Chapter 14
Dos"Ma!" tawag ko pero walang sumasagot. It's been almost two weeks na pero naninibago talaga ako at lagi akong nahihilo every time na nakikita ko yong certain picture na kumupas na.Dito na ako nagsstay sa mansion ni Mama for the meantime.Hindi na rin ako pinapansin ni Jules simula nang ipakita ko sa kanya yong dalawang picture. Isang kupas kung saan may dalawang taong malapad ang ngiti. Kamukha ng bestfriend ni Mama yong isa na may kasamang batang babaeng maliit. Maikli ang buhok na may isang hair pin. Yong maliit na bata ay nakasuot ng pang-Japanese at tsinelas habang yong kamukha ng bestfriend ni Mama, mahaba ang itim na buhok at nakasuot ito black slacks at black coat saka nakablack heels.Ang isang picture naman ay picture ulit nong batang babae at may kasama ring isa pang batang babae na maikli rin ang buhok.Nakangiting nakapeace sign habang nakaakbay ang batang babae sa batang nakahair pin.Kinuha sakin ni Jules ang picture na yon at naiwan sakin yong isa.Iniiwasan niya ako sa klase at umuuwi na kaagad sila ni Cami. Hindi ko alam kung ba't niya kinuha yong isang picture. Gusto ko lang sanang ipakita yong dalawang picture na yon na nahanap ko sa isang kwarto sa ilalim ng kama dito sa mansion ni Mama.Hindi ko alam kung bakit big deal sakin ang dalawang picture na yon pero nahihiwagaan talaga ako. May nakasulat din sa likod ng dalawang picture pero di ko mabasa. Sulat intsik kasi.Bukod doon, may mga sulat pa at photo album na nakalagay sa box kung saan ko nakita yong two pictures. Ang tangi ko lang nababasa ay mga date. Ang mga taong nasa picture ay hindi ko kilala.Tinanong ko rin kay Jules kung kaya niyang itranslate yong nakasulat pero hindi niya raw alam yon.Ngayon, papasok na ulit ako at kukunin yong picture sa kanya. Ni hindi niya pinapansin yong chat ko kahit na tungkol sa code na inaaral namin.Dahil walang mga katulong at bodyguards, I decided na magcommute na lang.Nang makarating ako sa room, nadatnan ko na kaagad sina Jules at Cami na kumakain ng cup noodles."Jules, Cami!" tawag ko sa kanila kaya sabay silang napatingin sakin."Uy Dos! Kumain ka na ba? Halika, kain!" alok sakin ni Cami kaya sinubo ko yong noodles."Jules, akin na yong picture.""Anong picture? Sinunog ko na," walang pakeng sagot niya at patuloy lang sa paghigop ng sabaw.Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Ang cold na sakin ni Jules at ilang araw na siyang ganon."Ba't mo sinunog?! Ano bang problema mo Jules? Pinakita ko lang naman sayo yong picture tapos bigla mong kinuha tapos ngayon sinunog mo na?! Tangina ka Jules!" gigil kong sabi sa kanya."Ano bang pake mo don? May maganda ka bang mapupulot sa picture na yon? Eh kung nasunog ko na. Hayaan mo na lang. Di naman importante yon.""Gago ka pala Julianne Red! Sobrang gago mo! Alam mo di ko alam kung anong problema mong hayop ka. Gusto ko lang ipaalam yon pero kinuha at sinunog mo! Gago ka na rin lang, bahala ka na sa buhay mo." Inawat na kami ni Cami pero bahala silang dalawa."Bitiwan mo nga ako Camille!" at nilayasan ko sila. Umupo at tumabi ako sa iba, kay Joy. Dito na lang ako kay Joy na sexy, mabait at malaki ang dede. Hindi tulad ni Julianne na gago."Hi Dos," malanding bati sakin ni Joy nang makatabi ako sa kanya. Malandi talaga si Joy pero never pang nagkaboyfriend."Joy, taas mo nga yang dede mo I mean yong damit mo, luwa na eh." Di naman ako umiiwas ng tingin. Tinititigan ko nga eh. Nakakatanggal kasi ng init mg ulo at stress."Baka gusto mong ikaw na lang ang magtaas? I won't mind it naman."Sinusubok talaga ako ng diyos."Pwede naman nating pag-usapan yan sa bahay," at kininditan ko siya.Tuwang-tuwa ang gaga