webnovel

Chapter 21

Godee's POV

Dumating kami dito sa lugar kung saan gaganapin ang Outreach Program nila. Oo nila lang, hindi kami kasama ni twin. Bahala sila diyan. Nakakatamad kayang makisalamuha sa mga tao. Tapos, ang lamig lamig pa ng klima dito.

"Magandang araw po sa inyo, Sir Blade."

Isang matandang lalaki ang sumalubong sa'min. Lalong gumanda ang ngiti nito ng makita kami nito ni Heaven. Hindi namin siya pinansin, pinagmasdan namin ni twin ang paligid.

"Magandang araw din po tatay Manuel."

Nagmano si kuya sa matanda ganun din ang mga kagrupo niya at nagpakilala. Habang kami twin nakangiwing tumingin sa kanila.

"Bakit po ang tahimik dito, tatay Manuel? Saan po ang mga bata? Excited na po akong makita sila."

Lalo kaming ngumiwi ni twin ng marinig namin ang boses ni Dana. Mahinhin at magalang. Kigwa!

"Nasa Quadrangle po ang mga bata ngayon, Miss Dana."

"Quadrangle? May quadrangle po kayo dito?"

Tanong ni Song. Akala siguro ng mga ito kapos palad ang mga tao dito. Masyadong maganda ang lugar na ito. Maaari ka ng mag bakasyon dito kung gusto mo ng tahimik na lugar at sariwang hangin.

"Opo, tatlong taon na rin po ang quadrangle na iyon."

Tumingin muli sa'min si tatang pero hindi namin siya pinansin.

"Saan ba pwedeng magpahinga tatang? Pagod na kami ni Twin ko."

Sabi ni Heaven.

"Hey, matuto ka ngang gumalang!"

Epal ni Dana. Ngiwian siya ni Twin.

"Ayos lang po, Miss Dana. Ah, Miss Heaven at Miss Godee, ihahatid ko na po kayo sa pagpapahingaan niyo."

Saad ni Tatang.

"Wag na po, Tatay Manuel. Sa quadrangle niyo na lang po kami ihatid lahat."

Awat ni kuya.

"Sige po, Sir Blade."

Naglakad na si Tatang kaya sumunod na kami sa kanya.

"Anong tawag sa mga kulay luntian na yun, Godee?"

Tanong sa'kin ni Desdes. Kasabay namin siya ni twin. Tinignan ko ang tinuro niya.

"Palayan. Diyan nanggaling ang mga kinakain nating kanin."

"Lumawak po pala ang Palayan niyo dito, tatay Manuel. Di ba po dati pinagmiminahan ang area na yan"

Wika ni kuya. Tumango si tatang saka ngumiti.

"May dalawang anghel na dumating dito, Sir Blade. At tinulongan nila kaming makuha ang lupain namin na sinakop ng gobyerno. Kaya, naitigil ang pagmimina diyan at ginawa naming palayan ito."

"Kahanga hanga ang ugali ng dalawang iyon, tatay Manuel."

"Sobra po, sila rin ang nagpatayo ng quadrangle dito para sa mga bata."

"Nais kong makilala ang dalawang iyon, tatay Manuel. Gusto ko silang pasalamatan."

"Sige po, Sir Blade."

Thir Person's POV

Sa sobrang ganda ng lugar hindi nila akalaing mahihirap ang mga tao dito. Tuwang tuwa ang mga kagrupo ni Blade habang pinagmamasdan ang paligid. Luntiang mga puno, magagandang bahay na gawa sa nipa, mayroon ring igloo bahay na gawa sa bato, ang lamig at sariwa pa ng hangin, ang dami pang bulaklak sa paligid at nakadagdag sa tanawin ang mga bundok.

Ang gulat, hinanakit, pighati, pain na naramdaman nila kanina ay biglang nawala dahil sa lugar na bumungad sa kanila. Hindi nila akalain na sasabog ang bus nila pati mga gamit nila. Ang dami nilang tanong pero hindi naman sila pinapansin ng kambal. Tapos, dumaan pa sila sa lubak lubak na kalsada kaya naalog ata utak nila sa hilo at sumakit pa ang pang-upo nila.

"Mga bata, nandito na ang mga kuya at ate niyo."

Anunsyo ni Tatay Manuel. Agad silang sinalubong ng mga bata. Karamihan ay pumunta sa kambal.

"Ate Godee!"

"Ate Langit!"

Masasayang wika ng mga bata sa kambal. Nag-uunahan ang mga ito na yumakap sa mga binti nila.

"Ano ba! ano ba! Lumayo nga kayo sa'min mga batang uhogin!"

"Ang dudungis ng mga mukha niyo!"

Nakasimangot na wika ng kambal. Lumayo pa sila sa mga bata.

"Hey! Wag nga kayong ganyan makitungo sa mga bata! Kids, dito kayo sa'min. Wag ninyong lapitan ang dalawang iyan. Mga badgirl sila."

Wika ni Dana. Ngumiwi ang kambal at hindi na lang pinansin ang bruha. Ang mga bata naman ay imbes na matakot sa kanila lalo pang sumaya ang mga mukha nito.

"Natagalan ata kayo, Blade."

