webnovel

CHAPTER VIII

"Good morning sleepy heads!"

Isang nakangiting Tyron Alegre ang namulatan ni Arabella pagkagising. Medyo mabigat pa ang talukap ng kanyang mata sapagkat gusto pa niyang matulog ngunit biglang nagising ang kanyang sistema pagkakita sa binata. Agad niyang itinaas ang kumot para itago ang katawan.

" No need to hide it babe, i its already in my mind" ang binata na tawang tawa sa kanyang reaction.

Agad pinamulahan ng mukha ang dalaga kaya dalidaling itinalukbong ang kumot sa mukha. Naalala na niya ang kaganapan kagabi and how they ended up in this room last night.

Lalong tumawa ng malakas ang binata saka dahan dahang tinanggal ang kumot sa kanyang mukha. Nagsasayaw sa tuwa ang mata ng binata ng magkasalubong ang kanilang paningin samantalang nafreeze ang buong katawan ng dalaga at hindi malaman ang gagawin.

Tyron kiss her in the forehead bago hinawakan ang kanyang mukha at pinagsalubong ang kanilang mata na halos isang dangkal lang ang pagitan ng mga ito. Arabella stared back, and to her surprised Tyron sealed his lips to hers. Napaigtad pa siya mula sa pagkakahiga ng pinong kinagat nito ang kanyang labi. Napangiti pa ito sa kanyang reaction kaya lalong pinaglaruan ang kanyang labi, suck it then bite it hanggang ginagalugad ng dila nito ang kanya bunganga.

Tyron just want to awake Arabella from being frozen, nabigla yata sa ayos nila pagkagising at hiyang hiya ng marealized na nakabuyangyang ang sarili habang nakatitig siya dito. He just wanted to loosen whatever na nafefeel nito inside that is why he makes fun of her biting and sucking her lips kaso siya yata ang nahulog sa sariling patibong. Biglang nag init ang buong katawan sa ginagawa hanggang di na niya kontrolado ang sarili. Tinanggal niya ang nakabalot na kumot sa katawan nito and press his own to Arabella. Ang init ng katawan ng dalaga kaya mas lalong nagliyab ang kanyang pakiramdam. He kiss her to the max na halos kapwa mawalan ng hininga then touch her like he never touch anyone before. He wants her so badly and wanted her over and over again.

Hindi makapaniwala si Arabella habang nakatitig sa binatang nakayakap sa kanya habang natutulog. First time in their history na magising siya sa umaga na katabi ito habang prenteng nakayapos sa kanya. Ito lang din ang unang pagkakataon na malaya niyang pinagmamasdan ang mukha nito sa malapitan. Kahit nakapikit ito hindi pa rin niya maiwasang mapahanga sa labis na kagwapuhan. Mula sa makakapal na kilay na talaga namang perfect ang pagkakaukit, sa mga pilik mata nito na mahahaba ngunit pakulot, ang ilong nito na sobrang bumagay sa hugis mukha ang pagkatangos, ang makikinis nitong pisngi lalong lalo na ang maninipis at mamulamulang mga labi. Tyron got it all, a true definition of every girls "man of my dreams'.

Gusto niyang hawakan ang mukha nito at haplusin ng paulit ulit ang buhok niyong palaging nakabrush up ngunit mas pinili niyang pagmasdan nalang ito baka magising mula sa kanyang paggalaw.

" Did i pass your standards?", mula sa pagkakapikit ay biglang nagsalita ang binata.

Agad namang pinamulahan ang dalaga, gising na pala ito ngunit hinayaaan lang siyang pagmasdan niya ito ng up yo sawa. Agad niyang ibinaling sa i ang direksiyon ang mata, buti nalang pala hindi niya ito hinawak hawak kundi sabog na sabog siya sa sobrang kahihiyan. Tumalima ang dalaga para bumangon ngunit hinila siya ng binata at niyapos siya ng mahigpit.

" Not so fast, its too early!" maktol nito habang parang batang yumakap sa kanya.

" Past seven na po, kahapon ka pa nakahiga" saad niya dito. Mula ng pumasok sila sa room na ito hindi na sila lumabas, nagpapahatid nalang ito ng pagkain kay Manang Rosy. Aniya idineklara daw niyang day off at ang pagtulog daw o paghiga sa kama ng medyo matagal ang pinangarap niyang gawin.

" It feels good, im charged!", makahulugang saad nito sabay ngisi sa dalaga. Tinulak niya ito ngunit mahigpit ang yakap ng binata kaya naistock din siya sa katawan nito.

