webnovel

Chapter Twenty Four

Nang dumating ang grupo nina Meggan nasa loob nang kwarto sina Eugene at Julianne ang naabutan nila habang nakikipag-usap sa dalaga. Maraming sugat na tinamo si Aya. SInabi naman niyang hindi nagawang matagumpay nang rapist sa balak nito dahil sa pagdating nang kanilang Captain.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Bait." Ani Ben sa dalaga.

"May dala kaming pasalubong." Wika naman ni Meggan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Julius sa dalaga.

"Maraming salamat sa inyo." Nakangiting wika ni Aya. "Okay na ako."

"Bakit parati kang nasasangkot sa gulo?" Tanong ni Rick. "Para kang damsel in distress."

"Pasensya na parati ko kayong pinag-aaalala." Wika ni Aya at nagbaba nang tingin.

"Aba! Mabuti at alam mo. Pinahihinto mo ang panghinga namin tuwing nasasangkot ka sa gulo." Ani Julianne sa dalaga. Natawa naman ang lahat nang biglang pitikin ni Julianne ang noo ni Aya.

"Aya wala ka bang naalala sa kung sino ang nagligtas sa iyo?" tanong ni Arielle sa dalaga. Tumingin si Aya sa kuya Eugene niya.

Kanina sinabi niyang ang dating captain nila ang nagligtas sa kanya. Ngunit hindi niya alam kung nasaan na ito bigla na lamang itong naglaho.

"Teka, hindi ko yata napapansin si Johnny." Wika ni Julius.

"Nagtaka ka pa ba? Sigurado nasa bahay na naman iyon ni Miss Jenny." Natatawang Wika ni Ben. Agad namang siniko ni Meggan ang lalaki nang mapansin na biglang huminto si Eugene sa pagbabalat nang prutas. Bigla namang natigilan ang lahat at napatingin kay Eugene.

Ilang lingo na nilang hindi nakakasama si Johnny hindi rin nila alam kung saan ito nagpupunta wala silang balita sa mga ginagawa nito. Alam nilang paulit-ulit itong bumabalik sa bahay ni Jenny upang suyuin muli ang dalaga, Talagang hibang-na hibang ito sa dalaga.

"Oh, bakit?" Tanong ni Eugene sa mga naroon nang mapansin na nakatingin sa kanya ang mga ito. "Gusto niyo rin bang ipagbalat ko kayo nang prutas?" Pabirong wika ni Eugene.

"Mukhang maganda yan. It would be an honor na pagsilbihan." Wika ni Julius.

"Ipaputol mo muna ang kamay mo saka kita ipagbabalat." Wika ni Eugene at binato nang mansanas ang binata. Agad naman sinalo nang binata ang mansanas. Muling napuno nang halakhak ang kwarto ni Aya.

"Aya aalis lang ako sandali. Papunta na ditto si Roch at lola. Nasa labas lang din ang mga bantay mo. Sumigaw kalang kung kailangan mo nang tulong." Wika ni Eugene at hinimas ang ulo nang kapatid. Simpleng ngumiti si Aya at tumango sa kapatid niya.

"Narito naman si Julianne siya muna ang magbabantay sa iyo." Wika ni Eugene at bumaling sa kaibigang masarap ang tulog sa sofa at humihilik pa.

"Well gisingin mo na lamang siya kung may kailangan ka." Natatawang wika ni Eugene.

"Braso ko lang naman ang may sugat." Ani Aya "Tinatrato niyo naman akong bata." Wika pa niya.

"Yeah, but knowing you, parati kang sinusundan nang gulo." Ani Eugene at kinusot ang buhok nang kapatid.

"Kuya naman Eh!" Reklamo ni Aya.

Matapos ang isang linggong pagkaka admit sa ospital Dinalaw niya ang libingan ni Alice kasama si Roch. Maraming nagbago dahil si Alice lang naman ang kasa-kasama niya. Si Alice lang din ang naging unang kaibigan niya nang lumipat siya nang school. Siguro matatagalan bago siya masanay na mag-isa. Malimit narin niyang puntahan ang mga lugar na dati nilang pinagtatambayan dahil ayaw niyang lalong malungkot dahil sa pagkawala nang kaibigan.

Ngunit higit sa kalungkutan niya sa pagpanaw nang kaibigan niya may isang bagay din na gumugulo sa isip ni Aya. Ang kakatwang damdaming naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi mawala sa isip niya tinatanong nang isip niya kung ano ba talaga ang tingin ni Achellion sa kanya. Tinatanong niya kung bakit ganoon na lang ang pag protekta nito sa kanya. Talaga bang papatayin siya nito?

