Chapter 18
Dos2 weeks laterNakatalumbaba pa rin ako rito sa mansion ng bestfriend ni Mama. Naghihintay na sagutin niya ang tawag ko.Matagal nang halos tahimik ang buong mansion. Hindi ko na rin nakikita si Shizuka.Nasaan na kaya yon?"Señorita Dos, ito na po ang agahan niyo. Wag niyo rin pong kalilimutang uminom ng ga-"Sabado na ngayon Chiyo! Wala akong pasok!" naiirita kong sabi sa kanya.Lalo akong nairita nang kalmado pa rin siyang sumagot at nagawa niya pang ngumiti."Pasado alas otso na po Señorita. Kumain na po kayo. Biyernes palang po ngayon.""Sabado na kaya!""Biyernes po, Señorita," magalang at mahinahon pa rin niyang sagot. "Ito po ang ipad Señorita katunayan na Biyernes palang ngayon."Ilang beses akong namalik-mata at Biyernes pa nga lang ngayon. Tangina naman!Naligo na agad ako at tinapos ko na ang pag-aayos sa loob ng 10 minutes."Señorita Dos! Ang pagkain at gamot niyo!" pahabol niya sakin pero malakas ko nang isinara ang pinto.Wala sina Ryota paglabas ko. Magpapahatid sana ako pero malinis ang buong bakuran."Chiyo! Sina Ryota? Malalate na ako! Ikaw na ang maghatid sakin!" at hinila ko na siya."Pero cook lang po ak—"Dalian mo na! Kanina mo pa ako binubwisit kaya ihatid mo na ako!"Ako naman ang hinila niya pabalik at nagspin the knife muna siya sa mga susing nakapabilog."Let's go!" at sumakay kami sa isang tricycle."Chiyo, ba't naman ito?! Dapat kotse na lang para mas mabi—woah! Dahan-dahan naman! Mababangga yong van!""Kapit ka lang Señorita. Ito kasi ang itinuro ng kutsilyo kaya ito na."Biyaheng langit kaming dalawa. Nakakapit ako sa likod niya habang siya ay chill lang habang nililipad ang palda niyang pangmaid.Di ako madasaling tao pero ngayon, natawag ko na ata lahat ng santo."Chiyo, yong guard mababangga!""Hayaan mo na Señorita! Pinili niyang humarang eh!"Pahihintuin sana kami ng guard bago pumasok pero dire-diretso lang si Chiyo kaya pati harang ay binangga niya."Nandito na tayo Señorita! Mag-aaral kang mabuti!" at pinaharurot na ulit niya ang tricycle. Tumataas na rin ang sidecar nito sa bilis. Pinanood ko na lang siyang umalis.Sawa na ata siyang mabuhay."Cami!" tawag ko rito pagdating ko sa room. Nagmemake-up na naman siya. Hindi ako pinansin."Si Jules?"Niyugyog ko siya dahil di niya ako pinapansin."Putangina naman talaga! Nagpapaganda yong tao oh! Wala si Jules mo! May sakit!""Bakit? Napano si Jules? Kawawa naman. Kailan pa siya absent?""Kahapon lang. Naglaro ng tennis sa ulanan. Wala ka kasi eh. Hinahanap ka rin niya nong nakaraan. Saan ka ba galing? Mula Monday wala ka tapos kung saang Friday na wala na tayong klase saka ka pa pumasok!""Bisitahin natin siya mamaya. Bili na rin tayo ng pagkain niya."Sinalat naman niya ang noo ko."Wow, concerned ka ah! Nilalagnat ka rin ba?""Hindi pero kaibigan natin si Jules natural lang na maging concern ako sa kanya! Ang bobo mo talaga!""Wala pa si sir? D-Dos? Pumasok ka na?" Napalingon agad kami at si Jules nga. Niyakap ko agad siya."May sakit ka ra-"Kumusta ka na? Ang tagal mong di pumasok. Masakit pa rin pa ang ulo mo? Uminom ka na rin ba ng ga-"Okay na okay na ako." Sinalat ko naman ang leeg niya at medyo mainit nga siya. Matamlay din ang itsura niya. "Ba't ka pa pumasok? Baka mabinat ka Jules," nag-aalala kong sabi at inalalayan siyang makaupo."Doon na lang tayo sa clinic tutal wala namang klase at ikaw Julianne Red, may sakit ka pumasok-pasok ka pa. Kayong dalawa talaga, ang sakit-sakit niyo