Pasikat na ang araw ng makarating sa kapital ng Deaux, ang Rehgiam. Katulad ng ibang nadaanan nilang mga lugar ay hinarang din sila ng mga guwardiyang nagbabantay sa gate ng syudad. Naging mas mahigpit ang mga ito ng makitang ang pasaporte nila ay galing sa kalabang kaharian.
Makalipas ang ilang pang pakikipag-usap sa mga ito at isa pang paghalughog sa kanilang mga gamit, tuluyan na silang hinayaang makapasok sa loob. Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at mabilis na tinungo ang pinakamalaking pagamutan sa syudad, ang Sapphire Guild.
Mabilis nilang nai-admit si Rod at ipinasok sa emergency lalo na ng makita nilang kakilala ni Kurohana ang master ng nasabing pagamutan.
Habang hinihintay lumabas ang manggagamot ay isang matangkad na lalaki ang lumapit sa kanila. Ang pula nitong buhok na hanggang balikat ay naka-half bun. Mayroon itong V-shape na mukha na bumagay sa style ng buhok nito. Ang makapal nitong kilay na natural na nakaarko ay tinernuhan ng asul na asul na mata na may mapaglarong kislap. Mayroon din itong matangos na ilong at manipis at pulang-pula na labi.
"Black!" bati ng guildmaster na si Jade Greene. Isa ito sa pinakakilalang healer ng kontinente, hindi lang dahil sa gwapo nitong mukha kundi dahil na rin sa mga naiambag nito sa pagtuklas ng ilang mga sakit na hindi nagagamot ng magic.
Wala sa sariling napatingin si Kurohana sa bagong dating na tinanguan niya lang. Hindi pinansin ng lalaki ang malamig na trato ni Kurohana sa halip ay bumaling ito sa dalawang bata sa kanyang tabi. Ang batang lalaki na may kulay puting buhok at itim na mga mata ay walang imik na nakatitig sa pintuan ng silid. Habang ang batang babae na may itim na itim na buhok at berdeng mga mata naman ay walang tigil pa rin sa pag-iyak.
Jade was so amused at the sight. The two children's features are similar, almost identical with Kurohana's. He couldn't help thinking that they might be her biological children.
He stood in front of the children, tousling the little girl's hair while tapping the boy's shoulder. Jess didn't even raise her head but the little boy turned hostile and glared at him.
"Don't worry, kid, your dad will be fine."
Slytherin didn't bother correcting the man. Instead, he felt something strange upon hearing the man say that Rod was his father. His heart fluttered and was immediately filled with happiness at the thought. He looked back at the room's door as he wished for Rod's safety.
Makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin lumalabas ang manggagamot mula sa silid. Ang dalawang bata ay tuluyan ng nakatulog dahil sa sobrang pagod habang si Kurohana ay nagpatuloy pa rin sa paghihintay ng balita tungkol kay Rod.
Agad siyang napaangat ng tingin ng maramdaman ang malamig na bagay na dumampi sa kanyang pisngi. Nakatayo si Jade na may nakapaskil na mapaglarong ngiti sa labi kasabay ng pagkislap ng mga mata. Sa kamay nito ay mayroong iced coffee na siyang idinaiti nito sa kanyang mukha kani-kanina lang.
Tinanggap ni Kurohana ang ibinigay nito na ikinulong niya lang sa pagitan ng kanyang mga palad. Ang mukha niya na salat sa emosyon ay mababakasan pa rin ng pagkapata at pag-aalala.
"You look like shit!" biro ng lalaki sa kanya na sinamaan niya lang ng tingin. "I mean it! Look at the mirror yourself."
Akmang iaabot nito sa kanya ang salamin pero mabilis siyang umiwas. Lalong tumalim ang tingin na ipinukol niya dito. Sa tagal nilang magkakilala, alam niyang wala itong maidudulot na mabuti sa kanya.
Jade sighed before staring at her. The playfulness in his eyes before were replaced with genuine concern. He tapped her on her shoulders as soon as he sat beside her.
"Don't worry, your husband will be fine."
Kurohana suddenly felt something stirring within as her cheeks gradually turned red. She immediately looked away to hide her blushing cheeks. She didn't bother correcting him instead, she just hummed in agreement.
Biglang namatay ang ilaw sa pintuan senyales na tapos na ang operasyon. Ilang minuto lang at lumabas na ang manggagamot na agad na sinalubong ni Kurohana para makumusta si Rod.
"Kritikal pa ang kanyang kondisyon," sagot nito na walang emosyon. "Mabuti na lang at naagapan agad siya. Kung hindi..."
Hindi na tinapos ng manggagamot ang sinasabi nito pero alam ni Kurohana kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Na kung nahuli sila kahit ilang minuto ay siguradong hindi ito makakaligtas.
