Chapter 10
- Johnson's POV -
Its lunch time kaya pumunta ako ng office ng prinsesa ko. Tinext ko si Gian kung sasabay ba sya pero sinabi nyang may date daw sya ngayon. Masaya kaming nagkwe-kwentuhan ni Gillian habang naglalakad. Nang maarating kami ay agad kaming naupo sa favorite spot namin. Nagkwentuhan ulit kami habang nag-aantay ng order.
"Tapos naalala ko pa s-si--- hahaha--- si Gian biglang nadapa tapos sinisi nya yong lupa tapos sabi ni kuya "bakit lupa sinisisi mo? Baliw ka ba?" Tapos biglang umiyak Hahahaha. Yung sa lakas ng iyak nya pati sila mommy and daddy nagu--- hahahaa nagulantang" tawang tawang kwento nya sakin. Habang ako parang baliw na nakatingin sa kanya. Para syang angel na nakikipag-kwentuhan sa isang tao. Ang ganda nya talaga!
Nawala ang atensyon ko sa girlfriend ko ng biglang tumunog ang phone ko. Its from Atlas! May message sya.
Bro. Keep your eyes on your girl. I've heard that Bryan is going to Philippines.
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa text nya. Ito ang ikinakatakot ko ang maagaw sya ulit ni Bryan. Ayokong makita syang masaya sa piling iba, gusto ko sakin lang!
Dumating na ang order namin kaya tinago ko na ang phone ko. At masaya kaming kumain. Masayang nag-ku-kwento si Gillian about sa Childhood nila at ng mag-request syang ako naman ang magkwento ay nagkwento rin ako. Habang nagku-kwento ako ay sobrang lakas ng tawa nya. Parang wala syang pake kong anong iisipin ng mga taong makakarinig sa kanya.
"Tapos one time non. Si Atlas, naglalaro kami. Tapos may putik non kasi kakatapos lang umulan. Hahaha nag mud wrestling kami tapos parehas kaming napagalitan kasi di na kami makilala dahil sa sobrang daming putik nasa katawan namin. Hahaha. " Masayang kwento ko with action. Habang sya ay nakahawak sa tyan nya habang tumatawa. Ganon lang ang ginagawa namin sa buong araw na ibinigay sa amin. Its almost ten months na din ang relasyon namin. Di lang namin napapansin dahil sa busy kami pareho. Hanggang sa maubos ang pagkain namin ay tawa lang kami ng tawa. At paalis na kami ng resto ngunit sabay kaming napahinto dahil sa taong kaharap namin ngayon.
- Gillian's POV -
Napahinto kami pareho ni John sa pagtawa dahil sa nakatayong bulto sa harap namin.
"B-Bryan?" Takang tanong ko. Ngumiti naman sya sakin ngunit may naglalarong luha sa mga mata nya.
"Di ko alam na di mo ko hihintayin" nakangiting sabi nya bigla syang humarap kay John.
"Pwede ko ba syang makausap ng kaming dalawa lang?" Parang nagmamakaawang hiling ni Bryan kay John. Tumango si John at ngumiti sa akin. Maglalakad na sana sya pero bigla ko syang niyakap. "Mag-uusap lang kami ha? Dont think to much... Baka pag punta ako sa office mo may babae ka na..." Natatawang biro ko. Hinalikan ko sya at lumapit sa may tenga nya. I secretly call his phone pero di ko pinatay. "Pagtapos namin mag-usap pupuntahan kita sa office mo. I loudspeaker mo yung phone mo para malaman mo kung anong pinag-uusapan namin. Para di ka narin mag-overthink. I love you..." Ngumiti ako at hinalikan ulit sya. Naglakad na sya palabas habang hinatid ko sya ng tingin. Naupo kami ni Bryan sa table na kinauupuan namin kanina ni John.
"Its been a while... Bakit bumalik ka pa?" Sacrastikong tanong ko.
" I Studied there for you. For us." Nangingilid nyang sagot.
" Bryan, when you leave me without saying anyword, any text, any calls, or anything that can make me wait for 6 years. Ya! 6 years, Bryan! 6 years! Tapos ngayon babalik ka kung kailan maayos na ang buhay ko? Kung kailan masaya na ako?" Sacrastikong saad ko ulit.
" Kaya ako nawala dahil nagkasakit si Daddy. At walang magbabantay sa kanya sa Chicago. Wala kaming relatives or anyone to take care for him. Mamá know that i have a girlfriend. That i have you. But that's an emergency. "
" I can understand that... Pero alam mo kung anong mali mo? You go to Chicago without saying like "Hey, babe. Im going to Chicago to take care of Papá." Or "babe. Im going to Chicago wait for me". Pero anything wala ehh. Kahit i-message mo malang ako sa kahit anong social media platforms, wala kang ginawa! And don't lie ok i know na totoong nagkasakit si Tito. Pero kasi may nalaman akong di ikaw ang nagbantay! Si Tita! Then ikaw! Nandon sa ex girlfriend mong si Eunice. Gumagawa ng milagro!" Di ko na mapigilan ang hagolgol ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Alam mo ba na mas kailangan kita that time? Kasi before you go to Chicago. Na diagnosed ako may Cancer Stage 2. Pero kinaya kong wala ka!" Humagolgol ako ng iyak habang ipinamu-muhka sa kanyang maling-mali sya.
"Pero bakit nasama si Johnson sa istorya?" Sacrastikong tanong nya. " Ilang years na kayo? 6? 5? Or 4?" Sacrastikong tanong dagdag nya.
" Mag-iisang taon pala kami ni John. And sya ang nasa tabi ko nung mga panahong kailangan kita! Tapos kung makapagsalita ka parang ako yung nambabae?!"
" Gill, i never say that, that's the end of our relationship! Umalis lang ako! "
" Yun nga! Ohh! See?! Ikaw din umamin! Umalis ka pero di ka nagpaalam!"
" Gill, let's end this... Tama na... Be happy with Johnson." Sabay ngumiti. Isang pilit na ngiti. Tumayo na sya at umalis na sa harap ko. Kinuha ko ang gamit ko at tumayo. Habang naglalakad ako ay nagpupunas ako ng luha. Lahat ng sakit ay bumalik. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong nandoon parin ang number ni John. Gusto kong makita si John.
Naglakad na ako papunta sa building nila. Habang yung luha ko ay tumutulo parin. Well i guess this is the last chapter of our Love story. And now we're going to write our story, separately.