webnovel

Chapter Twenty-Nine

Monday morning and Zev was awakened by the loud noise of her cellphone, sinagot niya ang tawag na 'yon at narinig niya ang boses ng Mommy niya mula sa kabilang linya. "Buenos Dias, ¿Como esta  (Good morning. How are you) Are you alright, Hija?" Bati at tanong niya.

"The question is: Are you?" Balik tanong ng mommy niya.

"I'm exhausted and dehydrated, Mom" pag-aamin niya. Oo, hindi na niya kaya. Ano pa ba ang magagawa niya kung wala na siyang lakas. Sana mapatawad siya ng magulang niya sa planong nakabuo na sa kanyang isipan.

Mula sa daang milya, ang pag-buntong hininga ng mommy niya ay narinig niya sa kabilang linya. "I don't want to talk about the death of your boyfriend, it gives us a nightmare also, but if you need a mother, a neighbor, a friend, I assure you that I'm always here, that's one of my responsibility. Don't hesitate to tell me your problems. But if you feel you lost interest in sharing your problems, then, I better understand you, but I'm always here, Hija," she said in a voice that shook with emotions.

She said nothing. Napansin nga nito 'yon kahit hindi nito nakikita ang hindi interesadong hitsura niya. Alam nito na ayaw niya ang kausap, at mas lalong ayaw nitong pag-usapan ang tungkol kay, Reese. Kaya walang magawa ito at iniba na lang nito ang paksa, ibinalita nito sa kanya ang nalalapit na selebrasyon para sa kanyang pagtatapos.

It would unbearable for them dahil alam ng dalaga na hinding-hindi na niya maabot ang araw na 'yon. Pero sinabihan niya ang Mommy niya na darating siya sa eksaktong alas dos ng hapon sa Miyerkules.

God forgive me for the lies. Sana mapatawad nila ako, hindi ko sinadyang pina-asa sila. I don't deserve to live anymore. She whispered.

She felt the pain as she held the cellphone closed to her chest. Her heart pounding in her ears. Pakiramdam niya ay may kutsilyong humiwa sa puso niyang pagod na.

Pagkatapos nilang mag-usap ng Mommy niya ay sumagi sa isip niya ang pamilyang Medel na tila walang balak ang mga ito na hanapin ang bangkay ni Reese, o parang may alam ang mga ito at hindi sinabi ng mga ito sa kanya. Sa huli ay desido siyang tawagin si, Matt.

"Oh, bakit?" Namamaos pa ang boses nito halatang kagigising lang ng binata.

"Matt, gusto kong isipin na hindi namatay si, Reese." Wala sa loob na sambit niya.

"H-huh?" Gulat na usal nito mula sa kabilang linya. "What made you think na buhay pa siya?"

"Tell me isa ba ito sa mga trick ni  Reese?" She insisted iniisip niyang baka gumawa ng drama ang binata. Pero paano nga kung totoong namatay na ito. Ewan hindi niya alam kung saan pumabor, sa positibo ba o sa negatibong konklusyon niya.

"H-hindi kita naiintindihan." Nagugulumihang usal nito.

Parang nakikita niya ang hitsura nitong nagugulat, nagugulat dahil sa kabila ng trahedyang narinig niya, trahedyang ibinalita sa kanya ng mga Medel ay may bahagi pa rin ng utak niya na naniniwalang buhay pa si, RK. Malamang ay hindi niya matanggap ang pagkawala nito. At sino ba naman ang magiging masaya sa ganoong klaseng sitwasyon. Wala, wala.

"This is a big story to tell. Alam mo ba 'yon. Matt, dapat sa ngayon ay nakikita na nila ang bangkay ni, Reese. Hindi naman sa fresh water nito ilulunod ang sarili." Nagduda na talaga siya, pero hindi niya kayang baguhin ang desisyon niyang magpakamatay dahil buo na ang desisyon niyang 'yon.

Hindi agad nagsalita sa kabilang linya si Matt na tila iniisip pa nito ang susunod na sasabihin, bago pa ito magsalita ay ibinaba na niya ang cellphone niya.

Bakit may kutob siyang buhay pa si, Reese? Bakit hindi siya naniniwala sa balitang wala na ito. Bakit nagduda siya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Siguro nga ay dulot 'yon ng kalumbayan niya.

Bumilis ang tahip ng dibdib niyang humakbang patungo sa banyo. Samut-saring isipin ang naglalaro sa utak  ng dalaga habang bumubuhos ang tubig sa mukha at katawan niya. Mabilis niyang tinapos ang pagliligo, sa loob ng kinse minutos ay nakabihis na siya.

Bumaba siya at umupo sa isang single sofa sa sala. Pinagmasdan niya ang mamahaling singsing na kumikinang dahil sa repleksiyon ng ilaw at ang hugis pusong bato. Katabi niyon ay ang nakakamatay na lason na binili niya.

Tears welled in her eyes, she cried. Gusto ng dalaga ang dumaan sa Mansion ng mga Medel bago ang kanyang flight alas kuwatro ng hapon sa araw na 'yon.

Lumabas siya at agad niyang pinara ang dumadaang taxi. Salamat dahil hindi pa ma-traffic. Mabilis siyang nakarating sa Medel's residence.

Ang katulong ang nagbukas ng pinto para sa kanya may bahid din ng lungkot ang mukha ng ginang. Dahil siguro 'yon sa pagkawala ng anak ng amo nito. "Si Tito?" agad na tanong niya rito. She had to look away para kontrolin ang luha niya sa pagpatak.

Hindi rin niya maiwasan ang pagninikip ng dibdib niya. Sumakit din ang ulo ng dalaga dulot marahil ng pagpabasa niya sa ulan at pagtulog sa labas buong magdamag.

