webnovel

Chapter 9

Chapter 9

Litong-lito si Lex tsaka kanina pa siya nagugutom. 8:30am na ng umaga.

"Bakit parang ang drama ko ata. Eh hindi naman kami tsaka medyo OA yung dramahan ko kagabi. Kung gusto niyang maglaro pagbibigyan ko siya. No one can drag me down. Bibigyan ko ng surpresang laro si Xander na hindi niya makakalimutan." Sambit ni Lex ng nakangisi.

Agad siyang pumunta sa Canteen. Nag-order na siya ng maraming order. Ewan niya ba pero inililista lang naman niya yung mga inorder niya tsaka ang tatlong kaibigan naman niya yung nagbabayad. Ewan ba niya kung aning trabaho ng kaibigan niya ngunit hindi niya naman nakitaang namroblema ang mga ito sa pera. Isinawalang-bahala niya lamang ito dahil kaibigan lang naman siya at ang personal at pribadong mga bagay ay hindi niya gawaing pakialaam.  Buti nga yun tsaka wala rin siyang ekstrang pera eh.

Agad nitong kinuha ang kanyang mga pagkaing inorder at mabilis na humanap ng bakanteng upuan ngunit nahagip ng mata niya si Rick.

"Oh Rick, pwedeng makiupo dito at sabay na tayong kumain." Sambit ni Lex sa masayang boses.

"Aba oo naman Pareng Lex, tsaka kakaumpisa ko palang kumain eh. Medyo gutom nga ako eh haha." Sambit ni Rick habang tumatawa.

"Mabuti kung gayon pare. Gutom na rin ako eh hehe." Sambit ni Lex habang makikita ang hiya.

Mabilis na umupo si Lex at walang hiya-hiya  na sinimulang kumain ng mabilis. As in literal na mabilis. Isang minuto lamang ay naubos na nito ang isang pinggan na may maraming kanin with Bacon and Fried fish. Sunod naman nitong kinain ang bowl na may nilagang baboy. Naubos niya rin ito tsaka yung Tortang talong at marami pang iba. Ang madaming kanin sa isang pinggan ay simot na simot na rin.

"Woah! Siguro busog ka na niyan Lex. Ang dami mong kinain eh hehe within seven minutes is naubos mo lahat!" Sambit ni Rick na namamangha sa grabeng kumain ni Lex eh hindi naman ito tumataba, sakto lamang ang pangangatawan.

"Ah, yun ba. Sorry naman!" Sambit ni Lex habang nakangiti.

"Matagal pa ba yung next order ko Manong?!" Sambit ni Lex sa isang lalaking in-charge sa dining.

"Ah, ready na po sir, wait lang po!" Sambit nito habang mabilis na pumunta sa kitchen area ng Canteen.

Paglabas nito ay may dala na itong tray na ouno ng pagkain. Umuusok pa ito halatang bagong lito ito. May kasama ring desserts ito.

Nang makalapag ay napangiti naman si Lex.

"Ah kuya, salamat po ah!" Nakangiting sambit ni Lex sa diner.

"Walang problema sir, alam mong malakas ka sa'min. Alam naming ikaw yung No.1 customer namin dito hehe... Sige po sir, dun po muna ako hehe..." Masayang wika ng diner halatang natutuwa rin siya kay Lex dahil magana itong kumain ng kanilang inihahaing masasarap na pagkain. Umalis din ito upang asikasuhin ang ibang customers.

Mabilis na kumain si Lex at kasalukuyan siyang kumain ng dessert.

"Uy Lex, ang kalat mong kumain haha hinay-hinay lang kasi yan tuloy nadumihan yung pisngi mo." Sambit ni Rick habang natatawa.

Mabilis namang kumuha ng tissue si Rick at pinunasan ang gilid ng labi ni Lex na mayroong icing dahil sa cupcakes na kinakain nito.

Sakto namang dumating si Alexander sa loob ng Canteen. Sinamahan niya lang ang kaibigan niyang kumain dito. Hindi kasi dumating si Lex kaninang umaga kaya binigay niya sa mga bantay yung pagkaing inorder niya dahil nawalan siya ng gana. Hindi kataka-takang masama ang naging umaga niya dagdagan pa ang eksenang nakita niya.

