webnovel

Chapter VI: Feel Special

Charlie POV

Today is my new day. Bakit? Its because Im an official member of Music Club. Sa totoo lang hindi pa rin ako makapaniwala na Im the newest member at sa Core team ako nilagay. Sabi nila sa ngayon ako daw muna ang magiging assistant stage director at musical arranger as they see in my performance, at dahil konti lang ang panahon kaya sa mas madaling part lang ako nilagay.

Kahit sa totoo lang wala akong idea kung ano gagawin ko pero okay na yun.. bahala na si Lord basta member na ko tapos..

As I walk down the corridor nakita kong nakatayo lang si Freya na para bang may hinihintay. Ako ata hinihintay nito?!.

Agad kong napansin na parang may iba sa itsura niya ngayon na parang di maipinta. May ano na naman sa babaeng to? May naiisip na naman tong kakaiba. Im sure.

Nilapitan ko siya at tinapik ko ang nakahalukipkip niyang mga braso. Nabigla naman siya pero ningitian niya ko. Tulala?

"Problema mo?" tanong ko. Kinunutan naman niya ko ng noo sabay umiling. Napakamot nalang ako ng ulo ko. Hmmm...

"tara sabay na tayong pumasok?" aya niya. Tumango naman ako at naglakad na kami papunta sa locker dahil may kukunin daw siya. habang papunta kami, isang pulutong ng mga atleta ang pasalubong samin. Mga nakajersey ng basketball at pawisan. Ang aga naman ng mga itong mag training.

Padaan naman sila patungo samin kaya minabuti na muna naming gumilid ni Freya at baka mabungo pa kami, pero...

"Are you blind?! Huh?!" Pagkabunggo niya sakin sa balikat. Baka ikaw yung bulag. Nasa gilid na nga kami tapos ako pa yung bumangga? Utak tanga ata to e.

Minabuti ko na lang na hindi na magsalita dahil sa dalawang dahilan. Una ay hindi ako mapagpatol at pangalawa dahil kapag nasangkot ako sa isa pang gulo, parang sinira ko na din ang pangrap ko.

First day ko palang sa Music Club tapos tanggal na ko?.. No way...

"Pare pipi ata!" at nagtawanan lang silang mga sira ulo. Ano ba nakakatawa dun? Agad namang sininghalan nung nakabunggo sakin yung kasama niya. Problema nito sa mundo?

"Dont ever say that word again. You f***ing Bastard!" sabay tulak niya sa balikat at galit na naglakad sila palayo. Ano ba trip ng lalakeng yun? Nasiraan na ata ng bait.

Nang makalayo layo na sila ay agad akong nilapitan ni Freya. "A-ayos ka lang ba?" concern niya sakin. Isa pa to e. Ano na naman ba nasa isip nito. dati hindi naman siya ganito ka concern ah.

Dati pag may ganitong sitwasyon magagalit siya sa mga yun or what pero ngayon.. So wierd this day. Ano bang meron ngayong araw?

After our morning classes agad akong tinawag ni Sofie at may meeting daw. Urgent kaya naman agad na kaming umalis para pumunta sa Music Club.Medyo nanibago ako at parang...

"T-teka Sofie.. Diba sa may..." Sa may kabilang hall kami dumaan.

"Tapos na kasi yung pinaparenovate na Music Club sa may Royal Building kaya simula ngayon eto na gagamitin nating pass" sabay abot niya sakin na parang emblem.

Fudge cake! Ang cool nito.

Isang G clef Symbol na kulay gold at kasing laki ng palad ko ang binigay sakin ni Sofie. Medyo mabigat din ito at tila pin ito na idinidikit sa uniform.

"Emblem yan para makapasok tayo sa Building ng mga Royal at Scarlet" Paliwanag niya habang mabilis kaming naglalakad papunta sa dulong parte ng eskwelahan.

Ilang saglit pa ay Isang malaking Pader at sa gitna nito ay isang malaking gate na may security. Kailangan talaga may pa barrier?

Tatlong taon nako dito pero never pa ko nakapasok sa kabilang bakod na yan. Dito kasi ang side ng mga royal blue at scarlet Class na mga students.