"Ang Aga-aga bakit ang lalim nang iniisip mo?" Wika ni Julianne sabay pitik sa noo nang dalaga. Agad namang dumaing ang dalaga at nasapo ang noo niya.

"Bakit ba?" Asik ni Aya sa binata.

"Bakit ba? Sino sa ating dalawa ang naglalakbay ang utak?" Wika nang binata at inilapag sa harap ni Aya ang isang basong gatas.

"May dinaramdam ka ba Aya" Tanong ni Eugene sa kapatid at lumapit dito. Matama lang siyang tumingin sa kuya niya.

Paano ba niya sasabibhin gayong hindi rin niya maiintindihan ang sarili niya. Nagkatinginan sina Julianne at Eugene nang biglang napabuntong hininga si Aya.

"C'mon now! Parang matanda sa kakabuntong hininga mo." Natatawang wika ni Julianne.

"Oh Mabuti at nandito kayo." Wika ni Donya Carmela at lumapit sa tatlo kasunod naman nito si Butler Lee.

"Granny?" wika ni Eugene at nagmano sa lola, Lumapit din si AYa sa lola niya at nagmano.

"Malapit na ang kaarawan ni Aya. Balak ko sanang idaos ditto sa mansion ang 18th birthday niya." Wika nito.

"Hindi naman natin kailangang maghanda nang bongga." Wika ni Aya. "Ang makasama ko kayo sa isang dinner masaya na ako." Wika ni Aya.

"Siyempre hindi na tin pwedeng palampasin ang 28th birthday mo. Minsan kalang dadaan sa gulang na iyan. Ito na rin ang magandang pagkakataon para malaman nang lahat na kayo ang bagong taga pangasiwa nang kingdom." Wika nang matanda. Hindi alam nang mga ito na naroon si Bernadette sa likod nang pinto at narinig ang sinabi nang matanda.

Mariin siyang napakuyom nang kamao. Matapos ang matagal na panahon nang pagpapasakop nila sa matanda sa dalawang bagong dating lang pala nito ibibigay ang lahat nang mga ariarian nito. Bagay na hindi niya mapapalampas. Kung noon nakaligtas ang magkapatid sa balak niya pwes ngayon hindi na.

Nakipagkita ito kay Herrick upang planuhin nila ang pagdespatsa sa mahakapatid at sa matanda at plano nilang Gawin iyon sa birthday party mismo nang dalaga.

"Tiyakin mong hindi ka papalpak ngayon." Wika ni Bernadette kay Herrick. Ngumisi lang ang lalaki

"Sa binabalak ko tiyak na kaarawan nang pinsan mo ang magiging burol nila." Wika pa nito.

Dumating ang araw nang kaarawan ni Aya. Hindi na nila napigilan si Donya Carmela na maghanda nang isang engradeng birthday celebration para sa bunsong apo nito. Sa ball room nang hotel gaganapin ang kasiyahan. Naunang umalis sa mansion sina Julianne, Eugene at Jenny. Habang naiwan naman sina Roch, Butlet Lee, Aya at Donya Carmela.

Bago pa sila makaalis nang mansion biglang bumuhos ang malakas na ulan at ang malalakas na kulog at kidlat. Natatawa naman si Donya Carmela habang nakasiksik sa likod niya ang kanya apo. Nakasout ito nang napakagandang gown ngunit para itong bata na nakasiksik sa likod niya dahil takot na takot sa kulog at kidlat.

Habang hinihintay nila ang pagtila nang ulan hindi nila namalayan na may mga taong nakapasok sa mansion. Isa-isa nitong pinaslang ang mga bantay nila.

"Bakit Lee?" Tanong nang matanda nang makitang tumayo si Butler Lee mula sa Kinauupuan nito.

"Masyadong tahimik." Wika nang binata.

"Ano ka ba naman Lee. Na paparaniod ka na naman." Natatawang wila nang matanda.

Maingat na naglakad sa pinto ang binata. Nagulat pa ito nang biglang bumukas ang pinto. Agad namang napatayo ang tatlong babae dahil sa gulat, napaatras si Butler Lee nang tutukan siya nang baril nang lalaking nakatakip ang mukha.

"Anong ibig sabihin nito? Sino kayo."galit na asik nang matanda. Ngunit bigla itong binarily nang lalaki.

"Lola!"hintakot na wika ni Aya nang bumagsak ang lola niya. Agad namang inagaw ni Butler Lee ang baril nang isang lalaki. At sinugod ang isa pa.

"Umalis kana Aya." Mahinang wika nang matanda sa apo.

"Hindi. Hindi ko kayo iiwan." Umiiyak na wika ni Aya.

"Roch. Itakas mo na si Aya ditto!"baling ni Butlet Lee sa dalaga habang patuloy na nakikipaglaban sa mga lalaki. Ngunit lalopang dumarami ang mga lalaki.

