webnovel

SAVING THE ABDUCTED

Previously on AZT

"Chief's son is missing Sofilia....and your chubby cousin is the last person with chief's son."

"Oh? You mean Ericka? My not so fat cousin? She is the last person?"

***

"Do you trust me?

"Ha?"

"I said do you trust me?"

***

"Heh!? S-saan tayo pupunta ate Filipino?"

"Sa langit."

***

"I'll explain it to you some other time but for now... I want you to save my son."

***

Chapter 2: SAVING THE ABDUCTED

Ericka's POV

"Accessing monitor 8, success."

"Area cleared, chief."

"Backup on standby."

Mula ng dinala nila ako dito sa main part ng aircraft ay sobrang namangha ako sa nakita. May isang napakalaking monitor sa harapan, may kanya kangyang upuan ang tatlong anti, sina ate Filipino, kuya Ashton, at ate France. Nasa gitna naman si Chief Nicholas na abala sa pag mamando, habang ako nasa likod nila at nakamasid lang.

Nakakamanghang tignan ang main part ng aircraft lalo na ang malaking monitor. Kitang kita ang lahat na dinadaanan ng aircraft, maganda ang tanawin doon lalo na at gabi pa.

"Ericka be ready the area is cleared and remember, you only have less than a hour to save Nash." Napatango ako bilang tugon sa sinabi ni ate Filipino. Para tuloy akong tinakasan ng lakas ng loob dahil sa sinabi niya. Bakit nga ba ako napasok sa bagay na ito?

"I'll drop you off na Ericka." Tila naging hudyat ang sinabing iyon ni ate France sa akin, nagmistula akong glitch, napapikit ako sa liwanag, maya maya ay naramdaman ko ang mas malamig na simoy ng hangin dahilan para mapadilat ako ng aking mga mata.

"Shoe factory?" Sa shoe factory dinala ang anak ng chief!?

Napa-isip ako, bakit nga naman dadalhin sa shoe factory ang anak ng chief kung gayong sa pagkaka alala ko ay mahal ang sapatos na suot niya kanina noong magkita kami sa anime store? Hayst! Justin Nevermind na lang!

"Yes Ericka, pangatlong palapag ng factory, pumasok ka sa pangalawang pintuan at doon mo makikita si Nash" ani ate Filipino. Napahawak ng mahigpit ang kaliwang kamay ko sa katana na nakasabit sa tagiliran ng AZT uniform ko, habang ang kanang kamay ko naman ay ginagamit ko upang i-ayos ang air pod na binigay ni ate France kanina.

"Ericka, approximately forty  zombies are there at the factory so be careful" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Chief Nicholas.

"Holy chicken on the fridge!"  Pagulat kong sabi ng may nakita akong zombie na nasa kaliwang side ko. Nahugot kong bigla ang katana atsaka mabilis na pinugutan ng ulo ang zombie.

"Calm down Ericka, we have backups on standby" paalala ni kuya Ashton sa akin. I nodded in response dahil alam ko naman na nakikita nila ako sa malaking monitor.

Lord...sana kung may kasalanan man ako iyo patawarin niyo po, sa mga magu- Justin Nibermaynd! Mabubuhay pa ako!

Buong tapang akong pumasok sa loob ng factory, bahagya pa akong nagulat pero hindi ko iyon pinatagal, nakikita ko ngayon ang mga pakalatkalat na zombies, salamat sa mga kulay dilaw na ilaw. Maingat akong gumalaw dahil baka hindi ko kayanin dahil anim ang lahat ng zombies na nandito.

Huminga muna ako ng malalim bago sumugod. Itinaas ko ang katana at buong lakas na pinugutan ang mga zombies na nasa harapan ko. Sumugod na din sa akin ang iba pang nasa unang palapag ng marinig siguro nila ang pagbagsak ng mga zombies na na-double kill ko na.

Patuloy lang ako sa pagpugot sa mga ulo ng zombies, aaminin kong nakakatakot sila pero dahil sa hawak kong katana ay nawawala ang takot ko.

"Did I cleared the first floor?" I asked on the other line after I killed seven zombies.

"Yup! You eliminate a total of eight  zombies. Floor one cleared, now proceed to the floor two, approximately seventeen zombies" kung umiinom lang siguro ako ngayon ay baka nabilaukan na ako sa sinabi ni kuya Ashton.

