din ang pinto sa amin syempre may bahay ba na iba iba ang kulay at disenyo ng pinto?
Syempre meron.
Hindi ko lang alam kung kanino 'to, pero dahil chismoso ako ay pupuntahan ko na rin makilala ko naman ang mga kasali kaya di masamang mag feeling close sa mga ito.
Kumatok ako ngunit walang sumasagot, busy ata o 'di kaya'y naliligo ang tao roon. Paalis na sana ako ng makarinig ng kakaibang tunog mula rito, muli kong hinarap ang pinto at dahan dahang lumapit. Ano naman kaya iyon, mas dinais ko pa ang tainga ko rito kakaiba talaga ang tunog parang..
"Hey?? Is anybody okay here? Kailangan mo ba ng tulong?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang tunog ng parang nagsusuka, patuloy ko itong kinatok. Medyo nag panic na ako ng walang sumagot bagkos palakas ng palakas ang tunog ng pagsusuka. Mas kinalampag ko ang pinto ngunit wala paring lumalabas o 'di kaya'y nagaabalang bumukas nito. Nakalock rin ito kaya imposible ko itong mabuksan, "Hello! Ayos ka lang?"
Nagaalala at nagtataka na ako sa kung anong nangyayari sa loob siguro kailangan ko na tumawag ng tulong sa baba. dalawang kwarto lang ang naririto sa area na ito hindi man kalayuan ang pagitan ng ibang kwarto rito ay kailangang tulong ng matanda ang hingin ko, patakbo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at–
"Jade?"
Dali-dali akong lumapit rito, nakadapa ito sa tapat ng kanyang pintuan kung tama ang hula ko'y pinilit n'ya itong buksan sa kabila ng paghihirap nito "Ano'ng nangyari ayos ka lang ba? Nag-aalalang tanong ko may dugo ang mga labi nito, "Help me to stand dum–" Hindi n'ya na naituloy ang sasabihin ng muli siyang umubo, hinawakan ko ang likod nito at dahan dahang inalalayan upang makatayo at maglakad paunti-unti papunta sa kanyang kama.
Kung 'di ako nagkakamali ay solo ang kwarto na ito dahil iisa ang bed at ang mga gamit ay pang single na tao lamang, binalik ko ang atensyon ko kay Jade. Napaka hina ng hitsura niya. "M-my meds, faste- ugh.." muli na naman itong napaubo. kaagad kong binuksan ko ang bag niya at hinanap ang kung ano mang meds na sinasabi niya
"Saan?"
"On the first compartment."
Binuksan ko nga ito, 'di ko makita jinojoke time ba ko ng babaeng 'to? Masyadong malalim ang parteng ito pero may nakapa ako dahil sa panic ay wala na kong inisip kundi ang kunin ito at iabot sa kanya ngunit sapok lang ang natanggap ko mula rito.
"Bitch what the? HOW WILL I SWALLOW A DAMN TAMPON?" Sigaw nito, ano baaaa malay ko baaaaa. Natataranta na 'ko ang bilis narin ng paghinga ko maya maya pa ay may nakapa na naman ako and this time sigurado akong ito na 'yon.
"Ay nyemas naman." Kinuhanan ko siya ng tubig mula sa dispenser at inabot ang lagayan ng gamot. Inalalayan ko siya umupo sabay ang biglaan kong pagluhod sa sahig dahil sa sobrang kaba. Isa dalawa tat– tatlong gamot ang sabay sabay niyang nilunok. Napahawak bigla ako sa noo kong pawis na pawis, kasi naman sobrang kaba ko na kanina akala ko bigla nalang mag luluwa ng bata 'tong si Jade.
Napapikit siya at lumagok muli ng tubig, napaka gulo ng buhok niya kahit nakalugay pa ito. Marahan ko itong hinawi ngunit–
"Hey don't be so nice to me," Masama ang tingin niya sa akin matapos hampasin ang kamay ko. "So..sorry." Bakit ata parang kasalanan ko pa. Anak ka naman ng kamote oh. "Sorry my foot, also don't you ever tell anyone about this," Dinuro-duro niya ang noo ko na ikinainis ko ano bang problema niya bakit parang walang utang na loob ito "Not even in one person." Sabay tulak sa akin palayo dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Tumayo siya at lumapit sa pinto, tinuro niya ang labas senyales na kailangan ko na lumayas "Now leave. I don't wanna see you here again." Agad akong tumayo at pinagpagan saka tumango, halos uminit ang dugo ko sa inaasta niya na parang three seconds ago ay hindi siya humingi ng tulong sa akin. Ganon ba kahirap mag thank you? Napaka kapal.
Lumakad ako papalabas at pabagsak niyang sinara ang pintuan at maririnig mo rin ang pag lock nito. Dahil sa inis ay nasipa ko ang pintuan niya, don't expect me to help you again Jade you mess up with my kindness.