"Tayo na Aya." Wika ni Roch at hinawakan ang kamay nang dalaga saka ito hinatak papalayo.

"Teka lang ang lola ko." Wika ni Aya habang papalayo at nililingon ang kanyang lola. Sa likod na pinto sila dumaan. Dahil sa dami nang mga lalaki hindi napigilan lahat ni Butler Lee. Ilan sa kanila ay sinundan ang mga dalagang tumakas.

"Arg" daing ni Roch nang maramdaman ang tama nang baril sab inti niya. Bigla itong nabuwal, nabitiwan pa nito si Aya. HUminto naman sa pagtakbo si Aya at nilingon ang dalaga. Nasa likod na niya ang mga lalaking may dala nang baril.

"Takbo na Aya." Mahinang wika ni Roch. Malakas ang buhos nang ulan at dumadagundong ang kalangita dahil sa kulog at kidlat.

"I'm Sorry." Wika ni Aya saka napakagat nang labi sabay takbo. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Madilim ang paligid at sa dami nang mga humahabol sa kanya it is just a matter of time bago siya Makita nang mga ito.

Isang malaking puno ang Nakita ni Aya wala na siyang ipang mapagpilian kundi ang umakyat doon upang magtago.

"Hanapin niyo." Narinig niyang wika nang isang lalaki sa baba nang puno.

"TIyak hindi makakalayo yun." Wika pa nang isa. Pinipilit ni Aya ang sarili na huwag sumigaw tuwing kukulog at guguhit ang kidlat sa kalangitan subalit nang biglang kumulog nang napakalakas at gumuhit ang kidlat sa langit hindi na niya napigilan ang sarili.

Isang malakas na tili sana ang lalabas sa bibig niya nang biglang maramdaman niya ang labing lumapat sa labi niya. Nanlaki ang mata ni Aya dahil sa gulat. Agad niyang itinulak ang may-ari nang pangahas na labi.

"Perv--" putol na wika ni Aya nang biglang sakupin Ulit nito ang labi niya. Hindi nakakilos ang dalaga dahil sa labis na pagtataka. Lumayo ang may-ari nang labi sa kanya at tinakpan nang kamay nito ang bibig niya. Nang bahagyang mailayo nang lalaki ang mukha nito. Saka naman niya Nakita kung sino ang pangahas na iyon.

Achellion? gulat na wika nang isip niya. Dumating ba ang binata upang iligtas siya? Was it really necessary na halikan siya nito, Habang nakatingin siya sa mukha nang binata bigla siyang napasinok. Bagay na umagaw nang atensyon nang lalaki sa ibaba nang puno. Nagpalingon-lingon ito at hinanap ang may-ari nang narinig na sinok. Napansin naman iyon ni Achellion. Muling suminok si Aya.

"Subukan mo uling suminok hahalikan kita." Wika ni Achellion at inilapit ang mukha sa dalaga. Tila parang magic na tumigil ang pagsinok nang dalaga.

Nakatingin siya sa mukha nang binata habang inoobserbahan nito ang lalaki sa ibaba. May lumapit na isang lalaki ditto. Sinabing wala silang makitang dalaga sa paligid.

"Mga inutil Hanapin niyo. Narito lang yun Hindi iyon makakalayo." Galit na wika nito at umalis. Nang masigurong nakalayo na ang lalaki tinanggal ni Achellion ang kamay sa bibig ni Aya at tumayo sa dalaga.

"Okay kalang ba? Nasaktan ka ba?" tanong ni Achellion sa dalaga. Ayaw sana niyang makialaam kanina ngunit nang Makita niya ang takot na takot na si Aya hindi naman niya napigilan ang sarili niya Kailangan niyang iligtas ang dalaga.

"Bakit mo ginawa yun?" galit na asik ni Aya sa binata.

"GInawa ang alin? Ang iligtas ka? Hindi ko naman sana planong gawin iyon pero naisip kong ako lang dapat ang papatay saiyo." Wika ni Achellion. Nakita niyang pumatak ang luha ni Aya may ginawa ba siyang masama?

"Oh C'mon. INiligtas na kita hindi ba? Bakit ka umiiyak."

"That was my first kiss. You Idiot!. How can you kiss me if you can hardly remember me. I was saving it para sa lalaking mamahalin ko. And you-you stole it!" bulalas ni Aya.

Napaawang naman ang labi ni Achellion dahil sa pagtataka. Ginawa lang naman niya iyon dahil muntik nang sumigaw si Aya at kung hind niya iyon ginawa tiyak na nahuli na ito nang mga lalaki. Siya pa ngayon ang masama dahil sa ginawa niya.