"Seventeen zombies for my fridge's sake!" I hissed.

"You can do it, right?" Chief Nicholas asked.

"Of course!  Just treat me later because I am really hungry na " Narinig ko pa ang pagtawa ng mga tao sa kabilang linya. Nilinga linga ko naman ang paningin ko para makita ang pwedeng pag akyatan papuntang second floor.

"Ladders?"

"On the right side" sagot ni ate Filipino sa tanong ko. Agad ko namang nakita ang hagdanan na sinasabi niya kaya dahandahan kong tinakbo ang kinaroroonan noon.

Nakasalubong naman ako ng dalawang zombies papanik ng hagdan pero dahil gutom na ako at gusto ko ng matapos ito at ng maka-kain ay mabilis kong pinugutan ng ulo ang nadadaanan kong zombies.

"Head straight towards the left wing and you'll see the ladders" I frowned. Bakit kase hindi na lang sa sa kanan din ang daan paakyat?

"Remember approximately seventeen zombies and you only have less than thirty minutes to save Nash" paalala ni ate France.

"Okey dokey! For my tummy's sake and for the chief's son, I'll do it!" Dahil sa sigaw ko ay nabaling ang paningin ng mga zombies na nandoon.

Tatlong sabay sabay na zombies ang sumugod sa akin kaya mas hinigpitan ko ang hawak ko sa katana. Nagkalat ang mabahong amoy ng mapugutan ko sila, muntik na akong masuka kaso walamg lumabas dahil walang laman ang tiyan ko.

Ako na mismo ang sumugod sa iba pang zombies na nasa paligid, kung hindi ko pupugutan ay hahatiin ko mula ulo hanggang tiyan ang mga zombies na nakakasalubong ko, ang iba naman ay hinahati ko sa dalawa.

"Very well, you killed a total of eleven zombies so that makes twenty zombies in total  and again you only have less than fifteen minutes, backup is on standby already" Napatango tango ako, nasa thirdfloor na din naman ako nakapatay na ako ng tatlumpung zombies kaya matatapos ko na ito.

"Ay bulok na melon!" Napasigaw ako sa gulat bago mapugutan ng ulo ang zombie na sumalubong sa akin.

That makes twenty one.... Not bad self...

"That door Ericka" Napahinto ako sapaglalakad ng mapagtanto kong pangalawang pintuan na pala ito.

"Do it-bzzzz- fas-bzzz- ter- bzzz--" hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni ate France sa kabilang linya. Bigla na lamang isang matinis na tunog ang narinig ko habang binubuksan ko ang pintuan ng pangalawang kuwarto.

Nawalan ng connection?

Walang kailaw ilaw sa kuwartong iyon kaya hinawakan ko ng mahigpit ang katana. Narinig ko ang kusang pagsarado ng pintuan at isang pag-click ang narinig ko.

"Holy fridge!" Agad kong nilapitan ang pintuan at mas lalo akong kinabahan ng malaman kong tama ang hinala ko! Naka-lock ang pinto sa labas! Pinilit kong pihitin ang knob pero wala! Napahinto ako ng marinig ko ang dahang dahang paggalaw. Kinakabahan man ay kinapakapa ko kung nasaan ang switch ng ilaw.

"S-sino yan?" Utal kong saad. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil baka zombie ang nandito at nagawa ko pang magtanong.

Ayun! Dahil nakapa ko na ang switch ay mas mahigpit ko munang hinawakan ang katana bago buong lakas loob na binuksan ang ilaw.

"Holy chicken on the fridge!-

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

-hooded-guy-san!!!??" Totoo nga! Nandito ang anak ng chief!!

"Huh!? Diba ikaw yung batang babae sa anime store kahapon?" Napasimangot ako sa sinabi nito sa akin.

"Hindi po ako bata" mahinang napatawa ang kausap ko.

"Puro ka kase po, at teka, kailan ka pa naging parte ng AZT?" Pagtatanong nito sa akin,  malamang ay hindi niya alam ang nagyayari sa AZT dahil nga naman na-kid napped siya.

