webnovel

The Sister

Chapter 14

- Arabella's POV -

"Bakit ka ba nanghihila?!" Pagalit kong tanong sa kanya. Ngumiti lang sya tapos tumingin sa likod ko. Nang lingunin ko ang likod ko ay nagulat ako ng makita ko ang tatlong nakangiti na din sa akin.

"Hi, baby." Sabi ni Kuya tapos lumapit sa akin pero agad akong umiwas. "Why?" Gulat nitong tanong sa akin.

"Pawis ka." Sa bi ko tapos lumayo sa kanilang tatlo.

"Bell!!" Biglang lapit sa akin nila Brigitte.

"Sino ang mga lalaking to?" Tanong ni Reggie at may pa tingin-tingin pa sa mga lalaking nasa likod ko.

"I'm her boyfriend." Sabay-sabay na sabi ng mga lalaking naroon sa likod ko. Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Grabe naman yarn. Mamigay ka naman, Bell." Sabi ni Brigitte.

"Naku, tumigil nga kayo. Sige na, magpapaturo pa ako." Sabi ko sa kanila at agad naman silang umalis. Nang labag sa loob.

"Game na." Sabi ko habang masama ang tingin sa kanilang apat. Nagpaturo ako kay kiya kung paanong sumuntok ng maayos, kahit alam ko naman talaga kung paano.

"Ryan, ikaw na." Panunuro ni Kuya Chase.

"Bakit ako? Ako na nga laging kawawa dyan, ehh. Ako nanaman ngayon?" Reklamo nya.

"Hala, Billy, ohh. Nagrereklamo pa." Sumbong ni Kuya Chandler.

"Ako na." Sabi nya tapos kinuha na ang gloves at ibinigay sa akin. Tapos nagsuoot din sya nang para sa kamay nya.

"Billy, tandaan mo, ha? Mahal na mahal ka namin." Sabi ni kuya Chase.

"Oo nga. Hinding-hindi ka namin makakalimutan." Sabi naman ni Kuya Chandler.

"Tumigil nga kayo! Para kayong mga ano dyan, ehh. Hindi pa naman ako mawawala." Sigaw nya sa kanila. Nguso lang sila at nagsimuloa na ding magwork-out.

"Ready na?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya sa akin kaya agad akong pumostura. Ganon din ang ginawa nya at naghahanda na para sa magiging kilos at galaw ko.

"Left." Sabi nya kaya agad kong sinuntok ang kaliwang kamay ko. "Right." Sabi nya nanaman kaya isinuntok ko na agad ang isa kong kamay. Hanggang sa nagsunod-sunod na ang sundo ko at nasabayan na nya ang mga suntok ko.

- Heaven's POV -

Pagkapasok na pagkapasok palang naman ay agad nang nairita si Saylor. Muhkang dito din kasi pumunta ang half sister ko. Kanina kasi ay nakita kong sinundo sya ng mga kaibigan nya at nakausap pa ng mga ito si Daddy.

Pagpasok namin ay alam na agad naming nandito din sila Devin dahil biglang sumulpot si Kyle sa kung saan. Agad nitong nilapitan si Charlee at kinausap ito na parang silang dalawa lang ang nandoon at parang hindi nila kami nakikita.

Napalingon kami ni Saylor sa may square at nakita naming naroon si Arabella at sinusuntok ang isang lalaki. Maya-maya pa ay may lumapit din tatlong lalaki at nagsalit-salitan ito ng sugod kay Arabella.

"Who are they?" Tanong ko.

"Boyfriend nya." Biglang sagot ni Kyle. Kaya napalingon kami sa kanya.

"Boyfriend?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Joke lang. Mga kaibigan yan ni Bell. Suki din daw yan dito." Sabi nya.

"I didn't know na kasama pala kayo dito? Ang paalam kasi nya kay Daddy ay girls out lang." Sabi ko.

"Nagkataon lang na napadpad kami. Hindi naman kasi namin alam na dito pala ang punta nila na napag-usapan nila kahapon." Sabi nya pa nya.

