webnovel

Chapter 30

Pagkadinig ni Mayor na dumating na si Gob ay agad iyong nagpaalam sa kanila at akay akay ang kasintahan ay nagmamadaling tumungo sa may entrance. Agad namang nagsalita ang emcee para iacknowledge ang kararating ni gobernor. Maya maya lamang ay nagsipagtayuan ang lahat para iwelcome ang kadarating na guest at mga kasama nito.

Hindi makapaniwala si Arabella sa nakikita, kung ilang ulit siyang pumikit para maconfirm kung si Tyron Alegre nga ang nakikita niyang entourage ni gob. May nakakapit sa braso nitong magandang babae at mukhang malapit ang mga ito sa isat isa base sa pagkakakapit nito sa binata. Nagtaka siya, diba at nasa Amerika ito kasama si Samantha? bakit kasama siya ni gob ngayon at may kasamang ibang babae? Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon, ngunit isa lang ang alam niya naawa siya kay Samantha. Sa side niya naman, wala naman siyang aasahan dito. Its true that she loves him pero alam naman niya kung sino siya sa buhay nito.

Pagkaakyat ng mga ito sa stage para doon maupo ay agad siyang umupo kahit nakatayo pa ang lahat. Sinabi niyang biglang sumakit ang mga paa sa mga kasama kung kayat hindi na siya pinagtuunan ng pansin ng mga ito. Ayaw niyang makita siya ni Tyron, kung kayat the whole time ay nakaupo lang siya. Medyo malayo sila sa harap, sa dinami ng table sa loob ng auditorium ay imposibleng makikita pa siya nito. Nandoong kinikilig ang mga kasama sa binata at gwapong gobernador ngunit siya naman ay nakipagpalit siya ng upuan kay Inah upang hindi siya humarap sa stage na kinaroroonan nina Tyron. Pagkatapos ng talumpati ng gobernador na agad nagtawag ang mga emcee ng mga alumna per batch para magbigay ng pledge. Hindi niya inaasahan na may ganoong twist pa ang programa nila, yung unang magpledge ichachallenge niya yung iba niyang kasama para makalikom ng pondo para sa mga projects sa school. Nakalikom na sina Mimi buhat sa batch nila, may 100 thousand na silang nalikom at ibibigay nalamang sa organizer ngunit may pakulo pa pala silang iba. Sa mga naunang batches ay talaga nga namang walang tulak gabigin ang nagplepledge, mga businessmen, doctors, lawyers at iba pa ang mga ito at kanya kanyang buhat sa sarili. Pagdating sa kanilang batch ay agad tumayo si Mimi at nagpledge ng isang daang libong piso, nagpalakpakan ang lahat ganoon din noong sumunod si Deborah na nagbigay din nang ganoong halaga. Mas lalong umingay ang lahat nang matawag si mayor na nagbigay ng tatlong daang libong piso. Tumayo pa ang girlfriend nito ay nagpledge ng additional two hiundred thousand pesos para buo daw na five hundred thousand ang pledge ng mayor. Dahil sa ginawi nito ay lalong nagpalakpakan ang lahat, marami ang nakilig lalo at hinalikan pa nito ang mayor. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay kinuha nito ang mikropono at nagbigay ng challenge.

"Baka po marami pa saatin dito ang hindi nakakaalam, maswerte po tayo ngayon dahil kasama natin ang isang tiktok sensation", saad nito habang nakatingin sa kanilang table. Nagsipagbulungan ang lahat at parang excited na nagpalingon lingon sa paligid. Si Arabella naman ay gusto na niyang malusaw sa kinauupuan o di kaya ay magtago sa ilalim ng mesa. Kinurot siya ni Mimi, tinignan niya ito ngunit di niya mabasa kung ano ang nasa mukha nito.

" Tonight ladies and gentlemen, I would like to challenge her to give her pledge to her alma mater. Please up on the stage, Ms. Arabella Simon of batch Natenneb to take the challenge", saad nito at talagang pinagpapawisan nga ang dalaga ng malapot hindi dahil sa challenge kundi dahil kay Tyron Alegre na nasa harapan.

Nakakabingi ang lakas ng palakpakan, at ang lahat ng nakatuon ang atensiyon sa kinauupuan nila. Halos hindi nga siya makakilos sapagkat naghahalohalo ang kanyang nadarama. Pasimpleng kinurot ni Deborah ang kanyang tagilitan, ng magtama ang kanilang mga mata ay sumenyas ito na tumayo at umakyat sa stage. Wala na nga siyang nagawa, kung related lamang ito sa trabaho ay agad siyang pumunta sa stage ngunit kakaiba ang feeling niya ngayon, hindi niya maintindihan.

