webnovel

CHAPTER 15

SHINA POV

Nakakapagtaka kung paano natunugan na galing ako sa dorm. Sa entrance pa lang ng Nova Hill ay napakahigpit na ng security kaya imposibleng may makapasok sa village na mga outsiders. Yung mga fans ay hanggang doon lang talaga sa main entrance ng Nova Hill. One more thing, paano nila naisip na galing ang sasakyan na ito sa dorm when the dorm is almost six block away from the Nova Hill entrance.

"Siguro ma'am dahil naka-luxury car kayo. Baka akala nila celebrity ang nakasakay dito."

"Don't tell me they'll follow us until our neighborhood too hangga't hindi nila nacoconfirm kung sino ang nakasakay dito."

He talked again on the phone.

"Ma'am huminto po yung convoy natin. Hinarang nila yung reporter at kinumpiska ang camera. Nililitratuhan daw ang plate number ng sasakyan na to."

Bigla akong nataranta. All my cars are under my name baka dahil dito ay mabisto agad ako. "Kumpiskahin niyo ang camera! Kung ayaw ibigay, sabihin niyong gayong gabi din ay ipapakulong ko siya."

Pilit kong kinakalma ang aking sarili. I really need to have a better plan, hindi pa man ako nag-uumpisa sa unang araw ko ay namimilegro na agad akong mabisto. I think I need the help of Yujin.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko ang aking madarastang si Lovelle na umiinom ng tsaa sa living room. Nagtsatsaa lang ay naka Valentino dress pa at punum-puno ng diamond ang katawan. Niyukuran ko lang siya nang mabilis at balak ko nang dumiretso sa aking kwarto. Sira na ang araw ko kaya ayoko nang mas masira pa.

"What's with the weird clothes? Himala nakakapanibago ata na nagsusuot ka ng ganyan?" ngisi niya. Her smirk pissed me off more.

Huminto ako at tumingin sa kanya. "I'm beginning to like this kind of fashion. It's comfortable," ganting ngisi ko.

Dad married her three years ago. I couldn't treat her as mother because she's only five years older than me. Kahit ano pang magandang bagay ang ipakita niya sa akin, alam kong pera lang ang dahilan kung bakit niya pinakasalan si Daddy. Since my mother died, pang-lima na siya sa naging asawa ni Daddy. But among the five, she's the worst. Dahil siya lang ang bukod tangi na palihim akong tinuturing na kumpetensiya. What an ambitious bitch. She has the boldness to dream that she'll be part of Hundai someday. Eh lahat naman silang mga naging asawa ni Daddy ay may pinirmahang prenup agreement.

"I hear that you don't go to office nowadays," nakataas ang isang kilay na salita niya. Naririnig ko sa mga mata niya ang isang malutong na halakhak.

"Who told you?"

"Your Dad."

"Did he tell you the reason why?"

"No."

Tinaasan ko rin siya ng isang kilay. "Kung hindi niya sinabi ang dahilan, it only means one thing... it's none of your business."

Hindi siya nakaimik at patay malisyang uminom ng tsaa pero alam kong tinamaan siya sa sinabi ko. Napakaentremetida. Gustong ipilit na may papel siya sa kumpanya.

Taas-noong tumuloy ako sa pag-akyat sa aking kuwarto. Simula nang hindi ko makasundo si Lovelle ay binalak ko na sanang umalis ng bahay at tumira na lamang sa isa sa mga properties ko,pero hindi pumayag si Daddy. Tatanggalan niya daw ako ng mana pag umalis ako sa poder niya nang labag sa kanyang kalooban. I stayed kapalit din ng kondisyon ko na hindi niya ako pipiliting gustuhin ang bago naming madarasta. Pumayag naman siya basta ang hiling niya lang ay maging civil kami ni Lovelle sa isa't isa.

"Ate!!!"

Napaiktad ako sa lakas ng sigaw ng aking kapatid.

"Himala andito ka lang sa bahay," komento ko habang binubuksan ang aking pintuan.

"I'm playing online games." Sumabay siya sa pagpasok sa aking kuwarto. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang aking suot. "You look cool today. Dapat nagsusuot ka lagi ng ganyang klase ng damit ate kasi mas nagmumukha kang bata. Hindi yung parati ka na lang nakasuit at napaka-strict ng hitsura."

"Don't worry, starting today ganito na muna lagi ang isusuot ko. Since I'm taking a break from office, I'll be busy on field research instead," pahayag ko para hindi na siya magtaka kung sa mga susunod na araw ay ganito pa rin lagi suot ko.

"So you mean lagi ka pa ring wala dito sa bahay," simangot niya.

"Yes. Alam mo naman ako sanay akong may tinatrabaho lagi. Mababaliw ako pag walang ginagawa."

I went to the bathroom to fill the bathtub. Gusto kong magbabad sapagkat feeling ko napakaraming germs na dumikit sa akin ngayon. Sumunod pa rin ang aking kapatid sa banyo. "Is there any news about Jin?" may lambing na tanong niya na alam ko namang yun lang talaga ang dahilan kung bakit siya tuwang-tuwang makita ako.

"He's still very busy. Hindi pa daw pwedeng magsingit ng schedule."

"Sa tingin mo ate hindi kaya dahilan niya lang yun pero ayaw niya talaga sa akin? Kasi I realized that if he's interested to see me again, dapat hiningi niya man lang ang number ko."

Ngumiti ako at kinurot ang kanyang pisngi. "Don't be negative. Mr. Gun told me he loves to have a second date with you. Hindi pa lang talaga kaya ng schedule. Don't worry, si ate ang bahala so just be patient, okay."

"Talaga. Thank you ate. You're really the best. I can't wait to see his very handsome face again. " Kinikilig na yumakap siya sa akin.

次の章へ