webnovel

KABANATA 8

Why is he holding a broken glass?

Hindi mapigilan mapa tanong ni Hera sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kaniyang amo. Duguan ito at may hawak na basag na bote. Hinihingal at puno ng pawis ang katawan nito. Maliban sa magulong silid at mga nagkalat na mga gamit, ang sitwasyon ngayon ng lalaki ang mas nagpapa bahala sa kaniya.

Napalunok na lang si Hera nang paulit-ulit at nilibot ang paningin sa loob ng silid. Ito ang pangalawang beses na nakapasok siya sa silid ng kaniya amo. Noong una ay noong nagdala siya ng tubig para sa lalaki. Malaki ang silid nito at puno ng mamahaling gamit. Pero ang mga mamahaling gamit na iyon ay ngayon ay mga sira na.

Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Matatakot ba siya, magugulat o magagalit. Hindi niya alam kung bakit nagwawala na lang bigla si Lucas. Wala namang sinabi si Bryle sa kaniya tungkol dito. Dapat nga ay tawagan niya ang lalaki ngayon pero wala naman siyang load. Litong-lito na siya at hindi alam ang gagawin.

Hindi na rin naman puwede na basta na lang siya lumapit sa lalaki. May hawak-hawak itong basag na bote at mukhang lasing pa. Sa lalaki ata galing ang mga daing at sigaw kanina. Nababaliw na ba ang kaniyang amo? Dahil ba ito sa papalit-palit niya ng mga babae araw-araw? Hindi niya alam, at wala rin siyang plano na alamin kung bakit nagkaganito ang kaniyang amo.

Ang nasa isip lang ngayon ni Hera ay tahimik na pagmasdan ang lalaki. Lalo na at mukhang mali ang kaniyang hinala na may nakapasok sa mansyon. Pagmamasdan lang niya ang lalaki hanggang sa kumalma ito at siguraduhin na walang masamang mangyari sa kaniya, lalo na at may hawak-hawak itong matalim na bagay.

Imbes na manatili sa kaniyang kinaroroonan ay dahan-dahan na naglakad si Hera papunta sa likod ng malaking lampara. Doon siya nagtago at pinagmasdan ang lalaki na mukhang na estatwa na nga sa kaniyang kinatatayuan.

"Fuck!" Napaigtad na lang si Hera nang bigla na lang magmura ang lalaki nang napakalakas. Dumaing ito na para bang nasasaktan ito at napa sabunot sa sariling buhok. Ramdam ni Hera ang sakit na nararamdaman ng kaniyang Amo dahil sa klase ng pagdaing nito. Just listening to his groaning makes Hera think that he has been suffering from pain.

Napalunok na lang siya at hindi mapigilang maawa sa lalaki. Ang kaniyang katawan ay nagsimula na namang manginig. Gusto niyang lapitan ang lalaki takot na baka ay masaksak nito ang sarili pero natatakot din siya na baka ay may gawing masama sa kaniya ang lalaki.

Pero kahit na anong sabihin niya sa kaniyang sarili na hindi siya lalapit sa lalaki ay nababalewala lahat ng iyon. Hindi alam ni Hera pero habang pinagmamasdan niya ang lalaki na dumadaing sa sakit ay parang pinipiga ang kaniyang puso at hindi siya makahinga nang maayos.

Kaya imbes na manatili sa kaniyang kinaroroonan at pagmasdan lang ang kaniyang Amo na halos mamatay na sa sakit ay naglakas loob siya. Tumayo si Hera at nagsimulang maglakad papalapit sa lalaki pero bago pa man siya makalapit ay bigla na lang tinapon ng lalaki ang hawak-hawak na bote dahilan ng paglikha ng malakas na ingay. Napasigaw si Hera dahil sa gulat at kaagad na napatuptop ng kaniyang bibig.

Nang dahil sa kaniyang pagsigaw ay natigilan ang lalaki at napatingin sa kaniya. Kumabog ang puso ni Hera nang napakalakas. Nagtama ang kanilang paningin at napalunok na lang siya ng kaniyang laway sa pinaghalo-halong kaba at nerbyos. Nagkatitigan lang silang dalawa na para bang wala silang nakikitang iba kung hindi ang sarili lang nila.

