webnovel

Chapter 9

Dos

"Dos, gising na! Dos!" Nagising ako dahil sa kayuyugyog sa 'kin ni Jules.

"Jules, five more minutes," inaantok ko pang sagot at nagtalukbong ulit.

Mabilis niyang hinila sa 'kin ang kumot kaya bumangon na rin ako.

"Kumusta naman ang tulog mo Dos?" tanong niya habang pababa kami.

"Ano sa tingin mo Julianne? 'Di ba halata?" iritadong tugon ko. Puyat na nga, wala pang tulog. Saka kapag tulog na lang nga tahimik ang buhay ko, naiistorbo pa rin.

Pagbaba namin ay nadatnan namin sa sala si Cami na bagong ligo at nakagayak na.

"Sa wakas, bumaba na rin kayong dalawa. Dalian niyo na at papasok na tayo. Anong oras na oh," bungad niya agad sa 'ming dalawa habang prenteng nakaupo sa sofa.

Napahikab naman ako bago magsalita,"Papasok na agad tayo? 'Di ba puwedeng um-absent muna? Inaantok pa ako eh." Ang aga-aga kasi kaya nakakatamad.

"Oo, talagang papasok na tayo. At ikaw Julianne, kumilos ka na rin! Kanina ka pa gising pero 'di ka man lang nagluto ng agahan natin. Wala ka talagang kuwenta. Puro ka landi," puna naman niya sa kasama ko.

"Ikaw ba si Dos para ipagluto kita ha? Saka wow, nakakahiya naman sa may-ari ng bahay kung makapagsalita ah!" sarkastikong saad naman ni Jules.

"Oo, talagang mahiya ka sa 'kin Julianne! Tapos tatanungin mo ako kung ako ba si Dos? Oh god, Julianne Red! A-ako 'yong nauna rito p-pero mas gusto mo 'yong pangalawa. Bakit? Ano bang meron sa dos na wala sa uno? Dahil ba mas matimbang 'yon?" madamdaming pahayag ni Cami at napatayo na siya.

Nagulat naman si Jules at mabilis na nilapitan si Cami habang ako nama'y pinapanood lang silang dalawa. Nalilito kung anong pinag-uusapan nila.

Hinawakan ni Jules sa magkabilang balikat si Cami at tinitigan ito sa mata.

"Camille, oo, alam kong ikaw ang nauna rito pero ang dos..."

"Ano?"

'Di na rin ako nakakilos dahil sa dalawang kasama ko. Parehas kong inaabangan kung ano ang kanilang mga sasabihin.

"Ang dos..."

"Ay..."

"Dalawang..."

"Uno."

Mabilis na hinampas ni Cami si Jules na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

"Gago ka talaga Red! Napakawalang-kuwenta mo talaga! Isa kang bukod-tanging animal na dalawa lang ang paa!" sigaw niya at nanguha na ng unan para ibato kay Jules.

Napangiti naman ako sa kakulitan nilang dalawa. Wala na talagang dadaig sa trip nilang dalawa.

"Oh Dos, anong nginingiti-ngiti mo diyan? Wala ka man lang bang ambag diyan? Siguro nama'y nawala na 'yong antok mo 'no?" pukaw na naman niya sa 'kin.

"Ang cute niyo kasing tingnang dalawa. Ganyan ba kayo magmahalan? Dapat everyday ganyan para naman matuwa ako kahit wala akong tulog dahil sa inyo."

"Isa ka pa Dos Uy! Puwede bang umalis-alis na kayong dalawa sa harap ko! Kung magmamahal lang din ako ng katulad niya, magmamadre na lang ako. Kumilos na nga kayo, mga dugyot," pagtataboy niya sa 'min.

Agad na lumapit sa 'kin si Jules. "Tutal late na rin naman tayo, ihanda mo na 'yong sasakyan, Camille habang hinihintay mo kami para naman may pakinabang ka. Sayang naman 'yang porma mo kung puro hugot ka lang!"

Sasagot pa sana si Cami ngunit kinaladkad na ako ni Jules papuntang cr. Puro sigawan pala ang mangyayari sa 'min kung magkakasama kaming nakatira sa iisang bahay. At ako panigurado ang laging mapagti-trip-an.

"Dos, ano pang hinihintay mo? Maghubad ka na! Sabay na tayong maligo!" sabi sa 'kin ni Jules at nagmamadali na rin niya akong hubaran.

"Ako na Jules! Mauna ka na. Teka, dahan-dahan lang. Wait—" Bago pa ako makasagot ay binuksan na niya ang shower at itinutok sa 'kin. Tuluyan na akong nabasa pati na ang suot kong damit.

"Ayan, ayaw mo pa kasing maghubad eh di binasa na kita. Tayong dalawa lang naman dito saka ngayon ka pa ba mahihiya eh ang tagal ko nang nakita 'yan," nakangising saad ni Jules na ngayon ay tuluyan ng nakahubad sa 'king harapan.