sabay kapit sa braso ko.Habang klase namin ay naghaharutan lang kami ni Joy. Kung saan-saan umaabot ang kamay ko sa paghaplos sa hita niya. Para siyang kiti-kiti na di mapirmi sa upuan.After class ay magkaholding hands kaming lumabas at sabay na naglunch. Kumain kami sa Mcdo dahil don ang gusto niya.Little did I know malapit lang pala doon ang condo niya at niyaya niya ako ng quickie.Pagpasok namin ay sinunggaban niya ako nang mapusok na halik. Isinandal ko siya sa pader saka itinaas ang suot niyang blouse at bumuyangyang sakin ang malulusog niyang dibdib. Wala akong inaksayang oras at nilamas ito't sinupsop. Todo ungol siya at napapapikit sa sarap. Nakakalibog ang ungol niya kaya lalo kong pinagbuti.Bigla akong napabitiw sa kanya at napasapo sa ulo ko. Kumikirot na naman. Ilang beses ko nang nararamdaman to at hindi ko alam kung bakit sumasakit."Okay ka lang ba Dos?" pag-aalala ni Joy sakin at pinahiga ako sa kama niya. "Namumutla ka. May sakit ka ba?" at sinapo niya ang noo."Wala akong sakit. Okay lang ako. Puyat lang siguro to. Tara na balik na tayo sa school."Pagdating namin sa room ay saktong kararating din ni ma'am. Pinaactivity lang niya kami ng pagcocode at kailangan namin tapusin within 45 minutes.After 30 minutes ay natapos ko na at isesave ko na lang nang makaramdam ako nang matinding pagkahilo. Pinakiramdaman ko yong ulo ko at nong medyo umokay ay nagmamadali akong pumunta sa cr at sumuka.Nanlalamig ako at para akong magkakasakit. Gusto ko nang umuwi sa bahay. Ayokong magstay sa clinic kaya umuwi na lang ako at di na bumalik sa klase.Di ko na talaga kaya.Pag-uwi ko, parang may naririnig akong ingay at parang nagkakagulo. Lumingon ako sa paligid, walang katao-tao at ako lang mag-isa.Nanghihina akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang larawang kupas.Sino kaya tong nasa picture?Pumikit ako saglit."And I'm so desperate to make you remember me. I love you so much, Uji."Natauhan ako nang bigla kong maalala ang bestfriend ni Mama.Shizuka."Ikaw kaya tong nasa picture Shizuka? At sino naman tong bata? Si Ate Yuki?" tanong ko sa kawalan.Imposibleng ako to dahil wala akong picture na ganito. Simula bata ako, si Jules lang ang nakasama ko. Si Mama, nakasama ko lang siya nong 9 years na old ko pero umalis din agad siya at bumalik din after 5 years. Ganon lang ang naging routine ni Mama, babalik then aalis ulit kaya si Jules na talaga ang kasama kong lumaki.Di ko rin kilala kung sino ang Daddy ko. Hindi ko pa nakikita sa personal. Dinedescribe lang sakin ni Mama kung ano si Daddy pero hanggang don lang.Si Ate Yuki naman, sinama ni Mama nong umuwi siya ulit after 5 years, 14 years old na ako no'n at doon na nagkaroon ng mga bodyguards sa mansion ni Mama.Wala namang pinapakitang ganitong pictures si Mama sakin. Di ko nga alam na may ganito pala. Nacurious ako sa bestfriend niya at nakuha ko ito sa room ni Mama sa isang secret room.Nahanap ko nang di sinasadya.Alam ko bawal ako sa room ni Mama pero hindi ko mapigilan hanapin yong mga gumugulo sa isipan ko lalo na yong kasal namin ng bestfriend niya.Hindi kaya nagkamali lang si Mama at baka hindi ako ang tinutukoy niya. Ang laki ng age gap namin ng bestfriend niya.Kahit papano ay nahimasmasan ako. Kaiisip ko lang siguro to ng mga bagay bagay. Kailangan ko lang sigurong magpahinga."Umalis na siguro ulit si Mama. After 5 years na siguro bago siya babalik. By that time, 24 years old na ako."Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit gano'n si Mama na sobrang strict ay nalulungkot pa rin ako na umalis na naman siya. This time, mag-isa na lang ako.Ayoko na rin si Jules. Matapos ang ginawa niya parang nasira yong tiwala ko sa kanya. Dahil mag-isa na naman ako, balik na ulit ako sa dati kong routine.Magjowa nang marami at sabay-sabay.Magbisyo.Mag-aral.Gala.Tennis? Hahanap na lang siguro ako ng bagong makakasama.Matutulog na lang muna ako para matigil na ako sa pag-iisip ng kung ano-ano kaya sumasakit na ang ulo ko.Dapat kasi babae na lang ang iniisip ko. Wala ng iba.***Dalawang araw na akong di pumapasok. Sumama ang pakiramdam ko at gusto ko na lang magpahinga araw-araw.I opened my phone at nakareceive ako ng sandamakmak na tawag at chats mula kay Jules.Hinayaan ko na lang. Bigla siyang tumawag. Bumangon na ako at naghanap ng gamot. Pagbaba ko, nagprito ako ng itlog dahil nagugutom na ako saka uminom ng gamot pagkatapos pero lalong sumakit yong ulo ko.Need ko na atang magpacheck-up.Nagcr na ako at pagtingin ko sa sarili ko, namumutla pa rin ako.Pagbalik ko sa room, nagriring ulit ang phone ko.Jules calling...Inend ko na lang dahil malolowbat na ako. Mukhang di siya matatapos kaya sinagot ko na rin para tumigil na siya."Hello?""Fuck Dos! Tangina, nasaan ka?! Sa wakas, sumagot ka rin! Halos tatlong araw ka ng di pumapasok. Okay ka lang ba? Dos, where are you? Nandiyan ka ba sa mansion niyo? Sobra akong nag-aalala sayo Dos—"I'm fine. Bye."Palabas na ako ng bahay nang biglang dumating si Ate Yuki. Gulat na gulat siya nang makita ako."Ate Yuki! Anong ginagawa mo rito?" bati ko sa kanya."Ah nandito ka pala Dos. May kukunin lang sana ako. May kasama ka ba rito?" nakasmile niyang sagot sabay yakap sakin na para bang miss na miss niya ako."Wala Ate Yuki. Aalis na rin sana ako eh kaso dumating ka ate." Ang bango-bango niya talaga kahit kailan. Maganda pa at sexy."Tara na pala. Kumain ka na ba? Don tayo sa place ko. Ipagluluto kita," at kinaladkad na niya ako paalis.Paglabas namin ng gate saktong dumating si Jules na hinihingal at mahigpit akong hinawakan sa braso."Tara na Dos. May klase pa tayo." Ang mga tingin niya ay seryoso at diretso sa mata ko."Excuse me but who are you? Pwede bang bitiwan mo si Dos. Kidnapper ka ba? Aalis na kami," at marahas akong hinila pabalik ni Ate Yuki."Hindi pwede. Aalis kami dahil may klase at kailangang pumasok ni Dos. Ikaw ang bumitiw kung ayaw mong masaktan. Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo. May sasabihin ako kung sasama ka sakin," mariing sabi niya sakin at pwersahan akong hinila."Next time na lang Ate Yuki. Babawi ako sayo.""Sige Dos! Mag-iingat ka. Puntahan mo na lang ako doon ha?" masuyo niyang sabi habang hinahatak ako nitong demonyo."Sabihin mo na ngayon kung anong sasabihin mo nang makaalis na ako! Ayokong magtagal sa mga walang kwenta at gagong katulad mo.""Tumahimik ka kung ayaw mong halikan kita diyan. Sobra-sobra ang pag-aalala ko sayo kaya wag mo akong gaguhin ngayon." Pinaharurot niya nang mabilis ang kotse niya."Ba't ka mag-aalala sakin? Sino ka ba? Dakilang pakialamera ka lang naman sa buhay ko. Kaya ko na ang sarili—Biglang kumirot yong ulo ko kaya napasapo na lang ako at napapikit."Dos! Anong nangyayari sayo? Dos!""Wala—Bigla akong sumuka at nakaramdam nang panghihina."Tangina Dos! Iuuwi na kita sa bahay!"***"Okay ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?" Pagdilat ko, si Jules, nakaupo sa gilid habang hawak ang kanang kamay ko. Nandito kami sa room niya."Uwi na ako.""8pm na. Kumain ka na." Umayos na ako ng upo. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. "Masakit pa rin ba ang ulo mo?"Tumahimik lang ako saglit. "Hulaan mo."Siya naman ang tumahimik. "Gusto mo bang malaman kung anong sasabihin ko sayo?""Ano?""Hulaan mo.""Tangina mo!" at mabilis kong kinuha ang kutsara para isaksak sa kanya."Hindi ka pa pwedeng mamatay kaya kainin mo na yang sopas na niluto ko para magkaroon ka ng lakas.""Wala akong pake kung mamatay na ako. Ang mahalaga kung ano ang sasabihin mo kaya sabihin mo na. Hindi ko kakainin yang sopas hangga't di mo sinasabi."Ngumisi ang gago. "Okay. Di naman ako ang magugutom at mamamatay.""Sabihin ko na lang na pinatay mo ko kasi ayaw mo pang sabihin yong sasabihin mo."Naiiling na lang siya. "Alam mo pinapatawa mo na naman ako despite sa pagtatalo natin nong nakaraan sa room. Kaya gustong-gusto kita. Not as a friend. Lagi mo akong pinapasaya. Alam ko namang di mo kayang sabihin yan," confident niyang sabi."At bakit naman hindi? Ikaw na ba ang diyos ha?""Eh patay ka na eh. May patay bang nakakapagsalita pa?" sabay halakhak niya.Kung siya kaya ang patayin ko ngayon? Ewan ko lang kung magyakapan na sila nong papalitan niya sa baba."Kumain ka na diyan. Bilisan mo. May kukunin lang ako saka tayo mag-uusap. Kaya pagbalik ko dapat ubos mo na yan," at may pakiss pa siya sa pisngi ko.Kadiri! Di kami talo!Ilang saglit ay nakabalik na siya. Di pa ako tapos kumain. Kinuha niya ang sopas at siya na raw ang magpapakain sakin."Isa. Hindi tayo matatapos dito kung aarte arte ka.""Shit ka. So bibilangin mo rin kada subo ko?" Pinasak na niya sa bunganga ko yong kutsara. Kabobohan talaga!"So, bibilangin mo yong pagsubo ko?""Oo kung gusto mo kaso hindi ako tanga."Biglang tahimik namin."Noon palang, sinusubuan ka na. Hanggang ngayon, sinusubuan ka pa rin. Iba talaga pag mahal na mahal ka," panimula niya habang pinapakain ako."Pano mo nasabi? Di ko naman kayo mahal.""Bastos ng bunganga mo. Dapat yan ang sinusunog. Kunin mo yong nasa bulsa ko." Sinunod ko siya."Tangina Julianne, hindi mo sinunog?!Akala ko sinunog mo to? Hay salamat! Pero gago ka pa rin.""Pwede ko namang sunugin ngayon sa harap mo. Akin na," sabay kuha niya ng lighter at inon ito. "Magtanong ka na nang gusto mong itanong tungkol diyan sa picture.""Bakit mo kinuha sakin tong picture at bigla kang naging cold sakin na halos ayaw mong ibigay sakin to?" diretsa kong tanong sa kanya."Napakahalaga sakin ng picture na yan. Hindi mo ba nakikita na parehas tayong nakangiti diyan? Ang cute cute nating parehas dahil nakasuot tayo ng kimono. Yan ang unang pagkakataon na nagkaroon tayo ng picture together sa Japan.""Anong ibig mong sabihing sa Japan? Tayong dalawa? Tayong dalawa ang bata diyan?" naguguluhan kong tanong dahil walang magsink-in sa utak ko."4 years old lang tayo niyan. Ikaw yong nakahair pin at ako naman yong magandang nakaakbay sayo. Hindi ka pa babaero diyan. Matino ka pa. Nakakatuwang balikan no? It's been 15 years na after that photo was taken by my grandmother. Dos, taga-Japan ako. Don ako ipinanganak at lumaki pero dahil sa isang napakalaking family problem, napunta ako rito sa Pinas," pagkukwento niya na di ko inaasahan."Kung tayong dalawa yan sa Japan at taga-Japan ka, ibig sabihin ba...taga-Japan din ako?""Oo at kuha yang picture na yan sa Fujiwara Residence. Ingatan mo yang picture natin at wag na wag mo iwawala. Tanda rin yan ng unang pinagsamahan nong mga musmos pa lang tayo. Isipin mo, maliliit pa lang magkasama na tayo hanggang ngayon na college na tayo. May tanong ka pa?""Paano ako napunta rito sa Pinas? Kung taga-Japan ka, kilala mo rin ba si Shizuka?" Doon na napasinghap si Jules."Kilalang-kilala ko si Shizuka sa pangalan at kung paano ka napunta rito sa Pinas? Tanungin mo ang Mama mo. Siya lang ang makakapagsabi niyan sayo. Kung gusto mong makilala si Shizuka, siya mismo ang lapitan mo."Iniligpit na ni Jules ang pinagkainan ko saka umalis. Naiwan akong tulala.