Marami nang tao sa ball room nang hotel ngunit hindi pa rin dumarating sina Aya at ang lola ni Eugene. Nagsisimula nang kabahan ang binata. Nilapitan siya nang ibang miyembro nang phoenix na nagtataka din kung bakit wala pa ang mga ito. Naisipan nilang balikan sa mansion ang mga ito.

INiwan nila sa Hotel si Jenny, MEggan at Arielle upang siyang mangasiwa nang mga bisita. SIna Bernadette naman at ang nanay niya ay tahimik na nagsasaya sa di kalayuan. Nasa kamay na nila ang tagumpay kung masusunod lahat nang plano nila. May mga tao silang inupahan upang puntahan ang mansion at paslangin sina Aya at Donya Carmela.

Nang dumating sila Eugene sa mansion, nasa gate pa lamang sila nang mapansin niya ang mga nakahigang bantay nila. BIglang kinabahan si Eugene at Julianne. Nagmamadali silang pumasok sa gate. Hindi pa man sila nakakahakbang papasok nang bigla silang paputukan nang mga di kilalalang lalaki. Mabuti na lamang at agad nakakubli sina Eugene. GUmanti din sila nang putok. May tinamaan silang lalaki na nasa terrace. Habang nakikipagpalitan sila nang putok nang baril unti-unti silang nakapasok sa loob nang bahay. Doon Nakita nila ang duguang si Butler Lee at ang walang malay na si Donya Carmela. Natagpuan din ni Julius si Roch sa labas nang likod nang bahay. Tatlong lalaki ang Nakita ni Julianne na tumakbo palabas nang gate. Sinubukan niya itong habulin ngunit nabilis na nakatakas ang mga ito.

May tama sa sikmura si Butler Lee at si Roch naman ay sa binte. Hindi rin nila Makita sa paligid si Aya. Agad na tumawag nang pulis at ambulasya si Ben upang madala sa hospital ang mga sugatan. Inabutan sila nang madaling araw sa paghahanap sa dalagang si Aya. Natangpuan ni Julianne si Aya sa ibaba nang puno at walang malay.

Nang gisingin niya ito hindi nito alam kung paano ito napunta sa ibaba ang alam nang dalaga nakatulog siya sa puno habang yakap ni Achellion. Masyadong malakas ang ulan at dahil nasa paligid ang mga lalaking naghahanap sa kanya hini niya magawang bumaba.

Nanginginig na ang katawan niya dahil sa lamig na dulot nang ulan panay din ang pagkulog at pagkidlat. Napahawak siya sa braso ni Achellion. Ganoon nalamang ang gulat niya nang bigla siya nitong kabigin papalapit sa kanya at niyakap siya. It was warm. The feeling of security at tila dinuduyan siya. Hanggang sa makatulog na siya.

Nang dumating ang mga pulis at medics agad na dinala sa hospital ang tatlong sugatan. Si Donya Carmela ay nag-aagaw buhay dahil sa maraming dugong nawala ditto. SIna Butler Lee naman at Roch at malayo na sa kapahamakan dinala na rin sila sa isang silid para makapagpahinaga. Si Donya Carmela ay dinala sa ICU upang mabantayan. Sabi nang mga doctor the next 24 hours will be critical sa matanda.

"Anong nangyari kay Mama?" wika ni Elena na dumating kasama si Bernadette at Si Gen. Mendoza. "Totoo bang pinasok ang mansion?"mangiyak-ngiyak na wika nito.

"Sabin ang doctor kailangan pa siyang obserbahan." Wika ni Eugene.

"Buti naman at ligtas ka." Wika ni BErndatte kay Aya na nasa tabi ni Eugene. Hindi niya akalain na wala manlamang itong kagalos-galos.

Kumusta na ang lola niyo?" tanong ni Herrick nang magkita sila ni Bernadette sa isang hotel. Umalis siya sa hospital dahil hindi niya matagalan na makipag usap sa mga pinsan niya. Hindi rin niya gustong Makita na palpak na naman ang plano ni Herrick

"Nag susurvive pa. Nakakainip nga eh. Masyadong matibay ang matandang iyon." Ani Bernadette. "Lahat nang ipinagawa ko saiyo sumasabit. Puro mga banban ang kinukuha mo." Asik ni Bernadette.

"Hindi ko maintindihan kung anong meron diyan sa mga pinsan mo ang lakas makaswerte."wika ni Herrick.