" I'll back you up", medyo nag aalang saad ni Mimi sa kanya bago tumayo.

Pagtayo niya ay agad nagplakpakan ang lahat lalo na nang maglakad siya papunta sa harap. Nginitian pa niya ang girlfriend ni Mayor bago niya kinuha ang mikropono dito at humarap sa lahat.

" Naimbag nga rabii tayo amin kakabsat", pagbati niya sa salitang ilokano at lalong nagpalakpakan ang lahat. Pero maya maya ay biglang tumahimik ang paligid at feeling niya nakatunghay ang sa kanya ang lahat habang naghihintay sa kanyang sasabihin.

" Una sa lahat, gusto ko pong iclarify sa lahat na hindi po ako sikat, isang araw lamang po umere sa tiktok ang aking kuha at naexpire naman po agad.", saad niya nang may pagbibiro. At nagkatawanan ang lahat.

" Pangalawa po gusto ko pang magpasalamat ang napakagandang future first lady ng ating bayan sa pagmamalasakit niya po sa ating minamahal na alma mater, talaga po kayo ang naitadhana para katuwang ng ating magiting na mayor." pamumuri niya sa gf ng mayor at nagpalakpakan ulit ang lahat.

" Pangatlo po, in as much that I wanted to give 1 million pesos to our beloved alma mater, patawad po pero isang daan lang po ang laman ng aking wallet, pambayad ko lamang po sa tricycle pauwi", she joke at napuno ng palakpakan at hiyawan at tawanan ang buong auditorium.

" Lastly po, I surely see the principal of our alma mater before this inniliw ends tonight. Thank you very much and mabuhay po tayong lahat.", nakangiti niyang pagtatapos at di niya inaasahang magsisitayuan ang lahat. Pagbaling niya sa side para umalis sa podium ay naroon si Mayor at iniabot ang kamay.

" You're still the best!", pahayag nito na kanyang tinawanan.

" Halika muna, ipapakilala kita kay gob", ang mayor na hindi na siya binagyan ng pagkakataon para tumanggi. Paglapit nila sa kinauupuang mesa ng mga guest ay agad tumayo ang gobernor at inaabot na nito ang mga kamay para makipagshake hands.

" You're awesome, I'm Matt!", saad nito, medyo nag atubili pa siyang ilahad din ang kamay dito.

" She's my batchmate gob, our validictorian, hanggang ngayon super galing pa rin", pagmamalaking pahayag ni Mayor at tumango tango ang gobernador habang nakangiti.

" No wonder, shes a brilliant lady, nice to meet you ma'am!", ang gobernador at isang pilit na ngiti ang kanyang pinakawalan.

"By the way, this is my best friend Tyron Alegre, and the ladies here, Jennie and Sophie.", isa isang pagpapakilala ni Gob Matt sa mga kasama niya sa table, nginitian niya ang mga babae na animo hindi masaya sa kanyang prisensiya, at dinaanan lang ng tingin si Tyron Alegre

" Nice to see you here, my..",

" Oh, nice to meet you here Mr. Alegre", agad niyang saad at tinanggap ang kamay nito. Nanonoot ang pagkakatungin ni Tyron sa kanya habang mahigpit ang ginawang paghawak sa kanyang kamay. Sa pagkakahawak nito ay parang ayaw na nitong bitiwan.

" Did you two, know each other?", mahiwagang pahayag ni Governor Matt.

" Yeah! She's my...",

" He is my best friend's brother", agad niyang pahayag na pilit inaalis ang kamay sa pagkakahawak nito.

" Woow! what a coincidence!", ang gobernador habang nagpakawala ng isang malawak na pangakakangiti.

" Please extend my regard to Alex, miss ko rin ang batang yun", saad ni ulit ni Gob Matt habang nakatingin sa mahigpit na pagkakahawak ng kaibigan sa babaeng kaharap.