Oh diba?!. Di talaga obvious ang discrimination dito pero on a positive note, Nagmumukhang privileged ang maging isang scarlet or royal blue class dahil sa pag kakaalam ko nag oopen sila pero ang qualifications sobrang taas.

Humahangos kaming pumunta sa gate at hinarang nang isang security.

"Bakit kayo narito?" Tanong nito samin. Agad namang pinakita ni Sofie ang emblem niya. Isang parang scanner ang itinutok ng guard sa emblem nito "okay sige" sabay itinutok naman din nito ang scanner kung saan ikinabit ko yung emblem ko.

"Patingin ng I.D" dagdag pa niya. Grabe naman sobrang higpit naman dito. Estudyante din naman kami dito manong guard.

Nang maibigay namin yung I.D sa kanya 'dahil hiningi niya' ee pinapasok na kami, at nang makatungtong ako sa teritoryo ng mga mayayamang ito..

Wala na. Napanganga nalang ako sa nakita ko.

Sobrang lawak at halos hiwa hiwalay ang mga building dito. Di tulad sa building area naming mga Green at Brown Class. Parang coliseum ang ibang building. Iba din simoy ng hangin dito. Para akong nasa BGC, Fully aircon kahit nasa labas ka.

Maraming mga Scarlet at Blue Collars ang andito obviously,

"S-saan ba yung.." putol kong tanong sabay hila niya sakin papunta sa isang building na may Label na...

Seryoso? Eto ba yung Music Club? A-akala ko...

May iilang mga nakatingin saming mga Blue collar at Scarlet Collar kaya medyo naiilang ako pero etong babaeng to? Walang pakealam.

Pero seryoso? Di ko iniexpect na ganito talaga ang music club. Takteng tipaklong yan.

Well, Ganito kasi yan, All talents and Skill clubs are on this side ng School. Kung baga lahat ng Main Club andito kaya sobrang lalaki o kaya matataas ang building club nila to accomodate all students from all class. Yung iba naman ee Nakasister club lang dito sa mga main clubs para yung ibang mga nasa brown or green class ee maexperience parin ang clubs dito sa school nato.

Pumasok na kami ni Sofie sa Music Club Building at isang front desk ang sumalubong samin at nag welcome.

Juice Colored Iced Tea hotel ba yung napasukan namin o Club House?

Nagtungo kami ni Sofie sa may Front Desk at nagtanong. Pinakita ni Sofie ang Emblem pati din ako tska kami tinuro sa may kaliwang hallway.

Sabi kasi deretso tapos pangalawang pinto sa kanan daw.

Nang makarating na kami.. isang malawak na center hall ang bumungad samin. Walang mga Instrument ang nakapaligid na dati kong nakasanayan nung nasa may building pa namin ang Music Club.

iilan palang silang nakaupo na pabilog. Marami pang mga vacant kaya naman agad kaming pumuwesto sa may kanang bahagi. Bali magkatabi kami, Si Sofie sa kanan ko at nung lumingon ako sa kaliwa ko kung sino katabi ko. Nanlaki agad mata ko kung sino.

"p-president?!" gulat kong sabi. Tumingin naman siya sakin na may ngiti. Charlie relax lang. Masyado tayong tensyonado e. Relax lang. Chill. Bawas bawasan mo na ang pag kakape.

Pinakita naman niya sakin yung clipboard niya na may nakasulat na 'How are you? Later can I have your minute?" prepared question ba niya sakin yun?. Napatango nalang ako ng walang alisan ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang din napagmasdan na maganda pala talaga siya ah. Tapos bumagay sa kanya yung silvery hair niya.

Buti pinapayagan ang may kulay na buhok sa eskwelahan na to!. Kung sabagay estudyante ang nag ru-rule dito.

Miya miya nagscrib ulit siya at pinakita niya sakin yung clipboard 'Great!" gusto ko siyang ngitian pero parang nanigas na yung mukha ko dahil sa tuwing makikita ko siya nagugulat ako dahil sa ginawa ko last time. Sana naman hindi na niya matandaan.

"Okay Musers habang hinihintay natin yung iba i would start the meeting fast para makakain na din tayo ng lunch okay?!" agad naman kaming napabaling kay Max na nagsalita. About saan kaya tong meeting? Ipapakilala na nila ba ko sa iba pang member ng club? Ganun ba ko ka espesyal??..

