webnovel

16

Chapter 15

- Cade's POV -

Naalimpungatan ako dahil parang may tumatawag sa akin. Nang magmulat ako ng ay nakita kong si Luna iyon. Nakangiti ito at parang sobrang saya din nya.

"Hello, birthday boy. How's your sleep?" Tanong nya habang dahan-dahang yumayakap sa akin.

"Masarap. How about you? Did you sleep?" Tanong ko.

"Uhm... But it's shorter than yours." Nakangiting sagot nya. "Let's go?"

"Saan?" Tanong ko.

"Baba na. It's your birthday, remember?" Nakangiti paring sabi nya.

"Magbibihis lang ako, then, we'll go downstairs." Nakangiting sagot ko tapos tumayo na at hinayaan syang nakayakap parin sa akin. Hanggang sa kusa na syang bumitaw at hinayaan akong magbihis.

Paglabas namin at yumakap ulit sya sa likod ko. Pagbaba namin ay naroon silang lahat sa sala at nandoon na din ang mga pagkain. Nakangiti silang lahat habang nakatingin sa amin ni Luna.

Ginantihan ko sila ng ngiti tapos lumapit na kami ni Luna sa kanila. Actually, nandito kami ngayon sa labas, sa garden, dahil maluwag ang space dito sa may garden namin at talagang kasya kami kahit marami kami.

Pinanood ko sila at doon ko napansin ang mga kilis nila. Wala na sa tabi ko si Luna at kausap na sya ng mga pinsan kong babae. Nag-kwe-kwentuhan sila na parang sobrang close na nilang lahat.

"Mom, nasaan nga pala si Gavin?" Tanong ko kay Mommy.

"Susunod na daw sya sabi ng tita mo. May inaasikaso pa daw kasi ang pinsan mong yon." Nakangiting sagot nito sa tanong ko.

"Wag mo muna hanapin si Gavin, magpapakita iyon. Ikaw kaya ang may birthday. For now, just focus on your girlfriend, ok?" Nakangiting sabi nya. Tumango ako tapos pumunta sa kinaroroonan ni Luna.

Hindi ako lumapit, pinagmasdan ko lang sya sa malayo na parang isa akong lalaking torpe na hindi kayang magtapat ng pagmamahal sa kanya. Nakangiti sya ngayon hbang kausap ang mga pinsan ko.

Nagtatawanan ang mga ito at nakikitawa naman sa kanila si Luna. Naiinis ako sa sarili ko dahil nararamdaman kong nagseselos ako dahil napapatawa sya ng iba. Gusto ko kasi ako lang.

Parang biglang nawala ang mga tao sa paligid at ang liwanag ng araw ay naka-focus lang lahat kay Luna. Lalo pang lumiliwanag kapag ngumingiti sya para akong nakakita ng isang anghel.

"Bago, ahh? Akala ko mas tinamaan ka na kay Scarlett. Mas magkakaroon ka pa pala ng tama sa kanya." Biglang salita ni Gavin.

"Saan ka galing? P-Paano ka napunta dyan?"  Sabi ko at lumingon-lingon sa paligid.

"Tsk. Masyado ka kasing titig na titig sa babaeng iyon." Sabi nya at tinuro pa si Luna.

"Hindi kita napansin..." Bulong ko.

"Talagang hindi mo ako napansin. Para ka kayang t*ngang nakangiti at nakatingin sa kanya. Who's that girl?" Tanong nya tapos lumingon sa gawi ni Luna.

"She's my new girlfriend." Proud kong sagot.

"Oww. Sya pala ng tinutukoy ni Mommy sa phone." Tumatango-tangong sagot nya. "She's lucky, huh?" Natatawang sabi nya habang nakatingin parin kay Luna. "You never introduced any other woman to your family. It's the first time na may pinakilala ka na nakilala at nakita talaga namin. Si Scarlett, pinakilala mo lang as your girlfriend, but never come to introduce herself personally." Tumigil ito at humarap sa akin habang nakangisi. "You got it bad, huh?" Nakangising sabi nya.

"Shut up, Gav." Pananaway ko sa kanya at pinanlakihan sya ng mata.

"Yeah, you better shut up before I punch you." May biglang nagsalita. Si Luna.

"L-Luna..."

"You know that I'm sarcastic, right?"

"You know that I'm serious, right?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Luna. Dumukwang naman si Gavin tapos bumuling sa akin.

"Couz, she's scary. Good luck to you." Nananakot nyang sabi tapos mahinang tumawa. Yung evil laugh. Ako naman ay nahihiyang nakitawa.

"Anong binubulong mo sa boyfriend ko, ha?" Nakakatakot parin nyang tanong tapos lumapit sa akin at yumakap.

Kung hindi nya lang ako niyakap, natakot na din ako.

"Wala. Sabi nya nakakatakot ka daw." Natatawa kong sabi ko.

"Hindi naman, diba?" Tanong nito na parang nagpapacute pa. Hindi ako sumagot sa halip ay pinanggigilan ko pa ang mga pisnge nya.

"Hindi naman masyado." Natatawa kong sabi. Natawa din sya ng bahagya. At doon ko lang napansin na nakaupo na sya sa tabi ko at wala na si Gavin.

"Ang energetic ng pamily mo." Natatawang sabi nya habang nakatingin sa mga tao.