"Kanina lang po"  napaupo ako sa isang tabi dahil sa kapaguran, isinandal ko muna sa pader ang katana bago niyakap  ang tuhod ko. Grabe! Nagugutom na talaga ako!!

"Sabi ko, drop the po na tutal mukhang hindi naman nagkakalayo ang agwat ng ed-"  nahinto ang dapat sasabihin ni hooded-guy-san ng makita niyang nag-glitch ang suot ko.

"Holy fridge!"

"Shit!" Sabay naming sabi dahil pagkatapos mag glitch ng suot ko ay nakita kong wala na akong kahit anong damit na suot!!!

Nag-angat ako ng tingin kay hooded-guy-san and luckily nakatalikod na ito. Naririnig ko pa ang mahinang pagmumura niya.

Mas pinagkasiksikan ko ang sarili ko sa gilid dahil na din sa lamig at hiya. Ngayon ko lang napansin na puro kahon ang loob ng kuwarto.

"H-here" nakita kong inaabot sa akin ni hooded-guy-san ang hoodie niya. Napahinga ako maluwag matapos kong isuot ang hoodie, mabuti na lang at oversized ito, hanggang tuhod din ang haba kaya mainam dahil hindi nakikita ang pang-upo ko.

"O-okey na p-po" bigla kong naalala ang katana ko at laking gulat ko nang makita ko lang iyon doon sa pinaglagyan ko kanina.

"I was about to appreciate the beauty of France's work but I guess I was too late, bagay pa naman sa iyo" nahinto ako sa akmang pagkuha ng katana ko. Geez! Ericka gutom lang yan!

"I asked her to design it for me po"

"Yah yah yah! Drop the po"  I nodded in response. 

"Oh oo nga pala I guess this isn't an ordinary abduction" kunot noong napalingon ako kay hooded-guy-san matapos kpng mapulot ang katana ko.

"Ano p- ibig sabihin niyo hooded-guy-san?"

"And that," tinuro niya pa ako bago muling magsalita. "Drop the hooded-guy-san and call me Nash"

"Okey, anong ibig mong sabihin kuya Nash?" I saw him frown a little.

"Hay! Kulit mo, ang ibig kong sabihin na-set up tayo"

Ang ibig kong sabihin na-set up tayo.....

Ang ibig kong sabihin na-set up tayo.....

Ang ibig kong sabihin na-set up tayo.....

Ang ibig kong sabihin--

"Hah!?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko kay hoo- este kuya Nash.

"Yup! Paandar ito ng AZT kung bakit? Para makahanap ng magiging chief ng Philippine Anti Zombie team, hindi sila basta basta magpapadala ng bagong member kung wala silang binabalak and also hindi nila ako basta basta hahayaang ma-kidnapped"

"Isa pa hindi original ang microchip na meron ka. Ang gamit mo ngayon ay ang emergency microchip na tumatagal lang ng isang oras"

"T-teka huwag muna ngayon nagugutom na ako at hindi na kaya ng utak ko na i-digest pa ang mga nangyayari kailangan ko munang kumain, noh?" Pagtanggi ko sa mga karagdang impormasyon na sasabihin niya. Totoo naman kase ang sinabi ko, masyadong maraming impormasyon ang sinasabi niya dahilan para mas maparami ang tanong sa isip ko.

"Ang kailangan muna natin ngayon ay mailigtas AZT" Napa-iling naman si Kuya Nash sa sinabi ko.

Teka!! Umiling!?

"Hindi nila tayo ililigtas. Ang magliligtas sa atin ay ang sarili natin" Napatakip ako ng sarili kong bibig.

"Kalokohan!" Napatawa naman si Kuya Nash.

"Hindi naman tayo mapapahamak. Nakapunta ka nga dito na walang kagalos galos"

"Well as for what you said, totoo naman na kaya kong protektahan ang sarili ko, pero paano ikaw?" 

"Hindi na problema yoon, remember anak ako ng chief" anito bago pindot ang microchip niya na nakatago sa likod ng tenga niya! 

Nag glitch ang suot niyang t-shirt at pants, napatakip ako ng mata dahil sa liwanag na nakikita ko. Napa nganga ako ng makita ang hawak niyang baril.

"Say hello to my baby, M4 Commado"  kinasa nito ang baril na hawak niya bago tumingin sa akin.