Bigla namang tumayo ang aking balahibo at bahagyang nanginig. "Buwisit ka Julianne! Ang lamig-lamig no'ng tubig saka wala ka bang heater diyan?"

"Nandito naman ako kaya 'di na kailangan ng heater. Ako na lang ang magpapainit sa 'ting dalawa. Mas effective 'yon. Tipid na, libre pa," pilyang sabi pa niya.

'Di ko na siya pinansin pa at hinubad ko na rin ang aking saplot. Nagsimula na akong mag-shampoo at magsabon. Nang sasabunin ko na ang aking likod ay biglang nagsalita si Jules sa likuran ko.

"Ako na, Dos." Iniabot ko na sa kanya ang sabon at bath sponge. Sinimulan na niyang sabunin ang aking likod pababa. Nakaramdam naman ako ng kiliti dahil sa hagod ng kanyang kamay sa aking balat.

"Jules, kanina ka pa ha! Tigilan mo nga ako!" saway ko sa kanya dahil pinisil niya ang aking puwet matapos niyang sabunin ang likod ko.

Binuksan ko na ang shower at nagbanlaw na. Patuloy lang ang paglagaslas ng tubig sa aking katawan ay siya ring biglang paglapat ng katawan sa 'kin ni Jules at niyakap ako mula sa likuran.

Ano na naman kayang nasa isip nito?

Nanatili lang kami sa ganitong posisyon nang bigla niya akong pinaharap sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang ang kanyang kaliwang kamay ay abala sa paghaplos sa aking noo pababa sa 'king leeg.

"Naglalagay ka pa ba ng ointment, Dos? Bakas pa rin 'yong mga peklat mo," mahina niyang sambit.

"Ha? Peklat? 'Di naman na halata dahil maliit lang saka 'di ko pinapansin. Hayaan mo na lang."

Hindi na siya sa sumagot pa at sa halip ay niyakap niya ako nang napakahigpit. Nagtataka ma'y hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na kami sa 'ming paliligo.

***

"Sa wakas, nilabasan na rin kayo este lumabas na rin kayo! Grabeng paliligo 'yan Julianne at Dos, inaabot ng oras. Natanggal ba 'yong mga kati-kati mo, Julianne? At ikaw naman Dos, landi rin muna bago ligo 'no?" sita na naman ni Cami sa 'ming dalawa nang dumating kami.

"Alam mo Camille, mabuti pa sumakay na tayong tatlo. Second subject na natin oh saka speaking of ng tanong mo, nadagdagan lalo 'yong pangangati ko."

"Anong landi na sinasabi mo, Cami? Naligo lang kami ah," mariing tanggi ko at sumakay na kami ni Jules.

"Deny pa sige pero bahala kayo 'di naman ako ang masasaktan," sabay tawa nito at sumakay na rin.

"Ikaw kasi 'yong nananakit kaya paano ka masasaktan," biglang singit ni Jules na kasalukuyang katabi ko sa back seat.

"May araw ka rin, Julianne Red!" at pinaharurot na ni Cami ang sasakyan habang ang katabi ko naman ay nakangisi.

Pagkarating namin ay dumiretso na kami sa 'ming classroom. Kasalukuyang nagdi-discuss ang aming prof. Papasok na kami nang bigla itong huminto sa pagsasalita at napatingin sa 'ming tatlo.

"Nandito na pala ang tatlong magagaling at nangunguna kong estudyante. 'Di ba Ms. Red, Ms. Villacorte and the last but not the least, ang pinakamagaling sa lahat, Ms. Uy?"

Ang OA naman nitong si ma'am. Parang 'di rin naman siya nasarapan sa ginawa namin no'n sa library.

"Ah eh good morning po ma'am. Puwede na ho ba kaming umupo?" walang pakundangang tanong ni Cami.

Bilib talaga ako sa 'yo Cami. Lakas ng loob lagi. Walang sinasanto.

"Walang uupo sa inyong tatlo. Pumunta na kayo sa office ni Mr. Topacio ngayon din. Kanina niya pa kayo hinahanap lalong-lalo ka na, Ms. Uy."

"Okay po ma'am. Pupunta na ho kami," paalam ni Cami at nauna nang lumabas. Sumunod naman kaming dalawa ni Jules.

"Anong problema ni ma'am? Laging badtrip sa 'ting tatlo lalo na sa 'yo Dos. Eh wala naman tayong ginagawa saka magagaling naman talaga tayong tatlo sa klase niya 'di ba?" litanya ni Jules sa 'min ni Cami. Naglalakad na kami ngayon papuntang office ni Topa.

Sumagot naman si Cami. "Malay ko ro'n. Laging mainit ang dugo sa 'tin. Dos, 'di ba natikman mo na 'yon si ma'am? Matagal-tagal din kayo 'no? Two months ba? Buti pala 'di ako sumama no'ng niyaya mo ako noon para tatlo tayo."