"Ang sabihin mo. Kinakalawang ka na." ani Berndatte. "Ako na ngalang ang gagawa. Kung iaasa ko ito sa iyo. Wala akong mapapala"

Anong ibig sabihin nito?" Gulat na wika ni Jenny nang dumating sa bahay nila. naroon si Johnny kasama si Ramon. Hindi niya inaasahan na makikita ang dalawa na magkasama. Naroon din ang ina niya at mga kapatid na para bang malayang pinapasok si Ramon.

"Paano ka nakalabas nang kulungan?" takang tanong ni Jenny kay Ramon.

"Ano sa palagay mo?"nakangising wika ni Ramon at napatingin kay Johnny.

"Johnny? Bakit mo ginagawa ito?" ani Jenny at bumaling kay Johnny.

"Bakit ko ginawa? Tinatanong ba niya? the nerve!" sakristong wika ni Johnny at lumapit kay Jenny.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito Jenny. Dahil sa iyo." Ani Johnny at hinawakan ang kamay nang dalaga.

"Bitiwan mo ako." Asik ni Jenny kay Johnny.

"You are coming with me." Ani Johnny at kinaladkad ang dalaga palabas nang bahay nila. nagpumiglas ang dalaga ngunit hindi nakinig si Johnny. Kasama si Ramon, Umalis si Johnny at ang mga tauhan nito sa bahay nina Jenny at dinala ang dalaga. Panay ang tawag ni Eugene sa cellphone nang kasintahan ngunit walang sumasagot nagsisimula na siyang kabahan.

"Hindi pa rin ba sumasagot?" tanong ni Julianne sa kaibigan habang sinusubukan nitong tawagan ang telepono nang kasintahan. Umiling lang si Eugene. Nakakapagtakang hindi sinasagot ni Jenny ang telepono nito.

"Puntahana mo na kaya sa bahay nila." ani Julainne.

"Pero walang maiiwan ditto."

"Nandito naman ako at si Aya. Kami na ang bahala kay Donya Carmela."

"Puntahan mo na si Ate Jenny kuya. Kesa naman nag aalala ka ditto." Wika ni Aya sa kapatid at lumapit ditto.

"Babalik agad ako." Ani Eugene at ipinatong ang kamay sa ulo nang kapatid. Ngumiti lang si Aya at tumango.. Aktong aalis si Eugene nang biglang tumunog ang cellphone niya. ganoon na lamang ang gulat niya nang si Johnny ang tumawag sa kanya. Nais nitong makipagkita sa kanya. May importanteng bagay daw itong nais sabihin sa binata.

Matapos silang mag-usap nina Eugene at Johnny Agad ding umalis si Eugene para makipagkita sa binata. Tumawag nalang siya sa ina ni Jenny para alamin kung nandoon pa ang kasintahan sa bahay nila. sabi naman nang ina nito naroon si Jenny at wala siyang dapat ipag-alala.

"Bakit Aya?" tanong ni Julianne sa dalaga nang makaalis ang kuya niya. nahalata niyang malalim ang iniisip nang dalaga.

"Hindi ka ba nagtataka?" ani Aya at tumingin kay Julianne.

"Nagtataka? Saan?" takang wika ni Julianne.

"Bakit makikipagkita si Johnny sa isang lugar na walang masyadong tao? Isa pa hindi---" naputol ang sasabihin ni Aya nang biglang pinitik ni Julianne ang noo niya.

"Aw!" daing nang dalaga at agad na sinapo ang noo saka tumingin nang matalim sa binata.

"Yah! Whats the big idea?!" singhal ni Aya sa binata.

"Pwede ba. Kung ano ano ang iniisip mo. Si Johnny. Pamilya ang turing ni Eugene sa kanya. Bakit naman nakakapagduda kung magkikita sila." Ani Julianne at tumabi sa dalaga. Maging siya ay hindi rin maganda ang pakiramdam sa biglaang pagpaparamdam ni Johnny. Ilang araw din itong hindi nagpakita sa kanila kaya naman talagang nakakapagduda. Ngunit, dahil may tiwala siya kay Johnny at parang kapatid na ang turing niya ditto gusto niyang ipanatag ang loob niya. Bukod doon ayaw din niyang mag aalala si Aya lalo pa ngayon na critical pa ang lola nila. hindi pa rin ito nagigising.

Dumating si Eugene sa lugar kung saan sila mag tatagpo ni Johnny. Nang dumating siya sa lugaar bigla siyang ngataka dahil wala manlang katao tao sa lugar na iyon kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya. nang tumawag si Johnny bigla siyang kinutuban nang masama ngunit ayaw niyang bigyan ang sarili na mag alala kaya naman binalewala niya ang kutob na iyon.

Ilang minuto din niyang hinintay si Johnny hanggang sa may humintong itim na van di kalayuan sa kinatatayuan niya. napansin niyang bumamaba si Johnny mula sasakyan. Napansin din niyang may ibang kalalakihan ang sumunod ditto.