"Bago tayo sumugod, isara mo muna ang bibig mo at kumuha ka ng medyas at sapatos dyan sa mga kahon, out of boredom tinignan ko lahat ng laman niyan"

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Grabe ba naman kase mapapanganga ka sa baril na hawak niya, at idagdag mo pa ang uniform nasuot niya. Isang blue leather jacket with grey t-shirt underneath na may kapares na jeans at puting sneakers.

Napangisi ako ng palihim habang sinusuot ang puting medyas na hindi umabot sa tuhod ko, sang pares ng itim na rubber shoes ang kinuha ko at isinuot iyon. Twenty one zombies ang napatumba ko kanina, meron pang nineteen zombies ang kailangang mapatumba.

Nang matapos kong gawin ang sintas ay hinarap ko na si kuya Nash na ngayon ay nakatingin sa baby niya daw na M4 Commado. Sa totoo lang ay sa mga anime ko lang nakikita ang mga ganoong klase ng baril, para akong nananaginip sa sobrang pagkamangha, and not to mention ang kaninang suot kong uniform ay nakaka-amaze. Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng kaharap.

"Great, now usog ka diyan at babarilin ko ang doorknob" sinunod ko naman ang sinabi niya, bago pa man niya pindutin ang trigger ng baril niya ay nagtakip na ako ng tenga ko, inipit ko muna sa legs ko ang katana.

"AY ITLOG!" Napa-sigaw ako ng wala sa oras dahil sa lakas ng tunog na narinig ko.

"HAHAHA! Ang cute ng expression mo, masanay ka na dahil sa buong journey mo ay makakarinig ka ng maraming putok ng baril"  Nakangiti nitong saad sa akin na animo'y natutuwa pa sa naging asta ko.  Napangiwi na alang ako, nakakatakot kaya!

"Ako na ang mauuna, sa likod na lang kita"

"Ayoko nga! Baril ang hawak mo eh, uubusan mo ako!" Reklamo ko sa suhestiyon niya.

"Huh? Bakit? Gusto mo pang pumatay ng mga zombies? Hindi ka ba natatakot na baka makagat ka nila?"

"Kayo na nga ang nag sabi diba? Nakapunta ako ng walang ka galos galos dito" ani ko bago tinalikuran siya at lumapit sa pinto.

Siguro ay ganito ang naging reaksyon ko dahil sa isang kasabihan ng kaibigan ko na palagi niyang sinasabi. 'Kapag tumulong ka... Panindigan mo at tapusin mo, hindi yoong tumulong ka nga, naghihintay ka naman ng kapalit'. Napangiti ako, palagi niyang sinasabi na kapag tumulong ako ay dapat tapusin ko ito, at dapat at hindi ako maghintay ng kung anong kapalit. Kaya eto ako, tatapusin ang nasimulan.

Binuksan ko na ang pinto at doon tumambad ang maraming zombies, agad ko namang sinimulan ang pag-atake sa kanila habang si kuya Nash naman ay nasa likod ko at sinisimulan na akong tulungan.

"Ericka! Are you guys okey? Do we need to deploy  the backups?" Nag aalalang tanong ni ate Francesa kabilang linya. Bumalik na pala ang connection.

"Don't worry France, we can manage" si kuya Nash ang sumagot kaya malamang ay meron siyang air pods. Lumiko na kami pababa ng hagdan, sumasalubong sa amin ang mas maraming zombies na malamang ay nasundan kami dahil sa lakas ng tunog ng baril.

Sa bawat galaw ko ay naririnig ko ang pag-tunog ng katana sa ere na hawak ko kaya naman pakiramdam ko ay gusto kong marinig ang tunog na iyon palagi, ang pag-slash na iyon ang nag-uudyok sa akin na gawin ang dating bagay na hindi ko ginagawa—or should I say— ginagawa ko pero sa mga RPG lang.

"You're enjoying this?" Pagtatanong sa akin ni kuya Nash habang patuloy pa din kami sa pagpapa-tumba ng mga zombies.

"I can't help it" I honestly answered.

"You'll regret it" napahinto ako dahil sa sinabi niya. What does he mean?

Bang! Bang!

"Umayos ka hoy! Muntikan ka nang makagat diyan!" Nabalik ako sa ulirat.