sa b*lb*l eh.""Ang dami mong sinasabing babae ka eh kung ibuhol ko yang b*lb*l mo sayo?"Nag-aasaran na naman sila kaya inawat ko na at nagtungo na kami sa clinic habang inaalalayan si Jules.Pagdating ay pinahiga at inasikaso na siya ng nurse. Nakaupo sa gilid niya si Cami habang ako naman ay sa paanan.Tinawagan ko ulit si Shizuka. Pinapanood ko lang na magring ng ilang segundo at ilang saglit ay mamamatay na ulit.Nong nakaraan pa ako tumatawag sa kanya dahil aminin ko man sa hindi ay namimiss ko na siya kahit na nakakatakot ang aura niya pero kahit ganon ay may itinatago rin naman siyang kabaitan.Kumakalam na ang sikmura ko. "Nagugutom na ako.""Anong gusto mong gawin ko?" pambabara ni Cami sakin habang nakayakap kay Jules."Namimiss ko na siya." Napatingin naman silang dalawa sakin. Late ko lang narealize na nasabi ko pala ang dapat ay sa isip ko lang."Ah. Kilala ko na kung sino." Walang kaemo-emosyon si Jules habang sa iba siya nakabaling."Ay sino?""Bumili na lang tayo ng pagkain dahil nagugutom na ako!" Hinila ko na si Cami paalis at nagpaalam na kami kay Jules, na pumikit na lang."Sino ba yong namimiss mo Dos? May girlfriend ka na ba ulit? Anong name niya? Maganda ba? Malaki dede? Maputi? Mapwe—"Please Cami tumahimik ka na lang. Nagugutom na yong tao, dadagdagan mo pa ng sakit ng ulo. Di na mahalaga kung sino yon. Ang mahalaga, yang buhay mo!""Luh ang damot! Di ko naman aagawin eh...kung pangit! Haha! Sino ba kasi? Pag nahulaan ko, ililibre mo ako ng kahit na ano!" game na game na sabi niya. Hahayaan ko na sana kaso mapilit at yumakap sa braso ko."Huhulaan ko. Matanda?""Gago!"Ba't Dos? Totoo naman na matanda si Shizuka ah!Shut up self!"Oh tama agad ako! Alam ko agad pag mga ganyang reaksyon mo. Kilala kita Dos Uy! Basa ko na ang lahat-lahat sayo pati kalibugan mo! Sige itanggi mong di matanda, kakalbuhin ko yang p*mp*m mo!""Oo na oo na tama ka na! Bumili na tayo!"Naghanap ako ng sopas para samin ni Jules. Gusto ko lang ng meryenda and I also don't feel like eating rice pero namili na rin si Cami kaya makikihingi na lang ako. Namili na rin ako ng dynamite at choco drinks namin ni Jules."Yan lang ang binili mo? Ang unti naman! Bili ka pa!""Di naman ako baboy tulad mo! Libre mo pala ako."Himala, nanlibre nga siya!Pagbalik namin ay masinsinang nag-uusap si Jules at ang nurse. Patawa-tawa ang nurse at mukha namang hinaharot ito ni Jules.Dire-diretso lang si Cami kaya biglang naghiwalay ang dalawa."Landing-landi ah Julianne Red!" bungad agad ni Cami nang makaalis ang nurse.Inirapan lang siya ni Jules. Tinawanan ko lang sila. Inilalagay ko na sa paper bowl ang sopas namin ni Jules nang biglang tumunog ang phone ko.Dali-dali kong kinuha ito. Nadismaya ako na si Chiyo lang pala. Nagtext kung susunduin daw niya ako. Naalala ko na naman yong biyaheng langit namin. Pumayag na lang ako dahil may sakit si Jules, di niya ako maihahatid. Wala rin sina Ryota pati si Shizuka.Lahat na lang wala sila!"Guys, wala na ba tayong sasalihang tournament? Ang tagal na nating di nakakapaglaro. Nakakamiss na rin," wika ni Cami habang kumakain ng adobo niya."Di ko lang alam.""Tapos na mga laro natin. Magbar na lang tayo pag gumaling na ako."Matagal-tagal na rin akong di nagbabar. Nakalimutan ko na nga ang lasa ng alak at babae eh.Parang ayoko na ulit subukan.Nagsawa na ata ako."Pass ako diyan. Kayo na lang ni Cami.""Huh?! Seryoso ka ba? Kailan ka pa tumanggi samin? Di na ikaw yan