webnovel

I Love You

C3. I Love You

"PUMAYAG SIYA?!"

Tumango ng masaya si Lourd sa sinabi ko.

At heto naman ako, di makapaniwalang nakatingin kay mama na ngumiti at kumindat pa sa'kin. Napasapo tuloy ako sa noo ko.

"May sinabi pa siya sa'yong iba?"

Lourd Henares put his fingers on his jaw and nodded. "Iingatan daw kita, lalong-lalo na pag naging tayo. Di daw dapat kita papakawalan. Hindi ka sasaktan. Mamahalin ka ng sobra. At ipapakita ko sayo araw-araw kung gaano kita kamahal." He genuinely smiled at me. Wala yung halong pagbibiro at buo iyon. My heart skipped alot. Lalong tumambol ang puso ko nang bigla niyang ilapit ang mukha sa mukha ko. I thought he would kiss me, pero nasa café pa naman kami at alam kong may hiya pa siya lalong-lalo na nakatingin si mama at ang dalawa naming trabahante sa amin. Pinagkatitigan niya ang mukha ko bago niya ilapit ang bibig sa tenga ko.

"I love you."

That struck me for a while. I blushed at umiwas ng mukha sa kanya. Tinignan ko nalang ang labas na may magandang view. Hindi naman 'to mala-bundukin, pero dahil ang tindahan namin ay napapalibutan ng buildings, maganda ang view tignan lalo na ngayong gabi.

Ang before I forgot, dahil wala naman akong relo, tumingin ako sa wall clock namin na nasa dingding ng counter at nakita doon ang oras. It's already 7 pm.

Nakalayo na ang mukha ni Lourd pero nasa akin parin ang mata niya. Tila masaya siya sa view na tiningnan kahit mas maganda pang tignan ang city na nasa labas at puno nang ilaw. Nakasandal siya at humakuliplip.

Ngumiti ako at nagtanong, "Di ka na ba aalis? Diba may banda ka pa?"

Nanlaki ang mata niya. "Alam mo na kasali ako sa banda?"

"Oo."

"Pa'no?"

"Rumors." Di ko na sinabi ang totoo.

"Ahh," he nooded na kumbinsido. "Wanna go with me?" He said that na nagpagulat sa'kin. Tama nga silang Lyn, aanyahan talaga ako ni Lourd sa raket niya.

"Osige." Sabi ko.

"Kain muna tayo?"

Tumango ako.

Tumayo siya at nagpagpag ng pants bago naglahad ng kamay sa'kin.

"Tara?"

Taka kong tinanggap ang kamay niyang nakalahad. "Saan?"

"Sa langit." Binatukan ko tuloy ng malakas. Kainis eh, anong langit?! Magpapakamatay ba kami ha?!

"Langit ka dyan." Inirapan ko siya ng may maisip na iba sa word na langit.

Tumawa naman ang loko at ginulo ang buhok ko. "Kakain tayo sa isang restaurant, pagdalhan natin si mama."

"Mama?" Tiningala ko siya. Ang taas kasi, hanggang leeg lang ako.

"Oo. Mama natin." Tinuro niya si mama na nasa counter. Nagulat pa ako. Gagi siya! Anong mama?! Mama ko yan gag0!

"Osige mama natin..." Napangisi pa siya ng malaki sa sinabi ko. "So hindi na kita manliligaw, kapatid na kita." Napanganga siya sa sinabi ko. HAHAHAHA! Umuna na akong maglakad at lumapit kay mama para magpaalam. Pumayag naman siya.

Pumunta kami sa malapit na kalenderya. Kahit ang gusto ni Lourd ay doon sa restaurant, ay hindi ako pumayag. Pasalamat siya at mayaman siya kaya wala siyang poproblemahin tungkol sa pera. Eh ako naman, hindi naman mahirap, pero hindi rin ako magastos. Namuhay kami ni mama na parang gaya lang ng mga taong ito na bumibili rin ulam sa kalenderya. Masarap kaya dito kaya dito ko pinili na bumili.

Tinignan ko ang mukha ni Lourd. Ngumiwi siya ng malamang dito kami kakain.

"Ano ka ba! Masarap dito gagi! Promise." Sabi ko at sinuntok ng mahina ang braso niya.

Napa-aray naman siya dahil sa suntok ko, "masakit ha."

"Luh? Masakit pala?" Di ako naniniwala tse.

"Oo. Lakas mong sumuntok babe. Siguro dahil spiker ka kaya ganyan." Ngumiwi pa siya habang hinahaplos ang sinuntok kong braso. Umirap nalang ako at pumili ng pagkain na aming kakainin.

次の章へ