"Sure sir!",

" Okey, okey! lets take a picture muna, para may remembrance tayo", Si Gob Matt ulit. This time ay sinikil nito ang kaibigan kung kayat napilitang pinakawalan ang kanyang mga kamay. Ang mga lalaki ay nagsitayuan sa kanikanilang upuan at umayos sa tabi ni Arabella, si Mayor sa kanyang left side at si Gob Matt sa kanyang right side ngunit biglang pumunta sa dulo ang gobernador upang magkatabi sila ni Tyron. Its been a week na hindi niya nakikita ang taong ito, its been a week na hindi niya nararamdaman ang mainit na katawan nito kahit ilang dipa ang kanilang pagitan, at higit sa lahat ilang araw din niyang hinahanap hanap ang napakabangong amoy nito. She felt warm nang dumikit si Tyron sa kanya, kung pwede na lang sanang huwag nang matapos ang picture taking para hindi na malayo ulit dito. He misses him, pero naalala niya ang babaeng kasama nito kung kayat bigla siyang lumayo dito nang matapos ang ilang shot ng camera. Agad siyang pumunta sa left side ni Mayor at agad nagpaalam sa mga ito nang hindi man lang tinignan ang mata ng lalaki. Nagmamadali siyang bumaba mula sa entablado at pagbaba palang niya ay maraming nakipagkamay at nagpapicture kasama niya. Mga seniors at juniors nila noong high school na mga kakilala niya at nakipag usap saglit sa mga ito

" Who is she? is she a socialite? she is so classy!", hindi napigilang sambit ni Jennie mula sa kinauupuan.

" What is she doing?", saad naman ni Sophie.

" I heard she is just an ordinary employee in Manila", pagbibigay impormasyon ng gf ni Mayor. Hindi lang pala siya ang naintumidate kay Arabella.

" Oh! maprovide ba niya nag 1 million?", nahihiwagaang pahayag pa rin ni Sophie.

" Maybe! did you see her watch?",

" Yeah, more or less 1 million ang ganong watch. Why did she lied that she only have 100 pesos in her wallet, nakakahiya naman!",

" Baka nga, malay natin baka replica lang kanyang watch",

" Of course not! its genuine, nakita ko na yun sa store ng isang sikat at mamahaling store",

" Well maybe, napulot niya or something!",

" Did you smell her perfume? rare lang yung mga ganong amoy, sa abroad yun nabibili"

" Well baka bigay nga sa kanya, di ba nga bestfriend niya ang kapatid ni Tyron?"

" Oh you have a point, mukha lang talaga siyang sosyal kahit simpleng manamit may mga ganon naman kahit walang pera gusto pa rin nilang nagmumukhang mayaman", ang kasintahan ni Mayor at saka sila nagkakatawanan not knowing that Tyron heard all those gossiping na ginagawa ng mga babae sa table nila. Nainis siya sa panghahamak nila kay Arabella, nag iinit ang kanyang tainga sa mga naririnig dahil kahit saang anggulo naman ay talagang malayo ang agwat ng kanyang asawa sa mga ito. Arabella is prim and proper, bawat okasyon na dinadaluhan nito ay karesperespeto siyang tignan, and there is no instances na nakita niyang ibinuyangyang ang harapan sa maraming tao. Pwera nalang kapag magkasama sila sa kuwarto ay ibang usapan naman iyon. Napangiti siyang bigla sa naisip, she misses her. He wanted to hold and hug her pero halatang umiiwas ito sa kanya. Ano kayang nangyari doon? Shes always excited and warm kapag nagkikita sila lalo na kapag kagagaling niya sa travel, bakit napakalamig nang approach nito sa kanya? Napatingin siya sa kinaroroonan ng asawa, patuloy pa rin ang masayang pakikipag usap nito sa crowd. May yumayakap at nagpapapicture kasama siya. Ganito siya kaknown sa place nila? Nagdadalawang isip siya kung sundan niya ito at doon nalang din makiupo sa mesa nito.

" Follow up mo yung pledge niya, tignan nga natin kung makakaismile pa siya. Feeling celebrity ang gaga", saad ni Sophie. Sobra siyang insecure dito, sila na mga beauty queen hindi man pinagkaguluhan ng mga tao doon, samantalang siya na walang title kahit Ms. Barangay lang sana pinagkakaguluhan? bulag yata ang mga tao dito. Pati mga kasama nilang tatlong lalaki dito sa taas nagkagulo ng lumapit ito sa kanila, kanya kanya pang pwesto habang nagpapakuha ng picture. Si Tyron na very cold and aloof sa kanya parang namahika nang makita ang Arabella na yun eh mas hamak naman na mas maganda siya at seksi doon. That bitch!

Pag-upo palang ni Arabella tabi ng mga kasama ay narinig nilang nagsalita ang emcee.

