webnovel

Chapter 19

3rd Person's POV

Nang makitang namimilipit pa rin sa sakit si Rod ay lalong bumalasik ang itsura ni Kurohana.

A black smoke escaped from her body as a black aura shrouded her.

The guys surrounding them take a step back while still pointing their swords towards them.

Her glaring eyes are shining as if expecting blood to shed. The people who previously passed by started to escape from the scene until the only people left are her, Rod, and the group of the guys they're fighting.

Nagsimula ng humakbang si Kurohana na agad ikinaalerto ng mga lalaki. Bawat galaw niya ay pinag-aaralan ng mga ito, pinaghahandaan ang magiging pag-atake niya.

Biglang sumugod ang isa na nasa kanyang likod.

Ramdam niya. Naramdaman niya ang bawat hakbang na ginagawa nito. Kahit nakatalikod, alam niya kung ano ang eksaktong plano nitong pag-atake.

Hindi lumilingong nasangga niya ang hawak nitong espada na ngayon ay gasinulid na lang ang layo mula sa kanyang leeg.

Sinundan ito ng nasa kanan naman niya kaya mabilis na kinalas ang pagkakasangga sa nasa likod niya saka umikot sabay sipa dito.

Agad niyang iniwasan ang akmang pagsaksak sa kanya ng nasa kanan niya sa pamamagitan ng pagtagilid saka ito sinaksak sa likod ng hawak niyang kunai.

Sabay naman na sumunod ang nasa kanyang harapan at ang nasa kaliwa.

Yumuko siya kaya nagtama ang hawak ng mga itong espada matapos niyon ay mabilis na umikot papunta sa likod ng kaharap niyang lalaki saka hinampas ito sa batok upang mawalan ito ng malay kasabay ng pagsuntok niya sa isa.

Nang lahat ay mapatumba na niya, agad niyang binalingan ang naka-hood na ngayon ay halatang nanginginig na sa takot.

Laong kumislap ang kanyang mga mata sa nakita at wala pang ilang segundo ay mabilis siyang nakalapit dito.

Gulat at takot na tuluyang napaupo ang natitira. Kasabay ng pagtingala nito at pagkatanggal ng suot nitong sumbrero.

Her POV

Natigilan ako nang makita kung sino ang taong kaharap matapos ay binalingan si Rod na ngayon ay mukhang medyo maayos na ang lagay kahit pa medyo pilipit pa rin ang mukha dahil siguro sa sakit.

Muli kong ibinalik ang tingin sa babaeng ngayon ay nakaupo na sa sahig na halos ay hindi na makapagsalita.

Agad kong hinablot ang kanyang damit papalapit sa akin.

"Sabihin mo, sino ka? Sino ang nag-utos sa iyo?" Saktong pagkasabi ko niyon ay biglang nabalutan ng usok ang paligid.

Ilang segundo lang ang itinagal niyon subalit tuluyan ng nakatakas ang babae maging ang mga lalaki kanina. Tanging ang naiwan na lang ay ang hawak kong damit na kanina'y suot nito.

"Rod!"

Agad akong lumapit kay Rod saka ito inalalayang tumayo.

"Ayos ka lang?"

Hindi ko alam kung maiinis ako o ano dahil sa tanong niya. Mas pinili ko na lang na balewalain iyon saka siya kinamusta.

"Ikaw, bakit hindi ka umuwi?"

Napangiwi na lang siya saka napakamot sa batok. Noon ko rin tuluyang naamoy ang alak na marahil pinagpiyestahan niya kagabi.

"Eh, ano." Bigla niyang tinuro ang karwahe na nasa gilid. "I think they need help." Nakangiwi at alanganin niyang sambit.

Napailing na lang ako sa ginawa niyang pag-iwas sa tanong ko. Inalalayan ko siya palapit sa kanyang itinuturo.

Nang tuluyang makalapit, tila ba gumaling lahat ng sakit niya at maliksing sumampa doon. Ilang minuto pa ay isa-isa ng lumabas ang mga alipin mula sa loob.

"Maraming salamat po," sambit ng bawat isang lumalabas mula sa karwahe na ngayon ay halatang masaya mula sa pagkakasagip sa kanila.