Ang maputla at walang kulay na mga berdeng mata ni Lucas ay ngayon ay nabahiran na ng sakit at iba pang emosyon na hindi niya mapangalanan. Mas lalong nagwala ang puso ni Hera nang makita ang mga tuyong luha sa pisngi ng lalaki at sa gilid ng mga mata nito. Parang umiyak na ang lalaki sa sobrang sakit ng nararamdaman nito.

Hera doesn't know why but she felt like her heart just died while staring back at him. His condition is the worst. Walang alam si Hera kung bakit nagkaganito ang lalaki. Hindi niya rin alam kung saan sa parte ng katawan nito ang masakit. Dagdagan pa na duguan ito, mas lalong na blangko ang kaniyang utak at hindi alam kung ano ang gagawin.

She doesn't even know how to calm him down. Wala naman kasing binanggit si Bryle sa kaniya at isa pa, ngayon lang nangyari ito. Sa mga araw na nakatira siya rito ay kahit kailan ay hindi nagwala si Lucas. Dahil ba ay wala itong kasamang babae ngayon? Pero imposible naman na iyan ang dahilan kung bakit ito nagwawala. Hera has the feeling that it's somehow more deeper than that... Perhaps was it related to what Harriet had told her?

Na kahit anong mangyari ay huwag siyang lalapit sa lalaki? 'Yon ba ang mga salitang hindi nito natapos sabihin sa kaniya?

Napaawang na lang ang kaniyang labi kasabay nang pag iling-iling niya ng kaniyang ulo. Parang puzzle pieces ang lahat at nagsimulang magdugtong-dugtong sa kaniyang isipan. Ayaw niyang maniwala pero mukhang ito ata ang pinapahiwatig ni Harriet sa kaniya kanina.

Nagsimulang manginig ang kaniyang buong katawan sa takot kasabay nang paghakbang niya pabalik. Tuluyan na ngang humarap ang lalaki sa kaniya at nagsimula ring humakbang papalapit. Kung puwede lang siguro sumabog ang puso sa sobrang kaba ay baka kanina pa sumabog ang puso ni Hera.

Kanina ay puro awa lang ang nararamdaman niya sa lalaki pero ngayon ay takot at kaba na lang. Ang mga walang buhay na mga mata nito kanina ay mas lalong naging malamig at dumilim. Ngayon ay nagsisisi na tuloy siya kung bakit hindi siya tumakbo kanina palayo at hinayaan na lang ang lalaki na magwala.

Napasapok siya ng kaniyang ulo at bago pa man makalapit sa kaniya ang lalaki at maging huli na ang lahat ay kaagad na tumakas siya. Sobrang laki ng tuwa na kaniyang naramdaman nang hindi pala niya na sarado ang pinto. Kaagad na tumakbo si Hera papunta sa labas at nang malampasan na niya ang pintuan at sumalubong na sa kaniya ang labas ay nagsimula siyang magdiriwang sa kaniyang isipan. Pero ganoon na lang ang pagtigil ng kaniyang puso nang may humawak sa kaniyang braso at hinila siya pabalik sa loob.

"Ah! Bitiwan mo ako!" Wala ng pakialam si Hera kung Amo niya ang pinagsusuntok niya ngayon. Ang gusto niya lang ay ang makalayo sa lalaki kahit na kailangan niya pang saktan ang magandang katawan nito. Dahil sa kaniyang pagiging malikot ay marahas na tinapon siya ng lalaki sa kama nito.

Tumalbog ang kaniyang katawan at kahit na malambot naman ang kama ay hindi niya pa rin mapigilang makaramdam ng sakit. Partikular na sa kaniyang likod at siko na nasapol ng isang matigas na bagay na hindi niya alam kung ano.

"Fuck, you're noisy." Mabilis na napamulat si Hera ng kaniyang mga mata nang marinig na nagsalita ang kaniyang amo. Pagkamulat niya ng kaniyang mga mata ay sumalubong sa kaniya ang nakakunot noong mukha ni Lucas. Nakahawak ito sa kaniyang ulo at may nakalukot na mukha. Just looking at his expression makes Hera confirmed that he's finally conscious on what was happening around!