" Ladies and gentlemen, at this moment Ms. Arabella Simon have pledge 1 million pesos for the renovation of the condemned building of our school. Thank you very much ma'am, you're such a blessing. God gives you 10 thousand folds with your generosity.", pahayag ng emcee at matunog na palakpakan ang narinig niya pagkatapos. Pati ang mga kasama niya ay halos tumalon sa tuwa at pagkasurprise ngunit siya naman ay labis ang kanyang pagtataka. Hindi pa niya nakakausap ang principal at lalong wala pa siyang binibigay, oo at kaya naman niyang ibigay ang halagang iyon kung kukuha siya sa pera ni Mrs A, pero ang ipinagtaka niya kung sino ang may pakana iyon. Agad pumasok sa isip niya si Tyron, agad siyang tumingin sa kinauupuan nito, pagtama ng kanilang mata ay itinaas nito ang hawak na glass at saka uminom.

" Siya ba yun? " saad niya sa sarili, kung siya yun bakit gagawin ni Tyron ang ganon? Tyron Alegre is a businessman, hindi niya gagawin ang magwaldas ng ganong halaga.

" Ikaw punong puno ka ng pagkahumble, you're super rich!", si Mimi sa kanyan at wala siyang nagawa kundi pagtawanan iyon.

" Uhuh! wala na may nanalo na, magsiuwian na tayo", si Deborah naman kung kayat mas lalo siyang napangiti.

Maya maya lamang ay humawimpapawid ang isang sweet music, destiny ang pamagat ng awitin at iyon ang madalas na tugtug noong JS prom nila ng high school.

" This piece ladies and gentlemen is for Ms. Arabella Simon"* saad nang emcee at napawoow ang kanyang mga kasama.

" Gooo! choose your partner na", sambit ni Mimi sa kanya ngunit wala siyang balak pumunta sa gitna at sumayaw. Kundi pinatayo ang pinsan kasama ang asawa nito at ito na nga ang nagsayaw ng sweet dance sa gitna. Natatawang sinenyas niya sa mga tao na masakit ang kanyang tuhod nang makitang hindi siya pumagitna.

" Haist! mas kikiligin sana ako kung kinuha mo si Mayor para kayo ang sumayaw", saad ni Mimi sa kanya.

" Jusko naman friend, bantay sarado ang manok mo, wala nang pag-asa dito kay Arabella", nakatawang pahayag ni Deborah.

" Mas bagay nga silang dalawa, hindi pa naman sila mag-asawa noh?", si Mimi na sobrang pabor nga kay Mayor para sa kanya. Napailing na lamang si Arabella sa trip ng kaibigan, gusto niya si Mayor bilang kaibigan ngunit bilang partner ay hindi kailan mangyayari yun.

" Excuse me muna girls, sa comfort room lang ako", pag excuse niya sa dalawa. Ayaw niya yung pairing na ginagawa ng dalawa lalo at sobrang possessive yata ng girlfriend ng batch nilang mayor.

Hindi na niya hinintay ang pagtango ng kanyang mga kasama, pinulot ang red na clutch bag at tinungo ang way patungo sa CR. Parang pinagpapawisan siya sa mga kaganapan kayat feeling niya ay kailangan niyang magretouch.

Hindi naman nagtagal si Arabella sa loob ng comfort room, naglagay lang siya ng press powder, pinatungan ng konti ang red lipstick at brinush ang buhok. Nang makuntento na siya sa nakikitang reflection sa salamin ay lumabas na siya. May mangilan ngilan ding pumapasok sa CR kung kayat nakatodo ang kanyang ngiti sa kanyang mga nakakasalubong. Pagliko niya sa pasilyo papunta sa loob ng bulwagan ay halos magkabungguan sila ni Tyron. He is heading also to the comfort room. Agad siyang nahawakan ng binata at hinila papunta sa back door.

" Are you out of your mind? bitiwan mo ako!", utos niya dito ngunit tila bingi ang binata bagkus mas lalo siyang hinila palabas.

Pagdating nila sa labas ay agad siyang niyakap ni Tyron. Nabigla ang dalaga sa ginawa nito kung kayat hindi siya nakapagreact , isa pa miss niya ang binata at siguradong pagsisisihan niya kung bibitawan siya nito.

"Why are you torturing me? sabi ko 3 days ka lang dito, you don't even answering my calls", malambing ngunit may pagtatampong pahayag ni Tyron sa kanya.

Sa narinig ay agad nagising ang kanyang diwa, agad siyang humilagpos sa pagkakayakap ng binata at dumistansiya siya dito. How dare this man hugging her like he doesn't do anything.