Tinulungan sila ni Jade na mailipat sa VIP na silid si Rod. Doon sila tahimik na nagtipun-tipon habang hinihintay ang paggising nito. Matapos silang iwanan ni Jade ng pagkain ay mas lalong tumahimik ang paligid.
Kasalukuyang nakaupo si Kurohana sa tabi ng higaan ni Rod. Marahan niyang hinihimas ang kamay nito na medyo maputla at malamig. "Gumising ka na. Hindi ba't aalamin mo pa kung sino ka at saan ka nagmula?" bulong niya saka hinimas ang buhok nito gamit ang kabilang kamay.
Muli niyang sinilip ang dalawa bata. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa ayos ng mga ito na parehong nakasandal sa upuan at natutulog. Nakasandig ang ulo ni Jess sa balikat ni Slytherin. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paggalaw ng tenga ni Slytherin, senyales na nagising ito dahil sa ngawit pero ni hindi man lang nag-abalang kumilos.
"Tignan mo, nagkasundo na ang dalawa."
***
Kurohana woke from her slumber when she felt something was about to touch her. She instinctively and agilely stood up and changed into a defensive position. When she didn't receive any attack, she focused her sleepy eyes on the person next to her only to find Rod wearing a very wide smile while sitting comfortably on his bed.
"Good morning!"
Biglang nakaramdam ng pagkabog ng dibdib si Kurohana dahil sa lambing ng boses nito na sinabayan ng pilyong ngiti. Naramdaman niya rin ang biglang pag-init ng kanyang pisngi kaya mabilis siyang umiwas ng tingin habang pilit na itinatago ang kanyang pamumula.
"Kurohana?" nakakunot ang noo nito habang bakas ang pag-aalala sa mukha. "Bakit bigla kang tumahimik? May masakit ba sa iyo?"
Sa lakas ng pagkakatanong ni Rod ay nagising ang dalawang bata at napatingin sa kanila. Agad na naglapitan ang mga ito ng makita na gising na si Rod subalit agad din silang napahinto dahil sa nag-aalalang mukha ng lalaki. Noon din nila napansin ang pamumula ni Kurohana kung kaya nagpalipat-lipat ang kanilang tingin sa mga ito.
Biglang nakaramdam ng kaba si Rod ng hindi pa rin sumagot ang babae, sa halip ay tumalikod pa ito sa kanya na tila ba may kung anong ginagawa.
"Kuro~"
Hindi na natapos ni Rod ang pagtawag sa babae ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. Napakamot lang siya sa kanyang sentido habang pinipilit na hindi gumanti dito ng yakap.
Pero mas natigilan siya ng maramdaman niya ang pamamasa ng kanyang dibdib. Dala ng kuryusidad ay sinubukan niyang kalasin ang pagkakayakap nito sa kanya ngunit mas lalo lang hinigpitan ng babae ang pagyakap nito kasabay ng mariing pagkagat nito sa kanya na mas ikinagulat niya.
Kahit na nasasaktan sa ginawa ng nakaakap sa kanya ay nagawa pa rin niyang senyasan si Slytherin na akayin palabas ng silid si Jess bago bumaling kay Kurohana na kulang na lang ay pigain siya.
"B-bakit?"
Hindi nag-abalang sumagot ang babae na mas sumubsob pa sa kanyang dibdib. Wala siyang nagawa kung hindi mag-sorry na lang dito kahit hindi niya alam kung bakit siya nito minutes.
"Sorry. Sorry kung may nagawa akong mali."
Ng tuluyan na itong bumitaw ay hindi nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang bahagyang pamamaga ng mga mata ng babae at pamumula ng ilong.
"Gago ka!" muling pagbato nito ng matalim na salita. "Pinag-alala mo ako!" Pagkasabi niyon ay biglang lumamlam ang mga mata nito na tila ba nabunutan ito ng malaking tinik sa dibdib. "Buti na lang, matapang ka!"
Hindi na nito napigilan ang muling pagtulog ng luha nito kung kaya't marahang pinunasan ni Rod ang mga mata nito saka hinalikan sa noo.
"Sorry."
Pagkasabing-pagkasabi niya niyon ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at mabilis na sumugod at dumanba si Jess kay Rod. Ramdam ni Rod ang pag-aalala ng bata na bigla na lang din umiyak.
"Good to see you alive," nakairap na sambit ni Slytherin na nakatayo sa harapan nola saks bumulong, "Dad."
Ng hapon na iyon ay tuluyan na silang pinayagang lumabas ng mga manggagamot sa tulong ulit ni Jade.
Hindi nakaligtas kay Rod ang kakaibang titig ng lalaki kay Kurohana habang inaayos nila ang mga papeles bago sila makalabas.
"Problema mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Slytherin ng makita ang nanunulis na nguso ni Rod. "Bagay sila, di ba?"
Agad na tinapunan ni Rod ng tingin si Slytherin na bawing-bawi sa pang-aalaska sa kanya.
