webnovel

The Wedding 2

Chapter 9

Ngayon ay handa na ang lahat ng kailangan nila para sa magaganap na kasal. Naghahalo ang kaba, saya, at kung ano-ano pang pwedeng maramdaman ni Spencer ngayon.

Kasama nya ngayon sa kwarto ang mga kaibigan nya na binibiro pa sya habang nagbibihis sila. Panay ang biro ng mga ito sa magaganap na honeymoon mamayang gabi.

Nakikitawa nalang sya sa mga biro ng mga ito habang naghahanda sila. Lumipas ang ilang oras ay papalapit na ang magaganap na kasal nya ngayon. Panay ang paghila nya ng hangin dahil kinakabahan talaga sya.

"Ohh, parang masyado kang kinakabahan, ahh?" Tanong ng ate nya.

"Ehh, kasi naman ate, ito na yung pinakahinihintay ko. Natural lang na kakabahan ako." Sabi nya. Hinawakan sya sa balikat ng ate nya tapos nginitian sya.

"Ok lang yan. Basta wag kang kakabahan sa simbahan." Natatawang biro nito tapos nauna nang pumasok ng kotse. Sya naman ay sumunod dito at makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating na sila sa simbahan.

Naghintay muna sila ng ilang minuto bago nila sinimulan ang paglalakad. Panay ang tingin ni Spencer sa paligid habang tinitignan din ang mga taong naglalakad sa harap nya.

Nang sya na ang maglalakad ay huminga muna sya ng malalim bago sya dahan-dahang naglakad papunta sa harap ng altar. Nang makarating sya sa tabi ng best man nya ay agad syang humarap sa maraming tao.

Ngumiti sya at biglang bumugso ang damdamin nya. Nakangiti sya ngayon pero naluluha na din sya ngayon. Narinig nyang sumara ang pinto ng simbahan at ang tanging maririnig lang sa simbahan ay ang ingay ng mga tao at ng tugtog galing sa piano.

Muling bumukas ang pinto ng simbahan at tumunog muli ang kampana. Ang lahat ay napalingon sa pinto ng simbahan at doon nila nakita ang kanyang mapapangasawa.

Naluluha habang nakangiti itong naglalakad habang nakatingin sa kanya. Dahil doon ay naiyak na din sya at hindi na pinigilan ang nararamdaman. Nakatitig sila sa isa't isa habang dahan-dahan silang naglalakad sa gitna ng simbahan.

Wala sa sariling napatingin sya sa pinto at nakita nya doon yung isa sa mga lalaking nakita nila sa mall. Nakatingin iyon kay Camille ngayon na parang gulat at sandali pa munang tumingin bago umalis. Sya naman ay bumalik sa huwisyon nya dahil biglang nasa harap na nya si Camille.

"You look so beautiful. I can't believe that you're going to be my wife." Madamdamin nyang sabi sa dito. Naiyak ulit sila at nagyakap. Matagal iyon bago sila bumitaw at inalalayan nya itong maglakad.

Sabay silang naupo sa harap ng pari at nagsimula na ang kasal namin. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na sa parting isusuot nya na ang singsing sa dito. Naiiyak pero nakangiti nyang isinuot iyon sa dito.

"I love you, Mrs. ko." Nakangiti nyang sabi sa dito habang nakatingin sa mata nito at dahan-dahang isinusuot ang singsing sa nito. Sya naman ay nakangiti lang at sya naman ang nito sinuotan ng singsing.

"I love you." Bulong nito habang nakangiti sa kanya.

"I love you more." Nakangiti nya ding bulong.

"Pwede mo nang halikan ang asawa mo." Nakangiting sabi ng pari sa kanila. Sandali nila itong nilingon at sabay silang tumingin sa isa't isa at nakangiti nyang hinawakan ang pisngi nito at dahan-dahan nitong hinalikan.

Sabay silang napangiti ng marinig nilang dalawa ang palakpakan ng lahat ng taong nasa loob ng simbahan. Sabay silang bumitaw sa halik ng isa't isa at sabay na lumingon sa mga taong saksi ng pag-iisang dibdib nila.

_____________________________

Nagtataka parin si Nah sa biglang pagkawala ng nobya nya. Nagulat sya ng makita ulit ang babaeng kamuhka ni Annie. Ikakasal na pala ito at fiance pala nito ang lalaking iyon. Umiling sya para wala sa isip nya iyon at drive nalang pauwi.

Nang pauwi na sya ay biglang tumawag sa kanya ang boss nya at sinabing may kailangan daw itong ipagawa sa kanya at hindi nya naman ito matanggihan kaso nawawala pa ang nobya nya. Sinubukan nyang magpaalam muna saglit pero kailngang-kailngan na daw kasi kaya wala syang nagawa.