Nasaksihan niyang masayang nagkukuwentuhan si Lex at ang kaaway niyang si Rick. Nakita niya kung paano maingat na pinahidan ni Rick ang gilid ng labi ni Lex gamit ang tissue. Dito ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib partikular na sa puso. Hindi niya alam pero nasaktan talaga siya. Ni minsan ay hindi niya naramdaman ang ganitong sakit sa buong buhay niya.

Nakita niya na lamang ang sarili niyang lumalakad papunta sa kinaroonan ni Rick at walang ano-ano pa'y sinuntok niya ito ng pagkalakas-lakas.

"Ito ba Lex? Kung bakit hindi ka nakasipot sa opisina ko kaninag umaga ha?!" Nanlilisik ang mga mata ni Alexander haabng sinasabi ito. Halatang galit na galit siya.

"Rick! Okay ka lang ba?!" Sambit ni Lex habang nakikitang duguan ang gilid ng labi ni Rick.

Maingat niya itong inalalayang tumayo.

Maraming mga mata ang nakatingin sa kanilang puwesto. Lahat ay napatigil sa kanilang giangawang pagkain at nakapukos sa lamesang kinaroroonan nila Lex.

"Warden Al, pasensya na kung hindi ako nakapunta kanina. Nahuli kasi ako ng gising at saka ginutom ako eh kaya dito na ko kumain. May masama ba sa ginawa ko?!" Sambit ni Lex sa mahinahong boses.

"Wala naman pero sana ay nagpaalam ka ng hindi yung paghihintayin mo ako. Alam mong busy akong tao!" Galit na turan ni Alexander.

"Eh preso lang naman ako tsaka uunahin ko ba yan kaysa magutom ako?! Masama ang paghintayin ang grasya tsaka nakita ko lang si Rick dito at sabay kaming kumain, may masama ba sa ginawa ko?!" Nagtatakang sambit ni Lex.

"Oo, pag sinabi kong meron, meron! Bakit may angal ka?!" Sambit ni Alexander habang nakangisi. Ang kamao nito ay nakakuyom na. Halatang pinipigilang maglit nito.

"Okay, so Sorry na po Warden Al?! Nakalimutan ko kasi tsaka busy ako kumain eh. Tsaka naghihintay rin ang trabaho ko dun." Mahinahong sambit ni Lex. Walang emosyong sinaaabi niya ito.

"Sa susunod ay hindi na tatama ang kamao ko sa kasama mo kundi sa'yo na mismo. Consider this a warning or a threat. Iba ako magalit Lex!" Sambit ni Alexander sa mapaghamong boses. Kitang-kita ang namumutok na ugat nito sa noo nito at namumula ang pisngi nito sa galit.

Agad na umalis si Alexander sa padabog na paraan. Mula sa simula hanggang sa dulong pagpapalitan ng maiinit na argumento sa pagitan ni Lex at Alexander/Warden Al ay walang kumurap o naglikha ng ingay.

"Hahhh!" Sambit ng karamihan habang malalim ang mga itong huminga. Dito nila napatunayan na grabe magalit ang Warden na si Alexander James Scott. Kahit sila ay hindi maabot ang ganoong lebel ng galit sa publiko pa. Nanatiling tikom ang bibig ng karamihan dito at nagsimula ng kumain. Ang mga staffs ng Canteen ay mabilis na isinagawa ang kanilang mga gawain partikular na rito ang pag-aasikaso sa kanilang customers. In short, parang waalng nangyaring eksena o komosyon.

"Okay lang ba Rick kung gusto eh ihatid na lamang kita sa malapit na klinika rito upang magamot ka." Nag-aalalang sambit ni Lex.

Kasalukuyang nakatayo na sila habang kaharap ang isa't-isa.

"Ano ka ba Lex, kaunting pasa lang to tsaka dun nalang ako sa opisina namin dahil I'm sure andun ang nurse dahil magpapacheck-up kasi ng blood pressure (BP) ang kasama k dun eh hehe... Kaya okay lang ako don't worry." Mahinahong sambit ni Rick habang pilit na ngumiti at ininda ang sakit dulot ng suntok ni Alexander.

"Pasensya na talaga Rick, kasalanan ko talaga 'to eh. Paano ba naman eh nakalimutan kong pumunta tsaka kumalam na sikmura ko eh. Gutom na gutom na mga aalga ko sa tiyan eh" sambit ni Lex sa alanganing boses.