Sa halip na sumagot ang katulong ay nilakihan nito ang pagbukas ng pinto. Pumasok siya sa loob at dumiretsong pumanhik sa itaas, saka dumiretso sa silid ni Reese.

Pagbukas niya ng pinto isang nakakatakot na lamig ang yumakap sa kanya, hindi niya alam kung saan galing 'yon, wala namang nakabukas na dingding.

Mga picture frame nila ni Reese ang nakita niya. Katahimikan at lamig ang naghari, at hindi niya alam kung saan nang-galing ang kakaibang lamig na yumakap sa kanya na nagpapatindig sa mga balahibo niya. Nakaramdam siya ng takot. Ngunit mas nanaig ang sakit na tumutupok sa damdamin niya at sa buong pagkatao niya. Sakit na hindi kayang gamutin ng ano mang klaseng gamot.

Nagulat siya ng biglang nahulog ang isang picture frame. It was shattered on the floor. Yumuko siya para pulutin ang basag na salamin. "Damn!" mahinang mura niya at nasundan iyon ng "Ouch!" nakatingin siya sa nasugatang hinlalaki niya. A fresh blood oozed from it. She didn't mind it.

Wala sa kanya ang sakit na idudulot ng sugat niyang iyon. She's been attacked and victimized by a different kind of pain, and it became her friend. Pero palagi siyang umiiyak sa tuwing naalala niya si Reese, it was the pain caused by their memories that always struck right in Zev's heart.

Sinisigurado ng dalaga na sa susunod na araw ay wala na si Zev. Her name will become memories, her name can only be heard through the walkers who talk about her, sa lapida na lang ng kanyang libingan mababasa ang pangalang 'Zev'.

Sa huling pagkakataon ay inoobserba niya ang kabuuang silid ni Reese. The room that witnessed their great love to each other, sa huling pagkakataon ay hinagkan niya ang picture frame nila ni Reese. Ang saya-saya nila roon.

Nahihiling niya na sana ganon sila kasaya sa susunod na buhay nila sa ibang mundo. Mapait siyang ngumiti at lumabas na. Ang paglabas niya sa silid nito ay nagdulot ng kakaibang hapdi sa kanyang dibdib. Mas lalong naglandas ang mga luha niya nang isinara niya ang silid ni, Reese.

Nakayuko siyang bumaba. Sa sala ay nakita niya ang lola ni Reese, like Don Carlos, nakikita niya ang matinding lungkot sa mga mata nito, at sa mukha nito. Hinalikan niya ang pisngi nito at umupo sa isang bakanteng sofa.

"Oh, Hija! Como esta? (How are you.)"

"Muy bien, Gracias, Y usted? (I'm good, Thank you, How about you)" sagot at magalang na tanong niya.

"No demasiado bien (I'm not feeling well.)" Ang hindi masiglang sagot ng matanda sa kanya.

Noon pumasok ang isang katulong na dinalhan ng gamot at tubig ang matanda. She's in pain too. She lost her only grandson and that was unbearable.

"Lola nakikita na ba nila ang bangkay ni-" hindi na niya kailangang banggitin ang pangalan ni, Reese. Nagkatinginan ang matanda at ang katulong na parang hindi alam ng mga ito ang sagot sa tanong niya.

Bakit? Tanong niya sa sarili. Gusto niya ang mag-usisa pero kahit ibuka niya ang kanyang bibig ay hindi niya magawang magtanong tungkol kay, Reese.

"Where's Tito by the way?" She asked, changing the subject.

"Kasalukuyang nasa Thailand Hija." Sagot ng matanda.

Thailand? She whispered asking herself. How about Reese corpse, hahayaan ba lang ng Don ang bangkay nito at hindi na ito masilayan o makita habang buhay ang bangkay ng kaisa-isang anak. Napailing siya dahil sa disappointment na nadarama niya. Bago pa siya magtanong ng kung ano-anu ay nagpaalam na siya.

Something's wrong at kung ano man 'yon ay hindi pa niya alam kung paano siyasatin at sagutin ang sariling mga katanungan.

PASADO alas nuwebe pa lang ng umaga at kailangan niya munang bisitahin ang paboritong lugar ni, Reese, Nakita niya 'yon sa gallery ng cellphone ng binata, at alam niya kung saan 'yon. 'Yon ang lugar na palaging pinuntahan ng binata kapag nalulungkot ito, malayo 'yon sa Mansion ng mga Medel. Katabing dagat ang lugar na 'yon at maraming batuhan. 'Yon ang lugar na kung saan pumunta si Reese noong nalaman nitong niloloko ito ni Nicky. Habang walang kibong umupo aa backseat ng taxi si Zev ay In-on ng taxi driver ang stereo at pumailanlang ang awitin ni French Montana.

Cause you are unforgettable. Why did you have to go.....

Napamurang Ipina-off niya ang stereo dahil sa ngayon ay ayaw na ayaw niyang mapakinggan ang mga ganoong klaseng kanta dahil mas pinalala niyon ang sakit na nasa dibdib niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang pagkatao niya.

She would die for him, at desido na siya ngayon. Hinayaan ng dalaga ang paglandas ng mga luha niya. She's born like a Rose, bloom like its flower, but now she's glass and she's fragile, shattered, and trembling of pain.

Hindi na niya magawang magreklamo ngayon, this was her fate. A fate that gave a terrible shock and frightened her soul, so horribly sobering to her innocent soul.

No matter how she overpower it, no matter how hard she tried to resist it, it comes, it destined to be her. This was her fate.

次の章へ