"Kanina ka pa ba naghihintay Lt?"tanong ni Johnny sa binata nang makalapit.

"Hindi naman, Ano bang mahalagang bagay ang nais mong sabihin at ditto ka pa nakipagkita? Isa pa, bakit ilang araw ka nang hindi nagpapakita sa opisina. Nag-aalala na ang lahat sa iyo." Wika ni Eugene.

Nakita niyang ngumisi lang si Eugene. "Hindi ako makapaniwala na hangal ka rin pala Lt." na bigla si Eugene sa sinabi ni Johnny. Hindi maganda ang pakiramdam ni Eugene parang may kakaiba sa binatang nasa harap niya. hindi na ito ang Johnny na kilala niya. biglang naalarma si Eugene nang bigla siyang pinalibutan nang mga lalaking kasama ni Johnny.

"Anong ibig sabihin nito Johnny?" Baling ni Eugene sa binata.

Nakita niyang ngumisi lang si Eugene. "Hindi ako makapaniwala na hangal ka rin pala Lt." na bigla si Eugene sa sinabi ni Johnny. Hindi maganda ang pakiramdam ni Eugene parang may kakaiba sa binatang nasa harap niya. hindi na ito ang Johnny na kilala niya. biglang naalarma si Eugene nang bigla siyang pinalibutan nang mga lalaking kasama ni Johnny.

"Anong ibig sabihin nito Johnny?" Baling ni Eugene sa binata.

"Akala ko ba matalino ka LT. Hindi mo pa rin ba nahuhulaan?" ani Johnny. "Dalhin siya!" wika ni Johnny na naging hudyat upang atakehin nang mga lalaki si Eugene. Nang una nagawa pang lumaban ni Eugene sa mga ito. Ngunit nang maglabas na ito nang baril hindi nagawang lumaban ni Eugene. Hindi niya maiintindihan kung ang nang nangyayari kay Johnny. He seemed to be so different. Hindi na niya kilala ang Johnny na nasa harap niya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito LT. kung hinayaan mo sana ako at si Jenny. hindi n asana aabot sa ganito. Si Jenny lang ang buhay ko. At dahil sa iyo! Iniwan niya ako." Galit na wika ni Johnny kasunod ang isang lakas na sipa sa mukha ni Eugene. Sargo ang dugo sa bibig nang binata. Nabitiwan din siya nang dalawang lalaking may hawak sa kanya dahil sa lakas nang impact nang ginawa ni Johnny. Humandusay sa lupa ang binata.

Naguguluhan si Eugene. Anong ginawa niya para maging ganito si Johnny. Masama bang sinunod niya ang puso niya? hindi niya akalain na labis niyang nasaktan Johnny sapat para talikuran nito ang pinagsamahan niya. biglang napaubo si Eugene kasama nang ubo na iyon ang dugo na lumabas sa bibig niya dala nang malakas na sipa ni Johnny.

"Dalhin na ang isang yan." Ani Johnny at tumalikod. Agad naman sumunod ang mga lalaki sa utos nang binata. Dahil wala nang lakas si Eugene. Nagawa siyang kaladkarin nang mga lalaki patungo sa sasakyan. Bago siya isakay sa van. Naramdamn ni Eugene ang malakas na paghataw nang isang matigas na bagay sa ulo niya dahilan para mawalan siya nang malay.

Biglang nagising si Eugene nang maramdaman ang malamig na tubig na tumama sa katawan niya. Nang magmulat siya nang mata napansin niyang nasa isang bodiga na siya at nakatali sa isang upuan. Nakita din niya ang lalaking nagsaboy nang tubig sa kanya.

"Gising ka na Pala Lt. Long time no see." Wika ni Ramon na naglakad palapit kay Eugene kasama si Johnny. Hindi makapaniwala si Eugene sa nakikita. Ang alam niya dapat nasa kulungan ngayon si Ramon. Siya pa mismo ang gumawa nang paraan para hindi na ito makapagpyensa. Ngunit ano itong nakikita niya? at bakit magkasama si Johnny at Ramon?

"Johnny anong ibig sabihin nito?" tanong ni Eugene sa binata.

"Eugene!" Biglang narinig ni Eugene ang tawag nang isang pamilyar na tinig. Agad niyang tinunton ang may ari nang boses. Hanggang sa makita niya si Jenny na hawak nang isang lalaki na nasa ikalawang palapag.

"Jenny." Takang wika ni Eugene.

Nang kausap niya ang ina nito kanina. Sabi nito nasa bahay si Jenny. He should have known na hindi niya pwedeng pagkatiwalaan ang ina nito. He knows better na wala itong ibang hangad kundi ang mapalayo si Jenny sa kanya.