"Ok." Sagot ni Saylor at lumapit sa Personal Trainer nya. Ako naman ay lumapit doon sa may Square para panoorin si Arabella. Ipinatong ko ang siko ko sa sahig ng Square dahil mataas naman iyon at umaabot sa ibaba ng dibdib ko.

Pinagmasdan ko ang pag-atras, abanti, pag-iwas, at pag-ikot ni Arabella sa loob ng Square habang ang tatlong lalaki nalang ang lumalaban sa kanya. Yung isang lalaki ay naupo na sa gilid ng ring at bigla kaming nagkatinginang dalawa.

Parang may kung anong bagay ang humigop ng hanginsa baga ko at bigla akong napasinghap. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang tumakbo ako sa isang marathon. Parang nakalimutan ko ding huminga dahil sa paraan ng pagtingin namin sa isa't isa. Parang pareho lang ang naging reaksyon namin.

"Heaven." Biglang tawag sa akin ni Charlee.

"Ohh, yes?" Tanong ko sa kanya tapos nilingon sya.

"I've been calling you five times. Why are not answering me?" tANONG NYA.

"I-It's nothing." Nauutal kong sagot.

"Why are you stuttering? Are you ok?" Nag-aalalang tanong nya.

"I'm fine. Why did you call me again?" Tanong ko.

"Saylor is upset again, ehh." Sabi nya tapos nagkibit-balikat.

"Let's go. Puntahan na natin sya." Sabi ko tapos lumingon ulit sa lalaki. Nakatingin parin ito sa akin na parang hindi nya maalis sa akin ang paningin nya. Nag-iwas na ako ng tingin tapos nag-lakad na kami ni Charlee ng sabay at pinuntahan si Saylor.

(A/N: Charlee is charlie. Madeline is Ma-dy-line. This is how you pronounce their names.)

- Arabella's POV -

"Ohh, bakit parang tulala ka dyan?" Tanong ko kay Ryan ng tumigil muna kami para magpahinga.

"Maynakita kasi akong babae kanina. Akala ko anghel, pero biglang may kinausap kaya alam kong hindi ako nakakakita ng anghel." Sabi nya na parang lutang parin.

"Lahat naman kasi para sayo maganda." Natatawang sabi ni Kuya Chase.

"Seryoso nga ako." Sabi nya pa.

"Tama na, Chase. Seryoso talag yan." Saway ni Kuya. Narinig ko pang humagikgik si Kuya Chase. Saglit lang ang naging pahinga ko at nagsimula na ulit kami. Hanggang sa bigla nalang nagyaya sila Brigitte na Mag-Mall.

"Ano namang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad. Sila kuya ay kasama namin pati narin sila Devin.

"Kumain nalang tayo tapos umuwi na agad." Sabi ni Reggie.

"Yeah, you have to rest, Bell. Hindi ka pa naman sanay ng biglaang work-out." Sabi ni kuya.

"Sanay na kaya ako." Pagmamarunong ko

"Talaga lang, ha?" Sabi nya tapos biglang pinisil ang braso ko.

"ARAY!!" Malakas kong sigaw dahil sa gulat at sakit.

"Ayan pala aang hindi nabigla." Natatawang sabi ni Ryan.

"Tsk!" Singhal ko tapos hinilot-hilot ang balikat ko. Naglakad pa kami ng konti tapos nagyaya nalang silang sa The Barb nalang. Malapit lang naman.

"Ang ganda naman ang umaga ko." Biglang sabi ni Madam Bard. "Ang gagwapo ng unang costumer ko." Sabi pa nya.

"Good morning, madam." Bati ko.

"Ohh, Bell. Mag-eextra ka?" Tanong nya.

"Hindi po." Nakangiting sabi ko.

"Sige, pasok na kayo. Pwede din ako ang pasukan nyo. RAWR!" Sabi nya na ikinangiwi namin.

"Grabe, nakakakilabot yon, ahh?" Sabi ni Brigitte.

"Ako na ang mag-o-order." Biglang sabi nila Ryan at Devin.