Nang tuluyan ng maubos ang mga nakasakay doon ay saka lang lumabas si Rod.

Pagtalon niya pababa ay bigla siyang namilipit habang sapo ang bandang sikmura.

Hindi ko nanaman napigilang mapairap dahil doon saka inalalayan siyang muli patayo.

His POV

Galit ba siya? Galit nanaman? Bakit? May ginawa nanaman ba akong mali?

"Ah~"

Bigla siyang tumingin sa akin. Kasalukuyan niya akong inaalalayan sa paglakad.

At sa ilang beses kong pagtatangkang magtanong, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagtatagumpay.

Lalo akong natahimik ng makita ko ang pagtalim ng kanyang mga mata.

Tama. Galit siya. Bakit ba kasi ako nagdadalawang isip pa? Halata namang galit talaga siya.

Narinig ko ang biglang paghigit niya ng malalim na hininga saka siya tumigil sa paglakad. Nang lingunin ko siya ay siya ring pagtingin niya sa akin.

Pakiramdam ko tumigil nanaman ang oras ng magtama ang mga mata namin, kahit pa kasalukuyang wala nanaman akong mabasang emosyon doon.

I swallowed mindlessly waiting on what she was about to say.

"Look, if you want to say something, just say it. Otherwise, don't speak at all."

Walang emosyon? Mali, matalim ang pagkakasabi niya niyon. Dahil ba sa nangyari kanina? Sa hindi ko pag-uwi?

"I-I'm sorry." Those were the only words I'm capable to say as of the moment. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganoon!

Hanggang sa makabalik kami sa tinutuluyan namin ay wala man lang sa aming nagsalita.

Pagbukas ng pinto ay agad kaming sinalubong ni Jess.

"Kuya Rod!"

Dadambahin niya sana ako nang yakapin siya ni Sly sa baywang para pigilan. Agad niya naman itong sinamaan ng tingin.

"Wag ka nga!" saway ng huli. Binalewala nito ang pagpalag ni Jess mula sa kanya. "Nakita mong kararating lang niya. Panigurado pagod siya ngayon."

Doon tumigil si Jess saka ngumiti na lang na bumati.

Inalalayan ako ni Kurohana hanggang sa higaan saka dahan-dahang pinaupo.

"Wag ka ng bumaba," biglang sabi niya. "Ikukuha na lang kita ng pagkain."

Hindi ko alam kung bakit pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang sabihin niya iyon. Basta na lang din siyang lumabas ng silid ng walang paalam.

I can't help myself but sigh. I really felt like she's mad at me.

"Don't be." Gulat akong napatingin kay Sly na ngayon ay hatak-hatak si Jess palabas ng pinto. "She's not mad. Just let her be."

Matapos iyon ay tuluyan na nila akong iniwan sa silid.

Dahil bumukas ang sugat ko at sobrang kirot nito tuwing gagalaw ako, mas pinili ko na lang ang humiga na lang sa kama.

Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano ang nangyari.

"Kumain ka muna, Rod."

Napadilat ako ng mga mata na agad naman sinalubong ng mukha ni Kurohana.

Napakunot pa ako ng noo nang mapansing medyo namumula ang kanyang mga pisngi.

Wala sa sariling napangiti ako saka inabot ang kanyang pisngi. Gulat na natigilan siya kasabay ng lalong pamumula niya.

Panaginip siguro ito. Imposibleng makita ko ang ganitong ekspresyon sa kanya.

At dahil panaginip lang ito, siguro naman hindi ako masasaktan kung...

Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya saka marahang idinanti ang aking labi.

Ang init, ang lambot ng labi niya.

Nang ipapasok ko na ang aking dila sa kanyang bibig ay bigla akong nakaramdam ng hapdi sa pisngi.

Nanlalaki ang aking mga mata na napatingin sa kanya kasabay ng mabilis na paglayo.

"H-hindi ito... P-panaginip?" tanong ko habang sapo ang pisnging sinampal niya.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig lalo na ng makita ko ang sobrang pula niyang mukha na ngayon ay tila ba iiyak na sa pinaghalong galit at hiya.

"S-sor~"

Muli niya akong sinampal saka tuluyang lumabas ng silid.

次の章へ