"Hindi ko palan nasabi sa iy LT. May iba pa kaming kasama." Ani Johnny.

"Bakit mo ginagawa ito?" baling ni Eugene kay Johnny. "Akala ko ba gusto mo si Jenny?"

"OO! I love her more than you do. That's why I am taking her for myself. Kaya lang habang nabubuhay ka. Patuloy niya akong tatanggihan. Kaya naman I invited her. To witness your demise." Ani Johnny.

"So this is how you show your love? How pathetic. No wonder hindi ka niya magugustuhan." Ani Eugene. Ngunit biglang napaagik ang binata nang hatawin ni Ramon nang baseball bat ang ulo niya.

"EUGENE!" malakas na tili ni Jenny nang makita ang ginawa ni Ramon. Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakahawak nang lalaki ngunit wala siyang naging laban sa lakas nito. sa kabilang banda ang binata si Eugene naman au sargo ang dugo sa ulo dahil sa sugat na tinamo mula sa paghataw ni Ramon sa kanya. Bukod doon hirap na rin siyang ibuka ang mata niya dahil sa pag-agas nang dugo patungo sa mata niya. Subalit na aaninag pa rin niya si Jenny at ang pagpupumiglas nito.

Muli sanang hahatawin ni Ramon nang baseball bat si Eugene nang biglang sumigaw nang malakas ang lalaking may hawak kay Jenny. Kinagat ni Jenny ang braso nit para makawala mula sa pagkakahawak nito.

"Bitch!" galit na wika nang lalaki at malakas na sinampal si Jenny. At dahil malapit sa barindilyas si Jenny bigla itong nawalan nang balanse at nahulog.

"Jenny." Mahinang wika ni Eugene. Dahil wala siyang lakas wala siyang magawa para iligtas ang kasintahan niya.

"Jenny!" malakas na sigaw ni Johnny nang makita ang nangyari sa dalaga. Waring natauhan naman ang lalaki dahil sa ginawa niya. Ang nagpupuyos sa galit na si Johnny ay biglang humugot nang baril at sunod-sunod na pinaputukan ang lalaki. Tinamaan sa dibdib at tiyan ang lalaki at agad na nabuwal.

"Ano ang ginagawa mo!" asik ni Ramon kay Johnny at itinulak ang binata.

"Walang utak ang tauhan mo." galit na wika ni Johnny kay Ramon. "Kung may mangyaring masama kay Jenny? Kaya niya bang ipalit ang buhay niya?"

"Akala ko ba narito ka para tapusin ang buhay nang mga taong nanakit sa iyo! Lalo na ang tenyenteng iyan. Baliw ka na ba? Bakit ka naghahabol sa isang babaeng hindi ka gusto." Ani Ramon.

"Anong Pakialam mo!" ani Johnny at itinutok ang baril kay Ramon. Ngunit ngumisi lang si Ramon. Napansin ni Johnny na biglang sa kanya na nakatutok ang baril nang lahat nang tauhan ni Ramon.

"Hindi ako makapaniwalang naging sunod sunoran ako sa isang walang alam na pulis na tulad mo."ani Ramon. "Dahil, Pinalaya mo naman ako sa kulungan. Bibigyan kita nang parteda. Kunin mo na ang babaeng yan at umalis ka na ditto." Ani Ramon sa kanya. "Wala na siyang kwenta sa akin ngayon. Pwede ko nang durugin sa kamay ko ang Lt na ito." Anito.

Ilang sandali ding tumiting si Johnny kay Ramon bago nagmamadaling lumapit kay Jenny. Nang makalapit siya sa dalaga. Wala na itong malay at duguan dahil sa sugat sa ulo nito. nang mahulog ang dalaga tumama ang ulo nito sa isang malaking bakal.

"Jenny! Jenny?" nag aalalang wika ni Johnny at pinulsohan ang dalaga. Ngunit mahina na ang tibok nang puso nito. kung magtatagal pa sila sa lugar na iyon maaring hindi na magtagal ang dalaga. Agad niyang pinangko ang dalaga para ilayo sa lugar na iyon. hindi pa man sila nakakalabas nang building bigla na silang hinarang nang mga tauhan ni Ramon.

"Anong ibig sabihin nito?" asik ni Johnny sa lalaki a bumaling ditto.

"Naisip kong, kapag hinayaan kitang lumabas sa lugar na ito. Pwede mo akong isumbong sa mga pulis. Kaya naman naisip kong sabay-sabay na kayong ilibing sa lugar na ito." Ani Ramog at itinutok ang baril sa kanila.

"HAYOP ka talaga!" asik ni Johnny. Isang malakas na tawa lang ang isinagot ni Ramon.

