webnovel

Chapter 2: Who will you pick?

Chapter 2

MY FIRST DAY of school finally came. There are some guys who tried to sit in front of me, but they all get annoyed after ko silang di pansinin like di ko sila naririnig. I was busy watching Detective Conan while eating at the cafeteria.

I wonder if they will try to hit on me after they find out I'm only a scholar in this academy and not as rich as they thought?

Unlike sa karaniwan nating nababasa sa mga books or napapanood sa mga teleserye na ang isang scholar na babae ay halatang mahirap dahil sa itsura nito, ibahin mo ang lola mo. I'm fashionista, but not into branded clothes. Bukod sa di ko afford, I'm not comfortable wearing any. Siguro nasanay lang ako na damit from Taytay or thrift clothes ang sinusuot ko. But you bet! Tulad ng sabi nila, wala sa brand yan, nasa nagdadala 'yan.

Saktong pagtayo ko para iligpit yung tray na ginamit ko, the girl I saw in the forest showed up. She's raising a brow in front of me. Alam ko naman kung anong pakay nya but I chose to be silent and ignored her.

"Hey!" She shouted.

Nilingon ko siya.

"Remember what I told you in the forest."

Ngumisi ako. "Remember I don't care about you." Totoo naman kasi. Sino ba siya para pakelaman ko? "Is it that big deal to be rejected by a guy?"

She gasped, pati yung dalawa niyang kasama na babae.

And there, I left them. Bahala sila dyan and I have no time for them.

♡ ♡ ♡

Chandria anak, nakausap nakausap na ng Papa mo yung kababata niya na may-ari ng coffee shop malapit sa apartment mo. Pwede ka na daw mag-start ng part time sakanila sa susunod na linggo. Eto yung number 0905******. I-text mo at ikaw na ang makipag-usap sakanya. Mag-ingat ka dyan, anak.

Para akong nagutom uli nang mabasa ko ang text ni Mama. May isang linggo nalang pala ako para magkaroon ng free time. Next week magkakaroon na uli ako ng part time at magiging busy na kasabay nito sa school ko.

"You shouldn't have said that in front of others."

Nagulat ako nang may marinig akong may nagsalita sakto pagliko ko sa corridor papuntang locker room.

Mas nagulat ako nang makita ko si Hades. I won't forget his name, lalo na madalas kong marinig ang pangalan niya sa paligid kanina tapos panay ang turo sakanya ng mga babae kapag dumadaan siya. Most of the girls here are driving crazy over him.

I won't lie na nakikita ko ang dahilan. He has the face and the body to be obsessed with. He's wearing a plain black V-neck shirt paired with jeans but he's attractive already. His chest and muscular shoulders are quite obvious: kahit hindi ganun ka-fit ang suot niyang damit. His hair is kind of messy as if he just ran his hand through it. And he has the most mesmerizing eyes I have ever seen. Saglit akong nawala sa sarili ko the moment I stare into them.

"What are you talking about?"

Patay malisya ako ng kaunti. Pero alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya. Somehow, I found him a gentleman. Even if he dumped that red-haired girl, he still cares for her.

"You have no idea what would be its consequence."

He told me then left.

Naguluhan ako sa sinabi niya, pero winalang bahala ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad papuntang locker room.

Ang weird ng sinabi niya, pero mas weird dahil mas tumatak sa isip ko yung mukha niya. I couldn't help but to smile. He really is handsome.

Differential calculus ang sumunod na klase ko. As usual, I was forced to introduce myself.

Habang nagsasalita ako sa harapan, I found the red haired girl who was dumped by Hades, whom I found the name is Janessa, chit chatting with her friends as if insulting me. They were looking at me from head to toe with their brows raised then will laugh.

I wanted to smack them for being rude but I remained calm. They were more irritated with me because the professor made me sit beside Hades.

Right after matapos ng klase ko, I hurried to the restroom kasi pakiramdam ko magkakaroon na ako. Ang sakit ng puson ko at hindi maganda ang pakiramdam ko.

Hindi pa man ako nakakapasok sa cubicle ay may nagbuhos na sa akin ng kanin baboy. Sa amoy nito alam kong kanin baboy ito.

Hindi nakakatuwa.

Napakalagkit.

Napakabaho.

Sinong hindi maiinis kung bubuhusan ka ng isang baldeng naglalaman ng pinaghalo halong panis na pagkain?

It's been a while since I lost my temper.

Hinanap ko kung sino ang nagbuhos sa'kin.

There, I found Janessa and her two alalays.

"You messed with the wrong one, girl!" Ngumisi siya.

Akma ko siyang lalapitan ngunit nadulas ako dahil sa malalagkit na pagkaing nagkalat sa sahig.

I closed my fist. Tinitigan ko ang mga panis na pagkain sa sahig. Pasimple kong dinakot ito at mabilis na tumayo. Muntikan pa uli akong matumba pero nakapag-balance ako. In an instant, sinubo ko sa bunganga ni Janessa ang kaning baboy.

I heard the two of her friends gasped.

Masuka suka si Janessa sa ginawa ko at umiyak sa sama ng lasa ng pinakain ko sakanya.

"You freak!" Sinabunutan ako ng isa, ung isa naman nagvivideo habang si Janessa iyak ng iyak.

Gumanti ako sa sumasabunot sakin then I kicked her stomach. Along with Janessa, she cried in the corner.

Hindi ko namalayan ang dami ng nanonood sa'min.

Hindi ako katulad ng iba para magpa-bully. Gaganti ako hangga't maaari dahil the more na hahayaan kong bully-hin ako, the more na gagawin at gagawin nila iyon sakin.

I was not the old Chandria.

"Janessa!" I heard a familiar voice.

Lahat kami ay napatingin sa pintuan ng girls rest room.

Parang red sea na nahati ang crowd nung dumaan si Hades. Seeing him, lalong nagpabebe si Janessa. Iyak siya ng iyak lalo habang nagmumumog ng sink.

Janessa pointed at me, asking Hades for sympathy.

Hades looked at me from head to toe and then he glared.

Naningkit ang mga mata ko. Is he going to scold me just like what he did a while ago?

Ngunit tila nabaligtad ang nasa isip ko.

Hades grabbed my arm, tila hindi alintana na may malagkit at mabahong panis na pagkain ang nakadikit pa sa balat ko.

"Hades!" Janessa yelled.

次の章へ