"Hahahaha... Okay lang tsaka sa sobrang takaw mo eh talagang makakalimutan mo yun. Wala kang kasalanan okay tsaka yakang-yaka ko to!" Sambit ni Rick sa pabirong boses na siyang tinawanan ni Lex.

"Ay ewan ko ba, eh masarap kumain eh lalo na pag gutom na gutom hahaha!" Sambit ni Lex habang nakitawa na rin si Rick.

"Oh siya mauna na ko Lex, ingat ka okay?!" Sambit ni Rick habang may nag-aalalang boses.

"Oo, ikaw rin hehe pasensya na talaga." Paumanhing muli ni Lex.

"Kanina ka pang humihingi ng pasensya eh, okay lang. Di naman ikaw yung sumuntok tsaka kung ikaw man ay di kita gagantihan noh." Sbit ni Rick habang mahina nitong sinabi ang huli.

"Ano pareng Rick? Di ko narinig yung huli mong sinabi eh." Sambit ni Lex habang nilagay ang kamay na animo'y gustong marinig muli ang sinabi ni Rick.

"Aang sabi ko mauuna na 'ko. Sige paalam!" Sambit ni Rick habang mabilis na lumakad paalis.

"Paalam din at Salamat !" Malakas na sambit ni Lex habang mabilis ring nilisan ang canteen.

...

"O Boss, para atang masama ang araw mo ngayon. Ano bang nangyari sa'yo lalo na kanina?!" Sambit ni Julius habang nagtataka.

Agad naman siyang binatukan ni Greg.

"Kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip eh. Malamang ay humahadlang ang gagong Rick na yan sa mga plano ni Boss Al!" Sambit ni Greg kay Julius habang may inis sa boses nito.

"Alam niyo yun, talagang inuubos niya ang pasensya ko regarding to this. Tsaka ginawa ko na rin yun para balaan siya sa maaari kong gawin sa oras na makialam pa siya ulit!" Sambit ni Alexander sa galit na boses.

"Oo nga boss, I get it now. Ang plano niya is sirain ang plano niyo and siguro ay plano niyang palayuin sa iyo si Lex. Pangahas talaga yung kilos niyang ito. Harap-harapan kang kinakalaban." Sambit ni Julius ng mapagtagpi-tagpi nito ang pangyayari.

"Tsk! Kahit anong gawin niya ay hindi niya magagawa iyon, hawak ko sa lewg ang lahat ng preso dito. Takot niya lang kung babanggain niya ang pamilyang kinabibilangan ko!" Sambit ni Alexander habang nakangisi. Agad nitong binali ang isang stick sa kamay nito.

...

Gabi na ngayon at nakita ni Alexander na may pumasok sa kanyang opisina. Hindi niya pa ito naisara gamit ang susi.

Nakita niya nag isang pigura. Kilalang-kilala niya ito. Nagpanggap siyang natutulog.

Maya-maya pa ay nararamdaman ni Alexander na may umupo sa kanyang kamang hinihigaan.

Agad na hiwakan nito ang mukha niya paharap at siniil ng halik. Pamilyar sa kanya ang amoy ng taong humahalik sa kanya. Maging ang labi nito at lasa ng laway ay hindi niya malilimutan ito. Ang taong ito ay si Hade/Lex.

Mula sa masuyong halik ay mas naging agresibo ito. Dito ay mas naramdaman ni Alexander na naging mapusok ang halik. Dito ay gumanti na siya. Hindi din niya mapigilang mapaungol dulot ng halik.

Ilang minuto pa ang tinagal nito. Maya-maya pa ay naramdaman ni Alexander ang mapaglarong bibig o labi ni Lex sa kanyang Leeg. Mas agresibo ito nakakapanghina. Mas nasarapan si Alexander dahil dito.

Maya-maya pa ay mas lumalim pa ang naging tagpong ito. Sa gabing ito nangyari ang kanilang unang pagniniig na siyang bumago ng lahat lalo na kay Alexander.

Halos palagi na nilang ginagawa ito pagkatpos ng pangyayaring ito. Dito nasaksihan ang magkaibang dalawang tao. Ang isa ay nalunod sa inaakalang pagmamahal at ang isa naman nalunod sa ginawa nitong laro.

次の章へ