Dos. Mukhang bagong buhay at good girl ka na ah! Mukhang may himala nga." Ang OA na naman ni Cami."Hindi nga ako pwede saka may iniinom akong gamot kaya bawal. I'm under monitoring pa kasi.""Wow, under monitoring! Bulkan yarn? Di nga, anong sakit mo? Anyare sayo? Anong gamot mo? Shabu?""Nakarehab siya. Naaksidente kasi yan nong bata siya tapos nawalan ng alaala tapos pinadala rito sa Pilipinas para magsimula at magbagong buhay. Kung hindi naaksidente yan, di mo siya makikilala Camille at lalong hindi tayo magkakasamang tatlo ngayon," simpleng sabi ni Jules. Nacurious naman kaming dalawa lalo na si Cami. Mukhang maraming nalalaman si Jules tungkol sakin na di ko alam."Wait lang. What do you mean Julianne? Nakarehab siya tapos anong naaksidente? Paanong naaksidente? Tagasaan ba siya?""Ang dami mong tanong Camille. Napakatsismosa mo masyado.""Sagutin mo na kasi Jules!" Di na ako makapaghintay sa sasabihin niya dahil nacucurious ako."Naalala mo yong pictures di ba? Nandoon ang lahat ng sagot Dos.""Anong pictures?! Bwakanang shit kayong dalawa! Meron pala kayong chismis na itinatago sakin di man lang ako nainformed!""Story time done. Kumain na lang tayo," pag-iiba ni Jules pero ayaw pa ring tumigil ni Cami. Inalala ko ulit yong pictures. Napaisip naman ako sa mga nangyayari. Titingnan ko na lang siguro ulit mamaya ang mga yon."No Julianne! Hindi ka gagaling hangga't di ka nagkukwento! Dalian mo na sabihin mo na kasi. Para ka namang others," pangungulit pa ni Cami sa kanya."No. It's sacred at bawal sabihin kung kanino yon. Ang sinumang magsasabi ay papatayin unless gusto mo ng mamatay Camille Villacorte.""Di wag. Ang dami mo pang sinasabi. Kakain na lang ako."Kumain na lang kami habang tinatawagan ko ulit si Shizuka. Baka sakaling sumagot na siya.As usual, ring lang nang ring.Konting-konti na lang talaga, ibabato ko na tong phone na to.Nasaan ka na ba kasi Shizuka!Sobrang namimiss na kita!I tried to search for her socmed kung meron pero walang lumalabas. Wala rin naman akong pictures niya.Busy siguro sa business trips niya o baka magkasama sila ni Mama."Problemado ka ata Dos?" pukaw sakin ni Jules nang kaming dalawa na lang ang naiwan. Umalis saglit si Cami."Hindi naman. Kumusta na ang pakiramdam mo?""Gusto ko nang umuwi."30 minutes pa bago mag-alas singko pero pwede na rin naman kaming umuwi dahil wala na rin naman kaming klase.Di na rin kami nagkibuan ni Jules at nagcellphone na lang ako.Ilang minutes lang ay nagpaalam na kami sa isa't isa.Nagtext na rin si Chiyo na nasa parking lot na siya. Hinanap ko ang tricycle pero wala akong makita."Nasaan na ba yon?" Akmang tatawagan ko na si Chiyo nang biglang bumukas paitaas ang pinto ng isang itim na sports car."Sumakay ka na! Kanina pa kita tinitingnan dito pero nakatanga ka na naman! Wag mong isabuhay ang pagiging tanga Dos!" sigaw ni Mama.Himala't siya ang nanundo sakin ngayon! Ano kayang nakain niya?Pagsakay ko ay mabilis na pinaharurot agad ni Mama ang kotse."Akala ko si Chiyo ang manunu—"What?! Don't tell me si Chiyo ang naghatid sayo kanina?!" Naiiling na lang si Mama habang nagdadrive. "Kunsumisyon ka talaga kahit kailan! Kaya nga pinagluto na lang siya dahil biyaheng impyerno yon! Nagpapagaling ka pa sinasabi ko sayo. Gusto mo na bang mamatay?""Eh Ma, wala namang maghahatid sakin. Wala rin sina Ryota at si Chiyo lang ang nandoon! Di ba hatid-sundo lang dapat ako? Malalate na kaya ako kani—"Edi sana tinawagan