"I'm Sorry Jenny." Wika ni Johnny at inilapag ang dalaga. "I'll promise to save you." Ani to at tumingin sa nanghihinang si Eugene. Bigla siyang natauhan sa ginawa niya. ipinagpalit niya ang pagkakaibigan nila ni Eugene at nagawa niyang saktan ang babaeng pinakamamahal niya dahil sa labis na panibugho.

"Ah!" sigaw ni Johnny at sinugod si Ramon. Ngunit bago pa siya makalapit sa lalaki bigla siyang pinaulanan nang baril nang mga tauhan ni Ramon. Walang buhay na bumagsak sa lupa si Johnny. Bago siya tuluyang bawian nang ulirat.

Nakita niya sa isip niya ang masasayang mukha nang mga kaibigan niya sa Phoenix ang how happy they used to be. Bumagsak sa mata ni Johnny ang luha nang pagsisisi. Nabulag siya sa labis na pagnibugho at wala na siyang nagawa para itama ang pagkakamali niya.

"Fool. Do you really think na kaya mo ako." Ani Ramon at lumapit sa walang buhay na katawan ni Johnny at inapakan ang ulo nito.

"Ramon!" buong lakas na sigaw ni Eugene. Bumaling naman si Ramon sa binata.

"May Lakas ka pa pala." Anito sa kaya at lumapit sa kanya. Hinataw nito ang baril ang ulo ni Eugene dahilan para muling sumuka nang dugo ang binata. Ngunit hindi na maramdaman ni Eugene ang sakit. Pakiramdam niya manhid na ang buong katawan niya. Walang mala yang kasintahan niya at Patay na ang kaibigan niya. Sa isang kisap mata lang he was able to witness na mawalan nang taong pinahahalagahan sa harap mismo niya. NI hindi niya nagawang humingi nang tawad kay Johnny.

"Huwag kang mag-aalala ikaw na ang isusunod ko." ani Ramon at itinutok sa ulo ni Eugene ang hawak nabaril.

"AH!" malakas na sigaw mula sa mga tauhan ni Ramon. Takang napatingin si Ramon sa mga tauhan niya. ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang nasusunog ang mga ito. Bigla niyang napansin ang lalaking nakatayo sa may pinto. At ang nakakaagaw pansin nitong itim na pakpak at nag-aalab na kamay.

"S-sino ka?"hintakot na wika ni Ramon at bumaling sa lalaki saka iton pinaulanan nang putok nang baril. Biglang napa buga nang hangin si Ramon nang mapansin na wala na sa pinto ang lalaki at sa isang iglap nasa harap na niya ito. Nanlilisik ang asul na mata nito at talaga namang nakakatakot. Isa bang halimaw ang nakikita niya.

"Bakit ka natatakot? Hindi bat isa ring halimaw?" sakristong wika nang lalaki at hinawakan ang kamay ni Ramon. Sa isang iglap bigla itong naapoy. Biglang nasisigaw si Ramon at sinubukang alisin ang apoy sa braso niya. kahit hirap nang idilat ang mata naaninag ni Eugene ang nangyari sa mga tauhan ni Ramon at ang pagdating nang isang kakaibang nilalang.

Nang maalis ang apoy sa kamay ni Ramon sinubukan niyang atakehin ang lalaki. Ngunit bigla siyang sinalubong nang isang apoy na palaso.

"Kahit sa impyerno hindi ka tatanggapin. Dahil baka pati si satanas agawan mo nang pwesto." Wika nang lalaki habang nakikitang unti-unting nalalagutan nang hininga si Ramon. Hindi alam ni Eugene kung ano na ang sumunod na nangyari.

Nadaing na siya nang kadilimang kanina pa gustong lumamon sa ulirat niya. bago siya tuluyang lamunin nang kadiliman isang liwanag ang nakita niya at narinig ang isang napakagandang awit.

"So you came!" wika ni Achellion nang maging isang tao ang liwanag na bumaba mula sa langit. Si Leo.

"Siguro naman alam mo na isang malaking kasalanan ang ginawa mo. lalo pa at nakapatay ka nang isang mortal." Wika ni Leo kay Achellion. "Ang tagal kung hinintay ang pagkakataong magkaharap tayo Achellion."

"Narito ka para hulihin ako?" ani Achellion.

"Siguro naman alam mo na rin kung ano ang parusang naghihintay sa iyo." Wika ni Leo. Sa isang iglap lang nabalot nang isang matibay na kadina ang katawan nin Achellion. Ganoon na lamang ang gulat ni Leo nang biglang magkapirapiraso ang bakal na kadinang nakapulupot sa katawan ni Achellion.

"Paanong---"

次の章へ