webnovel

His Eyes - 2

"Gusto mo ba talaga malaman kung bakit ko tinatakpan ang mga mata ko?" Bigla akong napatingin sa kanya.

Seryoso? sasabihin niya na sakin?

Ayokong pilitin siyang magkuwento kahit na gustong-gusto ko malaman. Kaya hindi ako nakasagot. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Siya ang unang nag-iwas ng tingin.

Ngumiti ito ng pilit bago nagsalita. "Alam mo, dito kami huling naging kumpleto ng pamilya ko. Ang saya-saya namin noon. Naglalaro pa kami ng buhangin, gumagawa ng sand castle."

Huminto ito saglit. "Pero nagbago ang lahat pagkatapos ng isang pangyayari. Pumalaot si papa nang hapon para may kainin kami sa hapunan, kaya lang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bigla kaming kinabahan ni mama kasi lumalaki na ang alon."

Tumigil siya at pumikit. Parang sariwa pa sa kanya ang pangyayari na iyon.

"Nagulat na lang ako dahil umiiyak si Mama. Nalaman namin na tumaob ang bangkang sinasakyan ni papa. Hindi ko alam ang gagawin kay mama, dahil simula ng mangyari 'yon ay hindi na siya tumigil sa pag-iyak." Napatingin ako sa mga mata niya. Noong una kong nakita ang mata niya, wala akong nakitang kahit anong emosyon pero ngayon isa lang ang nakikita ko. Kalungkutan.

"Hindi nakamove-on si mama sa pagkamatay ni papa. Kaya nagdesisyon kami na tumuloy muna sa kamag-anak namin para matanggap niya ang nangyari kay papa. Dahil habang nandito siya maalala pa rin niya si papa." Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya pero agad din niya itong pinahid.

Huminga ito ng malalim. "Ang sakit no'n Yui, kasi pakiramdam ko nag-iisa na lang ako. Magmula ng magyari 'yon, parang nawalan na rin ako ng ina."

"Nawala sa sarili si mama, bigla na lang itong tatawa o kaya ay iiyak. Hanggang isang araw, hindi namin mapigilan ang pagwawala niya. Pilit namin siyang pinapakalma kaya lang habang sinusubukan namin pigilan siya hindi sinasadyang nasagi 'yung vase. Nakita kong malalaglag ito kay mama pero humarang ako kaya ako ang sumalo nito." Pagpapatuloy niya.

"Dahil do'n napasukan ng bubog ang mata ko kaya..."

Alam kong nahihirapan na siyang ipaliwanag ito sakin. Akmang magsasalita na ako para patigilin siya nang magpatuloy ito.

"Kaya nabulag ako. Hindi alam kung paano nangyari pero biglang bumalik sa katinuan si mama. Sobrang saya ko no'n dahil ang sabi ng doctor ay magaling na si mama. Kaya kahit nabulag ako ay ayos lang sa'kin dahil dito naging maayos si mama."

"Pero nagtaka ako sa mga salitang binitawan niya nang sandaling makausap ko siya. Tandang-tanda ko pa ang eksaktong sinabi niya." Pumikit ito na para bang inaalala ang lahat.

'Ken anak, mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal ka ni mama. Hindi ka na mahihirapan kasi makakakita ka na. I love you anak.'

"Pagkatapos ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi ko alam na 'yon na pala ang huling beses na mayayakap ko siya." Napayuko siya at hindi na napigilang humagulgol ng iyak.

I feel sorry for him. Sobrang bigat pala ng pinagdaanan niya. Hindi ko alam kung paano ko siya patitigilin sa pag-iyak kaya hinayaan ko na lang siya at niyakap. Sana maging sapat ang yakap ko para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.. na nandito ako para sa kanya. Napakatapang niya para harapin ang lahat ng iyon.

"Ken, hindi mo na kailangan ikwento pa. I know-" Pinutol niya ang sasabihin ko nang magpatuloy ito.

"Kinabukasan nakita na lang siya ni tita nakahandusay sa kwarto. May hawak itong sulat."

'Anak Ken, alam kong malaki ang kasalan ko sa'yo dahil magmula ng mawala ang papa mo ay napabayaan na kita. I'm sorry anak. Hindi matanggap ni mama na tayo na lang dalawa at nang dahil saykin nabulag ka pa. I'm sorry anak sa lahat ng mga pagkukulang ko. Nakaisap ng paraan si mama na makakita kang muli. Hindi ka na mahihirapan pa dahil makakita ka ng muli. Palagi mo'ng tatandaan na mahal na mahal ka ni mama.

PS.

Alagaan mo ang mata ni mama. I love you anak.'

Napatakip ang kamay ko sa bibig ko dahil sa nalaman. "Inoperahan ang mata ko at si mama ang naging donor ko." Malungkot na ngumiti ito.

"Madalas na sa tuwing makikita ng ibang tao ang mga mata ko ay palagi nila itong pinupuri. Iyon ang kinaiinis ko dahil pinapaalala sa'kin ng mga matang ito na ito ang dahilan kaya nawala sakin si mama."

"N-Nang dahil sa matang ito n-nawala sakin ang mama ko. Kaya ayokong nakikita ng ibang tao ang mata ko." Bumuhos ang masagang luha mula sa mata niya.

"Y-Yui, n-nawala sa'kin si mama nang dahil sa mga mata ko. Ano pang silbi ng matang ito kung hindi rin ko naman siya makikita!" Hindi ko na napigilan mapaluha. Masyado itong nasaktan sa nangyari.