Tyron began to tease her body again, kung saan saan na naman naglalakbay ang mga kamay nito at nagsisimula na namang masindihan ang apoy sa pagitan nila. Hindi na niya maalala kung ilang besea na silang nagtalik ng binata since dumating sila dito sa Resort. Tama nga yata yung sinabi noon nito na maghohoneymoon sila kaya sila nandito. Paano wala na silang ginawa kundi magkulong sa kuarto, magyakapan gaya ng nais nito, maghalikan at magsex. Sa isip niya buti hindi nagsasawa ang binata ngunit everytime they made love naman ay parang bago o di kaya ay first palagi ang dating sa kanilang dalawa. Sa halos dalawang araw nilang magkadikit parang kabisado na ni Arabella ang galaw ng katawan ng binata. Maging ang pulse rate at ang tunog ng puso nito, ganon din ang body temperature ng binata. She finds it weird pero para talaga silang mag-asawa sa mga sandaling iyon. They eat together, kung hindi room delivery sa komedor or sa taas kakain like they are dating? They laugh together, swim in the pool and lots of harutan together. Basta marami siyang memories while in a day off, at masaya siya!

Napaaga silang lumawas ng Maynila dahil tumawag ang assistant nito, kailangan ng binatang lumipad papuntang Singapore for another business venture.

Hawak hawak pa ng binata ang kanyang kamay habang nagdridrive pabalik sa Manila.

" Wait! wait! pakihinto sa tabi" ang dalaga dito mula sa pagmamaniobra sa manibela. Agad namang itinabi ng binata ang sasakyan habang nagtatanong ang mukha.

" Bababa ako" ang dalaga, ni hindi na niya hinintay ang sagot ng binata ay nabuksan na niya ang pintuan ng sasakyan. Agad siyang bumaba at tinungo ang matandang nagbebenta ng bukopie sa gilid ng daan.

" Magkano po lahat yan" tanong sa matanda na ikinagulat nito.

" trenta pesos lang ang isa ineng" saad nito na parang hindi pa sigurado sa isinagot

" Magkano po lahat, ito pong paninda niyo?"

" Ah eh...singkwenta piraso lahat ito anak, bale 1500 lahat",

". Sige po plastik niyo na po lahat"

" Sigurado ka anak? aba'y madami ito"

" Opo para makauwi na po kayo" ang dalaga at halos mapaiyak sa tuwa ang matanda habang nilalagay sa plastic ang kanyang mga pinamili.

" Salamat anak, talagang uuwi na ako may sakit pa ang asawa ko" ang matanda na ramdam ang pait sa pananalita kahit nakangiti sa tuwa.

" Eto po ang bayad, yung iba po ibili niyo nalang po ng gamot ng asawa niyo" ang dalaga habang iniaabot ng limang libong piso na dinukot sa wallet.

" Ai naku ineng, ang dami naman nito", hindi makapaniwalang saad ng matanda.

" Tulong ko po sainyo yan, mag iingat po kayo"

" Salamat anak, kaawaan ka ng Poong Maykapal" and matanda na napaiyak na sa kasiyahan. Tinapik ng dalaga ang balikat nito at bumalik na sa sasakyan.

Mula sa driver seat ay lumabas si Tyron para tignan kung saan pumunta si Arabella. Hindi na siya nasagot nito kanina kaya nagmamadali rin siyang lumabas sa sasakyan pagkahinto nito sa tabi. Lalapitan sana niya ito habang nakikipag usap sa matandang nagbebenta mg bukopie ngunit mas pinili niyang huminto sa di kalayuan at inobserbahan ito. Dinig na dinig din niya ang usapan ng dalawa at kung paano nagtapos ang transakyon nito sa matanda. Agad din niya itong linapitan para tulungan sa bitbit nitong

napakaraming bukopie.

Nakangitai pa itong nagpasalamat sa kanya ng kuhanin niya ang mga ito at ipasok sa sasakyan.

" Kakainin mo lahat yan?" maya maya ay tanong niya dito habang ipinagpatuloy ang pagbiyahe. Ngumiti iyon at umiling.

" Hindi ah," sagot nito na bahagyang nakatawa. Arabella has the brightest smile kaya hindi niya pwedeng hindi tignan ito.

" What then?"

" Mamaya, just wait and see" saad ng dalaga kaya nginitian niya na lamang sabay kuha sa kamay nito.

Arabella does not own the most beautiful hands and fingers but he likes to hold them and it his new favorite.

"Hand me your phone" maya maya ay saad ng binata.

"Ha? " gulat na sabi ng dalaga. Napakunot noo pa siya dahil di niya matantiya ang dahilan nito sa paghingi ng kanyang telepono.

" Common, give me your phone" ulit nito at napatawa siya.

" Bakit?'

"Basta!' saad nito at napailing ang dalaga. Kung ano anong pumasok sa isip ng taong ito, meron pa man din siyang matinding secreto kapag binuksan ang cellphone niya.

" Dead bat!' pangsisinungaling niya pero hindi iyon binili ng binata bagkus ay sumimangot ito na parang bata.