Bigla namang napahinto si Jules nang marinig ang sinabi ni Cami at nagtatanong ang mga matang tumingin sa 'kin.

"Camille kasi ang daldal, mamaya may makarinig eh. Anyway, matagal na 'yon. Past is past. Naging gano'n lang naman si ma'am dahil nalaman niyang pinagsabay ko sila ni Ivy. Huwag niyo na lang isipin. Wala na 'yon. Si Cami nga 'yong bestfriend naman ni ma'am ang pinatos," balewalang sabi ko naman kay Jules na 'di pa rin makapaniwala.

'Di na kumibo pa si Jules at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

"Hay nako isang puso na naman ang nasaktan. Try mong uminom ng Del Monte heart smart. Baka sakaling gumaling 'yan. It's good for the heart daw eh." 'Di ko alam kung anong pinagsasabi ni Cami. Parang tanga lang eh.

"Tangina niyong dalawa. Nandito na tayo," gigil na sambit ni Jules at nauna nang pumasok.

Problema nitong dalawa? Parang kanina lang ang ayos nila ah. Mga baliw talaga.

Pagpasok namin ay naabutan namin si Topa na nakaupo habang abala sa mga folders sa kanyang mesa.

"Good morning po sir. Pinapatawag niyo ho kaming tatlo?" Sabay-sabay na kaming umupong tatlo. Pinagigitnaan namin si Cami.

Nahinto si Topa sa pagbubuklat ng folders at nag-angat ng tingin sa 'min.

"That's right, Ms. Villacorte. In fact, tatlong oras ko na kayong hinihintay. Anyway, I also received an emergency message yesterday from your parent. Hinahanap ka dahil hindi ka raw umuwi kagabi, Ms. Dos Uy. This is the second time and I warned you already," seryosong sabi nito lalo na sa 'kin. Tahimik lang na nakikinig ang mga kasama ko.

"Nag-training po kaming tatlo—"

"I don't need your explanation Ms. Uy. You should explain this matter with your parents. This also applies to the both of you. Matatanda na kayo kaya alam niyo na ang mga responsibilities at consequences ng pinaggagagawa ninyong tatlo," baling naman niya kay Cami at Jules.

Sesermunan lang naman niya ata kami. 'Di ata siya napapagod sa 'min.

"Is that all po sir? May klase pa ho kami," matapang na tanong ni Cami.

"I'm aware of that, Ms. Villacorte. Importante rin naman itong sasabihin ko. So here it is, the three of you are currently members of our tennis varsity team, right?

The good news is, our tennis varsity team has a new sponsor. Masuwerte ang university natin dahil sa dinami-rami ng universities dito sa Pilipinas ay tayo ang napili. Napakalaking tulong nito sa inyo."

'Di naman namin napigilang matuwa dahil sa sinabi ni Topa. Napatingin pa ako kay Cami dahil nakaramdam ako ng excitement at gano'n din siya. Ito lang ata ang magandang sinabi niya sa 'min.

"Nakakatuwa 'di ba? But to remind you, naka-pending ang membership niyo dahil sa ginawa niyo last time. So it means 50-50 pa kayo sa inyong membership unless makapag-sign na ang bagong sponsor at mapakiusapan niyo siya. In-assessed na rin kasi niya ang mga current players na member ng team. Any violent reactions?" dagdag pa ni Topa.

Walanghiya ka talaga Topa. Paasa. Buwisit. Ang ayos na pero binawi rin.

"Sir, final na ba 'yan? We are aware of what we did last time but it wasn't entirely our fault why we acted like that. Don't you think that it's a bit unfair for us? We did everything to give pride in this university yet here we are, suddenly become pending players," seryosong sabi ni Jules na ikinatingin namin ni Cami sa kanya.

Kakaiba talaga 'tong mga kasama ko. Buti pala sila ang mga naging kaibigan at kasama ko sa mga ganito.

Huminga muna nang malalim si Topa bago magsalita. "Ms. Red, we appreciate that. Thank you to the three star players who gave pride to our university but—we don't tolerate unruly behaviors in Ashford Imperial University. And everything is fair here, Ms. Red," kalmadong tugon niya sa 'min.

Tuluyan nang napatayo si Jules. "But sir, 'di niyo ba puwedeng i-consider—"

"Like I said a while ago kung nakikinig ka sa 'kin, hindi ako ang kailangan niyong pakiusapan kung di—"

Nahinto si Topa sa pagsasalita nang biglang may kumakatok sa pinto.

"Wait lang, nandito na ata siya—ang new sponsor ng tennis team."

Tumayo na si Topa upang pagbuksan ang sinumang tinutukoy niya habang kami naman ay nakaabang din kung sino ang panauhing 'yon.