Anong ibig sabihin ni kuya Nash?

"Very well, mukhang na-clear na natin ang lugar... Am I right France?"

"Yup! Congratulations guys!"  Yoon ang huling sinabi sa amin ni ate France bago kami nag-glitch. Nakabalik na pala kami sa aircraft.

Napasalampak ako sa malamig na sahig ng main part ng aircraft, natuon ang pansin nila sa akin. Napapagod na ako and at the same time gutom na gutom na.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong mabilis na nag-lakad si kuya Nash papunta sa gawi ng chief, hindi ko namang inaasahan ang susunod nitong gagawin kaya napasinghap hindi lang ako pati ang ibang anti.

"Nash!"

"Chief!"  Sigaw nila nang makita naming sinuntok ni kuya Nash si Chief Nicholas. Inalalayan ako na umupo sa upuan niya si ate Filipino na hindi man lang nagpadala sa nakita.

"That was so reckless of you papa!" Pasigaw na saad nito kay chief. Ganyan ba talaga sila mag-usap?

"No one was hurt, Nash" kalmadong sabi ni Chief habang hawak ang pangang natamaan.

"Ayan ka na naman! Papa ganyan ka palagi mag-recruit!"

"You really care for this organization, eh?"

"Of course I do!" Napataas ako ng kilay. Sana all na lang nakaka-usap ang magulang.

"Chin up, Ericka. Pwede ka nang kumain" Nagliwanag ang buong paligid para sa paningin ko.

"AT LAST!!" Natawa sa sila sa akin dahil sa inasta ko, dinala naman nila kami sa isang quarantine area daw. Para daw iyon sa mga anti na kakatapos lang sumabak sa battlefield 'kuno'. Sinisigurado nila na walang kahit anong virus ang tumama sa amin ni kuya Nash kaya naman dinala kami doon.

Sinimulan ko nang lantakan ang cupcakes na nasa lamesa, I can't help it, eh. Gugutom na si ako. Matapos ang ilang nguya ng pangalawang kagat ko ay nilinga ko ang aking mga mata sa paligid. Para kaming nasa living room, maliit kumpara sa living room nina ate Filipino, ang kaibihan nga lang ay glass ang walls nito kung saan kami mamo-monitor ng mga anti. Nakapag-palit na din ako ng damit, ternong dilaw na longsleeves at puting panjama ang ibinigay ni ate Frances akin. Well... Sugar makes me sleepy and its almost three in the midnight, so I guessed this is a goodnight?

***

That familiar tune... I love it and at the same time... I hate it... I feel like my heart is going to explode anytime soon...

That tune... It reminds me of that accident... That I don't want to remember... I sealed it in my memory vault... but it seems to have found a way to get out of my memory vault... Eight years ago... Is when they left me...

"Mama! Papa!" I saw my childhood version... Happily cheering to her parents...

The tune started playing... It went really smooth... I feel like I'm in heaven at that time... But some things will never last long...

That childhood version of mine cried... My parents! They... They... Turned into zombies!

"You'll regret it" a familiar voice... Its kuya Nash!

Do I feel any regret? I already started this...

"Kapag ginawa mo, dapat tapusin mo... At dapat hindi ka nag-iintay ng kapalit" that quote of him...

Should I continue doing this? Do I need to? Do I have to?

I'm dreaming... I know I am... I saw the accident eight  years ago... That wasn't the exact thing happened... My parents didn't turn into zombies instead... They--

That accident... It made me hate that tune... The tune that they last played... I really love it... But every time I listen to it... It will really make me cry... And I don't want it to happen...

What should I do? Should I stop doing this? I am involved now... But can I? Kuya Nash is right... The fear is inside me right now... I began imagining things... What if Mathew turn into a zombie? What if kuya Martin turn into one? My love ones? How can I kill them? The memories... It will surely hunt me... What if HE turn into zombie? No... I won't let that happen... I will continue this... 

"Ericka!" Nagising ako sa isang masamang panaginip. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni ate Filipino.

"Hush now my dear cousin, it's just a dream" I smiled bitterly, because of that dream... I cried. 

Did I just saw my parents turned into zombies?

***

To be continue...

Up next:

Chapter 3

It's good to be back

次の章へ