"Y-Yui.. Dahil sakin nawala siya.. Dahil sakin nawala ang mama ko." Muli ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Shh.. Hindi totoo yan. May dahilan ang diyos kung bakit nangyari ito sa'yo. Sigurado akong masaya na ang mama mo kung nasan man siya ngayon dahil magkasama na sila ng papa mo. Kaya dapat maging masaya ka na rin para sa kanila." Matagal bago ito kumalma.

Humikbi pa rin siya nang bitawan ko pero alam kong unti-unti na siyang tumatahan.

"Salamat Yui. Maraming salamat."

* * *

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ay mas naging maaliwalas na tingnan si Ken. Mas madalas na rin itong nakangiti. Mapapansin mo talaga ang pagbabago niya. Pero hindi pa rin maiwasang maitanong sa kanya ng mga tao kung bakit hindi niya ipagupit ang buhok niya dahil sa haba nito.

Kaya nagulat ako sa naging tugon niya sa mga ito. "Hayaan niyo ho at magpapagupit na po ako."

Hindi ko inaasahan na papayag siya sa request ng mga ito sa kanya. Masaya ako dahil unti-unti niya ng natatanggap ang mga pangyayari sa buhay niya.

Ang bilis lumipas ng araw. Hindi ko namalayan na kalahating buwan na lang at magsisimula ng muli ang klase. Kailangan ko ng bumalik sa Manila.

Isang gabi, tinawagan ako ni mama. Pinapaayos niya na sakin ang mga requirements para sa school. Kailangan ko ng bumalik ng Maynila bukas na bukas din.

Hindi ko pwedeng suwayin ang mama ko dahil may pagka-istrikta ito. Kaya naman pagkatapos ng tawag na iyon ay agad akong lumabas para pumunta sa madalas naming tambayan ni Ken.

Pagdating ko ay hindi ko nakita si Ken kaya naisipan kong hintayin na lang ito. Napansin kong makulimlim ang ulap. Mukhang uulan pa ata.

Inabot na ako ng 9:30 ng gabi pero wala pa rin si Ken. Kailangan ko pang ayosin yung mga gamit ko.

Pero hindi maghihintay pa rin ako. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang makita bago man lang ako bumalik sa Maynila. Saka gusto ko rin malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto kong malaman niya na mahal ko siya kahit na hindi ako sigurado kung gano'n rin siya sa nararamdaman niya. Baka one sided love lang ito pero ayos lang. Gusto ko lang malaman niya para hindi ko pagsisihan na wala akong ginawa para malaman niya.

Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan pero hinitay ko pa rin siya. Kahit na unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na darating pa ito.

Madaling araw na akong nakauwi. Nagtaka pa nga si tita kung bakit daw ako basang-basa ng ulan. Nagalit si tita nang malaman na nagpaulan ako at hindi ko pa naauos ang mga gamit ko. Malungkot na inayos ko ang maleta na dadalhin ko. Hind ko man lang s'ya nakita. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para sa akin. Para sa atin.

Paalam Ken..

* * *

"Yui, ito na 'yung flash drive paki-print na lang daw." Binigay niya sa'kin ito.

"Ah, sige ako na bahala dito." Nakangiting wika ko.

Isang taon. Isang taon na ang nakalipas mula ng makabalik ako dito sa Maynila. Pero kahit gano'n ay tumatawag pa rin ako kay tita para mangumusta at alamin kung may balita na siya kay ken. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Nakakalungkot isipin na hindi man lang nalaman kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung maayos ba ang kalagayan niya.

'Dont be sad, just smile. Everythings gonna be alright.'

At isang taon na rin akong nakakatanggap ng letter. Hindi ko kilala kung sino ang sender. Hindi lang letter ang natatanggap ko, minsan ay chocolates or teddy bear. Halos mapuno na nga ang kwarto ko sa dami ko nang teddy bear na natatanggap ko. Lahat ng 'yon galing sa aking anonymous sender. Minsan naiisip ko na baka may stalker na ako pero hindi naman siguro ako gagawan ng masama nito kaya hinayaan ko na lang.

Pauwi na ako ngayon at as usual may dala na naman akong panibagong teddy bear. Nagulat ako ng biglang may lumapit sa aking bata. Ang cute niya, may subo pa itong lollipop sa bibig.

"Ate may nagpapaabot po." Inabot niya sa'kin ang hawak na letter. Tinanggap ko naman ito.

"Sino ang nagpaabot nito?"

"Hindi ko po kilala Ate, pinaabot niya lang po yan sa'kin. Sige po alis na po ako."

"Ah, okay thank you." Nakangiting nagpaalam pa ito sa'kin.

Kanino naman kaya ito galing?

'Meet me at the park. 8:00 pm sharp.'

Walang rin itong pangalan pero pamilyar sa'kin ang hand writing. Katulad ito ng mga letter na natatanggap ko. Naisp ko na baka magpapakilala na siya. Ang tao sa likod ng mga letter na ito.

Ayoko sanang pumunta pero may parte ng isip ko ang nagsasabing pumunta ako. Saka gusto ko rin malaman kong sino siya. Kaya kahit kinakabahan at natatakot ay pumunta pa rin ako. Pagdating ko ay wala akong nakitang tao. Maadilim ang paligid. Nakakatakot.

Paano na lang kung masamang tao pala itong makikipagkita sakin. Nagbagi na ang isip ko hindi na ako tutuloy, paalis na ako nang may napansin akong teddy bear sa isang bench.

Teddy bear na naman? akala ko pa makikilala ko na kung sino ang nagpapadala sa'kin ng mga ito. May nakakabit ditong letter.

Binasa ko ang nakasulat dito.

'Look at your back.'

Huh? Sinunod ko ang nakasulat at humarap sa lukuran ko. Hindi ko inasahan kung sino ang nakita ko. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

"K-Ken..."

次の章へ