" How long you've been here?", may pag aakusang turan niya dito.

" Diba nasa amerika ka by this time?", patuloy niya. Parang biglang sumiklab ang galit niya sa binata, hindi niya alam kung para kay Samantha o para sa kanyang sarili knowing na meron din palang pinupuntahang iba ang lalaking ito.

Hindi naman makapaniwala si Tyron sa asta ng kaharap, he misses her at walang siyang gustong gawin kundi hawakan at yakapin ito pero bakit at parang nagagalit ito sa kanya. He tried to touch her hand pero iniiwas nito ang sarili.

" Dont touch me! All this time , I'm haunted by my conscience na keso inagawan ko ng kaligayahan si Samantha tapos andami mo palang pinupuntahang iba huh? ", patuloy niya na halos mag unahan ang mga luha. Alam niyang wala siyang karapatang panghimasukan ang mga affairs nito pero sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Parang hindi ready ang kanyang damdamin na hindi lang si Samantha ang nagmamay ari sa binata.

" What are you talking about?", hindi makapaniwalang saad ni Tyron sa kanya ngunit pinanlisikan niya ito ng mata.

" Are you suspecting me of cheating?",

" How dare you!", sagot niya dito lalo at may gana pa itong tumawa.

" Look at me!", utos ni Tyron dito. Tumingin naman iyon sa kanya ngunit naaaninag niya sa mga mata nito ang sobrang sama ng loob kung kayat hindi niya napigilang hawakan ang mukha nito.

" Did I smell jealousy?", hindi niya napigilang biro dito ngunit mas lalong nagalit iyon.

" Go away! I don't want to see you!", sambit nito at dali daling tinungo ang pintuan papasok.

" Hey wait! I'm just kidding, stop!", pagpigil niya dito ngunit parang walang naririnig ang dalaga. Basta lang ito naglakad ng mabilis at walang pakialam sa kahit anong sinasabi niya.

What the hell! bakit biglang naging stubborn ang babaeng ito? Arabella is always calm and sweet, as much as possible aya siya nitong maoffend. What happened to her?

" Stop!", turan niya ulit ngunit dinedma siya ng dalaga kung kayat nainis na siya dito.

" I said stop!", malakas ng pahayag kasabay ng malakas na pagpigil nito sa kanyang kamay.

" Bitiwan mo ako!", nanlilisik parin ang mga mata ng dalaga. Malapit na sila sa bukana ng auditorium kung kayat manaka naka na ang mga taong labas masok.

" Can you hear me first!", saad niya dito.

" I don't want to hear your lies!", mahina ngunit madiing saad ng dalaga na animoy sarado na ang utak sa kahit na anong sasabihin nito.

" Alright, come!", bigla siyang hinawakan sa braso ni Tyron and drag her to the crowd.

" Get your hands on me!", mahina ngunit gigil niyang pahayag. They are approaching the crowd at siguradong makakaagaw pansin ang pagkakahila sa kanya ng binata. Ngunit tila ba bingi si Tyron at wala siyang pakialam kung maraming tao ang makakakita sa kanila.

Sa stage siya dinala ni Tyron, gulat na gulat pa ang gobernador nang makitang hila hila siya ng binata.

" Matt! ", ang binata sa gobernador.

" What happened bro?", gulat namang pahayag ni Governor.

" Can you tell to this stubborn wife of mine that I just got here 2 hours ago?", saad niya sa kaibigan. Matthew has never seen Tyron like this, its like he is asking for help kung kayat di niya napigilang mapangiti sa itsura nito.

" What happened?", di niya napigilang matawa.

" Shes accusing me, tell her the truth!", untag sa kanya ng kaibigan na animo ay its now or never.

Nagulat din si Arabella nang iharap ni Tyron ang kaibigan ngunit imbes na magsabi ito ng totoo ay nakatawa lang ito ng nakakaloko. Sa inis niya ay pumiglas siya sa pagkakahawak ng binata at halos tumakbo siyang lumayo sa mga ito.

" What the f**k!", si Tyron nang mahimasmasan ngunit nakalayo na ang dalaga sa kanila. Tinignan niya ang kaibigan ngunit nagsasayaw ang mga matawa sa saya.

" Its useless bro, hindi yun makikinig", saad nito. Muntik niyang pamaywangan ang kaibigan sa inis. Huminga siya ng sobrang lalim at saka walang lingong likod na sinundan si Arabella.

次の章へ