Feeling ka Badi..

"As you know, why we urgently seek new comers ay dahil sa gaganapin na Music Battle sa Baguio right?" Everyone nods including me. Oo nga pala yung Music Battle. Isang competition ng mga schools for the best music club. Ilang schools ang nagcocompete for the title of the Best Music School.

Sa pag kakaalam ko maraming categories ang sasalihan ng mga schools. May solo singing, duet at choir. Sa may Musicality naman yung Wind, Chord, Piano, at tech. Tapos may battle of the band din na obviously last year Silent Gorgons ang nag uwi ng kampeon. Marami din nahakot yung school but not all.

"Here's the thing musers. One month from now the competion will be starting. It is a three days competition kaya we must prepare at all cost" commanding tone ni maxinne ang biglang nagparamdam sakin or samin dahil sa totoo lang parang ang igsi ng time for preparation. Nagtaas naman ng kamay si Zayne "Bakit parang biglaan naman ata? At ang igsi ng time to prepare? Di ba kayo nag appeal?" his right. Ano to apurahan?

"Yes we appeal kasama ng iba pang mga school na kasali but sabi ng committee this year it is one of the challenges daw" grabeng challenge naman yun. Nagtaas din ng kamay si Melissa.

"If that is what they like. Maglagay na tayo ng mga person to fit for the categories." Aba! Parang ang casual naman ng diwa ata niya ngayon?.

Ilang saglit lang isa isa na ding pumasok hanggang sa na complete na ata kami. May dala na rin silang mga pagkain at nilapag sa lamesa.

Bali sa bilang ko 24 kami na naririto. Karamihan sa kanila scarlet at blue. Bali tatlo lang yung green at dalawa lang kami ni Sofie na brown.

"We bring foods na, Max" Ranjie said. Maxinne mouthed thanks sa kanila at pinagpatuloy yung sasabihin.

"hindi pa namin napapaplantsa lahat at isa pa we do not know yet kung saan pwede si charlie" What? A-ako? Sasali? Agad? Di ako agad nakaimik. T-teka naman..

Miya miya ipinakita ni president yung clipboard niya samin na may nakasulat. 'Tomorrow in our house. We settle all the things over there' tapos may nakasulat pa sa likod na pinakita niya after naming basahin yung una.

'later, we talk to our teachers that grant us exception for the next two weeks' may isa pa siyang papel na nilagay ulit.

'it maybe hard for us but we will keep the fight!' at tila isang lift sa dibdib namin ang na lift. Well said... este well write president.

"Tama si Kaichou, na kaya natin last year kakayanin natin ngayon" sabi ni georgia. Ang kyut ng pagkakasabi niya. Haha kakatuwa.

"Okay habang kumakain tayo ng lunch i will introduce to you our new member from Brown Society, Si Charlie" Pakilala sakin ni Max. Nagpalakpakan naman sila. Brown Society?.

Tinutukoy niya ba yung suot kong collar?.

Isa isa namang binigay ng isang green collar ang mga pagkain. T-teka.. diba eto yung..

"Congrats" bati niya sakin sabay abot ng pagkain ko nasa black bento box.

Yung lalakeng nasa back stage..

T-teka maitext muna si Freya na di ako makakasabay dahil sa meeting na to. Magtataka kasi yun kung nasaan ako.

Kesa masabihan ako ng K.J makikisama na muna ko dito. Mag sosorry na lang ako mamaya kay Freya. Im sure maiintindihan naman niya yun.

As I open the bento box. One cup of rice, fried chicken, mushroom gravy, mojos at parang barbeque na ewan. Tinanung ko kay sofie. Grilled lamb meat daw yun. Ang daming servings nito kumpara sa madaliang preparation daw.

Nabigla ako sa sinabi niya. For real?!. Medyo nagdoubt ako sa kanya pero hindi din naman kasi imposible na lamb meat to. Para siyang pork kung titignan pero iba yung laman as I tear apart. Hanggang sa tumabi sakin si President.

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. Pinakita niya ulit yung clipboard niya na may nakasulat na 'that is a seared lamb tenderloin' she smiled. Woah! Totoo nga. Grabe. Agad kong tinikman.