Agad syang pumunta ng trabaho nya at umaasang sana nakauwi na si Annie. SI annie naman ay nakangiti habang nakatingin sa sarili nya sa salamin. Hindi naman ito ang unang bese pero hanggang ngayon ay namamangha parin nya.

"Ang ganda natin, nohh?" Tanong ni Camille habang masayang-masaya parin at nakangiti sa salamin.

"Matagal na, Camille." Sarkastikong sabi ni Scarlett. Hindi na kasi ito ang unang beses nyang nakita ang sarili nilang maganda.

"Gusto ko na din ikasal." Biglang sabi ni Annie.

"Tanungin mo na kasi si Nash." Sabi ni Camille. Tumayo si Annie at akmang lalabas ng magsalita si Camille. "Saan ka pupunta?" Mataray na tanong nito.

"Tatanungin si Kuya." Inosenteng sabi ni Annie. Napairap nalang si Scarlett at napailing naman si Camille.

"Hay, Annie, kung hindi ka lang talaga nakakatulong sa amin, papaalision ka na namin. Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga! Malamang, hindi mo sya dapat tanungin. Hayaan mo sya ang magtanong sayo. Ikaw ang babae, have a pride girl!" Mataray na sabi ni Camille.

"Naku, bilisan na natin. Baka mahuli tayo ni Spencer." Saway ni Scarlett sa dalawa.

"Let's go?" Tanong ni Spencer.

"Let's go." Nakangiting sabi ni Camille at sabay silang bumaba ng hagdan.

___________________________

Natapos na ang kasiyahang nangyari sa reception. Sila naman ni Spencer ay maingat na nagmaneho pauwi sa bahay nila dahil parejo silang nakainom. Nang makauwi sila ay agad na nilang ginawa ang dapat nilang gawin.

Agad na naging mapusok ang galaw nila at mapusok na hinahalikan ang isa't isa. Nagtutulungan silang hubarin ang damit ng bawat isa habang hindi naghihiwalay ang mga labi nila.

Ang mapusok nilang halikan ay nagpaikot-ikot sa katawan ng isa't isa at natagpuan na lamang nilang gumagawa sila ng ingay sa loob ng bahay. Pareho nilang dinadama ang langit habang mag-iisa ang katawan nila.

__________________________

Natapos na ni Nash ang pinapagawa ng boss nila at hindi na nya magkandaugaga sa pag-uwi at gustong malaman kung naroon na ba ang nobya nya. Pagpasok nya ng bahay ay nakita nya itong nasa harap ng salamin.

"Ann———" bigla syang napatigil ng bigla nitong humarap sa kanya.

"Kuya!!" Sigaw nito at dali-daling lumapit sa kanya. Habang sya naman ay nakatulala lang dito at pilit na ginigising ang sarili sa isip dahil muhkang nananaginip sya.

"A-Annie, saan ka ba galing k-kanina? Hinahanap kita..." Nauutal nyang sabi.

"Galing po ako sa friend ko. Nilagyan nya ako ng make-up, ohh." Sabi nito at itinuro ang muhka nito. Sya naman ay natulala nanaman dito.

"A-Ang ganda..." Mahina nyang sabi habang wala parin sa sarili.

"Thank you, Kuya." Nakangiting sabi nito. Yung ngiting hindi mo makikita yung mga mata nya.

"K-Kumain ka na ba? Gusto mo bang lutuan kita ng nuggets or mag-order ako ng pizza?" Tanong nya habang mabigat na lumulunok.

"Pareho." Nakangiti paring sagot nito. Tumango sya at kumuha ng frozen nuggets at nag-order ng pizza. Habang niluluto nya ang nuggets ay nakatingin sya kay Annie habang nanonood at tumatawa nito.

"Ganito pala sya kapag naayusan." Bulong nya habang nakatingin parin sa direksyon ni Annie. Bumalik sya sa pagluluto at maya-maya ay dumating na din ang pizza kasabay ng pagkatapos ng pagluluto nya.

"Yehey!!" Sigaw ni Annie tapos dali-daling lumapit sa kanya.

"Ohh, ako na. Dyan ka nalang." Sabi nya tapos umupo na sa tabi nito. Agad kumuha ng nuggets si Annie at excited na ngumuya. Pagkatapos ay kumuha ito ng pizza at agad iyong kinagatan.

Habang si Nash ay nakatingin lang sa kanya at parang nananaginip parin sya hanggang ngayon. Nanonood lang sya kay Annie habang kumakain ito. Wala sa sariling bigla nyang siniil ng halik ang nobya nya. Nang bumitaw sya ay taka syang tiningnan ni Annie.

"Kuya, guato mo bang———"

"Hindi!" Agad nyang pigil dito. Habang nagsasalita kaai ito, tinatanggal na nito ang damit na suot. "Hinalikan lang kita kasi ang ganda mo." Sabi nya tapos pilit na ngumiti. Napatango-tango naman sa kanya si Annie.

- To Be Continued -

(Mon, August 23, 2021)

次の章へ