" Aanhin mo nga?", tila nakokonsensiya namang pahayag ng dalaga ngunit tinignan na lamang siya nito.

Hindi rin natiis ni Arabella ang binata kaya wala siyang nagawa kundi kunin sa bag ang cp, ngunit papalitan niya muna ang wall paper nito bago ibigay sa binata. Ngunit pagkalabas pa lamang nito ay mabilis pa sa alas kwatrong napasa kamay na ni Tyron ang kanyang cellphone. Nagtangka pa siyang agawin ito pero gumewang ang sasakyan kaya wala na siyang nagawa kundi patay malisya na lamang siyang umayos ng upo at tumingin sa labas. Nakita pa niya sa side ng kanyang mata na tumingin sa kanya ito bago may dinial sa kanyang telepono.

" Walang load" after a while ay sabi nito sabay balik sa cp niya. Tiningnan niya ito, hindi dahil sa sinabi nitong wala siyang load kundi ang reaction nito after niyang makita ang mukha sa kanyang cellphone. Wala naman siyang nakitang kahit anong bakas ng pagkabigla o pagkainis, parang wala nga lang itong nakita.

Maya maya ay nakita niyang pinipigilan nitong ngumiti. Oh no! pinagtatawanan siya nito. Agad siyang pinamulahan ng mukha, sa kahihiyan ay agad niya tinakpan ang kanyang mukha kung kaya humagalpak ng tawa ang binata.

" Why do i have a strong feeling that you have a crush on me?" pambubuska pa nito kaya lalong nagkulay kamatis ang mukha.

" You are a bully! erase ko na nga lang", ang dalagang inopen ang cp para tanggalin iyon, ngunit gaya ng dati ay agad nasa kamay kamay na naman nito ang kanyang cellphone.

" Akin na yan!" she hissed

" No! not until you promised you won't change it", sabi naman nito na inilagay pa sa kabilang side ang pinag aagawan nila.

" Ang kulit! pinagtatawanan mo na nga",

" Hindi kita pinagtatawanan, ok?"

" Anong hindi, ang lakas nga ng tawa mo",

" Guniguni guni mo lang yun", saad nitong nakangiti pa rin kaya halos maiyak sa hiya.

" Hey! its alright", pag aalo nito ng makitang halos bumagsak ang kanyang luha. Hinila siya palapit sa kanya at hinalikan sa ulo.

" Hindi ka maiinis o magagalit?", medyo alinlangan pa niyang tanong dito.

" Nope! pero aminin mo munang crush mo ako", nakangiting pambubuska ng binata at nakurot niya ito sa tagiliran.

" Ang kapal! Pambugaw ko yan ng langaw kapag nagtratravel ako" saad nang dalaga tsaka dali daling kinuha ang cp at nilagay sa bag.

Kumunot ang noo ng binata sa tinuran niya ngunit wala sa sariling binelatan niya ito. Di makapaniwala ang nakarehistro sa mukha ni Tyron sa gesture ngunit bigla din iyong umiling iling at napatawa ng mahina.

" Magkaibigan nga kayo ni Alex" saad nito na umiling iling habang naalala ang kanyang kapatid.

I missed her too", malungkot niyang turan.

" Want to talk with her?" si Tyron bigla na tumingin sa kanya ngunit di niya alam ang sasabihin. Parang natuwa siya na hindi, paano kung galit pa ito sa kanya.

" Hey sis! " mula sa hawak na cellphone mg binata ay kausap na nito ang kapatid.

" How are you? someone misses you here, want to talk to her?", ang binata na tinignan pa siya mula sa kinauupuan.

Umiling ang dalaga at winagayway ang kamay para sawayi. ito ngunit wala na siyang nagawa ng ipasa nito sa kanya ang telepono. Alanganin pa niya iyonng kinuha at dahan dahang milagay sa may tainga.

" Hi Sam, i miss you too...sabihin mo kay kuya pasyal kayo dito sa Ausie", masayang pahayag ng nasa kabailang linya. Hindi naman iyon kalakasan pero parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang tinuran nito. Akala yata ng kaibigan na iba ang kasama ng kanyang kapatid.

Bigla niyang nailayo sa tainga ang telepono at nag alinliangan pang ibalik sa binata iyon.

" Naputol!' saad niya dito, aksidente din kasing napindot niya ang end button mula sa pagkabigla kanina.

" Call her again",

"No! No!..i mean next time nalang baka may ginagawa"

" Are you sure'

" O..oo!"

Gustong gusto niyang makausap at makakwentuhan ulit si Alex subalit baka maoffend iyon kung malaman na siya ang nasa kabilang linya. Sobrang saya pa man din nito sa pag aakalang ang Sam na tinuran nito ang kanyang kausap. Sam! Sino si Sam?

" You say something?" mula sa manibela ay tumingin sa kanya ang binata. Papasok na si sa SLEX and maya maya lang ay makakarating na sila sa kamaynilaan.