"Ako na." Biglang sulpot ni Madam Barb. Kinuha nya ang order naming lahat tapos umalis na.

"Matagal na ba kayong magkakilala, Billy?" Tanong ni Brigitte.

"Kuya." Pagtatama ko.

"Hindi pa, ehh." Sabi nya tapos ngumiti sa akin.

"So, bago palang kayong magkakilala?" Tanong ni Reggie.

"Yeah." Sagot nilang tatlo habang tumatango-tango.

"Sino sa inyo ang boyfriend ni Bell?" Tanong naman ni Anna.

"Wala." Sagot naman nilang tatlo.

"So, wala talaga?"

"Wala nga. Pauulit-ulitin pa kasi, ehh." Sabi ko sa kanya.

"Nililinaw ko lang naman." Nakangusong sabi ni Brigitte. Dumating na ang order namin at nag-usap-usap kaming lahat. Habang sila Devin ay nasa kabilang lamesa. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay may biglang lumapit sa harap namin. Inosente ko itong nilingon pero si Kuya ang tinitignan nya.

"Huh! Well, well, wishing well. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako dinadala sa isang date?"

"Brittany, let me ex---"

"Ate, ano ba?!" Biglang sigaw ni Brigitte.

"At, ikaw! Kailan mo pa nakilala ang boyfriend ko, ha?!" Sigaw pa ng babae.

"Ano?" Tanong ni Brigitte na parang nagulat din.

"Oo, boyfriend ko yan!" Sigaw nya pa ulit at dinuro si Kuya. Si kuyang matapang at maangas ay parang nanginginig na sa kinauupuan nya habang ang tatlo nyang katabi ay tinatawanan lang sya.

"May boyfriend ka pala?" Parang hindi makapaniwalang sabi ni Brigitte.

"Billy, bakit hindi mo naman ako sinama?" Tanong pa nya pero kay kuya na. Hindi na nakasigaw. "Tapos kasama mo pa ang kapatid ko." Sabi nya pa na parang nagtatampo.

"Brittany, kasi hindi ko naman alam na gusto mo palang mag-GYM. Diba, ayaw mo non?"

"Huh! Ang dami mong palusot. Tapos kasama nyo ang..." Naputol ang sinasabi nya ng makita nya ako. Nagpalit-palit sya ng tingin sa akin at kuya at ngumuso na parang bata. "Kapatid mo." Sabi nya pa.

"Kapatid?!" Gulat na tanong nila Brigitte, pati na rin yung tatlong kaibigan ni Devin. Nagpaliwanag kami ni kuya kaya naintindihan na nila nyayon.

"Sorry, ha?" Nahihiyang sabi nung ate ni Brigitte.

"Ok lang. Kahit ako naman magagalit kapag nakita kong may kasamang iba yung boyfriend ko." Sabi ko habang nakangiti. "Paano mo nga pala nalamang mag-kapatid kami? I mean, paano mo ako nakilala?" Tanong ko.

"Lagi ka kasing muhkang bibig ni Billy. Tapos nung nahanap ka na nila, lagi nilang sinasabing magkamuhka daw kayong dalawa. Kabisado ko kasi ang buong katawan ni Billy at nakita kong parang ganon din ang sayo kaya alam kong ikaw ang kapatid nya." Mahabang paliwanag nya.

"Ahh." Tumatango-tango kong sabi.

"So, magkapatid talaga kayo?" Tanong ni Anna.

"Oo nga." Sabi ko tapos sabay-sabay silang tumango na parang naiintindihan na.

"Hindi ko nga alam na kapatid mo pala si Brigitte, ehh." Biglang sabi ni Kuya. "Lagi syang kinukwento sa akin ni Bell at ni Ryan." Sabi pa nya.

"Hoy, Ryan. Layuan mo ang kapatid ko, ha?" Nagbabantang sabi nito kay Ryan.

"Ayoko nga sa kapatid mo, ayoko sa maingay."

"Ayoko din naman sayo." Sabi ni Brigitte.

"Tama na yan." Sabi ko.

- To Be Continued -

(Thur, July 15, 2021)

次の章へ