Saad ni Moon. Mga taga Sullivan University ang kasama nila sa Outreach Program. "Hi twins, na miss ko kayo" dagdag na sabi ni Moon saka nilapitan ang dalawa at hinalikan ito sa noo. Sumimangot ang kambal habang nakatingin sa kanya.

'Ulol namiss mo mukha mo'

'Pakyu, sinungaling'

Sabay na sambit nila sa kanilang isipan. Lumapit na rin ang dalawang kapatid nito. Sina Sun at Star.

"Hi kuya Blade! Ang pogi mo po talaga!"

Masayang sabi ni Star. Yumakap pa siya kay Blade at ginantihan naman siya ng halik nito sa noo. Kaya si Dana lalabas na yata ang mata sa sobrang sama ng tingin kay Star. Lalo pa siyang nagselos ng halikan ito ni Blade sa noo. Bitch! Whore!

"Itokó"

Naiilang na usal ni Sun kay Heaven. Hindi siya pinansin ng dalaga. Kaya hindi na lang siya umimik pa ulit. Alam niya ugali nito kapag galit ito sa isang tao. 'Hindi niya pa rin ako napapatawad huhuhu!' Aniya sa sa isipan. Lumapit na lang siya kay Blade at nakipagkamay dito.

"Naayos na namin lahat dito. Kayo na lang hinihintay namin para simulan ang Outreach Program natin. At mabuti naman naisama mo yang dalawa."

"Project namin ito kaya kailangan nilang sumama. Sinu sino pala ang mga myimbro mo?"

"Mga SSG Officers din pero may limang sumama. And by the way, nanjan ang fiancee ni Worth."

Nagulat si Blade sa sinabi ng kaibigan. Sila ang nasa unahan kaya hindi rinig ng mga kasama niya ang pinag-uusapan nila.

Tumingin siya saglit kay Worth, busy na naman itong pinagmamasdan ang bunsong kapatid niya.

"Gumaling na pala siya. Mabuti naman at magkakasama na muli sila ni Worth."

Aniya.

"Hmm, bumalik siya noong wala na ang kambal sa university."

Dana's POV

Urghh! May bitch na dumagdag sa mga kalaban ko kay Blade! Easy Dana, easy. Balang araw magiging sayo rin si Blade. Huminga ako ng malalim saka ngumiti sa mga bata. Hindi dapat ako magtaray dahil masyado silang mga inosente para madamay sa kasungitan ko. At ayaw ko ring ma-disappoint si Blade sa'kin kaya aayosin ko ang pakikitungo ko sa lahat ng mga tao dito sa Mountain Valley. Napaka gandang lugar!

"Hoy Dana, sino yun? Ang ganda niya para siyang anghel na nagmula sa impyerno."

Sabi ni Heaven sa'kin na lumapit pa talaga dito sa pwesto ko. Tatarayan ko sana siya ng nag 'tongue out' siya sa mga bata. Ngunit, naagaw ng pansin ko ang tinuro niya.

"OMG! Si Crystal!"

Sambit ko. Nagulat talaga ako sa nakita ko dahil akala ko nasa ibang bansa siya nagpapagaling. Tumingin siya sa'kin ng marinig niya ang boses ko. Agad itong nagpakita ng isang napakagandang ngiti.

"Hi Dana girl, I miss you"

Mahinhin na wika ni Crystal ng makalapit siya sa'kin. Lihim akong napa-ikot ng mata. Gaya gaya pa siya sa boses kong mahinhin. Niyakap niya ako kaya ginantihan ko siya ng yakap at nakipag beso beso sa kanya.

Pagkatapos ay tumingin siya sa katabi ko. Si Heaven nakangiwing nakatingin sa'min.

"Hi, I'm Crystal Lim. Nice to meet you, Heaven."

Mahinhin niyang sabi habang nakangiti. Naglahad pa siya ng kamay kay Heaven. Na lalong ikinangiwi nito.

"Fuck off, bitch."

Walang ganang wika ni Heaven. Saka niya kami iniwang nakatanga.

"Grrr, ang salbahe talaga ng babaeng yun. Pagpasensyahan mo siya Nathalie. Masama talaga ang ugali ng babaeng yun."

Sabi ko kay Crystal. Hinagod ko ang likod niya dahil mukhang nasaktan siya sa sinabi ni Heaven. Hindi pa naman pwede masaktan ito dahil nakakasama sa sakit niya.

"Alam ko iyon dahil sa ibang bansa sikat din sila."

Mahinhin niyang sabi. Bagay sa kanya ang pangalan niya dahil isa siyang magandang babasaging Crystal na dapat ingatan. Napa-ikot ako ng mata sa sinabi niya.

"By the way, I'm sure matutuwa si Worth-oppa na makita ka, Crystal girl."

Masaya kong saad sa kanya. Lumiwanag ang mukha niya at namula pa ang pisngi niya. I rolled my eyes again. In love na in love talaga siya kay Worth-oppa.

"Miss ko na siya sobra. Ilang taon din kaming hindi nagkita."

Bago siya ipinadala sa ibang bansa upang magpagaling. Nagkaroon ng arrange marriage sa pamilya niya at sa pamilyang Galvez. Matagal na naming kilala si Crystal dahil kababata namin ito.

次の章へ