" Uhmmm wala, may naala lang ako",

" What is it?", ang binata na halatang interesado sa lahat ng laman ng isip niya.

" Yung buko pie, idaan natin saglit sa plaza" saad niya dito. Tiyak niyang marami na namang mga batang pakalat kalat ang nandoon at manghihingi ng barya o di naman kaya ay pagkain.

Puzzled man ay tumango nalang si Tyron. Bagkus kinuha nito ulit ang kanyang kamay at nilock sa mga kamay nito.

" Ateeee Ara! " isa isang sambit ng mga batang lansangan ng makita ang dalaga sa plaza. Nagsitakbuhan ang mga ito sa paglapit habang nakangiting kinakawayan niya ang mga ito.

" Kumusta kayo?" saad niya sa mga ito na isa isang ginulo ang mga buhok ng mga ito.

" Ok lang ate, ilang araw po kayong hindi nagawi dito. Hinihintay po kayo ni Anna dito baka daw sakali mapunta kayo dito" saad ng isa.

" Ha? bakit daw? bakit wala sila dito ngayon?", ang dalagang sunod sunod ang katanungan sa mga ito ngunit nagkibit lamang ang mga bata.

" Hindi po namin alam ate, sabihin ko po na dumaan ka kung makita namin sila"

" Oh ok sige, may pasalubong kami sainyo, bukopie masarap", ang dalaga saka kinuha ang supot sa may backsit ng sasakyan at isa isang binigyan ang mga ito.

" Woow! bukopie, ang sarap nito! thank you ate Ara", masayang pahayag ng mga bata at tuwang tuwa ang dalaga habang pinagmamasdan ang mga ito.

" Marami ito, kuhanan na ninyo yung mga kasama niyong wala dito, pakibigyan din si kuya na nandoon sa may malapit sa jolibee, tsaka yung si lola na nandoon sa ilalim ng tulay", ang dalaga at isa isang tumango ang mga ito.

* Ate Ara! Sino yung kasama mo, gwapo ah. Asawa mo po?", ang isang bata na napansin ang binatang kanina pa nakatingin sa kanila na nakatayo malapit sa kanilang sasakyan.

" Ah...hindi, boss ko yan", ang dalagang napangiti, bago tinignan at kinawayan ang binatang nakatingin sa kanila.

" Ang gwapo ng boss mo ate, pero mukhang masungit", ang isa na halos pabulong ang pagkakasabi kaya di niya napigilang mapalatak ng tawa.

" Mabait yan, mukha lang masungit",

" Talaga po? parang kakain naman po kung makatingin", saad ng isang maliit kaya lalo siyang napatawa. Tinawag niya ang binata kaya lumapit ito.

" Sir Tyron, halika po", saad niya dito kaya di napigilan ng binata ang mapaismid. Kinindatan niya ito kaya napilitang ngumiti.

" Eto si Kuya Tyron niyo, siya ang mabait kong boss...Sir mag hi ka poa sa kanila", ang dalagang ngiting ngiti.

" Hi kids, kumusta kayo?", ang binatang walang nagawa kundi ngitian ang mga ito. Sa mukha ng mga bata ay aloof ang mga ito sa kanya o baka lang kasi nagmumukha siyang hindi friendly.

" Hello po sir, bossing!" ang mga ibang bata na medyo nagloosen up ng makita siyang ngumiti

" Bagay po kayo ate, sana siya nalang asawahin niyo po", anang isa at di nila napigilang nagkatinginan sabay ngiti sa isat isa.

"Kayo talaga masyado kayong palabiro, o siya maiwan na namin kayo ha? Mag iingat kayo", ang dalaga sa mga ito. Bago pa siya sumakay sa sasakyan ay binigay niya ang calling card niya sa isang bata.

" Pakibigay mo kay Anna, tawagan niya ako kung may kailangan siya" ang dalaga. Pagkatapos tumango at nagpasalamat ang bata ay tuluyan na silang umalis sa plaza.

" What's on your mind, you tell them i'm your boss?", ang binatang bukas sa mukha nag pagkacurious.

" Sinabi ko lang para hindi sila masyadong makulit, natatakot nga sila saiyo, gwapo ka daw kaso mukhang masungit", pahayag ng dalaga habang nakatawa. Umismid naman ang binata kasabay ang pagtaas ng kilay nito sa pagtawa ng dalaga.

" Those kids brought so much happiness to you", ang binata at napangiti ang dalaga sa tinuran nito. Tama naman, kasi sila yung mga kasakasama niya during hardest times. Kahit di alam ng mga ito ang kanyang nararamdaman pero andun sila noong kailangan niya ng kausap, noong gusto niyang marining ang kanyang boses at noong kailangan niyang sumaya.

"

"

"

"

次の章へ