"Hindi sila bagay!" iritadong sambit ni Rod na tila pinapatay sa titig ang kausap na lalaki ni Kurohana. Agad namang napangisi ang batang lalaki na naupo pa sa kanyang tabi.
"I think he would be a great father to us!"
"Just shut up!"
Biglang bumunghalit ng tawag si Slytherin na ikinalingon ni Kurohana at ni Jade.
"Your family is really good!" biglang sabi ni Jade habang nakatingin kila Rod. Ang kanyang mga mata ay lalong kumislap ng makita ang hindi maikakailang pagkakahawig ng mga bata, lalo na ng batang lalaki sa tatay nila. "You've got two cute twins and a loving and somewhat handsome husband."
Dahil sa sinabi ni Jade ay biglang nasamid si Kurohana. Agad siyang napabaling sa dalawang bata na halatang pinagtutulungang asarin si Rod dahil sa pagkakabusangot nito.
"I thought your kids got your looks but they are more identical to their father."
Mas lalong natigilan si Kurohana na agad na napaisip. Mas lalo siyang kinabahan na maaaring hindi lang si Rod ang nawalan ng alaala kundi maging siya. Na maaaring may iba pang mga bagay na kailangan nilang alamin.
"It's done!"
Napabaling si Kurohana kay Jade na inaabot na sa kanya ang mga papeles na kailangang niyang pirmahan para tuluyang makalabas. Matapos mapirmahan ay nagpaalam na sila at naghanap ng matutuluyan.
Hindi pa sila nakakalayo sa pinanggalingang pagamutan ng biglang pumasok ang babae sa isang inn. Base sa kanyang galaw ay halatang parokyano na doon si Kurohana, lalo na sa dami ng mga taong bumati sa kanya.
Matapos ipahanda ang kwarto ay agad na silang umakyat doon subalit bago pa man makapasok si Rod ay sinaraduhan na niya ito.
Nakokonsensya man ay hindi pa rin mapigilang ni Kurohana ang sarili na pagsaraduhan ng kwarto ang lalaki. Hindi pa rin kasi maalis sa kanyang isipan ang sinabi ni Jade tungkol sa pagkakahawig ng mga bata sa kanila, lalong-lalo na kay Rod.
"Parang kanina lang noong wala pa siyang malay, kulang na lang bumigay ka na," biglang sabi ni Slytherin na ikinalingon niya. Kasalukuyan itong tumutulong kay Jess sa pagpapagpag ng higaan. At kahit na nakatalikod ito sa kanya, slam niyang nakataas nanaman ang mga kulay nito. "Ngayong umayos na siya, sinusungitan naman."
"Kawawa naman si Kuya Rod," bulong naman ni Jess. "Kagagaling niya lang~" bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig na agad na napatingin kay Kurohana.
Biglang tumikwas ang kilay ni Kurohana sa pasimpleng patutsada ng mga bata.
"Mali nga ba ako ng inasta?" bulong niya sa sarili. "Pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin!"
"Saan kaya nagpunta si kuya Rod?" biglang tanong ni Jess na nakasilip na sa pintuan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa lalaki.
"Bakit? Wala siya diyan?"
"Kung nandiyan ba siya, hahanapin siya ni Jess?" muling pahaging ni Sly na kasalukuyang nakapatagilid na higa habang nakadantay sa palad ang ulo.
Napakatalim talaga ng dila! Saan kaya siya nagmana? iritadong saisip ni Kurohana habang nakatitig ng masama sa bata.
Sa isang bar...
"Isang baso pa nga!"
Itinaas ni Rod ang hawak na basong wala ng laman. Mabilis nang lumapit ang batgirl, na siyang nagsisilbi sa mga parokyano at manlalakbay sa lugar, para palitan ang hawak niya ng may laman.
"Whew! Ang sarap!" hindi mapigilang bulong ni Rod matapos iisang lagok ang hawak. Ang init ng ininom ay agad na gumuhit sa kanyang lalamunan na lalong ikinangiti niya.
"Isang baso nga!"
Napalingon si Rod sa kanyang tabi dahil sa sigaw nito. Halos lumuwa ang kanyang mga mata dahil sa ganda ng katabi, maging sa seksing hubog ng katawan nito. Mabilis na binawi ni Rod ang tingin at nag-focus sa hawak na baso.
"Whew!" she whistled upon drinking. "Nakakamiss naman ito!"
Ramdam niya ang pagtitig nito sa bawat kilos na kanyang ginagawa kung kaya't ilang na ilang siya sa pag-inom ng order niyang alak.
"Take whatever you want, it's on me," she even urges.
"No thanks!" Rod said nonchalantly before emptying his glass. "Another one please!"
"Hey, I think hindi mo na kaya," she said. And as if with magic, Rod's head started spinning as his surroundings darken.