Woah! Ang lambot at ang lasa. Kahit grilled lang siya may lasa. Parang lasang baboy pero malambot at makatas na parang nagmemelt sa dila ko. Napaghahalata tuloy akong inosente sa ganitong klaseng pagkain.

Teka bagay to sa dala kong ulam. Kinuha ko yung babaunan ko at napatingin kay Sofie.

P-pwede ko bang ilabas to? Nakakahiya.

Napatingin din siya sakin at kinunutan niya kong noo dahil pinakita ko sa kanya na ilalabas ko yung babaunan ko.

Ee sayang naman kasi kung hindi ko makakain. Handa pa naman to ni Mama sakin kanina.

Napalingon naman yung mata ko kay president dahil kinalabit niya ko. Sabay pakita ng clipboard niya.

'what are you doing?' nakasulat sa clipboard. Medyo nahiya ako dahil sa tanong niya kaya ningitian ko nalang siya at unti unti kong binalik sa bag ko yung baon kong ulam.

Sorry na. Ee sayang kasi ee.

Binigyan naman niya ko ng parang nagtataka at nag sulat ulit sa clipboard niya.

'your lunch box? Its okay. Get it' sabay ngiti niya.

Hayy.. ang cute niyang ngumiti.

Kaya nilabas ko na din. "Y-you want president?" Alok ko.

Ayy.. ngobngob ka charlie? Natural di yan tatanggapin. Mayaman yan brad di kumakain ng ilang pung init na adobo at kamatis.

"A-ah.. s-sorry di.." at nagulat akong kinuha niya yung isang chunk ng karne.

Kinain niya to at tila nasarapan?

Tumango tango siya at tila sinasabing nagustuhan niya yun. Nawala naman yung kaba ko dahil sa ginawa niya. Totoo ba yung nakita ko?

O...

Baka nahiya lang siya? Pero bakit naman siya mahihiya ee, nasa teritoryo niya ko.

Inilagay sa may bento box na to ang iba kong ulam at kanin hanggang sa napansin ko imbes na spoon and fork lang, maraming utensils ang nakadikit sa pinakatakip. Mga dalawang kutsara, dalawang tinidor, at dalawang kutsilyo. Gagamitin ba lahat yan?. Seryoso?

Napatingin din ako sa ilalim ng takip at marami ding utensils ang nakadikit. What the... para akong nasa fine dining nito sa daming kubyertos na nakalagay. To think na madaliang pagkain to.

Nahiya tuloy ako sa ginagawa ko as I looked sa kanila ay nagpapalit sila ng utensils kapag iba ang kakainin. Tas yung iba may bib pa na white sa dibdib. Ang lakas makasosyal. Nakita ko si sofie na she use spoon and fork habang nakikipagkwentuhan sa mga silent gorgons.

Shemss.. ganito ko kalapit sa mga diyos ng eskwelahan na to pero parang ang layo ko pa din..

Pero bago siya sumagot o magsalita nilulunok muna niya yung nasa bibig. Napansin ko din na parang grupo grupo din silang kumain. Nagtatawanan pero di ganun ka lakas.

Bali ako kasi dito malapit sa pinto pumuwesto at kami lang ni president ang magkatabi?!. Shocks. Nakapatong sa may built in table chair yung pagkain niya at ako lang talaga ang nakapatong sa binti ko. Nahiya ako bigla talaga.

And president smiled at me. Pinakita niya yung clipboard niya na may nakasulat na 'pull under the chair, for you to be comfortable' naiilang na ngumiti naman ako. Takte talaga. Ang engot ko.

Pagkaayos ko ng built in table ay dun ko nilagay yung pagkain ko. Sa totoo lang nakakailang sa ganitong set up di ako sanay. Miya miya may inabot na maliit na box si president sakin. Para san to?

"para saan to?" tanung ko. Nagnod lang siya na parang sinasabi niya na buksan ko. As I open the box. Nanlaki mata ko. "My necklace. San moto nakita?" ilang araw ko na din to iniisip kung saan ko naiwan or nawala. Buti nalang talaga.

Wait...