"Tingnan mo 'tong si Topacio, diyan pa talaga siya makipag-usap sa may pintuan. Puwede naman niyang papasukin na 'yong letseng new sponsor. Kung itulak ko 'yang pinto nang maipit 'yang leeg niya. Nakakainit talaga siya ng dugo," mahina at gigil na sambit ni Cami.

"Camille, puwede ba, tumahimik ka? Nakakagigil ka rin," at napalingon sa 'min si Jules na mukhang iritado rin.

"Alam niyo kayong dalawa, kanina pa kayo ganyan simula no'ng papunta tayo rito. May problema ba kayo sa isa't—"

"Dos, please? 'Wag ka ng dumagdag pa, okay?" nagpipigil ding pakiusap sa 'kin ni Jules.

Wala naman akong ginagawa ah saka nananahimik lang ako eh. Sila nga 'tong maiingay. Idamay pa ako sa mga kaartehan nila.

Nagkukumpulan na kaming tatlo rito sa loob nang bigla kaming natigil sa aming mainit na diskusyon.

"Everybody sit down, please. May I introduce to you the new sponsor of Ashford Imperial University's tennis team—"

Mabilis kaming napalingon kay Topa lalo na kasama niya ngayon. Para na kaming tinakasan ng aming mga kaluluwa sa nakikita namin ngayon.

"Qué horror."

"Ay dios mio."

"Oh my god."

'Yan lang ang tangi naming nasambit at wala ng lumabas pang mga salita sa aming bibig.

"Ms. Red, Ms. Villacorte and Ms. Uy, nakikinig ba kayo?" pukaw ulit sa 'min ni Topa ngunit para pa rin kaming bingi kaya nakarinig na lang kami ng isang malakas na hampas sa kanyang mesa. Dito lang kami natauhan.

"Ah opo sir. Nakikinig po kami," alanganing sagot ni Cami.

"What did I say, Ms. Villacorte?" Nagsisimula na siyang mainis habang ang katabi niyang nakatayo ay blangko lang na nakatingin sa 'min.

"We knew her already," balewalang saad naman ni Jules.

"Yes sir," ang tangi kong naisagot. Wala akong masabi saka kinakabahan ako. Sana pala umalis na kami no'ng kausap pa siya ni Topa kanina.

Napailing na lang si sir sa 'min. "Dahil lumilipad ang isip niyo kanina ay uulitin ko ang aking sinabi." Bumaling ulit siya sa kasama at ipinakilala ito sa 'min.

"This is Ms. Tokugawa, the new sponsor of Ashford Imperial University's tennis team. She is also an owner of one of the biggest shipping companies in Japan and Philippines."

"That's enough, Mr. Macario Topacio," tipid nitong sabi na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Topa. Ito namang si Topa wagas kung makatingin sa kabuuan nito. Simpleng manyakis ka pala Topa.

"Ryota, hand over the documents I signed to him," malamig pa rin nitong sabi sa kanyang bodyguard na lumapit din agad at ibinigay ang isang folder.

"Thank you very much Ms. Tokuga—"

"Can you leave us for a moment, Mr. Topacio? I badly want to talk with them, privately," mariing utos niya pa. Sasagot pa sana si Topa ngunit seryoso na siyang tiningnan nito sa mata.

Dali-daling iniligpit ni Topa ang mga folders sa kanyang mesa kasama ang folder na ibinigay sa kanya saka mabilis na umalis.

Nang makaalis na si sir ay lumapit na siya sa gawi ko at nakatayong sumandal sa mesa saka humalukipkip. Katapat ko siya ngayon.

Bahagya naman akong napaatras dahil kaunti na lamang ang aming pagitan. Nakaramdam na naman ako ng kaba at wala sa sariling napalunok nang mapagmasdan ko ang kanyang kabuuan.

"May pag-uusapan pa ba tayo? O puwede na kaming bumalik sa 'ming mga klase?" basag ni Jules sa katahimikan.

"The two of you, get out...now," sagot niya kay Jules ngunit sa 'kin siya nakatingin.

Susugurin na sana siya ni Jules nang mabilis itong napigilan ni Ryota. Sinenyasan na niya ang kanyang limang bodyguards at walang ano-ano'y kinaladkad ang dalawa kong kaibigan.

Susunod na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso.

"What do you want?" pabalang kong tanong sa kanya. 'Di na niya kami tinigilan. Lalo na ako.

"You."

Ito na naman siya sa mga ganito niya. Hindi ba talaga siya nagsasawa sa 'kin? Wala naman siyang mapapala kung ganito talaga ako.

"Seryoso ako. Ano bang gusto mo para lang tigilan mo ako? Gagawin ko agad. Sa paraang gusto mo."

Mabilis niya akong hinila palapit sa kanya at tinitigan ako sa mata kasabay nito ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa lapit namin sa isa't isa ngayon. Hinihintay ko siyang sumagot ngunit niyakap lang niya ako nang mahigpit.