mo ako! Minsan gamitin mo rin yang kukote mo! Hindi puro sa bisyo at babae lang!""Never mo naman akong hinatid eh saka baka busy ka—"Tumahimik ka na lang pwede? Kanina pa ako naistress Dos. Wag ka ng dumagdag please." Pigil na pigil si Mama sakin habang ako ay natatawa na lang sa kanya."Si Shizuka Ma, nasaan? Ang tagal-tagal ko na siyang di nakikita sa mansion," kapagkuwa'y tanong ko kay Mama."Mamaya mo na siya isipin. Pupunta tayo ng ospital ngayon.""Bakit? Naaksidente ba siya?" nag-aalala kong tanong. Wag naman sana."May sinabi ba ako? Just shut your mouth at sundin mo lang ako." Sinunod ko si Mama hanggang sa makarating kami sa isang ospital na intsik ang pangalan."Baba. Bilisan mo."Sumakay na kami ng elevator. Pinindot ni Mama ang 30th floor."Ma, anong gagawin natin dito? Anong hospital ba to?""Nakalimutan mo na ba? My weekly check-up ka kay Dr. Hasegawa."Nang makarating kami sa tapat ng office ni Dr. Hasegawa ay automatic na nagbukas ang tinted glass door. Tumapat lang si Mama doon at may itinapat lang siya na card then boom okay na.Nadatnan namin ang isang matandang lalaking doktor at sumilay agad ang ngiti nang makita si Mama.Nag-intsikan muna sila habang ako naman ay nakikinig lang na walang nagegets sa kanila. Kami lang dito sa office na clinic ni Dr. Hasegawa.Napakalinis, high-tech at modern ng buong interior design ng clinic niya.Pinalapit na ako ni Mama kay doc at sinimulan na niya akong suriin mula sa paghinga ko, sa mata at nagtanong pa kung sumasakit pa rin ang ulo ko at nagsusuka.Iniscan din ang ulo ko to monitor daw ang condition ko.Wala naman akong tama sa utak o ulo.Sure naman ako don."So far, everything is good, Lady Yuriko but kailangan niyang pumunta rito weekly then continuous pa rin ang pag-inom ng gamot. Hindi pwedeng ihinto lalo na't kailangan pa siyang imonitor. What's your name?""Dos Uy po.""Any other names or things that you remember?""Kira.""What else?"Sinubukan kong mag-isip pero wala talaga at medyo sumasakit ang ulo ko."Don't force it kung wala talaga. It's alright. Who's Kira? Tell me something about him or her.""She looks like my Mama's bestfriend.""Yon lang?""Opo.""As you can see, don't stress yourself too much, okay? Makakasama lang sayo kung pipilitin mong alalahanin ang mga bagay-bagay. Just let it and everything takes time. Have enough sleep, take your meds on time and don't think too much. Baka mabaliw ka niyan," payo ni Dr. Hasegawa na natawa pa sa huling sinabi niya.Ngumiti naman ako. "Thanks doc."Nagkwentuhan pa muna silang dalawa bago kami umalis."Ma, si Shizuka? Tinatawagan ko kasi siya pero di siya sumasagot.""Naalala mo yong sinabi sayo ni Dr. Hasegawa? Don't think too much.""Gusto ko lang naman malaman kung nasaan siya eh. Namimiss ko na kasi siya."Bigla namang napapreno si Mama. Ang mga ngiti niyang nanunukso."What? Ma, you look scary. Ngumingiti ka na mag-isa. Need mo na rin magpacheck kay Dr. Hasegawa.""Nong nandiyan siya, itinataboy at di mo pinapansin. Akala ko ba ayaw mo sa kanya dahil mahigpit siya sayo at lagi kang pinapakialaman sa mga gusto mo pero ba't ngayon hinahanap-hanap mo na siya?" nanunuksong sabi ni Mama. "Sabi mo pa nga noon, ayaw mo sa matanda."Tinakpan ko ang dalawang tenga ko."Shut up Ma! Wala akong naririnig! Blah blah blah..."Tumawa lang siya nang malakas at dinala niya ako sa isang Japanese restaurant upang magdinner."Order whatever you want."I hugged her. "I love you Mama."