Pinakita niya yung clipboard niya na may nakasulat 'you drop it when you hurriedly escape after seeing me' nahiya ako bigla at naalala ko yung ginawa ko. Taee... Lunudin niyo na ko.

'but dont worry that's our secrets. But you promise me that dont ever break any rules okay?!' pinakita niya ulit. Napanod nalang ako. Nakakahiya talaga.

"promise I wont ever" as I reach out my hand unto her na parang nakikipagshake hands. Nagfrown naman siya as she look down at my hand. Oo nga pala. She was a blue colored uniform kaya she never touch a hand like me. hayy... ano ba namang kaengotan ko ngayon araw.

"ah! Pa-pasensya ka na. I forgot..." para kasing may something sa kanya na parang ang gaan ng loob ko agad. Ang friendly niya kasi at down to earth. Paano? Simple lang sa dami dami ng sasamahan niya ako pa yung tinabihan niya. She was too kind-hearted in my opinion.

Ngumiti siya at kinamayan ako and seconds thoughts her hand was too soft. Parang marshmallow yung kinakamayan ko.nahiya ako bigla. Takte. Para kasing tanga Charlie. ang ka engotan mo bitbit mo na naman..

As she was shaking my hand nagulat ako sa ginawa niya after...

Alam niya yung secret promise hand gestures namin ni Freya... it was exactly the gestures that I learn long ago...

S-saan niya natutunan to?

Teka... teka... naguguluhan ako sa ginawa niya. Oo, it was the exact thing na secret promise handshake namin ni freya. It was so weird.

After a minute bumalik na ko sa sarili ko na shock after seeing she knew the exact thing. Kinakawayan niya ko sa mukha ko na para bang tulala ako. Uhmmm...

Pinakita niya yung clipboard niya at may nakasulat na 'are you alright?' ilang segundo pa bago magsink in sa utak ko. Napatango nalang ako. Ningitian ko siya sabay balik na ko sa pagkain ko. So weird talaga e. She knew pero hindi ko matandaan na itinuro ko yun sa iba lalo na sa kanya. Pero baka naman alam lang niya talaga yung mga ganun!?. Nauso din to kasi dati kaya baka natandaan lang niya.

Oo. Yun nga, baka natandaan lang niya. How dumb I am.

Natapos na kaming kumain. Grabe ang sarap ng meal na yun ah. First time ko pang makatikim ng tupa. Ganito pala feeling ng mayaman no! Ang sarap ng mga kinakain. As we gather around ulit ay...

"Okay musers it settle then na ha! Exactly 6:00 a.m dapat andito na school tomorrow. Sabay sabay na tayong pumunta kila president para wala na tayong hinihintay or what. Be professionals" sabi ni Max. Napatango nalang ako as I look at my phone. May dalawang message akong nakita.

"joseph! Excuse me?! dont use cellphone while we are on a meeting" nanlaki mata ko ng tinawag ako ni max. Ilang segundo pa ang lumipas ng marealize ko yung sinabi niya. I keep my phone in my pocket at humingi ng sorry. Sorry naman tao lang o.

"by the way, musers bring your two weeks clothes kasi mag iisleep over tayo sa kanila para stretch natin yung oras, okay lang ba president?" as max explain. Woah! Sleep over?! Nakakaexcite.

I mean, first ever in my life na makikisleep over, at sa mayayaman pa!.

Sobrang lucky ko talaga mapabilang sa club na to.

President show her clipboard na may nakasulat na 'sure a thing' madali palang kausap si president e.

"thank you pres. So is there any questions or holding bars?" umiling na kaming lahat. E ano pa ba itatanung mukhang wala na naman na. "good. Ok meeting, dismissed" at nagtayuan na kami as isa isang nagsilabasan kami ng room. Ilang saglit, tinawag ako ni Max. Lumingon kami ni sofie.

"joseph here. Read it okay?!" sabay abot niya ng isang booklet na may title na hand guide to be musers. Book guide to ng music club. Mga rules and regulations. Medyo makapal. Taee.. Nahiya ako sa mga RNR nito.

As we walk down pabalik ng school side namin. Tila napaisip ako na.. ang sarap siguro kung nagagawa mo lahat no? No worries, No Hesitations, basta nagagawa mo lang yung gusto mo.