"Mas seryoso ako. Wala akong ibang gusto. Ikaw lang."

Agad ko siyang itinulak. "Puwes, hindi kita gusto! Kaya puwede ba, tantanan mo na ako!" sigaw ko sa kanya dahil 'di pa rin siya natitinag.

Bigla naman siyang natawa. "Hindi raw gusto pero enjoy na enjoy sa mga halik ko," nakangisi niya pang saad.

Ang matandang 'to napaka-feeling din eh. Akala niya madadala niya ako sa paganyan-ganyan niya.

Ay 'di nga ba Dos? Ba't no'ng hinalikan ka ni Julianne, siya ang nasa isip mo?

"Ba't natulala ka na diyan? Sinasabi ko na nga ba. Umuwi ka na sa mansion mamaya. Hihintayin kita."

Bigla naman akong bumalik sa aking katinuan. "Ano?! Ayoko nga! Basta tigilan mo na ako."

"Okay. Madali akong kausap. Sasabihin ko na kay Mr. Topacio na tuluyan na kayong tanggalin sa tennis team lalo ka na," malamig niyang sabi. Akmang aalis na siya nang mabilis ko siyang hinawakan sa damit.

"Oo na uuwi na ako. Basta 'wag mo na kaming ipatanggal sa team," pakiusap ko sa kanya.

Kahit labag man sa loob ko 'tong ginawa ko ay kailangan kong gawin dahil napakahalaga ng tennis sa 'ming tatlo.

"I'll think about—"

"Please? Gagawin ko lahat basta pumayag ka lang," pagmamakaawa ko pa rin.

"Then be ready. Always. See you later, don't be late," at mabilis niya akong siniil ng halik.

Ilang saglit lang ay umalis na siya habang ako'y naiwang nakatulala at napahawak na lang sa 'king dibidib.

***

Gabi na nang matapos ang aming training. Pauwi na ako kasama ang limang bodyguards. Gusto ko na tuloy matulog dito sa loob ng van dahil sa matinding pagod.

Didiretso na sana kami nang biglang maalala ko na may kailangan pa pala akong bilhin.

"Ryota, puwede bang dumaan muna tayo sa mall? Saglit lang ako," sabi ko sa aking katabi.

"Alas-otso na ng gabi Señorita Dos. Hinahanap ka na ni Shizuka-sama. Kailangan na nating umuwi," pormal na sabi niya at ibinaling na ulit ang kanyang tingin sa daan.

"Mabilis lang ako, promise. May kailangan lang talaga akong bilhin," pamimilit ko pa rin kay Ryota.

Tiningnan niya muna akong maigi sa mata bago sa kanyang relo.

"Hideki, sa mall muna tayo. May bibilhin si Señorita Dos," utos niya sa 'ming driver.

Buti naman at pumayag din siya 'di tulad no'ng amo nila na andaming alam.

Ilang saglit lang ay huminto na ang sasakyan at nauna nang lumabas si Ryota.

"Genzo, sumama ka," pahabol pa nitong si Ryota pagbaba ko. Naglakad na kami papasok ng mall habang ang aking mga kasama ay nasa gilid ko.

Pagpasok ko ay mabilis akong tumakbo paakyat ng escalator. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa 'kin ngunit 'di ko na sila nilingon pa.

Hinihingal na pumasok ako sa isang store at mabilis na naghanap ng robot kit para sa 'ming project nina Cami at Jules.

Mga buwisit, ako na raw ang bumili at gumastos para naman daw may ambag ako sa 'ming tatlo.

Nang makuha ko na ang mga kakailanganin naming materials ay nagbayad na agad ako. Sumunod ay pumunta ako sa isang department store at nagtingin-tingin ng kung ano-ano.

Ang papangit naman tapos ang mamahal pa.

Umalis na ako. Habang naglilibot ay napadaan ako sa isang pet shop. Lalampas na sana nang biglang mahagip ng paningin ko ang isang goldfish.

"Miss, magkano itong goldfish?" tanong ko sa babaeng staff pagpasok ko sa loob.

"Three thousand five hundred po 'yan ma'am. Last na po naming goldfish 'yan," tugon nito.

Ang mahal naman pero ang tagal ko ng gustong magkaroon ng pet na isda saka matagal na akong naghahanap ng goldfish. Bahala na nga.

"Sige miss, bibilhin ko na." Inasikaso na agad niya ito habang ako nama'y naghihintay. "Pakidagdag na rin 'yong iba pang kailangan kung meron man."

Iniabot ko na ang aking credit card sa kanya upang makapagbayad na.

"Ma'am ito na po. Maraming salamat po," at iniabot na niya sa 'kin ang aking credit card at mga pinamili ko.

Maingat kong bitbit ang plastic na naglalaman ng aking bagong pet na goldfish. 'Di ko na rin namalayan na marami na akong dala.