"Bakit parang malungkot ka?" Tanong ko ng may pag-aalala. 

"It's just that, I wish I have a family like yours." Mapait at pilit syang ngumiti pagkatapos nyang sabihin iyon at humarap sa akin at tumingin ng diretso sa mata ko. "Every since I was a child, I grow up with my Grandparents. With my kuya. Maaga kasing nawala ang parents ko, I think when kuya is 5 years old, and I was just 1 year old. Galit nga si kuya sa akin kasi sabi nya "It's all your fault! It's all your fault!" then, I was just. You know." Naluluha nyang dagdag. "Sya nalang ang meron ako, at It's.... Sobrang sakit, ehh." Naiiyak parin nyang sabi. Niyakap ko naman sya at hinaplos ang likod nya.

"Luna, just like you said, you're just 1 year old way back then. And wag mong sisihin ang sarili mo dahil sinisisi ka ng iba. You are just a baby, you don't even know how to walk, neither to talk. Luna, kahit anong sabihin ng kuya mo, kahit sisihin ka pa nya, wag mong sisisihin ang sarili mo kasi hindi mo din gusto ang nangyari, ok?"

"Cade..."

"Hmm?"

"Pagkatapos natin ng college, pakasal na agad tayo?" Biglang tanong nya dahilan para matulala ako.

"Si---"

"Cade, anak! Blow your candles na!" Biglang sigaw ni Mommy dahilan para hindi ko matapos ang sinasabi ko. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumayo na si Luna at sya ang humawak ng cake.

Nakangiti akong tumayo sa kinauupuan ko at nakangiti paring humarap sa kanila. Hindi natanggal ang ngiting iyon habang kinakantahan nila ako. Pero ang lahat ng atensyon ko ay nakatuon lang kay Luna na nakangiti at sumisinghot-singhot.

Pumalakpak ako at sabay sa pagkanta nila habang nakangiti kaming lahat. Pinalibot ko ang tingin ko sa paligid at lahat sila ay masayang kumakanta at pumalakpak hanggang sa matapos na sila.

"Anong wish mo?" Tanong ni Luna. Nagbalik ako ng tingin sa kanya at umaktong nag-iisip.

"Ang wish ko ay ikaw na ang babaeng makasama ko habang buhay." Nakangiting sabi ko tapos hinipan ang kandila. Lahat naman sila ay sumigaw ng 'ayieee' at pumalakpak.

"Kainan na!!" Sigaw ng isa kong pinsan at ganon nga ang nangyari. Nagkainan na kami at lahat kami ay nakaupo sa isang mahabang mesa dito sa may labas.

Bali, may dalawang mahabang mesa at ang isa ay kinakainan namin, ang isa ay lagayan ng mga pagkain. Tapos ang upuan ay katabi ko si Luna at napag-gigitnaan namin sya ngayon ni Gavin.

Kumain kaming lahat at hindi lang dalawang ang cake ko. May bumili pa pala ng cake kaya naging lima ang cake ko. Hinati-hati na iyon sa tamang sukat at pareho-pareho lang pero iba ang flavor ng cake.

May chocolate, mocha, white cheese, vanilla, at yung isa ay color dark pink na. May ice cream din na iba't ibang flavor katulad ng vanilla, avocado, strawberry, chocolate, rocky road, at iba pa.

Masaya kaming kumakain ni Luna. Minsan nagsusubuan kami, minsan nag-kwe-kwentuhan din. At shempre, hindi lang kaming dalawa. Nakikipagkwentuhan din sa kanya ang pamilya ko.

- Luna's POV -

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ng paligid ko. Hindi ako sanay na maraming tao ang nakapaligid sa akin at mas lalo akong hindi sanay na maingay ang paligid ko.

"Alam mo, hija. Bagay na bagay kayo ni Cade." Biglang sabi ng isang tita ni Cade.

"Talaga po?"

"Oo." Ibang tita naman nya ang sumagot.

"We never seen Cade like this happy. Oo, hindi sya malungkot. Pero alam mo naman, only child. But, ang sinasabi ko lang, iba yung saya nya ngayon." Parang kinikilig na sabi nito. Ako naman ay dahil sa hiya ay napakamot nalang ng ulo.

"Sana hindi na kayo maghiwalay, sana kayo na hanggang dulo." Kinikilig na sabi pa ng isang tita nya. Dahil doon ay namula ako.

"Wag nyo naman i-presure ang future daughter-in-law ko." Biglang sabay ng Mommy ni Cade. Lalo naman na mula ang pisnge ko na ikinatawa lang nila.

Muli kong pinalibot ang paningin ko sa paligid haang nakangiti. Mabuti nalang at mabilis akong mag-adjust sa kahit na anong bagay kaya nakaya kong magtagal dito.

Hindi naman malungkot ang birthday ko dahil sa mga lolo ko pero hindi naman kasing saya at sigla nito. Pag birthday ko kasi, laging wala si kuya. Tapos wala na sila Mommy and Daddy.

Kahit na ganon ka lungkot ang nararamdaman ko, nangingibabaw parin ang sayang nararamdaman ko ngayon. Kasi kahit papaano, naramdaman ko ang isang nagulo pero masayang pamilya. Kasama ko pa ang bestfriend ko.

- To Be Continued -

(Fri, June 4, 2021)

次の章へ