Wala akong nasalubong na freya as I text na pabalik na kami ni Sofie.

Im one hundred percent sure galit sakin yun. Hayy... bawal naman akong pumunta sa section nila dahil first rule yun. Kung saan royal uniform kahit saang room pwede, scarlet sa room lang ng blue ang hindi pwedeng puntahan, tapos yung green sa brown lang pwedeng puntahan at kaming mga brown dito lang sa klase namin pwede. Pero may exception kung may golden pass ka. At yun ay ang clerance or etong katulad na emblem pagbibisita lang sa ibang room kailangan pa ng clearance.

Chineck ko yung cellphone ko to look the two messages sakin ni freya.

::May meeting daw kayo kaya im sure kumain kana dun. I hope nabusog ka

Uhmm... di siya galit? O baka nirereverse psychology lang niya ko? Hmmm... something's fishy talaga sa kanya. Inopen ko din yung pangalawang message.

::Can we talk after class? Kita tayo sa rooftop. Hihintayin kita::

Hmmm... ang weird talaga e. I know im not overthinking, its all about guts of a boys. Sa totoo lang mas malakas ang kutob at hinala naming mga lalake lalo na sa mga ugali ng babae kaya lang hindi namin naiintindihan its because pabago bago ang kilos at nasa isip nila. Kaya nga nawiwirduhan ako sa babaeng to. Hayy...

Sana wala ng mas lalala dito.

Ashley POV

Its been a while since magkakaroon ako ng mga bisita sa bahay. Kaya naman agad kong pinalinis at pinaayos kay Benjie ang mga kwarto at mga instruments na gagamitin namin. He is my house butler.

::Yes po Lady. Masusunod po::

He replied sa text ko. Ngayon ay narito ako sa Trigonometry Class. First subject ngayong hapon. 25 lang kaming narito sa room na magkakaklase kaya naman marami pang space sa likod.

"Class who can solve this equation on the board?... Montelebano?" tawag ni mam Lea kay Bea. She was the bubbly cheerleader ng Basketball team which is a die hard fan ni dylan. Sa totoo lang kung ako sa kanya mag hanap hanap na siya ng mamahalin niya. Hanggat maaga pa. wag na siyang tumulad sa ibang babae na umiyak at ngayon ay hinahabol habol siya na parang mga ewan.

Habang nagsosolve siya ng equation ay kami naman ay nagsosolve din sa notes. Nakuha ko na ang sagot habang nagcocompute pa din si bea at ang iba. Sana tama ako. haha

After an hour ago the class dismissed by our last period. H.R. nangamusta lang yung adviser namin at kung ano ano pa. pag tapos nun ay agad akong nagpunta sa Club room para iprepare na din yung mga magiging plano. Hmmm.... initials palang naman to para kahit papaano may jump start kami sa discussion bukas.

Sa totoo lang sobra kaming mahahassle nito dahil lima lang ang boys at si Zayne lang ang marunong kumanta. Ay! Si Ethan pa nga pala. Pero kakayanin niya kaya? Sana. May tiwala naman ako sa kanya. Sa musical halos wala na kaming problema dahil kaya naman naming punuan lahat.

Sa girls naman si Max, Hazell, Ranjie, at kahit papaano si Xershie. Kung ilalagay ko naman si Hazell at si Ranjie sa duet baka mahirapan siya dahil sila din sa band category. Kaya si sofie at vixen nilagay ko. Marunong naman sila kumanta kaso si sofie kasi mahiyain kaya. Pero kaya ng dalhin ni vixen yan.

Yung sa choir category naman wala na naman kaming nailagay katulad last year. Pati din sa tech category na babae. Ilang taon na rin na paghaharian ng Gillian Conservatory school yung mga wala kaming napunan. Hayy... kahit yung sa tech category man lang na babae magkaroon kami this year. Kaso sino? E wala naman samin may alam nun.

Ethan POV

After Class ay agad ako nagtungo sa rooftop sa pinagusapan namin ni Freya. Dali dali ako hanggang sa nakita ko siya nakatanaw sa may horizon. Habang nililipad yung buhok niya ng hangin. Medyo may kalamigan ang hangin. Inayos ko muna ang sarili ko saka ko lumapit sa kanya.