Nasaan na ba 'yong dalawang kasama ko? Naligaw na ata.

Aalis na sana ako nang maalala ko ang pinapabili pa sa 'kin ni Cami dahil may atraso raw ako sa kanya. Akala ata nila sa 'kin sugar mommy.

Nang mabili ko na ang pinapabili ni Cami ay nakaramdam na ako ng gutom. Pagod na pagod na rin ako.

Nasa tapat na ako ng Mcdo nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Señorita Dos, uuwi na tayo. Pasado alas-nuebe na ng gabi. Kanina ka pa hinahanap," hinihingal na sabi ni Ryota.

"Nagugutom ako. Kumain muna tayo."

"Señorita, mabuti pa nga. Ako na ang magdadala ng mga pinamili mo. Hihintayin ka na lang namin dito sa labas," nakangiting sabi naman ni Genzo at kinuha na sa 'kin ang mga dala ko.

"Genzo! Hindi puwede. Kailangan na nating iuwi si Señorita Dos," suway dito ni Ryota.

"Alam niyo, kumain na lang tayong tatlo. Samahan niyo na ako. Tara na," yaya ko sa kanila. Papasok na ako ng Mcdo nang maramdaman kong 'di sila sumunod.

"Ayaw niyo ba talaga? O baka may iba kayong gusto?" pasigaw kong sabi sa kanila.

"Ah eh Señorita, meron akong alam na mas masarap at mura lang," alanganing sabi ni Genzo.

"Genzo, baka hindi malinis at maayos—"

"Doon na tayo!" Napangiti si Genzo at siya na ang naunang naglakad sa 'min.

Huminto kami sa isang ramen shop at pumasok na. May iilan na lang na kumakain dahil gabi na. Simple at tahimik lang sa loob ng restaurant.

Umupo na kami at namili na sa menu. Wala naman akong maintindihan sa nakasulat. Buti na lang ay may larawan sa gilid nito.

"Señorita Dos, ayaw mo bang sa mansion na lang kumain? Maipaghahanda ka naman ni Chiyo ro'n," makulit pa ring sabi ni Ryota.

"Ryota, chill ka lang. Nandito na tayo saka gutom na si Señorita at niyaya na niya tayong samahan siya kaya wala na tayong magagawa kung di samahan siya 'di ba Señorita?"

"Kaya nga Ryota. 'Wag ka ng mag-alala. Minsan lang naman 'to saka first time rin na makasama ko kayo kaya hayaan mo na," segunda ko kay Genzo.

"Basta kapag may nangyari kay Señorita Dos, ikaw Genzo ang mananagot."

Sasagot pa sana si Genzo nang sumabat na ulit ako.

"Alam niyo, mabuti pa ipag-order niyo na lang ako dahil wala akong alam sa mga pagkain dito saka kayo ng bahala kung anong gusto niyong kainin. Ako na ang magbabayad," at inilapag ko na ang aking credit card.

"Genzo, ipagtake-out mo na rin 'yong tatlo niyo pang kasama," pahabol ko sa kanya nang mag-oorder na ito.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang aming mga in-order at inihanda na nila ito sa 'kin.

"Itadakimasu!" sabay nilang sabi habang ang kanilang mga kamay ay magkadikit sa harap ng kanilang dibdib at kumain na. Tumango na lamang ako.

Kakain na rin sana ako nang mapagtanto kong paano pala ako makakakain eh chopsticks ang nandito.

"Genzo, wala ba silang kutsara o tinidor dito? 'Di ko alam gumamit ng chopsticks," alanganin kong tanong. Natigil naman ito sa pagkain at saka tumayo. Bumalik rin agad siya na may dalang kutsara't tinidor.

Nagpatuloy na ulit kami. Unang subo ko pa lang sa ramen ay ginanahan na akong kumain dahil tama nga si Genzo na masarap nga rito. Kahit silang dalawa ay ganadong-ganado rin sa pagkain.

Parang ang tagal ata nilang 'di kumain ah lalo na itong si Ryota na parang kanina lang ay ayaw pa.

Nakaramdam naman ako ng uhaw kaya mabilis kong kinuha ang isang bote na in-order din ni Genzo na may nakasulat din na 'di ko alam. Bubuksan ko na sana ito nang mabilis niya akong pinigilan.

"Teka lang Señorita, 'di ganyan ang tamang pag-inom sa inuming 'yan. Nasubukan mo na ba ito? Kung 'di pa, ganito," at kinuha niya sa 'kin ang bote at iniabot sa 'kin ang isang maliit at babasagin na mangkok.

"Genzo, ba't ka nag-order ng ganyan? May balak ka bang painumin siya niyan? Baka mamaya malasing siya dahil mas mataas ang alcohol content niyan kaysa sa ibang wine. Hindi puwede si Señorita Dos diyan, mayayari tayo kay Shizuka-sama kapag iniuwi natin siyang lasing," mariing tutol ni Ryota.