"S-sir... Pakawalan mo po ako," pagmamakaawa ni Hera sa kaniyang Amo at sinubukang bumangon pero mabilis na hinawakan siya ni Lucas sa magkabila niyang pulso at inipit ang kaniyang katawan gamit ang walang ka saplot-saplot na katawan nito.

"What are you talking about? Didn't you come here to have sex with me too?" he muttered sarcastically and stared at Hera blankly. Natigilan si Hera dahil sa sinabi ng lalaki kasabay nang pag-awang ng kaniyang labi dahil sa kalituhan.

"P-po? A-ano po ibig niyong sabihin–"

"Hmp!" Napadaing si Hera sa sakit nang mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniyang magkabilang pulso.

"Don't play innocent here. I know you're just like them. Acting innocent so you can get my attention," galit na wika ni Lucas sa babae at nagsimulang halikan ang leeg ni Hera. Mariin siya na napapikit ng kaniyang mga mata dahil sa takot at nerbyos na kumakalat sa kaniyang puso.

"S-sir, hindi ko po talaga alam sinabi niyo–" Tinulak niya ang lalaki para maalis ito mula sa pagkakadagan sa kaniya pero dahil sa kaniyang ginawa ay mas lalo lang naging malala ang kanilang posisyon.

Binitawan ng lalaki ang isa niyang pulso at pinaghiwalay ang kaniyang mga hita. At dahil baka bestida lang siya ay kaagad na lumitaw ang kaniyang mga hita. Hinawakan iyon ng lalaki at hinaplos-haplos na nagpatayo ng mga balahibo niya sa katawan. Ginamit ni Hera ang isa niyang kamay para patigilin ang lalaki pero mas malakas ito sa kaniya. Gamit ang malaki nitong palad ay hinuli nito ang kaniyang dalawang pulsuhan at inipit gamit ang kaliwang palad nito.

"Shut up! I know you're just like them. Moving won't do any good. It's better if you just submit to me." Nagsimulang manubig ang kaniyang mga mata sa kalagitnaan ng kaniyang pagpupumiglas sa lalaki. Natatakot siya na baka ay puwersahan na makipag talik ang lalaki sa kaniya.

Alam ni Hera na lasing si Lucas, dahil na rin sa naamoy niya ang matapang na amoy ng alak na nagmumula sa lalaki. Pero kahit na ganoon ay wala pa rin ito g karapatan na itrato s'ya ng ganito. Hindi niya naiintindihan kung ano ang pinagsasabi ng lalaki pero isa lang ang gusto niya ngayon, ang makawala sa lalaki at matigil ang paghawak nito sa kaniyang katawan.

Tumigil si Hera sa pagpupumiglas at humanap ng tyempo. Nang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniyang pulso ay kinuha ni Hera ang pagkakataon na iyon at tinuhod ang gitna ng lalaki. Malakas na napadaing ito sa sakit at napalayo sa kaniya. Hindi pa nakuntento si Hera at kaagad na dinampot ang matigas na bagay na nasa kaniyang tabi at hinampas ang ulo ng lalaki.

Sa sobrang lakas ng kaniyang paghampas sa lalaki ay nawala ang malay nito. Natumba ang lalaki sa kama na para bang patay na ito. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ni Hera at napatingin sa bagay na ginamit niyang panghampas sa ulo nito. Napalunok siya nang paulit-ulit nang makita na isang box pala iyon na gawa sa isang matibay ay matigas na kahoy.

Mas lalong nagwala ang kaniyang puso nang makita na may bahid na maliit na dugo doon. Napakagat na lang siya ng kaniyang labi at napaiyak. Bumangon siya paupo at kaagad na lumapit sa lalaki. Itinaas niya ang kaniyang nanginginig na kamay at tiningnan ang parte ng ulo nito kung saan niya ito hinampas. Nakahinga nang maluwag si Hera nang makita na maliit na sugat lang pala iyon at hindi ganoon kalala.

Nang makalma na niya ang kaniyang sarili ay dali-daling siyang umalis sa silid ng lalaki at bumalik sa kaniyang kuwarto. May mapait na ngiti siya sa kaniyang mga labi.

Sigurado siya na wala na siyang trabaho bukas dahil sa nangyari sa gabing ito.

次の章へ