"Freya?!" tawag ko. Hindi siya lumilingon at hinawi niya yung buhok niya at inipit sa tenga niya. Anong drama to?.

"Ethan, tignan mo yung paglubog ng araw. Ang ganda no" napakunot naman ako ng noo at tumingin na rin sa papalubog na araw. Well, maganda nga ang paglubog ng araw na tanaw dito habang papatago siya sa dalawang bundok sa di kalayuan. Parang unti unti akong hinahatak nito sa kung saan.

Tinignan ko siya at ganun din siya sakin. Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya at ilang at the same time. Ano bang nangyayare? Ang weird sa tyan at kalamnan ko. Parang may naghahalo ng kung ano. Siguro sa kinain ko to kanina.

"masaya ka ba?" malumanay niyang tanong. Ano ba tinutukoy niya? Kung sa music club syempre oo.

"o-oo naman" napaiwas ako sa mga tingin niya. Uhmm... narinig ko siyang nag giggle kaya napatingin ulit ako sa kanya pero tumingin siya sa papalubog na araw kung saan halos nag aagaw na ang dilim sa liwanag.

"ang romantic tignan no. Ang romantic ng ganitong set up. Pinanunuod ko yung pinakamagandang moment ng mundo sa tabi ng taong nagpapasaya ng bawat bagong umaga ko" what shes' trying to mean?...

"freya?!..." nasabi ko nalang. Hindi ko alam isasagot ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nangyayare. As in.

Lumingon ulit siya sakin at sa pagkakataon na yun. Isang pakiramdam ang nadama ko. Isang pakiramdam na hindi ko sigurado ngunit gusto ko. Isang pakiramdam na sana ay walang magbago.

"Ethan, we've been together since... we are 3rd grade school. Naaalala ko pa nun sa bawat insulto nila sakin na kulot salot at sa tuwing umiiyak ako, you are there, Protecting me..."

"...since then we start our friendship. Hanggang sa mag 7th grade tayo until now. You are here. Everytime I needed you. Everytime i said andito ka agad sa tabi ko..." napalunok naman ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko na halos maramdaman yung katawan ko dahil sa nararamdaman kong kaba at the same time saya. Saya na ngayon ko lang naramdaman sa mga sandaling ito.

"...Ethan, I know that we are bestfriends. Best buddies to be exact.." she smiled. Her stunning smile.

"I know na yun lang ang tingin mo sakin but... para sakin we are more than friends, more than partners. For me, we are far more than that..."

"everytime you care for me, everytime you make me happy and for everytime na andito ka sa tabi ko. I feel secure..."

"comfortable in times na palagi kitang nakakasama lalo na sa lunch breaks..."

"Ethan... alam mo ba kung bakit hindi pa ko nagpapasagot ng iba kahit na palagi mong sinasabi na sagutin ko na sila?"

"dahil saiyo... Ethan. You were the one I would love to say Yes because... I-I like you." At tila tumigil ang mundo ko sa mga binitawan niyang mga salita. H-hindi ko alam ang sasabihin o gagawin. P-paano ba? Uhmmm... h-hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko aaahh... haayyy... Ethan ano ba be a man naman. Babae na nagcoconfess saiyo para ka lang timang na nakatayo sa harap niya...

"hmmm... I thought about na ganito ang magiging reasyon mo. I know its not time to confess my feelings, my thoughts and all the things it was..." As I cut her.

"A-ahh... w-wow! Uhmmm... a-ano lang... uhmmm... f-freya p-paano ba... a-aahh..." wow! Great Charlie now naooverwhelm na tayo sa mga nangyayare ngayong araw hindi ba?!

"S-sorry for boggling your senses. I-I just want to let you know t-that I-I like you at sana walang magbago sating dalawa. Matagal ko ng gustong sabihin saiyo to kaso natatakot ako na baka... iba ang maging tingin mo sakin. I have the guts lang na ngayon ako nag confess d-dahil natatakot ako..." napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. For what siya natatakot?

"a-ahh... never mind. S-sige uhmmm... i-I need to go... see you on Monday.." at isang mabilis na kiss ang ginawa niya sa labi ko.

Uhmmm... ang masasabi ko lang... it was a long tiring day for me...

次の章へ