Nalilito naman ako sa kanilang dalawa dahil wala talaga akong kaalam-alam sa mga pinagsasabi nila lalo na sa hawak kong mangkok.

"Ha? Alak ba 'yang nasa bote? Eh bakit mangkok? Para saan ba 'to? Baka naman sawsawan talaga 'yan ng ramen."

"Señorita Dos, sake ang tawag sa inuming 'yan o Japanese rice wine. Mas mabuti kung magju-juice ka na lang o tubig kaysa—"

"Señorita, please lift your cup—'yang tinatawag mong mangkok. At ikaw Ryota, gusto mo rin ba? O magju-juice ka na lang?" pang-aasar ni Genzo sa katabi ko.

Sinamaan lang siya nito ng tingin. Dahan-dahang nagsalin sa aming mga mangkok si Genzo. Nang masalinan niya ang akin ay agad ko itong nilagok na parang isang shot ng alak.

'Di naman sila makapaniwalang nakatingin sa 'kin at nailing-iling na lang si Genzo sa 'kin.

"Señorita, 'di gano'n ang tamang paraan ng pag-inom ng sake pero kumusta ang lasa? Masarap ba?" puna na naman sa 'kin ni Genzo habang si Ryota naman ay kumakain na ulit.

"Salinan mo ulit ako. 'Di ko alam kung anong lasa saka para namang tubig itong sake na sinasabi niyo," tugon ko at kumain na ulit.

"Nilagok mo kasi agad. Maapektuhan ang lasa no'n kapag gano'n. Dapat para ka lang umiinom ng tsaa o wine kapag iinom ka ng sake," paliwanag muna niya saka ulit nagsalin.

May mga tamang paraan pa pala sa mga ganito. Iinumin din naman.

"Kanpai!" masayang sigaw ni Genzo at itinaas na ang mangkok niya. Gayundin si Ryota kaya ginaya ko na rin sila. "Kanpai!" at sabay-sabay na kaming uminom tulad ng sabi ni Genzo sa 'kin.

Mas okay nga 'yong lasa ng sake kapag dahan-dahang ininom. First time ko kasing masubukang magdine-in sa isang ramen shop kaya wala akong alam.

"Inaantok na ako. 'Di pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa aking mga kasama dahil nahihilo na ako. Halos matagal na rin kami rito at malalim na ang gabi.

"Ito na nga ang sinasabi ko Genzo, tara na. Mag-aalas once na ng gabi. Paniguradong 'di na tayo sisikatan ng araw nito bukas at baka nakakahon na tayo mamaya dahil sa ginawa natin kay Señorita Dos," mahabang sabi ni Ryota at inalalayan na niya akong tumayo habang si Genzo naman ay kinuha na ang aking mga pinamili pati ang take-out na pagkain.

May isinigaw pa muna silang dalawa bago kami tuluyang umalis sa ramen shop. Halos nakayakap na ako kay Ryota nang tuluyan kaming makalabas ng mall. Wala na gaanong mga tao at tahimik na ang paligid. Nakaramdam na rin ako ng lamig.

"Señorita, ang dami mong mga pinamili. Ano ba ang mga ito?" tanong ni Genzo habang kami ay naglalakad patungo sa parking lot.

"Ano 'yan...mga ano goldfish...condom...lubricant," paputol-putol kong sagot dahil sa nahihilo ako.

"Ah! Gagamitin niyo ba ni boss Shizu—"

"Nandito na tayo Señorita Dos," at iniupo na niya ako sa sasakyan. "At ikaw Genzo, ang magpapaliwanag kung ba't tayo ginabi ng uwi kung ayaw mong makarating kay Shizuka-sama 'yang mga pinagsasasabi mo tungkol sa kanya. Maliwanag ba?"

"Pero Ryota—"

"Give me your gun and turn around then kneel down," maawtoridad na utos ni Ryota habang si Genzo nama'y nakikiusap na tumingin sa 'kin. Kinuha na rin ng iba pang bodyguards sa kanya ang mga pinamili namin.

Nag-iwas lang ako ng tingin at bumaling sa tatlong naiwan. "May mga pagkain kaming binili diyan. Kainin niyo na. Genzo, ikaw na ang mag-drive. Sa mansion niyo na lang ituloy 'yang pinag-uusapan niyo ni Ryota, umuwi na tayo," at pumikit na ako.

***

"Señorita Dos, Señorita Dos, nandito na po tayo sa mansion," patuloy na sabi ni Ryota nang magising ako.

Nauna na itong bumaba saka ako inalalayan palabas. Nauna na kaming pumasok sa mansion. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay nakarinig na agad ako ng sigaw. Boses pa lang ay nagising na ang diwa ko.

