webnovel

Chapter 3

Dear bro.

Alam mo bro, di ako mapakali ngayung araw.

Isipin mo, yung taong hinahanap hanap ko nuon, tumawag sakin kanina?

Grabe yung excitement ko bro.

share ko lang.

Ma e post ko nalang sa fb. 😂

At ayan na naman, nagsisimula na naman akong mag sulat nang diary ko.

Di ko naman kasi maaaring sabihin sa kahit na sino ehh. Mapagkamalan pa akong baliw.

Anyway, katawagan ko na lage sa phone yung tumawag sakin na nagsasabing siya nga daw siya. Nakaw oras na nga yun sa trabaho at tsaka sa gf ko ehhh.

Pero anong magagawa ko ehhh masaya ako sa kabaliwan na ginagawa ko.

MY POV:

Nag titext kami ngayun nang gf ko.

Ako: nasa school ka na bhozz?

gf: oo, papraktis kami ngayun. Nag agahan ka na?

ako: hindi pa , maya na ata ako kakain, lunch break. Baka bakante ka?

gf: bakante saan?

ako: yayain sana kita, kain tayo sa labas ako bahala.

gf: lunch?

ako: hindi, dinner. malamang nuh? uuwi ka after class, tas dinner kita ilalabas? asan utak?

gf: pilosopo! okay, sunduin moko sa bhouse nang bestfriend ko.

ako: sure. 11:30 out na ako.

gf: 12 pa out nang last sub. ko.

ako: ok lang yan, babyahe pa naman ako.

gf: ok.

Magkikita kami ngayun nang gf ko.

Ilalabas ko siya, pambawi naman sa kanya.

Strict yung parents nang gf ko kaya wala kaming masyadong closure, and di pa ako nakapunta sa kanila.

11:30 na, palabas na ako sa work at pupunta nang downtown. Medyo malayo kasi tong location ko sa downtown kasi crusher tong pinapasukan ko. Nasa office ako na assign. Ewan ko ba, labor lang naman sana yung inaplayan ko, pero 3 days lang, promoted na agad.

"Dem, tawag ka ni sir." palabas na sana ako nang office nang tinawag ako ni kuya Ran.x. Siya yung dispatch officer. Ako naman all aroud sa office. Ang tinutukoy niyang sir ay si manager namin.

"bakit daw kya? Lalabas sana ako." sagot ko sa kanya.

"ewan?" nagkibit balikat lang siya kaya ako pumuntang office ni manager.

Nandito na ako sa pinto. Kumatok muna ako, bago pumasok.

" sir, pinatawag niyo daw po ako." saad ko.

"Lalabas ka ba?" tanung niya sakin.

"opo sir."

"pakidala nitong request papers, may pirma ko yan, ikaw na kumuha nang pera." iniabot niya yung request paper para sa main office sa may downtown. Cash request yun na nagkakahalaga nang 1.6Million. Kinakabahan ako, pero ok lang, atleast may rason ako kung di ako maka balik nang maaga. Pede kong e extend yung oras ko para sa date namin.

" pa downtown ako ngayun sir, didiretso ko nalang sa main." dadalhin ko yung van?" tanung ko kay sir.

"downtown ka kakain?" tanong ni sir.

" opo sir. May lunch date ako ehhh." nahihiya kong sabi.

"kaya pala mabango ang binata namin, eto na lang dalhin mo. Tsaka eto, dagdag budget. Basta walang gagawing milagro sa kotse." nakangiting inabot ni sir yung susi nang kotse niya atsaka nag abot nang 1k. Ang bait naman tsaka supportive na manager. haha.

" hala sir, ang laki naman nito, ok na yung kotse ehhh" pakipot pa ako.

" sus, wag nang mag inarte. Lakad na at baka magutom pa yung ka date mo. Basta wag mong kalimutan yung pera, maaga kaming aalis bukas."

At yun, pinagtabuyan na ako. May lakad pala sila bukas para mamili nang mga gamit sa crusher.

Nag babyahe na ako papuntang downtown, and going to the place na nag hihintay yung magandang dilag ko.

次の章へ