"Sa wakas! Umuwi at nagpakita na rin ang nag-iisang Dos sa angkan ng mga Yu. Alam mo ba kung anong oras na ha? Kanina pa ako naghihintay dito at buti na lang naimbento pa ang orasan at kung hindi? 'Di ka na uuwi?" nanggigil na bulyaw niya sa 'kin at mabilis na lumapit habang dala ang kanyang pamalong stick.

"Ma, puwede bang—"

"Nambabae ka na naman ba ha Dos? Ba't nakasando ka—Teka! Nasaan ang tattoo mo sa dibdib?" naghihinalang tanong ni Mama habang tinitingnan ang aking kabuuan.

"Ma—"

"Ryota, Hideki, Genzo, Shiro at Toshi! Ba't ngayon lang kayo?! 'Di ba dapat bago mag-alas-otso ay naiuwi niyo na si Dos?" galit na galit na sigaw niya sa limang bodyguards.

"Madame Yuriko, sinamahan po namin si Señorita Dos sa mall dahil may binili po itong mga—"

'Di na natapos ni Ryota ang sasabihin nang biglang hinablot ni Mama ang hawak nitong plastic.

"Condom at lubricant sa ganitong oras? Inabot kayo ng gabi dahil lang dito? At ano itong—"

"Ma! 'Wag 'yang goldfish ko!" at mabilis kong kinuha ang plastic kay Mama.

Kinausap muna ni Mama ang limang bodyguards at pinaalis na. Bumaling naman siya sa 'kin.

"Ikaw, bumili-bili ka pa ng mga ganito eh ang daming ganyan sa fourth floor saka anong gagawin mo diyan? May boyfriend ka na ba?" parang tangang sabi ni Mama.

"Ma, puwede bang bukas na lang tayo mag-usap? Wala na rin pala akong pera Ma. Naubos sa project namin," pag-iiba at palusot kong sabi.

"Anong ginagawa kung wala ng pera ha, Dos? Saka anong project niyo? 'Yang condom at lubricant? O baka naman 'yang goldfish mo?" sarkastikong saad niya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Ma naman kasi, eh di hihingi sa Mama. Kanino pala ako hihingi? Matutulog na ako. Goodnight Ma," paalam ko at akmang paakyat na ako ng hagdan nang hablutin ulit ni Mama ang aking damit.

"'Do'n ka humingi sa asawa mo. Teka, kumain ka na ba? Tatawagin ko 'yong dalawang—magpalit ka ng damit Dos! Mag-uusap tayo bukas!" pahabol pa ni Mama nang tumakbo na ako palayo.

Pagpasok ko sa aking kuwarto ay 'di na ako nag-abala pang magbukas ng ilaw at dumiretso na sa cr. Naghilamos at nagsepilyo saka nagpalit nang pambaba dahil tinatamad na akong mag-shower.

Paglabas ko ng cr ay hinubad ko na lahat ang aking pang-itaas at pinakiramdaman ang aking kama. Nang lumapat na ang aking likod sa malambot na kama ay awtomatiko na akong napapikit at nagkumot.

Sa wakas, makakatulog na ako nang mahimbing.

Patulog na ako nang biglang may pumatong sa 'king ibabaw. Kinapa ko agad ang lampshade sa gilid. Pagbukas nito ay tumambad sa 'kin ang mukha ng bestfriend ni Mama. Namumungay ang mga mata nito.

Nakatitig lang kami sa isa't isa nang bigla niya akong siniil ng halik. Napayakap na ako sa kanya at tinugon din ang kanyang halik.

Napapikit na ako dahil nadadala na ako sa kanyang mga halik. 'Di ko na rin napigilang mapaungol kaya mas lumalim pa ang aming halikan.

Patuloy lang kami habang ang kanyang kamay ay nagsisimulang ng maglakbay sa aking dibdib pababa. Napapaliyad na ako dahil sa kiliting dulot ng bawat haplos niya sa 'king balat. Nagiging mainit na ang aking pakiramdam nang nagsisimula na siyang gumalaw sa ibabaw ko at tila parang may tumutusok sa aking harapan.

Mabilis akong humiwalay sa kanya para sumagap ng hangin at pakalmahin ang aking dibdib na sobrang bilis ng tibok.

"Dos," mahinang sambit niya habang hinihingal din. Nakatingin lang siya sa 'king mga mata ngunit nag-iwas ako ng tingin dahil lalong tumitindi ang tibok ng puso ko.

Ano ba 'tong ginagawa mo Dos?

'Di pa ako nakakabawi ay pinaharap na niya ako sa kanya at sinunggaban ulit ako ng halik ngunit mabilis ko itong pinutol.

"You can do whatever you want to me but for now can we..."

"What?"

"Sleep? Promise."

Bahagya naman siyang ngumiti at sumagot.

"Okay. Tomorrow. Goodnight."

Natulog kaming magkayakap at nakatalukbong sa iisang kumot.

P.S. Sorry for the late update. Unedited.

次の章へ